Baixar aplicativo
46.25% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 340: Child of the Shadows

Capítulo 340: Child of the Shadows

Editor: LiberReverieGroup

Theater Spirit!

Isa sa mga pinakakakaibang Evil Spirit.

Si Gwyn, na isa sa mga namumukod-tangi na Bright Side Vampire, ay mayroong kaunting nalalaman tungkol sa mga Evil Spirit.

Nang marinig ang paliwanag ni Marvin, agad siyang sumagot!

May inaalagaang Evil Spirit ang teatro na 'to?"

"Ibig sabihind mayroong Half-Legend Evil Spirit Envoy dito?"

Naging seryoso ang mukha ni Gwyn.

Nanatiling tahimik si Marvin saka sinabing, "Isipin mo, saan ba nanggaling ang mga Evil Spirit?"

Pilit na ngumiti ang Vampire. "Akala ko lumalapit sila sayo dahil sa Evil Spirit Enmity na nasa katawan mo."

"Lalo pa at napakataas ng Evil Spirit Enmity mo. Kahit ako na Vampire ay napansin ko."

Bahagyang nagulat si Marvin.

Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit nakilala siya ni Gwyn kahit na gumagamit siya ng Disguise. Ang taong ito ay nararamdaman ang Evil Spirit Enmity sa kanyang katawan!

Pambihira talaga ang kanyang perception.

Pero hindi ito ang oras para pag-usapan ito. Kahit na umatras ang hukbo ng mga Evil Spirit, ang tunay na powerhouse ay dumating na.

Sa kadiliman, isang "huhuhu, huhuhu" ang maririnig.

Tila ba mayroong malakas na umaatungal.

Walang ilaw, pero hindi ito problema sa dalawa. Ang mga Vampire ay malakas na Drkvision, at si Marvin naman ay mayroong Darksight, kaya malinaw nilang nakikita ang lahat ng nangyayari sa teatro.

Pumagaspas ang kurtina sa lahat ng direksyon, pero mabagal ang paggalaw ng mga ito. May kakaibang takot itong dala.

Sumimangot si Gwyn. "Andyan na siya."

Mahinahon naman itinaas ni Marvin ang kanyang mga dagger at sinabing, "Akong bahala."

"Wala kang kailangan gawin. Pero kailangan kong mahanap mo agad kung nasaan ang core ng Evil Spirit, kung hindi makukulong tayo dito habang buhay."

"Sa ganitong sitwasyon, itatago mo pa rin ba? Sa totoo lang nagtataka ako sa kung ano ang relasyon ang mayroon kayo ng Grand Duke William. Paano nangyari na ang kanyang [Blood Mark Perception] ay nasa katawan mo…"

Kasunod ng mga sinabi ni Marvin, kumibot ang mga talukap ng mata ni Gwyn at alam niyang nalaman na ni Marvin ang tinatago niya kaya hindi na ito nag-alinlangan.

Biglang namula ang kanyang balat, kasabay nito, lumitaw ang isang linya ng ugat sa kanyang balat na parang alon.

'Siyam na Blood Mark!'

Palihim na nabigla si Marvin.

Masasabing malapit siya sa Grand Duke William noon at alam niya na ang matandang iyon ang gumawa ng [Blood Mark Perception] na bloodline ability, pero maaari lang itong direktang maipasa sa linya ng kanyang pamilya. Noong mga panahon na iyon, ang Affinity ni Marvin sa Bright Side ay [Worship] pero sinabi pa rin sa kanya ni William na hindi niya ito maaaring ituro kay Marvin.

At si Gwyn, ang lalaking iyon, ay hindi lang taglay ang Blood Mark PErceptiom, pero mayroong itong kabuoan na siyam na Blood Mark!

Mayroong lang labing anim na Blood Mark ang Grand Duke na si William.

Kung mayroong syam na Blood Mark si Gwyn, siguradong hindi bababa sa 30 [Godly Perception] ang perception nito.

