Baixar aplicativo
73.97% Princess Agents (Tagalog) / Chapter 216: Chapter 216

Capítulo 216: Chapter 216

Editor: LiberReverieGroup

"Ano naman kung mamamatay tayo? Bakit tayo magmamakaawa sa kaaway? Walang kwentang basura!" Isang dalaga ang diretso ang tindig, at sa kabila ng kanyang maputlang kutis, ang kanyang mata ay malinaw. Malamig na nakatingin kay Yan Xun, ganap na hubad siya, gayumpaman ay hindi siya nagpakita ng kahit anong takot habang nagpatuloy siya na may napakalamig na tingin, "Mga naniniwala kami sa Da Tong. Sa pagtraydor sa Da Tong, ikaw kamuhi-muhing lalaki ay mamamatay ng nakakarimarim na kamatayan!" pagkasabi noon, inihambalos niya ang kanyang ulo sa batong hagdan. Doon, itinigil ng katawan niya ang lahat ng ginagawa nito.

Napaka biglaan noon na walang tumauli. Nang makitang nagpakamatay siya, lumapit ang mga sundalo. Inilapit ang kanyang kamay sa ilong nito, isa sa mga sundalo ang nag-ulat, "Kamahalan, buhay pa ang babaeng ito."

Pinakinggan siya ni Yan Xun, ngunit hindi niya sinabi kung anong gagawin sa babae. Sa kung anong dahilan, ang tingin na ibinigay ng babae ay napakapamilyar. Maraming alaala ang bumaha sa kanyang isip. Nakasimangot, inobserbahan niya ang madugong lugar at biglang nawala ang kanyang interes. Sa kumpas ng kanyang kamay, nagsilapitan ang mga gwardya niya. Sa sandaling iyon, sigawan lamang ang maririnig, ngunit namatay din ang ingay kasama ng mga babae.

"Magpapatuloy tayong manugis ng mga kasapi ng Da Tong. Dalhin ang mga katawan na ito upang ipakain sa mga aso," kalmadong utos ni Yan Xun. Medyo nagulat ang gwardya bago niya nilinaw, "Paano iyong buhay pa?"

Buhay? Kumislap ang mata ni Yan Xun. Nakita niya muli ang pangyayaring iyon sa harap niya. Ang may katigasan ng ulong mga mata ng babaeng iyon ay kumislap sa kanyang memorya, na para bang nakatingin pa rin sa kanya mula sa kung saan, nagdadala sa kanya ng ginaw.

"Kamahalan?" marahang tumawag si Cheng Yuan.

Nag-angat ng ulo si Yan Xun, tapos ay nakita ang lahat ng mga taong nakatingin sa kanya, hinihintay ang kanyang utos. Hindi niya maiwasang mapakunot ng noo at malamig na idineklara, "Isama siya." pagkasabi noon, mukhang wala siyang interes at paalis na.

"Tigil!" sigaw ni Heneral Zhuang. Malalaki ang hakbang, lumuhod siya sa tabi ng dalaga na iniuntog ang sarili sa batong hagdan. Nawalan siya ng kontrol sa sarili niya at umiyak, "Oh, anak ko! Ang ama na ito ang dahilan ng iyong kasawian!"

Nakatalikod sa kanya, naglabas si Yan Xun ng bahid ng malamig na ngiti. Lumapit ang mga gwardya niya at pinigilan si Heneral Zhuang, ang mga natitirang tao ay kinakaladkad ang mga babae tungo sa tirahan ng mga aso. Sa malinis na nyebe, isang bakas ng pula ang makikita.

"Yan Xun! Walang pusong hayop! Kahit na maging multo ako, hindi kita pakakawalan! Mamamatay ka ng nakakahindik na kamatayan!" isang makabagbag-damdaming irit ang narinig mula sa likod. Nang marinig iyon, mabilis na sinipa ng mga gwardya ang bibig ni Heneral Zhuang, dahilan para lumipad palayo ang ngipin niya.

Lubos na panatag si Yan Xun habang nagpatuloy siya sa paglalakad. Sa likod niya, mayroong hindi mabilang na mga opisayles na nanginginig sa takot. Walang inaalalang malamig na napangiti si Yan Xun na tila mas malamig pa sa pinakamalamig. Kung ang kahit mabuhay ay masakit na mas gusto niyang mamatay, bakit iisipin pa niya kung gaano kahindik-hindik siyang mamamatay?

Habang umiihip ang hangin sa kanyang kapa, bumukas ang kanyang kapa na parang isang pares ng mabigat na pakpak. May whoosh, lumatag ito na tulad ng malaking ibon, ginugulat kahit ang mga agilang lumilipad.

