Sa isang madilim, malamig at walang kalaman laman na kuwarto. Na kung saan, manginginig ang kahit na sinong nasa loob dahil sa napakalamig na hangin na dahan dahang dumadampi sa kanilang mga katawan.
"Ito ba ang interrogation room?" Makikita ang pagdududa sa mukha ni Luo Feng habang tinitingnan niya ang paligid ng silid "Inilagay nila ako sa isang madilim na kuwarto at tinodo nila ang aircon nito, sinusubukan ba nilang gamitan ako nang isang uri ng psychological warfare?" Nanalo na si Luo Feng bago pa man magsimula ang interrogation!
Pumasa na si Luo Feng sa kanyang prospective fighter exam, kaya hindi na siya natatakot sa ano mang klase nang pagpapahirap ang gawin sa kaniya ng mga pulis.
Sa labas ng security room, mangilan ngilang pulis ang nakatingin sa kuwarto kung nasaan si Luo Feng gamit ang kanilang mga cctv camera. Ang isa sa mga babaeng pulis ang nagtatakang nagtanong: "Sir, bakit po parang hindi nilalamig ang batang ito? Pangkaraniwan na hindi magtatagal ng kalahating oras sa loob ng silid na iyan ang mga nilagay natin diyan noon. Mabilis silang natataranta sa sobrang lamig"
"Huwag mong maliitin ang batang iyan! Nakalagay dito sa kanyang profile na isa siyang elite member sa dojo! At nagawa niya ring talunin ang apat na kapwa niya elite members nang sabay sabay!" sagot ng kalbong pulis habang ito ay tumatawa.
"Isa laban sa apat? Napakalakas ng taong ito! Hindi kaya isa siyang prospective fighter? At kung isa nga siya ay malaking problema ito para sa atin" sabi ng isang batang pulis.
"Hindi siya isang prospective fighter, malinaw iyong nakalagay sa profile niya"
Agad namang tumayo ang kalbong pulis at sinabing "Halika na Xiao Yang, sumama ka sa akin sa pagiinterview sa batang ito."
"Opo sir"
...
Kalahating oras nang naghihintay si Luo Feng sa loob ng interrogation room.
"Nandito na kayo?" Nakangiting bati ni Luo Feng habang nakikita niyang papasok ang dalawang pulis.
Natakot ang kalbong pulis sa kaniya dahil napakakalmado pa rin nito matapos ang mahabang oras na nakababad sa napakalamid na temperatura. Pumasok siya kasama ang isang batang pulis at umupo sila sa interrogation desk katapat ni Luo Feng. Nakangiti nitong sinabi "Pasensiya na sa paghihintay, marami kasi kaming ininterrogate mula kanina, kaya ngayon ka lang namin naasikaso"
"Walang problema" sabi ni Luo Feng bago ito magtanong nang "Anong nangyari sa tatlong trabahador, nasaan na sila?"
"Pinauwi na naming sila" mukhang mabait ang matandang pulis sa kaniya.
Tumango si Luo Feng.
Sa kasong ito, si Luo Hong Guo at ang kanyang mga kasamahan ay ang talagang mga biktima kaya hinayaan na nila ang mga ito.
"Ang lahat ng mga testimonya ng mga trabahador ng remodeling company at ni Zhang Hao Bai kasama ng kanyang mga bodyguard ay laban sa iyo. Anong masasabi mo rito?" tanong ng kalbong pulis habang nakatingin ito kay Luo Feng. Pangkaraniwan na para sa kanila na agad agad na magpapaliwanag ang suspek na kanilang iniinterrogate kapag narinig nilang hindi pabor sa kanila ang testimoniya ng mga saksi.
Nakangiting sagot ni Luo Feng: "Wala naman, Si Zhang Hao Bai at yung tatlong mokong na kasama niya ba kamo? Mga asungot iyong mga iyon! Nagawa nilang saktan ang tatay ko kaya tinuruan ko lang sila ng leksiyon"
"Hm?" Natulala ang kalbong pulis at ang kasama nitong batang pulis.
[BLAG!] Hinampas ng batang pulis ang lamesa sa harapan nila at nagsimulang manermon "Umayos ka Luo Feng! Nasa presinto ka kaya tigilan mo iyang pagiging arogante!"
"Arogante? Sinasabi ko lang naman yung mga nangyari ah" nakangiting sabi ni Luo Feng "Ok, iyon lang ang masasabi ko"
Nagsimula nang sumimangot ang kalbong pulis at sinabing "Hindi ka matutulungan nang pagiging arogante mo sa kasong ito bata. Sinadya mong saktan ang mga taong iyon kaya hindi na ako magtataka kung makulong ka man sa loob ng ilang taon. Kaya mas mabuti pang ipaliwanag mo na sa amin ang buong nangyari"
"Wala na akong sasabihin pa" sabi ni Luo Feng habang nagkakamot ito ng ulo niya.
