Talagang pinaupo nila ako dito na parang isang tangang estatwang leon para lang antayin itong tangang babae na 'to at pinasuot pa sa 'kin 'tong parang tanga na nasa leeg ko!
Nagustuhan ni Ye Wan Wan ang aroganteng itsura ng Great White. Kinuha niya ang kanyang phone at kinuhanan niya ito ng mga litrato, kasama na din ang ilang mga selfies dito.
Pinanood ni Xu Yi ang walang takot na si Ye Wan Wan na palibutin si Si Lu Te at muntik pang tumulo ang malamig niyang pawis sa kanyang noo.
Maling gamot ba ang nainom ni Ye Wan Wan ngayon…? Dati lagi siyang natatakot kay Si Lu Te ah.
Buti na lang, alam ni Ye Wan Wan ang kanyang limitasyon at pinalibutan niya ito ng hindi hinahawakan. Pag sinaktan niya ang maliit na demonyong ito, Magkakaroon ng kaguluhan sa mundo.
Sa katotohanan, gustong-gusto na hawakan ito ni Ye Wan Wan pero alam niyang ayaw na ayaw ni Si Lu Te na hinahawakan ito ng mga tao kaya hindi na nagpumilit si Ye Wan Wan. Nagawa niya na lang tignan ang mabalahibong ulo nito at ang malusog niyang katawan.
Ang saya kung balang araw, papahawak ni Great White 'yan sa 'kin.
"Housekeeper Xu? Kamusta ang mga gulay ko?"
"'Wag kang mag-alala, Miss. Pinapangalagaan sila ng isang propesyonal."
"Dali, gusto ko makita!" sabik na sabi ni Ye Wan Wan. Humarap siya sa puting tigre at sabing, "Great White, Great White, gusto mong sumama para makita yung repolyong pinalaki ko?"
Kimubot ang mga labi ni Xu Yi, "Tingin ko yung Great White… si Si Lu Te ay hindi interesado."
Hindi siya vegetarian!
Hay, naimpluwensyahan ako ni Ye Wan Wan at talagang tinawag si Si Lu e na Great White!
Nadismaya naman si Ye Wan Wan, "Uh, sige pala! Great White, pupunta lang ako saglit sa vegetable garden para tignan sila. Mamaya na lang ulit tayo maglaro!"
Mabilis na umalis si Ye Wan Wan sa bakuran nang mailapag na ang kanyang bag.
Tiyak na, ang mga prutas at gulay na tinanim bago siya umalis ay talagang inalagaan-- bumunga na ang mga prutas sa puno, ang mga sunflower ay bahagyang lumaki, ang mga mabibilis lumaki na mga gulay ay malapit nang huminog at pwede ng pitasin, ang mga isda sa sapa masigla at mapintog at sa 'di kalayuan, mayroon pang mga sisiw na naghahananap ng pagkain...
Noon, ang bakuran ay kasing lamig at kakila-kilabot ng isang gintong hawla, pero ngayon ay maroon na itong sigla at ang malumay na pagsikat ng araw.
Tinignan ni Ye Wan Wan ang mga bunga ng kanyang paggawa habang sinusundan siya ng isang housekeeper. Ginawa ng isang kilalang arkitekto ang Jin garden sa isang bukid, ng ganon lang.
Gayunpaman, simula noong magulong pagbabago ni Ye Wan Wan sa Jin garden, ang buong lugar ay mayroon ng malumanay na vibe dito.
Buti na lang, hindi na kailangan matakot ng mga katulong sa kanilang buhay habang inaalagaan nila ang mga mamahaling bulaklak at puno, o mag-alala man kay Ye Wan Wan na sisirain niya ito.
Nang makita na bumalik na si Ye Wan Wan, nag-away ang mga katulong para sa mga papuri-- isa sa kanila ang sinabing inalagaan ang sariwang repolyo, habang ang isa naman ay sabing inalagaan niya ang mga karot, nagdulot ito kay Xu Yi na papalit-palit ng tawa at iyak.
Pinalibutan ni Ye Wan Wan ang buong bakuran mula sa harap at sa likod, at pumitas ng ilang mga sariwang gulay na pwede ng kainin, matapos nito ay masaya na siyang bumalik sa bahay.
Nang nakaabot na siya sa sala, nakita niya si Si Ye Han na pababa sa hagdan. Tinignan ni Si Ye Han ang basket na hawak niya. "Andito ka na pala."
Mabilis namang tumuwid sa pagkakatayo si Ye Wan Wan, "Oo oo, nakita ko yung Great White! At tinignan ko din yung mga gulay ko. Tignan mo, ang ganda ng mga tanim!"
Matabang na sumagot si Si Ye Han, "Mhm."
Napakurap si Ye Wan Wan. Bakit pakiramdam ko masama ang mood ni Si Ye Han, huh!
Si Xu Yi sa mga gilid: "..."
Ang una mong ginawa pagkabalik mo ay hinanap ang Great White tapos tinignan mo din ang mga repolyo--paano magiging maganda ang mood ng master?!
Pero hindi niya aaminin na ang kanyang master, na kinatatakutan ng mga tao, ay nagseselos sa isang tigre at sa mga repolyo!