Karamihan sa lupain ng Yan Bei ay tigang pa, at ang taglamig na ito ay tila mas mahaba. Tumamig muli ang panahon, habang napakalamig na hangin ang umihip sa mga kalupaan, dahilan ng pagkalantong ng mga baluti ng mga mensahero. Sa kahabaan ng Jinzi Gate, naglakbay ang tunog sa kaloob-looban ng palasyo ng Shoufang. Sa bakanteng palasyo ng Shuiyao, mayroon lamang katahimikan. Sa mga haliging diretsong nakatayo, at sa mga tabing na bahagyang umuugoy sa hangin, kumutitap ang apoy ng kandila sa hangin, na may ibang ubos na, gayumpaman ay walang nangahas na sindihan sila muli.

Isang lalaki ang nakaupo sa anino, ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang noo na para bang nakatulog na ito. Napakalungkot niyang tingnan kahit na ang mahusay sa pagkakatukoy niyang itsura ay napakagwapo. Gayumpaman, sa ilalim ng ilaw, makikita na sa kanyang patilya na mayroon nang hibla ng mga puting buhok. Sa ilaw, makakakita ng pamisan-minsang kislap ng pilak.

Ang higanteng lamesa sa kusina na maikukumpara sa silid-tulugan ng karaniwang sibilyan ay nadedekurasyunan ng saganang piging. Mayroong nilagang mailap na patong may scallion, binagoongang sabaw ng palaypay, mailap na kunehong hiniwa ng maliliit, piniritong palaka, iginisang hiniwang kalapati na may unsoy, at marami pang ibang putahe. Gayumpaman, ang buong lamesang ito na maraming marangyang putahe ay lubos na hindi nagalaw, at kahit ang mantika sa mainit na sabaw ay tila nagsisimula nang manigas at bumuo ng manipis na patong, na kalamigan nalang ang natitira.

Dalawang mananayaw na nakasuot ng kulay peach na sutlang kasuotan at pilak na kampanilyang nakatali sa kanilang kamay at palapulsuhan ay nakaluhod sa sahig ng higit anim na oras. Kahit sa katangi-tanging kagandahan ng bughaw nilang mata at puting kutis, hindi sila nangahas na mag-angat ng kanilang ulo at nanginginig lang.

Ang araw na ito ay ang araw ng pagdiriwang ng bagong taon. Hindi katulad ng maingay na palasyo ng Xia, ang palasyo ng Shuofang ay lubog sa nakakabinging katahimikan. Ang mga putaheng buong pusong niluto ng mga tagaluto ay hinayaan lang, na may paminsan-minsang hangin ng gabi na nagdadala palayo ng samyo ng amoy ng mga pagkain.

Nang pumasok si AhJing, ang kanyang mga yabag ay medyo mabigat, at ginising ang natutulog na lalaki. May magaang pilantik ng kanyang pilikmata, unti-unting nagmulat si Yan Xun. Naiilawan ng kumukutitap na ilaw, ang kanyang mukha ay parang maputla.

"Kamahalan," lumuhod sa lupa sa AhJing at tahimik na pinahayag, "Nagpadala ng sulat si Lord Feng."

Mukhang umiinom si Yan Xun. Tumabingi ang baso, tumapon ang laman nito sa kanyang kasuotan, na ang samyo ng alak ay mabilis na humahalo sa hangin. Kinuha niya ang sulat at kalmado itong binasa. Ang kanyang kilay ay bahagyang nakakunot katulad ng dati, sa kanyang matang lubos na kalmado.

Sa harap ni Yan Xun, mayroong isa pang upuan na may nakahandang isa pang pangkat ng pangkain. Alam ni AhJing kung sino ang hinihintay ng lalaki, gayumpaman maaaring hindi na bumalik ang taong iyon.

Nang magsimula nang tumulo ang orasan, unti-unting nag-angat ng ulo si Yan Xun. Tapos ay pinulot niya ang pilak na chopstick at nagsimulang kumain ng marahan.

"Kamahalan," napasimangot si AhJing bago nasuhestyon, "Malamig na ang pagkain. Dapat bang mag-utos ang tauhan na ito na magluto pa sila?"

Hindi nagsalita si Yan Xun at ikinumpas lang ang kamay na nagsasabi kay AhJing na umatras. Nagpatuloy si AhJing na maingat na bigyan ng babala si Yan Xun, "Kamahalan, hindi maganda angn pakiramdam mo nitong nakaraan. Sinabi ng mga manggagamot na dapat mong iwasan na kumain ng malamig na pagkain.