Matapos nito ay tiningnan niya ng maigi si Luo Feng na nanatiling tahimik. Matapos nito ay ikinaway na niya ang kanyang kamay at sinabing "Sige, sana lang hindi mo pagsisihan itong ginawa mo. Alisin niyo na ito rito!"
Ngumiti si Luo Feng habang patayo ito. Dalawang lalaking pulis ang mabilis na pumunta sa interrogation room at sapilitang nilang binitbit si Luo Feng.
������������
Ang kulungan sa Zhi-An region ay matatagpuan sa tabi ng presinto. Napakalakas ng impluwensiya ng mga fighters sa lipunan na nagresulta sa maraming kaso ng bugbugan at sakitan kaya maraming tao ang nakakulong dito ngayon. Ang bawat rehiyon ay may sari sarili nilang mga kulungan para sa mga taong nagkasala sa batas at ngayong araw ang araw kung saan papasok si Luo Feng sa isang kulungan.
Matapos magpalit ng kanyang gray uniform ay ipinasok na ng mga bantay si Luo Feng sa kanyang selda at ikinulong.
"Room 299, andito na tayo sa selda mo. Pumasok ka na" itinulak ng bantay si Luo Feng papasok sa loob at isinara na nito ang selda. Marami sa mga nakakulong dito ay mga magnanakaw, drunk drivers, mga napasabak sa gulo at mga kriminal na naghihintay ng kanilang mga hearing.
Pangkaraniwan sa lugar na ito ang kaso na katulad ng kinakaharap ni Luo Feng.
Sabihin na nating may naganap na isang maliit na sakitan sa pagitan ng iilang mga tao. Kung maitataas ito sa korte ay maaaring mahatulan si Luo Feng ng pagkakakulong ng ilang taon. At ang tanging rason dito ay hindi siya isang prospective fighter.
Sa loob ng selda.
"Huh, may bago nanaman tayo ngayon?" sabi ng isang matipunong lalaki na punong puno ng tattoo sa kanyang buong katawan habang nakahiga ito sa kama. Nasa tabihan niya naman ang isang matandang lalaki na binibigyan siya ng masahe. Tumingin ang matipunong lalaki kay Luo Feng at sinabing "Buto't balat ka lang bata. Pero ayos lang iyan halika rito at apak apakan mo ang binti ko!"
Nagtataka niyang tiningnan ang kalbong lalaki. Narinig na niya sa usap usapan pangkaraniwan lamang sa selda ang pangaapi ng mga malalakas sa mahihina. Pero ang lahat ng iyon ay sabi sabi lang. Ito ang unang beses na makaranas siya ng ganitong pangyayari.
"Buwiset! Bingi ka ba ha?" galit na sinabi ng matipunong lalaki habang nakatingin ito nang masama kay Luo Feng at tumayo ito.
"Ok ito ah" nagtatakang sabi ni Luo Feng.
"Gusto mong masaktan?" Matapos makita ng matipunong lalaki ang kawalan ng respeto sa kaniya ni Luo Feng ay bigla nitong itinaas ang kamay nitong parang isang dahon at mabilis na gumalaw papunta ulo ni Luo Feng.
Sa isang maliit na galaw, lumabas ang braso ni Luo Feng na para bang isang ahas at mabilis na dinakma ang braso ng matipunong lalaki.
"Huh? Ano?" Nanginig sa ang matipunong lalaki sa pagpupumilit nitong igalaw ang nahuli niyang braso pero hindi niya ito magawa sa sobrang higpit nang pagkakahawak sa kanya ni Luo Feng na para bang posas na hindi masira sira. Hindi na niya nagawang gamitin pa ang kanyang mga lakas kaya mabilis na nagbago ang mukha nito dahil nasa alanganing sitwasyon na siya.
"Gusto mong apakan ko yang mga binti mo? Huh?" Inikot ni Luo Feng ang braso ng matipunong lalaki na nakapagpaluhod dito sa sobrang sakit. Matapos nito ay nagsimula na itong magmakaawa "Kapatid hindi ko inaasahan na matindi pala ang lakas mo. Parang awa mo na pakawalan mo na ako. Ah, aray aray" hindi na niya mapigilang mapasigaw sa sakit na kanyang dinaranas.
Gumamit lang si Luo Feng ng kaunting lakas na nakapagpatalsik sa matipunong lalaki papunta sa pader.
"Sabihin mo lang sa aking kung gusto mo uling apakan ko ang mga binti mo" pabirong sinabi ni Luo Feng na may kasamang pagkainis. Matapos noon ay tumalon siya at mabilis na ginamit ang kaniyang kanang kamay para makahiga sa kama ng selda.
Umupo naman ang matipunong lalaki sa isang tabi habang dahan dahan nitong hinahawakan ang kanyang kanang braso.
