Baixar aplicativo
50.9% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 1154: Sigurado na malulunasan ang kahit anong sakit

Capítulo 1154: Sigurado na malulunasan ang kahit anong sakit

Editor: LiberReverieGroup

Pinindot ng mga photographers ang kanilang mga kamera at naaawa sila sa kumpanya ni Ye Mu Fan. Malinaw sa kanila na ang mga litratong ito ay mabebenta ng mahal kung mailalabas ito. Sa kasamaang palad, ayaw nilang sayangin ang inta at page space nila sa mga walang kwentang tao.

Magulang ang lahat ng nasa industriya. Alam nila na hindi masisigurado na magpapatuloy pa ang kumpanya ni Ye Mu Fan pagkatapos ng Golden Orchid Awards.

Sinabihan rin ni Ye Shao An ang mga hosts, kaya hindi binigyan ng mga host ng limelight ang kumpanya nila.

 Pinigilan ng babaeng host ang bibig niya na magsalita at kaawa-awa niyang tiningnan ang limang gwapong lalaki na isa-isang pumunta sa backstage. Naubos ang kaluluwa niya habang tinitingnan niya ang bawat isa sa kanila.

Pagkapasok ng lima, nawalan na ng kaluluwa ang babaeng host dahil sa pagkadismayang naramdaman niya.

Kahit ang lalaking host ay sumilip sa loob at bumulong siya, "Sh*t! Muntikan nang mabulag ang mga mata ko dahil sa mga gwapong iyon…"

Tapos nang maglakad sa red carpet ang grupo ni Ye Wan Wan.

Biglang nag-ring ang phone ni Ye Mu Fan pagkapasok nila.

Nag-iba ang tingin ni Ye Mu Fan nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kanyam "Mauna na kayo, may sasagutin lang akong tawag."

Nanatiling nakakatayo si Ye Mu Fan at matagal siyang nag-yosi, pagkatapos niyang sagutin ang tawag. Mas lalong dumilim ang itsura niya ngayon.

Kanina, nakuha niya ang assignment kahit na nahirapan siya. Ito ang bagong outdoor reality show ng Imperial City Sattelite TV.

Madali lang makapasok doon dahil bagong palabas ito.

Nagkasundo sila pagkatapos niyang kausapin ang mga producers tungkol sa iba't ibang usapan para lang makapasok sila Luo Chen at Gong Xu at pinag-usapan rin nila ang sahod para dito ng ilang beses.

Gayunpaman, bigla siyang tinawagan ng boss ng show at sinabi nito na nagbago ang isip niya. Sinabi niya na hindi raw bagay si Luo Chen at Gong Xu sa style ng palabas nila, kaya mabilis nilang iniba ang kanilang guest.

Biglang napamura si Ye Mu Fan bago niya tinawag si Yao Jia Wen. "Jia Wen, tulungan mo akong hanapin kung sino ang ginawang guest ng Hot-blooded Adventure!"

Mabilis na tinawagan ni Yao Jia Wen ang boss ng palabas na iyon. "Chairman Ye… pinasok nila sa palabas sila Zhao Cheng Ze, Meng Li Li, Cui Ming Qian, Xing Hua… gayundin si Ling Shao Zhe…"

Ling Shaozhe…

Hindi na siya nagulat dahil Emperor Sky Entertainment na naman ang may kasalanan!

Mukhang plano ni Ye Shao An na tanggalin at ilayo sa kanila ang kahit anong oportunidad na makakatulong sa kanila...

Maliban pa kay Ling Shao Zhe, isa sa mga taong kumuha sa pwesto nila ay isang bagong artista na hawak ni Cai Yong Sheng na galing Dazzling Media. Siya ay ang aktor na nominated para sa Best Novice sa Golden Orchid Awards ng taong ito: siya si Cui Ming Qiang.

Magulang ang mga tao sa industriya. Sigurado sila na baka hindi na manatiling nakabukas ang kumpanya ni Ye Mu Fan pagkatapos ng Golden Orchid Awards.

Umupo si Ye Mu Fan at kumalma na siya. Ang magagawa niya na lamang ay maghintay sa resulta.

Ang grupo niya ay nakaupo sa mga upuan at ang mga itsura nila ay malumanay.

Parang lantang gulay si Gong Xu, si Gong Xu na malakas kanina ang loob. "Luo Chen, Chen Chen… Xiao Chen… ang sama ng pakiramdam ko…"

Magkatabing nakaupo sila Luo Chen at Gong Xu. Hindi niya sana papansinin si Gong Xu, pero bigla niya itong tinanong nang makita niyang namumutla ito, "Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Pinatong ni Gong Xu ang ulo niya sa balikat ni Luo Chen at tumango siya. "Oo…"

"Sasabihan ko kaagad si Brother Ye!"

"Sige sige. Tulungan mo akong sabihan si Brother Ye. Sabihin mo sa kanya na magsuot kamo siya ng bestida. Sigurado ako na mawawala ang kahit anong sakit pag ginawa niya iyon…"

"…"

Walang awa na tinulak ni Luo Chen si Gong Xu sa malayo.

Hindi talaga marunong mag-seryoso ang lalaking ito!

Gayunpaman, dahil sa ginawa ni Gong Xu, medyo kumalma na si Luo Chen.

Hindi pa nagsisimula ang award ceremony, kaya nagdadaldalan at tinitingnan ng mga tao ang kanilang mga phones.

Kakausapin na sana ni Ye Wan Wan sioa Gong Xu at Luo Chen sa mga bagay bagay pero biglang nag-vibrate ang phone niya.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C1154
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login