Baixar aplicativo
54.42% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 400: Witch Ruler

Capítulo 400: Witch Ruler

Editor: LiberReverieGroup

Inasahan n ani Monica na ano mang oras ay aatake si Marvin!

Sa isng iglap, isang malamlam na kulay berdeng liwanat ang lumabas sa kanyang katawan at pumalibot kay Marvin!

"MAtagal na kitang hinihintay!" Ngumisi si Monica. ""Walang Legend class na makakatapat sa isang Legend Wizard!"

Kahit na napalibutan na si Marvin ng berdeng liwanag, tinuya niya lang ito na may paghamak sa kanyang mukha, "Masyado kang maraming satsat!"

hindi mapigilan ang kanyang pagkilos at nagulat si Monica na patuloy pa rin na umaatake ang curved dagger nito!

Hindi agad gumana ang Magic Penetration sa una nitong pag-atake pero hindi nabahala si Marvin.

Dahil malapit na siya kay Marvin, siguradong patay na si Monica.

Ang berdeng ilaw ay isang sumpa na matatanggal ang buff ng bilis ng sino mang tamaan nito. Pero mayroong Curse Agreement specialty si Marvin, na nagbibigay sa kanya ng resistance sa mga sumpa. Ang sumpa na tulad ng ginamit ni Monica ay walang epekto sa kanya.

Bago pa man matapos maghanda ng susunod na spell si Monica, ipinamalas ng Desperation Style ang bilis nito!

Sa isang iglap, umatake nang anim na beses si Marvin!

Kalaunan ay gumana na ang Magic Penetration ng ilang beses at walang kahirap-hirap na nabasag ng mga [Azure Leaf] ang Arcan Barrier at Distortion Field.

Ang huling atake ay direktang nahiwa ang ulo ni Monica!

"Woosh!"

Iwinasiwas pabalik ni Marvin ang dagger at nahulog sa lupa ang ulo ni Monica!

Mulat na mulat pa ang mata nito dahil sa hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari bago siya namatay.

Ang isang Legend Wizard na may kakayahang gumamit ng makayanig mundong mga spell ay walang kahirap-hirap na napatay ni Marvin.

Nakakamangha ang eksenang ito.

Namatay na si Monica at tuluyan nang nabuwag ang grupo ng Alliance.

Sa lakas ng Black Dragon, ibinaba na ng lahat ang kanilang mga armor at sandata at nagkakagulong tumakas.

Paglipas ng kalahating oras, tumpok ng mga bangkay na lang ang naiwan.

Sa utos ni Madeline, sinimulang pagpatong-patungin at sunugin ang mga ito ng mga sundalo ng River Shore City.

Ginawa niya ang inutos ni Marvin at nagtayo ng sentry post sa hilagang bahagi ng panganhing kalsada.

Ang balita tungkol sa matinding pagkatalo ng hukbong ito ay siguradong mabilis na kakalat sa Jewel Bay.

Hindi na rin maitatago ang balita na buhay si Marvin at nakapag-advance na sa Legend Realm.

Pero iyon naman ang gustong mangyari ni Marvin.

Sa nalalapit na Great Calamity, aabutin ng hindi bababa sa 20 na araw para matipon ng Alliance ang kanilang mga elite.

At sa loob ng 20 na araw, makakaranas ng matinding pagbabago ang mundo.

Matatapos na ang Wizard Rule Era.

Sa mga oras na iyon, huhupa na ang sigalot dahil mas pagtutuonan ng pansin ng mga tao ang paglaban para mabuhay sa magulong mundo na ito.

Pinabantayan niya lang kay Madeline ang pangunahing kalsada pa maging handa.

Sa harap ng mga mamamyan ng River Shore City na tinitingnan siya nang may paghanga, sumakay na si Marvin sa Black Dragon at nagtungo pasilangan.

Sa Black Coral Islands, sa isang madilim na bulwagan. Isang babaen naka-itim ang biglang minulat ang kanyang mga mata!

"Si Monica….Namatay na."

"Sinong gumawa nito? Si Madeline, na kailan lang nag-advance sa Legnd, sadyang wala siyang kakayahang ganito! Hindi kaya ang ibang Legend na konektado kay Marvin?"

Pagkatapos pag-isipan ito, nabalisa siya.

Nagsimula naman itong bumigkas ng kung ano.

Ang Ancient God Language ay umalingawngaw sa bulwagan at isang eksena ang lumabas sa kanyang harapan.

Sa eksenang iyon, isang lalaki ang nakatayo sa Black Dragon, may hawak na isang spear at tinitingnan ang mundo.

Mayroong siyang maliit na ngiti sa kanyang mukha, tila nanunuya ito.

"Si Marvin!"

"Ano?!"

Naoangiwi ang mukha ng Dark Phoenix.

Sa mundong ito, walang nakakapanlinlang sa kanyang perception.