Ang matandang lalaki naman kasama ang payat na batang lalaki sa isang kama ay tumingin sa matipunong lalaki na nasa isang tabi at pagkatapos nito ay tumingin naman sila kay Luo Feng na masarap na nakahiga sa kama ng matipunong lalaki.
"Anong problema kalbong Huang?" Tanong ng bantay na nakatayo harap ng kanilang selda "Sinong nanakit sa iyo? Paano nangyari iyan? Oh paalala ko nga pala, iyong bagong pasok na batang lalaki sa selda niyo ngayon. Bumugbog lang naman iyan ng apat na mga elite members sa dojo. Kaya huwag na huwag mo iyang pagtitripan"
Matapos itong sabihin ng bantay ay agad itong naghum ng isang kanta at umalis.
"Kanina mo pa dapat sinabi iyan" sabi ng matipunong lalaki habang takot na takot itong nakatingin sa kama kung saan nakahiga si Luo Feng "Isang bata na tumalo sa apat na elite members ng dojo? Naloko na"
Samantala, iniisip naman ni Luo Feng ang artikulo na binasa niya sa limit hall tungkol sa 'Genetic Energy Techniques'"Tutal wala naman akong gagawin dito, sisimulan ko na lang sanayin ang genetic energy ko mamaya pagsapit nang dilim!"
Nakadepende ang di mapapantayang lakas ng mga Fighters sa kanilang mga genetic energy.
������������
Habang pinaplano ni Luo Feng kung paano siya magsisimulang magsanay ng kaniyang genetic energy, sa loob naman ng kuwarto sa isang KTV* bar malapit sa presinto ng Zhi-An region, dalawang batang lalaki ang makikitang nakikipagharutan sa dalawang dalaga. Ang isa sa mga lalaki ay sintunadong kumanta na para bang isang lobong umaalulong sa ilalim ng bilog na buwan. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Zhang Hao Bai.
"Sige na, makakaalis na kayo" kumakaway na utos ni Zhang Hao Bai sa dalawang babae. Ang natira na lang sa kuwartong iyon ay si Zhang Hao Bai at ang isang teenager na nakasuot ng salamin.
"Nandito ako para humingi sana sa iyo ng pabor kapatid na Zhou" sabi ni Zhang Hao Bai.
"Huwag ka nang mahiya at sabihin mo na kung ano iyon" tumatawang sinabi ng teenager na nakasalamin sa kaniya "gagawin ko agad iyan kung may maitutulong man ako"
"Ganito kasi iyon, mayroong isang tao na nagngangalang Luo Feng ang laging nagiging hadlang sa akin mula noong high school pa lang kami! Galit na galit na kuwento ni Zhang Hao Bai "nitong nakaraan lang, binugbog niya ako kasama ng tatlo kong mga bodyguard! Hindi ko mapapalampas itong ginawa niyang iyon sa akin! Nakakulong ang hayop na iyon ngayon kaya gusto ko sanang humingi ng pabor sa iyo na turuan siya ng leksiyon habang nasa loob siya ng kaniyang selda.
"Talaga? Walang problema. Pero kailangan ko ng pera para sa kooperasyon ng mga bantay sa loob" sabi ng teenager na nakasuot ng salamin habang nakakunot ang noo nito.
"Wala tayong problema sa pera, heto ang isandaang libo! May isandaang libo pa ang naghihintay sa iyo kapag natapos mo ang ipinapagawa ko" sabi ni Zhang Hao Bai at ilang sandali pa ay inihagis nito ang kaniyang wallet sa teenager.
"Hahahaha, Nice" sabi ng teenager na nakasuot ng salamin, hindi na nito tiningnan ang laman ng wallet at tumatangong sinabi na "Magagawa na natin lahat ng puwede nating gawin sa kaniya sa halagang two hundred thousand basta hindi lang natin siya mapapatay. Sabihin mo sa akin kung paano ko siya bubugbugin?"
"Baliin mo ang isa niyang binti kasama ng isa niyang braso!" sabi ni Zhang Hao Bai habang nagngingitngit ang mga ngipin nito.
"Walang problema, madali lang iyan" tumatangong sabi ng teenager na nakasalamin.
Nagpaalala naman si Zhang Hao Bai na "Hindi madaling kalaban ang Luo Feng na ito kapatid na Zhou. Kinaya niya ako kasama ng tatlo ko pang mga bodyguard!"
"Walang problema" tawa ng teenager na nakasalamin na buong buo ang tiwala sa kaniyang sarili "Pagkatiwalaan mo lang ako ng buong buo at maghintay ka sa magandang balita na ihahatid ko pa sa iyo mismo"
*Note mula sa TL: Para sa mga hindi nakakaalam, ang KTV ay ang lugar kung saan ay puwede kang umupa ng isang pribadong kuwarto para gumamit at kumanta sa karaoke.