Baixar aplicativo
40% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 907: Ang bata na biglang sumulpot

Capítulo 907: Ang bata na biglang sumulpot

Editor: LiberReverieGroup

Alam ni Ye Wan Wan na si Tang Long, bilang isang mersenaryo, ay hindi inaasar si Ye Wan Wan. Tinanggap niya ang misyon na ito sa isang tao ay pumirma siya ng kontrata na nasa mercenary trade union, kaya hindi sasang-ayon sa kanya si Tang Long kahit na gawin pa ni Ye Wan Wan na lima hanggang sampung patong pa ang kabayaran.

"Wala na bang ibang paraan para hindi mangyari ito?" Tiningnan ni Ye Wan Wan si Tang Long.

Umiling si Tang Long nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan at dahan-dahan niyang sinabi "Miss Ye, pasensya na talaga. Mersenaryo ako at gagalaw lang ako ayon sa kahilingan ng aking employer. Gayunpaman, Miss Ye, wala kang kailangan pang alalahanin - gusto kang dalhin ni master na buhay sa kanya, kaya wala akong gagawin na masama sayo."

"Anong nangyari sa tatlong kaibigan ko?" Tinanong ni Ye Wan Wan. Hindi niya maiwasang mag-alala sa kaligtasan nila Jiao Jiao at Old Jiang.

Alam niya na hindi isang simpleng tao si Tang Long.

"Miss Ye, ang tatlong mersenaryo na iyon ay kinuha na ng mga tauhan ko. Huwag ka nang umasa na sasagipin ka pa nila. Kung susubukan man nila, mas maraming tao na lamang ang huhulihin namin kung ganon." Tumawa si Tang Long.

Nawalan na ng pag-asa si Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Tang Long. Ayaw na niyang maperwisyo pa ang buhay nila Little Lolita, Old ghost Jiang at ang iba, para lamang sa kanya.

"Pwede mo bang pakawalan ang dalawang iyon?" Sinubukan pang makipag negosasyon ni Ye Wan Wan.

Umiling si Tang Long. "Miss Ye, pasensya na pero hindi ko pwedeng gawin iyon."

Biglang napatingin si Ye Wan Wan sa kanyang phone dahil ito ay nag-ri-ring at kakaiba ang ringtone nito. Napagtanto niya na ang ringtone na ito ay kay Nameless Nie, Spray of Flowers at sa iba pa. Paano kung sasagutin niya ito at sasabihin ang nangyayari sa kanya ngayon...

Nang maisip niya iyon, alam niya na kaya nitong mga ito, ang tagabuhat ng bricks man o ang manghuhula, na mapaalis si Tang Long.

Ngunit hindi makahanap ng pagkakataon si Ye Wan Wan na sagutin ang tumatawag sa kanya.

"Miss Ye, desisyon mo kung sasama ka sa akin o pwersado kitang tatanggalin sa lugar na ito… syempre, inaasahan ko na susunod sa akin si Miss Ye. Ayokong marumihan pa ang mga kamay ko." Nginitian ni Tang Long si Ye Wan Wan.

Sumagot kaagad si Ye Wan Wan, "Sige, aalis na rin ako ngayon."

Hindi mahirap na mahulaan na si Tang Long ay isang super expert lalo na sa paraan niya ng pagtalo kay Song Qiang at Tang Bin. Ginamit nila ang lahat ng kakayahan nila upang talunin si Tang Long ngunit hindi man lang sila nakalaban sa kanya. At tsaka, sa nakita ni Ye Wan Wan, hindi man lang seryoso si Tang Long nang kinalaban niya ang dalawa. Ang tunay niyang abilidad sa pakikipaglaban ay sampung beses ang lakas kung ikukumpara sa ginawa niya kanina.

"Sige, salamat sa pakikipagtulungan mo sa amin, Miss Ye," nagpasalamat si Tang Long kay Ye Wan Wan at yumuko siya ng kaunti at inunat niya ang kanyang kamay, pinapakita niya kay Ye Wan Wan kung saan ang daan.

Lumabas si Ye Wan Wan nang kasama si Tang Long.

Sa labas ng hall, nadakip na at nasa kotse na sila Tang Bin at Song Qiang. Pumunta sa kabilang kotse si Ye Wan Wan habang kasama niya si Tang Long.

Gayunpaman, nang paalis pa lamang si Tang Long, napansin ng isang mersenaryo ang isang bata na nakatayo sa may bakuran.

Ang batang ito ay nasa edad na apat o limang taong gulang. Napakaganda ng itsura ng batang lalaki na ito at kahit na baby faced siya, binabalot ng kadiliman ang mga mata niya na hindi angkop sa kanyang edad.

"Yung bata…"

"Sino kayo?" Nangamba ang mersenaryo noong tinitingnan siya ng masama ng bata kaya siya na ang naunang magsalita.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C907
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login