Baixar aplicativo
11.64% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 264: Kinukuha padin ang limelight?

Capítulo 264: Kinukuha padin ang limelight?

Editor: LiberReverieGroup

"Sige…"

Huminga ng malalim si Zhao Da Yong at nag-umpisa ng magsalita sa mga sunod-sunod na pangyayari. Sinabi niya ang pagkapansin niya na kakaiba ang pagkilos ng kanyang anak ng umuwi siya sa kanila isang araw at kung paano niya nalaman na pinagsamantalahan ni Han Xian Yu ang kanyang anak matapos ang mahabang pag-uusap niya sa kanyang anak.

Matapos magsalita, ipinarinig ni Zhao Da Yong sa lahat ang record ng pag-uusap nila ng kanyang anak.

"Hi… Hinawakan niya ko…"

"Saan ka niya hinawakan?"

"Hinawakan niya yung… dibdib ko…"

"At…"

...

Nag-umpisang kalabugin ni Li Qiao Hong ang kanyang dibdib at malakas na umiyak sa gitna ng pagtatala. "Ang anak ko… ang kawawa kong anak… ang nag-iisa kong batang babae… paano siya magpapatuloy sa buhay niya…? Nasira na ang buhay niya sa kamay ng bastardong 'yon…"

Kinuyom ni Zhao Da Yong ang kanyang mga kamao. "Kasalanan ko. Bilang tatay niya, hindi ko nagawang ang tungkulin ko. Wala akong kwenta; hindi ko man lang siya maprotektahan at napagdaanan niya ang ganoong klaseng bagay!"

"Isang salot ang lalaking yan sa lipunan; pati bata hindi niya pinalagpas--isang siyang bastardo talaga. Hindi sapat sa kanya ang mahatulan ng kamatayan!"

Ang galit na itsura ng tatay, ang pag-iyak ng nanay at ang hindi makayanang pagtatala ang naging dahilan ng pagbunsod ng pagkagalit ng lahat ng tao sa kwarto. Binaha din ng mga kumento ang mga nanonood ng live telecast——

"Tao ba si Han Xian Yu? Hindi na siya naawa sa bata!"

"Alam kong magulo ang industriya ng entertainment pero hindi ko inaasahang ganito ito kagulo. Mas nakakasuka pa si Han Xian Yu kaysa sa mga taong pasikretong namuhay kasama ang isang mayamang lalaki o kaya ang mga manloloko na kung sino-sino ang kinakama!"

"Mas grabe pa siya sa nakakasuka---imoral lang ang mga ganong tao, pero ang lupit niya! Hanggang ngayon hindi pa din siya nanghihingi ng tawad! Masyado siyang walang damdamin!"

"Manyak! Salot! Hindi ako makapaniwalang inodolo ko ang taong tulad niya dati! Dapat sa kanya makastrat! Dapat mamatay ang buong pamilya niya!"

"Sumpain sana ang anak niya, sana sa susunod ay ma XX din siya ng ibang tao…"

...

Matapos mabasa ni Fei Yang ang mga malisosyong kumento mas pumangit pa ang kanyang itsura. "Xian Yu, bakit 'di na lang natin patayin yan…"

Napawi ang boses ni Fei Yang habang pinagtuonan niya ng pansin ang nasa gilid ng screen.

Nakita niya ang isang lalaki na nakaputing polo na sinusuportahan ng kanyang kamay ang kanyang ulo at walang bahalang tinignan ang galit na mga tao na nasa paligid niya. Wala siyang intensyon na may gawin.

Nang papatayin na ni Fei Yang ang live telecast at nag-aalala na hindi na kaya ni Xian Yu, lumingon ang teenager at may sinabi tungkol sa reporter mula sa Mars Weekly.

Masigasig na nakinig ang reporter ng nakatikwas ang kanyang katawan, at kumikinang ang kanyang mga mata habang tumatango.

Matapos non, ang Mars Weekly reporter, na si Gao Feng, ay biglang tumayo at sumigaw, "May testimonya kami mula sa testigo at masusumang ebidensya, Pero ayaw pa din ni Han Xian Yu na akuin ang kanyang kasalanan. Baliw na siya! Dahil sa mga taong tulad niya kaya sobrang gulo ng industriya ng entertainment!"

Kilala ang Mars Weekly sa mabilisan nilang paglalabas ng mga balita--may naihayag silang mga pasabog na tabloid at sikat sila sa industriya. Pero sa mga nakaraang mga taon, mas nagiging malala na sila; kinopya nila ang balita mula sa ibang pahayagan tungkol sa kaso ni Han Xian Yu.

Sa entablado, nakita ni Yan Zheng Yang na tumayo si Gao Feng para magsalita at may piksihan na lumabas sa kanyang mata--anong nangungunang tagasulat ng China? Isa lang siyang sikat na paparazzi.

Teritoryo ko 'to, pero kinukuha niya pa din ang limelight?

Galit na sumigaw si Gao Feng, at lumingon kay Zhao Da Yong sa entablado at may kaamuang sinabi, "Mr. Zhao, ako po si Gao Feng ng Mars Weekly. Pasensya na po sa napagdaanan niyo. Pwede po ako magtanong sa inyo?"


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C264
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login