Kaya naman pala nararamdaman nito ang Evil Spirit Enmity sa katawan ni Marvin at nagagawang makita ang katotohanan sa likod ng kanyang Disguise.

Karamihan ng mga tao ay hindi ito kayang abutin!

Pero kung tunay nga ito, mas mapapanatag si Marvin.

Kung sinabi niyang mayroon siyang 80% na tyansang manalo sa Theater Spirit, ngayong alam na niya ang tunay na kakayahan ng Blood Mark Percpetion ni Gwyn, 100% na siyang sigurado na matatalo niya nang walang problema ang Theater Spirit na ito.

...

Sa harap ni Marvin, ang mga kurtina at ang walang tigil na yapag ng paa ay nagkaroon na ng itsura!

Ang kakaibang mga mukha ay dahan-dahang lumitaw mula sa kurtina at dinambahan ang dalawa!

Makikita ang panunuya, panghahamak, kawalan ng puso, o kasamaan sa mga mukha nito…. Makikita sa kanilang mga mukha ang pinakanegatibong reaksyon sa buong mundo!

Isang malalim at malungkot a boses ang umalingawngaw, "Nagugutom….si Max…"

Ngumisi si Marvin, hindi siya naapektuhan ng boses!

Itinaas niya ang mga dagger niya kasabay ng pagtalon niya palapit sa isang mukha!

Ang Theater Spirit ay uri ng Evil Spirit na gawa sa pinagsama-samang mga kamalayan. Mas mahirap pangalagaan ito kumpara sa ibang Evil Spirit.

Ang mga katulad nitong Evil Spirit ay mga Circus Evil Spirit, Phantom of the Opera, at iba pa.

Kung ang mga Junior Evil Spirit ay sinasabing nanggagaling sa kasamaan ng mga tao, ang mga tulad ng Theater Spirit ay nabubuo mula sa mga negatibong nararamdaman ng mga nanunuod ng mga palabas!

Sa mata ng mga Evil Spirit Envoy, sagradong mga lugar ang mga Ancient Theater.

Dahil ang mga tao sa teatro ay walang pigil na ilalabas ang kanilang mga emosyon sa tuwing nanunuod sila ng mga dula. At ang karamihan sa mga ito ay negatibong emosyon.

Sa paglipas ng mga taon, ang mga negatbiong emosyon na iyo ay maiipon sa teatro.

Kapag ang mga emosyon na ito ay inalagaan ng isang Half-Legend Evil Spirit Envoy, magiging isa itong tunay na Theater Spirit!

Ang lakas ng Evil Spirit na ito ay nagmumula sa pagiging bahagi nito mismo ng teatro.

Kadalasan, ang mga Theater Spirit ay natutulog lang dahil kahit ang mga Evil Spirit Envoy, na puno ng negatibong enerhiya, ay hindi mapunan ang pangangailangan ng mga ito sa pagkain.

Kaya naman, sa oras na magising ito, ang Theater Spirit ay huhuluhin ang lahat ng ngasa teatro para kainin, kasama na ang mga Evil Spirit!

Ito ang dahilan kung bakit umaatras ang ibang mga Evil Spirit.

Pero sa kasamaang palad, hindi nila alam na para makasiguro nag dalawang Evil Spirit Envoy na mapapatay nila si Marvin, ay gumagawa na ng Evil Spirit Barrier ang mga ito. Lahat ng mga umaatras na Evil Spirit ay naharangan ng Evil Spirit Barrier kaya naman hindi makatakas ang mga ito mula sa teatro.

"Shishishi!"

Isang Brain Eating Monster ang desperadong sinusubukan tumakas sa gilid ng Evil Spirit Barrier.

Pero kahit anong gawin nito ay walang epekto.

Isang carpet na inaapakan nito ang biglang tumiklop at naging isang madugong bunganga, at walang awang nilunok ang Brain Eating Monster!