Nakita na niyang nag-aagaw buhay ito sa kamay ng pekeng Hathaway!

'Paano niya napeke 'yon?'

Bumilis ang tibok ng puso ng Dark Phoenix.

Naramdaman niyang mayroong butas ang kanyang plano.

At dahil ito sa lalaking ito!

Kinagat niya ang kanyang labi at pumikit, saka siyang bahagyang kumonekta sa Divine Source.

Pero hindi niya inaasahang wala na ang Divine Source!

Hindi ito nakatago, at hindi lang ito dahil hindi siya makakonekta dito…Sadyang nawala na ito na parang bula!

Nanlumo si Dark Phoenix.

'Kahit ang Divine Source ko ay nadispatya na… At nagawa pa niya akong pakitaan ng pekeng eksena… isang bagay lang ang makakagawa non.'

May hawak na Artifact si Marvin!

Tanging ang Artifact na iyon ang makakapanlinlang sa perception ng isang Half-God.

"Ang Book of Nalu!"

Nagpuyos ang galit sa mga mat ani Dark Phoenix.

Naging mas masamang tingnan ang kayang tusong mukha.

'Kaya naman pala mas gugustuhin mong gawin ito para protektahan siya.'

'Saan ba nanggaling ang batang 'yon? Bakit ang bilis niyang lumakas?'

'Pero hindi mo dapat ako ginagalit dahil hindi mo kakayanin 'to!'

Biglang nawala ang Dark Phoenix mula sa bulwagan.

Sa sumunod na sandali, lumitaw siya sa labas ng nagyeyelong isla.

"Hathaway, sa tingin mo ba hindi ko kayang basagin ang Ice Crystal World mo?"

Makikita ang kabagsikan sa mga mata ng Dark Phoenix. Isang itim na apoy ang lumabas sa kanyang mga kamay.

Lumaki nang lumaki ito at saka lumpiad patungo sa Ice Crystal.

Dahil sa kakaibang apoy na ito, hindi mapigilang dahan-dahan na matunaw ang yelo.

Minulat ni Hathaway ang kanyang mag mata mula sa loob ng yelo. Mapayapa ang kanyang mukha. Sa harap ng pagtunaw ng Black Fire sa yelo, hindi siya nagsalita.

Sa kabaliktaran nito, pasama nang pasama naman ang nagng reaksyon ng Dark Phoenix.

"Masdyaong masakit sa ulo ang kasinahan mo. Hindi lang niya ako natakasan, pinatay pa niya ang disciple ko."

Unti-unti nang natutunaw ang yelo ni Hathaway, samandala, patuloy na nagbabago ang kanyang katawan.

6 na taong gulang, 16 na taong gulang, 26 na taong gulang, paulit-ulit ang tatlong anyo niya.

Biglang lumabas ang kanyang boses:

"Talo ka na."

Ngumiti nang masama si Dark Phoenix. "Hindi pa natin alam kung talo na ako, pero ngayon, mamamatay ka."

Nanatili lang tahimik si Hathaway at ni hindi man lang sinubukang kalabanin ang kapangyarihang ng Black Fire.

Mukhang mayroong problema sa kanyang katawan. Ang awra ng Legend ay unti-unting nawawala.

Walang emosyon lang na nanuod ang Dark Phoenix. Ang ganitong uri ng apoy ay kapareho nang pinangggalingan ng Divine Fire na nakapinsala sa Great Elven King. Siguradong hindi malalabanan ito ni Hathaway.

Sa huli, natunaw na ang lahat ng yelo at bumalot na ang Black Fire sa katawan ni Hathaway.

Sumimangot ito sa sakit.

Tila isang tanikala ang Black Fire na umaakyat mula sa kanyang mga paa paakyat sa kanyang katawa at unti-unting dinudurog ang kanyang katawan.

Sa loob ng ilang segundo, naging abo na si Hathaway!

Sa wakas ay nakaramdam ng pagkakuntento si Dark Phoenix.

Pero sa mga labi ng Divine Fire, ang abo ay nagsama-sama at nabuo ang 16 na taong gulang na si Hathaway.

Nagulat ang Dark Phoenix at agad na ipinagpatuloy ang pagsunod kay Hathaway.

Hindi nagtagal, nasunog na ang 16 na taong gulang na anyo ni Hathaway at halos wala nang natira.

Abo na lang.

Noong mga oras na iyon, mayroong napansing mali ang Dark Phoenix.

Dapat ay nasunog ng Divine Fire ang lahat. Paano nangyari na nag-iwan ito ng abo?

At muli ngang nagsama-sama ang mga abong ito at naging isang 6 na taong gulang na bata.

Walang emosyon sa kanyang mga mata.

Nagalit ang Dark Phoenix at pinagpatuloy niyang sunugin ito.