Hindi siya pinansin ni Yan Xun at nagpatuloy lang kumain habang maingat na tinatamasa ang bawat subo. Ang mga mananayaw na nakaluhod sa sahig ay agad na tumayo. Manhid mula sa matagal na pagkakaluhod sa sahig, muntik na siyang matumba, gayumpaman ay nagmadali siyang mag-umpisa na ipasa kay Yan Xun ang mga putaheng hindi nito abot. Isa-isang tumulo ang apoy ng kandila, tulad ng tumutulong dugo. Nagbibigay ng malutong ng tunog ang mga wind bell mula sa labas, melodiko at maaliwalas ito.

Umupo lang siya doon at tahimik na kumain. Ang pambihira ay nakain niya lahat ng pagkain na iniabot sa kanya ng mga mananayaw. Sa ilaw ng kandilang nagliliwanag sa kanya, isang mahabang anino ang makikita sa obsidian na sahig. Nakaramdam si AhJing ng kalungkutan nang bigla niyang naalala kung paanong ang unang pagkain ni Chu Qiao nang nagising siya ay kinain na may payapa at kalmadong paraan, napakarahan din. Para bang bawat sandali ay puno ng sakit.

Nagsimulang mamuo ang luha sa mata ni AhJing. Hindi niya naiintindihan. Paano nila natitiis ang mahihirap na araw, kasama ang kalungkutan at sakit, gayumpaman nang umabot na sila sa kanilang hinahangad, nagkasira sila? Paano nila naabot ang estado na mayroon sila ngayon? Gayumpaman ay hindi siya nangahas na magtanong habang tila tanga na nakatayo lang siya doon.

"Cough cough... Ang lalaking nakaupo sa harap ng maraming pagkain ay nagsimulang umubo. Sa una, marahang ubo lang ito, ngunit lumakas ito, at umalingawngaw sa bakanteng palasyo, puno ng pagod.

Nanigas sa gulat ang mananayaw tapos ay agad niyang inilabas ang kanyang panyo at ibinigay ito kay Yan Xun. Ang isa pang mananayaw ay nagsimulang magsalin ng alak para sa kanya na may nanginginig na kamay.

Matapos matanggap ang panyo,tinakpan ni Yan Xun ang kanyang bibig, at umarko tulad ng ulang.

Isa sa mga mananayaw ang napairit sa takot. Inilingon ni Yan Xun ang kanyang ulo at tumingin na kanya na may lubos na malamig na tingin. Agad siyang napatigil sa ginagawa niya at tumungo, hindi na nagawa pang tumingin sa lalaki.

"Kamahalan, mayroon ka bang sipon? Tatawag na ng manggagamot ang tauhan na ito."

"Hindi na kailangan iyon." Ang boses ni Yan Xun ay puno ng bahid ng pagkapagod, gayumpaman ay umakto siya sa kadalasan niyang kilos, malamig at hindi nag-aaksaya kahit isang salita.

"Magsalin ka ng alak." Kalmado niyang utos.

Ang mananayaw na medyo malayo sa kanya ay maingat na inangat ang kanyang ulo, at kahit na nanginginig ang kanyang boses, nag-ipon siya ng lakas ng loob na magsalita, "Kamahalan, hindi maganda ang pakiramdam mo...pakiusap huwag ka nang uminom pa."

Bahagyang ikiniling si Yan Xun ang kanyang ulo, at sa mata niya, makikita ang nagyelong mundo sa loob niya.

Tumingin ang isa pang mananayaw sa babae sa takot na mapagbuntunan din ni Yan Xun.

Kahit na nasa kanya ang mata ng lahat, matapang pa rin siyang nagpatuloy, "Kamahalan, masama sa kalusugan mo ang uminom."

Nagpatuloy siya matapos huminto, "Hindi lang masama sa kalusugan mo ang pag-inom, gagawa din ito ng problema. Tanging mga taong walang kakayahan ang umiinom upang iwasan ang kanilang mga problema."

Isang malutong na tunog ang umalingawngaw sa ulo ni Yan Xun. Medyo nagulat, bumilis ang pag-iisip ni Yan Xun, at naglakbay pabalik ng oras. Matapos ang kaunting paglilimi, tumango sa huli si Yan Xun at nag-utos, "Sige, gumawa ka ng tsaa para sa akin."

Ang mananayaw na iyon ay nasa 16 hanggang 17-taong-gulang at masaya siyang tumango. Sa kanyang puting bewang na inilalantad ng kanyang damit, mukha siyang isang malambot at makinis na maliit na isda habang yumayagyag siya paalis upang gumawa ng tsaa.

Lumubog muli sa katahimikan ang palasyo. Lumingon si Yan Xun kay AhJing at kalmadong sinabi, "Makakaalis ka na."