Nagyari sa buong teatro ang iba pang mga eksena gaya nito.

Ang mga Evil Spirit ay naging pagkain ng Awakened Max.

Tanging ang entablado na lang ang hindi nagagalaw.

Isang anino ang maliksing gumagalaw sa paligid ni Gwyn, sinasalag nito lahat ng mga atakeng nagmumula sa iba't ibang direksyon!

Hindi lang ang mga dagger na hawak ni Marvin nag kanyang sandata, mayroon din siyang shotgun sa kanyang likuran at dalawang pistol sa kanyang hita.

Ang Rosenthanl Bracelets ay nagbibigay ng bonus sa kanyang mga Ranger skill, kaya namang umabot na ng 68 na puntos ag [Sleight of Hand] ni Marvin!

Kaya naman nakuha na niya ang Hidden Effect para sa 50 na puntos na [On a Whim].

[On a Whim]: Maaaring magpalit ng sandata ano mang oras. Kapag ang mga sandata ay nakalagay sa pangkaraniwan nilang posisyon, mas mabilis ang nagiging pagpapalit.

Nang matutunan ni Marvin ang Sleight of Hand, ito ay para makuha ang weapon-switching ability na ito.

Lalo pa at kahit na isa siyang Ranger, iba't iba ang mga sandatang maaari niyang gamitin.

Hindi lang mga curved dagger, kundi pati na rin mga straight dagger, mga pistol, mga shotgun, at iba pang mga uri ng sandata ang maaari niyang gamitin.

Dito niya ipinamalas ito:

Isang malaking kurtina ang dumating at sinubukang kainin ang dalawa.

Inikutan ni Marvin si Gwyn na gumagamit ng kanyang Blood Mark Percpetion. Kasabay nito, inilagay niya nang mabilis ang kanayng mga dagger sa kanyang baywang at bahagyang nag-iskwat at itinutok ang kanyang shotgun!

"Bang!"

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw. Bahagyang yumanig ang sahig na inaapakan ni Marvin kasabay ng pagbibigay liwanag ng apoy sa teatro!

Naglalagablab na apoy ang tumama sa kurina, pero biglang may dalawang bunganga ang dumamba kay Gwyn mula sa kanyang likuran!

Alam ni Marvin na ginagawa ni Gwyn ang lahat para mahanap ang lokasyon ng core ng Theater Spirit. Kung aabalahin niya ito, masasayang ang lahat ng pinaghirapan nito!

Agad siyang tumalikod at muli niyang kinuha ang kanyang mga dagger, ang dalawang [Azure Leaf] ay umatake patungo sa dalawang bunganga!

Pero bago pa man siya makahinga, isang dosenang mukha ang nagsama-sama, at mararamdaman ang pagkalat ng awra ng pagkamuhi.

Hindi tumigil si Marvin at itinutok ang kanyang mga pistol sa kalaban. "Bang! Bang! Bang!" Umalingawngaw ang putok ng baril sa teatro kasabay ng pagpigil sa bugso ng mga atake.

Ang iba't ibang sandata na ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob niyang kalabanin ang Theater Spirit.

Kapag nasa gitna ka ng teatro, kaya kang ataihin ng Evil Spirit na ito mula sa lahat ng direksyon.

Pero sa bilis ng kanyang pagkilos, lahat ng kanyang mga sandata, at #4 Holy Spirit na nakakapigil sa mga Evil Spirit, walang naging problema si Marvin sa paglaban sa Theater Spirit.

Ang susunod na mangyayari ay nakadepende kung mahahanap ni Gwyn nang walang problema ang lokasyon ng core ng Theater Spirit!

Habang abala siya, sinilip ni Marvin ang kanyang character window.

Sa kasagsagan ng magulong laban na iyon, nakakuha siya ng malaking halaga ng battle exp!

Nasa limang daang Evil Spirit ang napatay niya sa teatro at dahil dito, nakakuha siya nang halos isang daang libong puntos ng battle exp!

Kahit na malaking bahagi na ng kanyang stamina ang nagamit niya, pambihirang oportunidad pa rin ito!

Sa kasamaang palad, ang mga natitirang Evil Spirit ay kinain na ng Theater Spirit nang magisng ito, dapat sana ay magiging bahagi ng exp ni Marvin ang mga Evil spirit na iyon.

Para naman sa kurtinang nadispatya niya, dahil bahagi ito ng Theater Spirit, hindi ito magiging battle exp ni Marvin.

'Hindi pwede! Hindi pwede!'

Napailing sa kanyang loob-loob si Marvin, nakasimangot siya habang tinitingnan si Gwyn. Wala siyang magagawa kundi hilingin na mahahanap agad nito ang core ng Evil Spirit na ito.

Kung hindi, kailangan niyang gamitin ang ikalawang plano niya.

Sa mga oras na ito, lahat ng mga bagay na maaaring magamit ng Theater Spirit para atakihin sila, sa gitna ng entablado. ay nadispatya na ni Marvin. Kaya naman nagkaroon ito ng kauntin oras para magpahinga.

Sinamantala niya ito at walang pag-aalinlangan na ginamit ang 99000 battle exp sa kanyang Night Walker class!

Sa isang iglap, naging level 7 Night Walker siya at ang kabuoang level niya ay umabot na sa 19!

Nakakuha siya ng 36 na skill point, 157 HP, at 1 libreng attribute point dahil sa pagtungtong niya sa level 19. Bahagyang nagdalawang isip si Marvin hanggang sa ginamit na niya ang attribute point sa Strength.

Kaya naman, ang kanyang Strength ay naging 18 puntos na. Dalawang puntos pa ay aabot na sa threshold ang kanyang Strength at makakakuha siya ng espesyal na bonus.

Kailangan talaga ng mga Ranger ng Strength. At sa pagkakatanda ni Marvin, mayroon pa siyang mga alam na pamamaraan para mabilis na mapataas ang kanyang Constitution, pero sa Strength, bukod sa pagsasanay, mayroon lang isa pang paraan para makakuha ng attribute point. Kaya naman pinili niyang ilagay ito sa Strength.

Para naman sa Perception (Wisdom), sa oras na makapag-advance siya sa Legend, magkakaroon na siya ng mga specialty para mapunan ito. Kaya hindi masyadong iniiisip ni Marvin ito sa ngayon.

Pagkatapos makatungtong ng Level 7 ng Night Walker class niya, tulad ng inaasahan, nakakuha ng class specialty si Marvin, ang [Child of Shadows].

[Child of Shadows]: 50% na tyansang hindi tablan ng lahat ng spell na may kinalaman sa shadow. Kwalipikadong pumasok sa Shadow Plane.

Natuwa naman si Marvin nang makita ang specialty na ito.

Kung tutuusin, isa lang itong passive specialty. Kahit na walang kakayahan si Marvin na pumasok sa Shadow Plane, ang specialty na ito ang magiging pundasyon ng specialty na maaari niyang makuha para makapasok siya sa Shadow Plane. Kung makakahanap siya ng akmang Nature Leaf, hindi na niya kailangan alalahanin ang hindi pagkakaroon ng specialty na makakapagpapasok sa kanya sa Shadow Plane.

Bukod dito, ang mas ikinatuwa ni Marvin ay pagkatapos niyang pumatay ng limang daang Evil Spirit, umabot na sa level 3 ang kanyang [Night Kill]!

'Karapat-dapat lang itong tawaging Night Devil na class. Napakabagsik ng level 3 Night Kill!'

Tiningnan ni Marvin ang mga property nito, at kahit na inasahan na niya ang kanyang mababasa, nagulat pa rin siya sa napakabangis na paglalarawan dito.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C340
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login