Muli niyang sinunog ang haggang sa maging abo ang 6 na taong gulang na bata. Mula sa simula hanggang sa pagtapos, sumimangot lang ito sa sakit at hindi umimik ng kahit ano.

Sa pagkakataong ito, hindi na muling nabuo ang mga abo.

Nagdududa naman na tiningnan ng Dark Phoenix ang mga ito, at kokolektahin na niya sana.

Pero bago pa siya nakalapit, nagsimulang kumisap ang liwanag mula sa abo.

Dalawang matandang anino ang lumitaw mula sa liwanag.

Tila may binibigkas ang mga ito.

Gulat na gulat ang Dark Phoenix!

Kahit na kakaunti lang ang nakaka-alam ng pinagmulan ng labing dalawang Witch, si Dark Phoenix, bilang nilalang na nagmula at ay kalam sa 3rd Era ay natural na may alam niya ang tungkol dito.

Sila ang labing-dalawang matandang Anzed Witch!

Sa mga alamat ng Anzed, labing dalawang Witch ang pumoprotekta sa Asges Magic Percept.

Sa kasamaang palad, matagal nang nawala sa kasaysayan ang mga Anzed. Ang labing dalawang Witch ay tinuturing lang na mga alamat a kathang-isip.

May binigkas ang labing dalawang mga Witch at nawala.

Kasamang nawala ng mga ito ang abo.

Nabalisa at natuliro ang Dark Phoenix at agad na iwinagayway ang kanyang kamay, nag-summon siya ng isang fairy.

"Sabihin mo sa baboy na iyon na atakihin agad ang Sword Harbor!"

"Kung hindi pa nila nasasakop ang White River pagputok ng araw, hindi na siya mananatiling Pirate King!"

...

Ang hindi alam ng Dark Phoenix, noong mawala ang mga abo, isang liwanag ang dahan-dahan na bumaba sa gitna ng Millenium Mountain Range sa Feinan.

Isng 6 na taong gulang na bata ang minulat ang kanyang mata, naguguluhan ito.

Isang matandang kulu-kulubot ang nakatayo sa kanyang harapan.

Bigla namang nagsimulang umiyak ang bata.

Malumanay siyang inakay ng matandang babae, puno ng pagmamahal ang kanyang mukha.

"Wag ka nang matakot, nabali mo na ang sumpa."

"Ayon sa propesiya, ang taong makakabali ng sumpa ay magiging panibagong Witch Ruler."

"Mabilis mong mababawi ang lakas mo. Mas lalakas ka kesa noon, mas malakas."

Hindi mapigilan ng batang babae ang pag-iyak. "Alam ko, Alam ko…"

"Pero… parang ang dami kong nalimutang mahahalagang bagay."

"At isang… napakahalagang bagay."

Nalumbay ang matandang babae. "Ito ang kapalit ng pagbali sa sumpa, bata."

"Wag kang mag-alala, siguro isang araw, maaalala mo rin lahat."

"Tandaan mo ang pangalan mo. Ikaw si Hathaway."

Tumango si Hathaway. Pinunasan nya ang kanyang mga luha at unti-unting napangiti sa tuwa. "Makikita ko na uli kayo sa wakas, Inay…"

Tila malungkot ang White River Valley.

Ang mga adventurer sa Adventurer Camp ay matagal nang umalis. Dahil sa kautusan ng Alliance, nakikita nila na ang White River Valley ay nasa bingit na ng pagbagsak. Ayaw nilang maapektuhan nito.

Hindi naman umalis ang mga Sha. Naniniwala sila sa pinuno nilang si Constantine na ilalagpas sila sa ano mang suliranin.

Tila mapanglaw sa loob ng palasyo. Wala ang mga pinuno, dahil nagpunta ang mga ito sa Sword HArvor dahil ito ang silangang barikada ng White River Valley.

Sa kanluran ay naroon si Madeline at ang River Shore City para depensahan ito, habang ang depensa ng Sword Harbor ay mahina pa.

Sa mapanglaw na White River Valley, iilang matatandang lang ang nakaupo sa kanilang upuan, tinatanaw lang ang kanilang kapaligiran.

Noong mga oras na iyon, ilang anino ang palihim na lumitaw sa White River Valley.

"Hahahaha, sinabi ko kasi na iwasan na ang Crimson Cross at dumaan sa lihim na daan."

"Walang daan palabas ang White River Valley at ang karamihan ng pwersa nito ay nakatuon ang pansin sa pagdepensa, kaya siguradong mahina ang pwersa sa loob ng teritoryo."

"Kung hindi pa natin sila pagnanakawan ngayon, para saan pa ang reputasyon natin bilang mga Black Hand Thief?"

Ilang tao ang tumawa habang mabilis na lumapit ang mga ito sa ilang matatandang lalaki.

Ang pinaka mabagsik sa mga ito ay agad na sinabi, "Hoy tanda, ibigay niyo sa amin ang lahat ng mayroon kayo!"


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C400
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login