Nagdalawang-isip si AhJing dahil sa pag-aalala habang marahan siya muling nagtanong, "Kamahalan, hindi mo ba talaga kailangan ang manggagamot?"

"Hindi na kailangan." Kalmadong umiling si Yan Xun, lubos na kalmado na parang walang nangyari.

Napatingin si AhJing sa sulat na para kay Yan Xun, at ilang mga salita ang nahagip ng kanyang mata. Medyo nagulat siya at agad na tumungo bago bahagyang binati si Yan Xun, "Kamahalan, magpahinga ka agad."

Hindi na sumagot pa, tumalikod si AhJing at naglakad palabas sa bakanteng palasyo. Mayroong pag-ugoy ng sutlang tabing na nakabitin sa palasyo, na may ukit ng makulay na ibon sa mga poste. Sa ibon ay may dalawang babae, isa ay nakasuot ng pambabaeng sutlang damit, ang tiyan nito ay malaki, malinaw na buntis, at ang isa ay nakasuot ng pandigmang kasuotan tapos ay may hawak na palakol para sa pakikidigma. Iyon ang kambal na diyosa ng Yan Bei.

"Kamahalan, uminom ka ng tsaa. Kya!" ang irit ng mananayaw ay biglang narinig. Tila ba iiyak na siya habang nagpapatuloy siya, "Dapat mamatay ang tagasilbing ito. Nabasa ko ang sulat!"

"Wala iyon." Isang malalim na boses ang sumagot sa kanya na may sumunod pang utos, "Itapon mo na iyan."

….

Lumipat sa sambahayan ni Zhuge Yue sa Xian Yang...hindi na makakapagmatyag pa, nadiskubre ako...Inisip ni AhJing ang mga salitang iyon na nagkataong nakita niya, habang isang mapait na pakiramdam ang tila nagmumula sa direksyon ng Xian Yang, pinangingibabawan ang palasyo ng Shuofang sa Yan Bei.

Nang binuksan ng mga tagasilbi ang mabigat na pinto ng palasyo, lumakad siya palabas. Sa katahimikan ng madilim na gabi, nawala ang kagustuhan ng mga sibilyan na ipagdiwang ang okasyon. Digmaan, malaking buwis, pilit na pagtratrabaho, pagkamatay, dugo. Ang lahat ng ito ay maaaninag sa buong kabundukan. Namatay na si Ginoong Wu. Tumakbo na si Heneral Xiuli. Ginawa lang noon ang kamay na bakal na pamumunong ito na mas malamig. Ang takot sa kamatayan ay pinamanhid ang pakiramdam ng mga tao, habang maingat nalang silang makakapamuhay matapos abandunahin ang nakaraan nilang mga pag-asa at pangarap.

Tanging matapos lang makalagpas sa siyam na gate nakuha muli ni AhJing ang kanyang espada.

Sa harap ng gate, mayroong tanawin ng pagdanak ng dugo. Ilang mga katawan ang kaswal na inilagay sa gilid ng palasyo. Ang mga bangkay ay puno ng saksak ng sibat at nasaksak hanggang maging putik na gawa sa laman.

Ang mga tagasilbi ay kasalukuyang nagsasakay ng ilang katawan sa maliit na kariton habang minamadali nila ang humihila dito, "Madali ang pag-alis sa kanila. Sa oras na maliwanag na ang kalangitan, darating ang mga opisyales."

"Anong nangyari?" tanong ni AhJing.

"Mga natitira sila ng Da Tong." Isa sa mga sundalo na orihinal na sinanay sa Da Tong ay wala man lang reserbasyon sa pagsasalita ng prangka habang nagpatuloy siya sa pagpaliwanag, "Ito ang ikalawang pagsugod ngayong araw. Matapos mamatay ni Master Zhuang, mas naging baliw pa sila. Nangahas pa silang harapan tayong atakihin."

Unti-unting sumimangot si AhJing. Medyo kumpyansa siya na hindi sila nababaliw, at siguro ay mas pagpapakamatay ito sa kawalan ng pag-asa. Ang pinaka pinuno ng Da Tong ay pinatay ng Kamahalan. Ang napakatagal na samahan na hindi kayang lipulin ng napakaraming taon ay bumagsak sa kanilang kakampi.

"Mag-ingat kayo. Manatili kayong nagbabantay."

"Huwag kang mag-alala Heneral."

Isa sa mga gwardya ang ngumiti at sinabi, "Sinanay kami mismo ni Master Chu. Basta't binabantayan namin ang tarangkahan na ito, ni hindi namin papapasukin ang lamok."


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C216
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login