アプリをダウンロード

章 29: 29

"Hey are you okay? Karina?"

Ang tinig ni Cholo ang pumukaw sa kanina ko pa na naglalakbay na diwa. I turned to him who's intently staring at me from his seat. Akala ko ay busy pa rin ito sa ginagawa kanina sa laptop.

I slowly nodded. "Yeah, I'm good." Tumanaw ako sa labas ng kotse. Puro kakahuyan na ang nadadaanan namin. "Malayo pa ba or are we here already?" kunwari ay tanong ko.

"We'll be there in thirty minutes. Do you need anything? Nagugutom ka ba? Are you thirsty? Do you need to pee?"

Nangingiting umiling ako. "No. This moment is so precious to let it go. Minsan lang tayo magkasama na ganito. I might as well talk to you."

Tuluyan na nitong isinarado ang laptop at itinabi. "You want us to talk? Sure. What do you want to know?" Umisod siya papunta sa akin at kinuha ang kaliwang kamay ko, ipinatong sa hita nito, at nilaro ang singsing sa daliri ko.

"Anything. Magkuwento ka. How about this project you're so excited about?" ani ko.

"Hindi pa naman talaga kicking ang project na ito. Nasa first phase pa lang kami. Researches, analysis, and on-site examination muna although marami ng resource persons ang nag-co-confirm na may langis talaga sa lugar. I'm so excited for this project dahil matagal nang pangarap nina mama at papa ang pasukin ang energy industry," sabi nito sa sabik na tinig.

"You really cherish your parents," may bikig sa lalamunan na wika ko. "It might have been too late for me to say it but I'm sorry for the loss of your dad, Cholo. He's too young to perish like that."

Natigil ang paghaplos niya sa daliri ko. "Thank you. It's been years and I have accepted it. You can say that I have moved on from it. Masakit mawalan ng ama lalo na kung alam mong gusto pa niyang mabuhay. Our money didn't do anything to save my father's life. Ang ipinagpapasalamat ko lang ay iyong at least maayos kaming nakapagpaalam sa kaniya."

Mas masakit mawalan ng ama lalo na kung hindi mo alam kung bakit siya namatay. I didn't even get to properly say my goodbye to him. Kahit ang kapatid ko ay hindi siya nakita. At least you have seen him. At least you have told him everything you wanted to say. Ako? I was robbed off that privilege. Parang hayop na inagaw nila sa akin ang karapatan ko bilang anak ni tatay, sa loob-loob ko.

I smiled at him. "Good for you. I'm sure your father is happy now wherever he is."

"Thank you. Kamusta na pala ang pamilya mo, Karina? Are they good? I hope to meet them someday."

Doon ako hindi nakahuma. Nabitin sa ere ang ngiti ko pagkabanggit niya sa pamilya ko.

"Yeah, they're good. They're in best place pero mukhang malabo mo na silang makilala pa, eh."

"And why is that?"

I squinted at him. "Nagka-amnesia ka ba? Ikaw na rin ang nagsabi. You'll annul me after the election. I'm sure my family won't like to see my ex-husband by then." Nginisihan ko siya na nahulog sa malalim na pag-iisip. His grey hooded eyes gleamed in protest.

"Are you letting me to? Akala ko ba hindi mo ako bibitawan habambuhay? Na aagawin mo ako kay Elizabeth?" He lifted his hands and caressed my ear.

I smirked and clinched the distance between us. "Bakit? Magpapaagaw ka ba? Baka kasi kapag napasaakin ka na, mabaliw ka na kapag ako naman ang bumitaw sa iyo."

"Then I'd be the one to chase you this time. I'll stalk you, know all the things about you, and make you fall for me again until you have no choice but to be with me," pagsakay nito sa akin.

"Talaga ba? Then how about Elizabeth? How about the woman you love? Can you drop her like that? Paano na ang reputasyon mo? You know the Asturias. Their most prized heiress is Elizabeth. Can you afford to make an enemy out of them? Hmm?"

Sandali itong napatda bago tumawa. Napakislot naman ako sa naging reaksiyon nito.

"Why are you laughing?" nakakunot ang noo ko na tanong.

He didn't reply. He just took off the ring from my finger and played it on his palm. "Wife, you must have forgotten who you're married into. I'm a Gastrell. My name speaks for myself and what can I do. Do you really think I will cower at them if I decided to call it quits with Elizabeth?" With a grin on his lips, he slowly put on the ring back to my finger. "There you go. Just as where you should be," he whispered and kissed my hand.

Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko sa ginawa nito. A little more smile from him and I might go down on my knees again right here.

"But you love her," bulong ko habang mataman na hinuhuli ang magiging reaksiyon nito.

"But I'm married to you," he answered successfully hiding his emotion from me.

A little bit of frustration crept in me. What is he talking about? Could it be that...

"So if I ask you to marry me again now in the church, would you do it?" pagsubok ko ulit. Dito ko malalaman kung seryoso ba siya sa mga pinagsasabi sa akin o kagaya ko rin siya na gumagawa ng paraan para mahulog ako sa isang patibong.

"I want a grand wedding, wife, so now cannot be possible. Give me three months and I'll give you one," walang atubili nitong sagot.

I let out a sigh and settled back into the seat. Just what the hell of a game you're playing this time, Cholo? Have you seen through my plan? I can't believe you have a change of heart overnight. Hindi ganoon kadaling baliin ang sariling nararamdaman.

Nginitian ko siya saka pinagsalikop ang mga kamay naming dalawa. "I love the idea. Let's get married again in three month's time."

Hinapit niya ako sa bewang at hinalikan sa gilid ng ulo. Humilig naman ako sa balikat nito.

Cholo, I can not trust you. Ano ba ang pinaplano mo ngayon?

Makalipas ang ilan pang minuto ay huminto ang limousine sa isang port area ng Monte Vega.

"We're here," anunsyo ni Cholo. Nauna itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

Inabot ko ang kamay nito saka isinuot ang sunglasses. "Thank you." Hinawi ko sa likod ang buhok na inililipad ng malikot na hangin.

Maganda ang panahon. Not that humid. Just the right amount of sun and wind.

May dalawa namang mga tauhan ni Cholo na nasa likuran namin at pinapayungan kami.

Iniumang nito ang braso sa akin na nakuha ko naman agad ang ibig sabihin. Umabrisiyete ako sa kaniya bago kami naglakad papunta sa isang grupo ng mga tao na nasa runway ng port at nakatingin sa amin.

Hindi na ako nagulat nang maispatan sina Ymir at Elizabeth na magkatabing nakatayo at nakatingin din sa gawi namin. Nakakapit ang babae sa braso ng lalaki. Hindi ko makita ang mga reaksiyon nila dahil halos sakupin na ang kanilang mukha ng mga suot na salamin.

Ngumiti ako sa kanila at kumaway. Ramdam ko na natigilan sandali si Cholo sa tabi ko na agad naman nitong itinago. Lihim akong nag-isip. If I could say the right words and do the right actions then I could uncover what he's been cooking secretly.

"Good morning, Mr. Gastrell," bati ng ng matangkad na may-edad na lalaki nang makalapit kami sa kanila.

Ngumiti ang asawa saka kinamayan ito.

"Good morning, Sec." Possessive na inakbayan niya ako at ipinakilala sa mga kasama. "This is my wife, Karina. Hun, this is Alfred Benito, the secretary of Department of Energy."

Tumimo agad sa utak ko ang pangalan at posisyon ng kaharap. I smiled at him and at myself. This makes sense now. Ah, Cholo. Madali ka lang namang basahin.

"Good morning, sec. It's an honor to meet you." Nakangiti kong tinanggap ang pakikipagkamay nito. Maaliwalas ang bukas ng mukha nito kaya nadala na rin ako.

"Ms. Karina, I am more honored. I have heard so many things about you," ganting bati nito.

"I hope it's a good thing," pagsakay ko rito habang hinihila pabalik ang kamay.

"'Wag kang mag-alala, hija. Puro magagandang bagay ang narinig ko mula sa Chairman. He loves you like how a doting father loves his own daughter."

Biglang napalis ang ngiti ko sa mga labi sa narinig. This man knows the Chairman? How come?

Tumingin ako sa asawa na naghihintay din sa magiging sagot ko.

"Cholo," tawag ni Ymir kaya naputol ang aming pag-uusap. "We are having a problem. Can I talk to you for a minute?"

Cholo glanced at me. "Stay here for a while."

I let go of his arms and watched him go with Ymir. Polite na nagpaalam naman ako sa secretary. Lumayo ako nang kaunti sa karamihan at tinawagan si Vishen.

"Ms. Karina," sagot agad nito.

"You didn't tell me about Sec. Benito. Kilala niya ang Chairman?"

"I'm sorry Ms. but it was a direct order from the Chairman himself not to tell you."

"What? So it's okay for me to get blindsighted? Vishen, I did not come here to play, you know that. Now tell me who is this man? It seems to me na matagal na niyang kilala ang Chairman."

"Ms. Karina, this information is beyond my duty to tell you."

Napabuga ako ng hangin sa inis. Seriously. This man is so loyal. Wala talaga akong makukuha sa kaniya if ever he decided to be the Chairman's soldier toy.

"Okay, I get it. It's alright. Now, may nakuha ka na bang impormasyon tungkol sa joint venture nina Cholo?" tukoy ko sa trabahong ibinigay ko sa kaniya.

"I have three fourths of the report, Ms. Hindi pa kompleto dahil nagkaroon ng aberya. As what I've gathered, ang bagong kompanyang itinatag ni Mr. Cholo Gastrell at Ymir Asturia ang inaasahang papaboran ng gobyerno para i-reward ang project sa oil drilling sa lugar. It's more than a decade in the making kaya nasa project na ito ang lahat ng pera at resources ng dalawang angkan. Making parte ang ginampanan ng tumatakbo sa pagka-mayor na si Mr. Demish Viera sa pagkumbinsi sa mga kawani ng pamahalaan," paliwanag nito.

"Can you tell me how big this project is?"

"It's a multi-billion dollar contract, Ms. Karina."

"Hmmm, that big huh. No wonder ganun na lang sila ka-obsessed dito. So what's the conflict?"

Narinig ko ang pagkalansingan ng mga nahulog na kaldero sa sahig. Napailing na lang ako. Vishen must have been in his house again experimenting with his never-improving cooking skills.

"Apparently nagkakaroon sila ngayon ng problema sa may-ari ng lupa. Ayaw nilang ibenta sa mga Asturia dahil sa ilang dekada ng alitan. Kung sa mga Gastrell lang ay malamang matagal nang nabenta ito," sagot nito.

"I'm sure if it's the government we're talking here then they could easily get the property. What's the bigger deal here?"

"Hindi kasama ang lupang ito sa area na maaaring makapag-drill ng langis. As for the real reason why they wanted it, hindi ko pa nalalaman."

Mas lalong nabuhay ang katawang lupa ko sa nalaman. Ano ba ang mayroon sa lupa at ganoon na lang ang kagustuhan nilang makuha ito? Tinanaw ko si Cholo na matamang nakikipag-usap kay Ymir. Mukhang mainit na ang kanilang talakayan. Nakapamewang na si Cholo samantalang inalis naman ni Ymir ang shades sa mata kaya kitang-kita ko ang namumulang mukha nito.

"I know you won't disappoint me, Vishen. I need the full report the soonest possible. And oh, before I forget, connect me to the owner of the lot. Gusto ko silang makausap."

"Right away, Ms. Karina."

"And wait may sasa—"

Nahinto ang pagsasalita ko nang may umagaw sa atensiyon ko. A ten-car procession stopped meters from me and out came the man I never thought I would see now. Awang ang mga labi na natulos ako sa kinatatayuan.

What is this? A joke?

"Vishen, tell me how the hell Maverick Fuentebella is here?"

Bumuntung-hininga ito. Narinig ko na naman ang pagkalampagan ng mga kaldero kasunod ang isang babaeng tinig.

"Ms. Karina, that's what I've been wanting to tell you. Nagka-aberya sa imbestigasyong ginagawa namin dahil naka-engkwentro namin si Jex."

Sinundan ko ng tingin ang paglalakad ni Maverick sa direksiyon ni Cholo at ang pag-uumpugan ng mga kamao nito.

"Why? Is there something I needed to know? I thought it's already settled?"

"Ms. Karina, I believe you need to rethink your strategy. Tinanggap na po ni Mr. Maverick Fuentebella ang offer ng asawa niyo na maging major stockholder ng Gastrell Global Conglomerate."

Tumiim ang mga bagang ko sa nalaman. To say that I'm disappointed is not enough. Naiinis ako na nagagalit. Akala ko ba ay hindi siya makikialam? Bakit siya umeentra sa buhay ko kung hindi ko naman kailangan?

"Thank you for the advice Vishen but I will stick to the original plan. I'll call you when I need you again."

Naglakad na ako pabalik sa asawa na kanina pa nakatingin sa aking direksiyon. And when he pulled me by his hand into his side, I had no enough reason not to look at Maverick's way who's watching at me with the same expression he wears on that day he first found me—pity.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C29
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン