アプリをダウンロード
36.36% Way Back to Your Heart (Tagalog) / Chapter 8: Chapter Eight

章 8: Chapter Eight

Muling kumaway si Nadine sa namataang jeep na parating, ngunit tulad ng ilang mga nagdaang jeep kanina ay nilampasan lamang siya nito. She exhaled loudly. Ano ba naman ito at punuan lahat ng jeep na patungong Sto. Tomas.

Sinulyapan niya ang relo sa bisig. Mag aalas-syete na, madilim na ang paligid at wala nang masyadong mga taong naglalakad sa bandang iyon ng kalye. To make it worse, mukhang wala yatang balak tumila ang ulan, sa kabaliktaran ay tila lalo yatang nagalit at langit dahil parang mas lalo pa itong lumakas at sinamahan pa ng hangin! Mahigpit niyang hinawakan ang hawak na payong dahil pakiramdam niya ay liliparin iyon ng hangin anomang oras.

She worriedly glanced at her watch again. Dapat yata ay naghintay na lamang siya kina Nicole! Truthfully, gusto lang niyang maunang umuwi dahil bukod sa bored na siya ay nais na sana niyang makita at makasama sa bahay si Gio, kaya nga lamang ay nasa date naman pala ito.

"Hmp!" Naiinis niyang sinipa ang maliit na bato sa paanan nang maalala ang girlfriend ng binata. Ano na kaya ang ginagawa ng mga ito ngayon sa sinehan? She's not that naive to not know what can go inside the cinema between lovers.

She closed her eyes and imagined. How would she feel if Gio brought her to a movie date? Naimagine niyang magkatabi sila sa upuan, pagkatapos ay inakbayan siya nito... then, in the middle of the movie,they slowly looked at each other, at bago pa siya makakilos ay inilapit ng binata ang mukha sa kanya, his breath fanning her face... slowly, ever so slowly, he lowered his lips to hers...

"Nadine!"

Tila nahihibang na napangiti si Nadine... ano kaya ang pakiramdam ng labi nito sa kanya? Her cheeks turned red at the thought.

"Sweetheart."

Her fantasy seemed so real that she could even hear him calling her. Kinikilig na lalong lumapad and ngiti niya.

Naputol ang pangangarap niya nang mabigla sa pagdantay ng jacket sa kanyang balikat. Bigla ang naging pagmulat ng kanyang mga mata, kasabay ng paglingon sa kung sinomang walang paalam na gumawa niyon.

"Gio!" She exclaimed nang makilala ang lalaking nagtakip ng jacket sa kanyang likuran.

"Ano ba ang ginagawa mo? Kanina pa kita tinatawag!" Angil nito sa kanya. He was wet from the rain, ang natural na may alon nitong buhok ay sinuklay nito ng mga daliri patalikod. Nadine's eyes travelled to his chest, nabakat roon ang matitipunong dibdib nito dahil sa pagkakabasa ng kasuotan. Tila lalong nag-init ang pisngi ni Nadine, heto ngayon sa kanyang harapan ang lalaking kanina lamang ay laman ng kanyang pantasya.

Inayos ni Gio ang jacket na ipinatong sa kanyang balikat pagkatapos ay kinuha mula sa kanyang kamay ang payong at inakbayan siya upang igiya palakad patungong sasakyan na nakaparada sa harapan nila. "Ano ba ang ginagawa mo rito sa kalagitnaan ng ulan? Kanina pa kita tinatawag pero para kang nangangarap riyan, nakangiti ka pang mag-isa," sinulyapan siya nito.

Dreaming of you...  her mind silently responded.

"Didn't I tell you to wait for me?" May iritasyong tanong nito nang makasakay na sila sa sasakyan. Dumukwang ito mula sa gitnang pagitan nila upang mag-apuhap ng maaaring maipampunas mula sa likuran.

Nadine held her breath. Dahil sa pagkakadukwang nito ay malapit ito sa kanya and she could smell his male scent. She secretly smiled and bit her lower lip. Her young eyes dancing with happiness. Would it be too much to ask for Gio to like her?

She was caught off guard when Gio suddenly turned to face her, hawak nito sa kamay ang isang bimpo. She abruptly wiped the smile off her face, kung hindi ay baka isipin na talaga nitong nasisiraan siya.

"Here. Malinis 'yan," he said, referring to the towel. Inabot nito sa kanyang kamay ang bimpo bago umayos ng upo at nagkabit ng seatbelt.

"T-thank you. But you're wet too," before she could stop her hands, they reached out for his face, dinampian ang basa sa mukha nito.

Kung nabigla man si Gio sa kanyang ginawa ay hindi ito kumibo. He cleared his throat and fixed his eyes on the road ahead before turning the car's engine on. "Magpunas ka ng mabuti at baka sipunin ka. Ang tigas naman kasi ng ulo mo, sinabi ko na sa'yong hintayin mo ako," he paused and looked at her, "you never listen to me sweetheart." Inapakan nito ang selinyador at nagsimulang magmaneho.

Nadine wiped her arms off with the towel, "eh may date kasi kayo ng girlfriend mo," lumabi siya, pinilit itago ang pait sa huling kataga. Sa tuwing maiisip niya ang nobya nito ay may hindi maipaliwanag na ligalig sa kanyang batang puso.

