Hindi kayang pabulaanan ni Liu Ying ang sinabi ni Xu Yi.
Bilang pinuno, hindi niya kayang protektahang ang master; hindi rin niya nagawang protektahan ang kanyang mga tauhan.
Kung hindi niya ginawa ang pag dating niya, malamang bangkay na si Song Jing at hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili doon.
Iniligtas ni Ye Wan Wan ang bawat isa sa kanila - at wala siyang masabi dito.
Sa kwarto:
Napainom na ni Ye Wan Wan ng gamot si Si Ye Han at tutulungan na niya itong magpalit.
Wala sa karaniwan nitong nakakatakot ang lalaki, malamig ang awra sa kanyang paligid habang siya ay natutulog. Ang mahinang itsura ng makapangyarihang lalaki ay walang pagkapinsala at magiliw ang pakiramdam.
Halos isang buong araw na, ngunit wala pa din palatandaan na gumising si Si Ye Han.
Naalala niya ito sa kanyang dating buhay, na si Si Ye Han ay na-coma ng tatlong buwan; halos hindi niya ito nakayanan. Pasalamat, at hindi siya gaanong nasaktan ngayon, ngunit may malaking pinsala sa kanyang katawan at maaring maraming mga sintomas ang darating.
Hindi siya sigurado kung hanggang kailan siya mananatiling walang malay bago magising….
Wala ng maisip pa si Ye Wan Wan nang may kumatok sa pintuan. *dong dong dong* isang bantay ang naglalakad na may dalang pagkain.
"Miss Wan Wan, kumain ka?" ang maliit na bantay at halatang nag-iba ang tingin sa kanya.
Ang lahat ng mga tauhan sa ilalim ng utos ni Liu Ying ay hindi nagpakita ng kanilang hinanakit, ngunit ang lamig at pangungutya sa kanilang mga mata ay hindi maitatago.
"Sige, salamat. Iwan mo na lang ang pagkain doon!"
Inilagay ng maliit na bantay ang pagkain sa ibaba ngunit hindi umalis agad. Subalit, tumayo lang siya at tila nag-aalangang mag salita.
"Ano iyon? May kailangan kapa ba?" tanong ni Ye Wan Wan matapos mapansin na hindi pa ito umaalis.
Namula ang maliit na bantay na para ba itong napahiya saka niya kinamot ang kanyang ulo at nag-aalangan bago mag salita: " Wala, wala, ito lang...maaari mo bang basahin ang kapalaran ko?"
"Ha?" natuliro si Ye Wan Wan
Tulungan ko siyang gawin ang ano?
"Hindi mo na ako kailangan bigyan ng 20% discount! Buong presyo! Ayos lang ang buong presyo!" mabilis na sabi ng maliit na bantay.
Ye Wanwan: "..."
Kailan pa ako naging manghuhula?
"Ayos lang ba iyon?" sabik na tanong ng maliit na bantay.
Medyo hindi makapagsalita si Ye Wan Wan. ito'y tila ang mga panahon na nagkukunwari siya at kapanipaniwala; ang lahat ng mga taong ito ay talagang naniniwalang kaya niyang magbasa ng kapalaran.
Sa kanyang sitwasyon, mas kaya niyang basahin ang kapalaran ng mga tao ng tama kesa sa mga manghuhula. Ngunit ang problema ay hindi niya alam ang kapalaran ng kung sino-sinong tao!
Halimbawa na lang, ang taong nasa kanyang harapan.
Habang tinitignan ang hindi pamilyar na mukha, walang lumalabas sa utak niya na kahit ano tungkol sa taong ito, kaya ito lang ang sagot ni Ye Wan Wan: *cough* " may mga patakaran ako at babasahin ko lang ang kapalaran ng taong idinala sa akin ng tadhana."
Wala siyang magagawa kung ano man ang ibinigay ng tadhana.
Ang maliit na bantay ay umalis ng may pagkabigo sa kanyang mukha matapos marinig ang kanyang sinabi.
Sa sandaling ito, isang marahang tawa ang narinig mula sa may pituan. " Miss Wan Wan, pakiusap maaari mo bang basahin ang aking kapalaran?"
Hindi siya sigurado kung kailan dumating si Xu Yi, ngunit naglakad ito patungo sa pintuan.
Nang makita ni Ye Wan Wan ang bisita, tumaas ang kanyang kilay - Xu Yi?
"Housekeeper Xu, wag mo akong asarin. Nag bibiro lang ako sa kanila. Paanong nakakabasa ako ng kapalaran ng iba? Nakakabaliw iyon! Kung alam ko lang magbasa ng kapalaran, bakit pa ako nasa ganitong sitwasyon, ha?"
Ngunit bilang kanang kamay ni Si Ye Han at isa sa malapit na tao sa kanya, alam lahat ni Ye Wan Wan ang kanyang kapalaran...
Sa sandaling ito, biglang nagdilim ang itsura ni Ye Wan Wan.
Kamakailan lang, nagaalala siya sa kondisyon ni Si Ye Han kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin si Xu Yi. ngayon na banggit ito ni Xu Yi, naalala niya ang nangyari kay Xu Yi.... ay isang malaking trahedya…