"You have very little faith in me, sweetheart," he reached out for cheeks and gently pinched it, "pag sinabi ko sa iyong darating ako, darating ako, never doubt. Ok?" Nakangiting anito.

Inirapan ito ni Nadine, "talaga lang ha?! And why is that? Bakit? Mas importante pa ba ako kesa sa girlfriend mo?"

"Of course," he answered in a serious voice without glancing at her.

Nadine's heart literally stopped. She is more important to him than Lexie? Bakit? Ano ba siya para sa binata? Ano ba siya for Gio?

"T-talaga? B-bakit naman?" Alanganing tanong niya. She focused her eyes on her hands at nilaro laro ng mga daliri ang singsing na suot. Pigil hininga niyang hinintay ang tugon ni Gio? Is it possible that he sees her as a woman? Posible bang magkagusto sa kanya ang binata?

Marahang tumawa si Gio. "Syempre naman! You're my little sister, that's why," malapad ang ngiti sa mga labi nito nang lumingon sa kanya.

Ouch! Little sister?! Salbahe ka Gio! Gusto niyang magprotesta sa sinabi nito ngunit alam niyang walang katuturan iyon. Hindi kailanman magkakagusto si Gio sa isang batang kagaya niya.

"Sabi ko nga," she muttered.

"Ha?"

"Wala po. Sabi ko mag ingat kang mag drive at ang labo ng daan oh," pag-iiba niya ng usapan.

Parang tayo, sobrang labo...

******

"Daddy!" Masayang sinalubong ni Nadine ng yakap ang ama. Ngayong araw lamang ito dumating mula sa ilang araw na pamamalagi sa Maynila para sa negosyo.

Her dad gave her a gentle kiss on the forehead. "Bakit naulanan ka yata? Go change first," utos nito.

"Did you buy me what I want?" Malambing na tanong niya sa ama habang nakayapos pa rin dito. She asked for a new bag from Gucci. Bagaman marami siyang mga gamit ay alam niyang hindi siya hihindian ng ama.

"May magagawa ba ako?" Birong tugon ni Ernesto sa anak, "it's in your room."

"Yes! You're the best dad!" Hinalikan niya ang pisngi nito bago nagmamadaling pumanhik sa silid sa pangalawang palapag ng malaking mansyon na iyon.

"Nadine," tawag ng ama. Nadine stopped in the middle of the staircase and turned around to look at her dad.

"Magbihis ka lang muna at bumaba ka sa study. I have something to discuss..."

Masiglang tumango si Nadine bago patakbong tinungo ang silid.

Matapos makaligo at makapag bihis ay naghapunan muna sila ni Gio bago pinuntahan ang ama sa study room. Ano kaya ang mahalagang sasabihin nito at kailangan pang sa study room?

She knocked on the door before pushing it open. "Dad, ano ba ang-" naputol ang sinasabi niya nang mapagtantong hindi mag-isa ang ama roon. Seated on the love seat were two women. Ang isa sa mga babae ay sing edad niya marahil, habang ang isa ay nasa late 30's sa kanyang tantiya.

She eyed her father, ang mga mata niya ay puno ng katanungan. Pinaglipat lipat niya ang paningin sa tatlong kaharap.

"What's this about dad?" Tuluyan siyang pumasok sa silid. Gio closed the door behind them.

"Hija, please have a seat," mailap ang mga mata ni Ernesto.

Nagtatakang nilingon ni Nadine si Gio na nasa kanyang likuran, checking if he knew what's going on, ngunit kagaya niya ay mukhang wala rin itong alam.

"Sa labas na lang muna ako tito," ani Gio.

"No, actually, you need to hear this too hijo...you're a part of the family. Please sit." Iminostra ni Ernesto ang bakanteng upuan.

Both she and Gio quietly walked towards their seat. Si Nadine ay nakamata pa rin sa ama, waiting for an explanation. She curiously looked at the two women seated on the couch in front of them. Magkahawig ang dalawang babae, marahil ay mag-ina. Parehas ding maganda ang mga ito, bagaman halatang hindi nagmula sa nakaalwang pamilya.

Nakaupo na sila when Ernesto cleared his throat. "Nadine, Gio, I would like you to meet Diana and Aubrey..."

"Hi," maikling bati ni Nadine, bago muling ibinalik ang paningin sa ama. "What's this about dad?" ang totoo ay mayroong kabang unti-unting umaahon sa kanyang dibdib. Her dad was acting a little weird, at isa pa, sino ba ang dalawang babaeng ito na iniuwi ng kanyang ama sa ganitong oras?

"As you both know, may dalawang taon na rin magmula ng mamayapa ang mommy mo, hija..."

Hindi na kailangan pang marinig ni Nadine ang kasunod na sasabihin ni Ernesto upang malamang ang nangyayari! Agad na nanlaki ang kanyang mga mata, "you're kidding dad!" she exclaimed, rising from her seat.

"Just a second hija, makinig ka muna..."

"No! For God's sake dad! Dalawang taon pa lang nawawala ang mommy! Ano? may kapalit na agad?!" puno ng hinanakit ang tinig niya.

"Nads, calm down..." si Gio, inabot nito ang kamay niya. Iwinaksi iyon ni Nadine. She's so hurt and so mad right now! Paanong ganoon na lamang kabilis kayang palitan ng ama ang kanyang mommy?!

"I can't accept this dad! I won't accept this!" galit na saad niya bago mabilis na tumakbo palabas ng study.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン