Kinabukasan, nagbalik nga si Alexis sa kastilyo at ibinalita niya kung nasaan si Shenny at ang mga nais ni Shenny na manatili pansamantala sa kagubatan ngunit hindi niya binanggit na may mga kasama ito. Ayaw nya kasing mapahamak ang mga ito dahil alam niya na mabubuti itong tao.
"Iyan lang ba ang ibabalita mo?" tanong ng nilalang na nakaupo sa gitna ng trono.
"Baka may gusto ka pang idagdag." saad naman ng isa habang nakangisi.
"Wala na Ate, pero maaari bang bantayan ko si Ate Shenny kung nasaan man siya? Huwag kayong mag-alala dahil babalik-balik ako rito upang magbalita pa rin." medyo kabado niyang turan.
Matagal bago sumagot ang nilala na nakaupo sa trono. Pero,
"Sige pinapayagan kita, basta ibalita mo ang mga nangyayari sa in'yong dalawa at ingatan mong walang makaalam sa anyo mong iyan".
Pinagpapawisan na si alexis dahil, alam niyang may nakaalam na nito.
"Umalis ka na at wag mong kalilimutan ang mga bilin ko".
"Opo, Ate." paalis na si Alexis nang...
"Walang lihim na 'di nabubunyag." mahina man ito pero dinig na dinig niya ang sinabi nito. Pero hindi na ito pinahalata pa ni Alexis at umalis na nang tuluyan sa kastilyo.
Sa kagubatan...
Shenny's POV
"Mama, mag-bebaby pa kayo ni Mama Rene?" Pagkarinig ko no'n ay nabilaukan ako sa kinakain kong mansanas at si Renestica naman ay nabitawan ang mga telang lalabahan niya.
"AHAHAHA, ikaw talaga Ellen. Hindi namin magagawa ni Mommy Renestica iyon. Babae kami pareho. Ahahahaha!"
"Ibig sabihin, ako lang ang baby niyo?" masayang sambit ni Ellen. Nagtatalon pa siya sa tuwa.
"Oo naman. 'Di ba, ikaw lang naman ang baby sis dati ni Mommy Renestica mo?" natigil ang pagtalon niya at bigla na lang naalis ang mga ngiti. Umalis siya at nagpunta sa loob ng tinitirhan namin.
"Renestica, napaano si Ellen?" tanong ko sabay lingon kay Renestica. Nagulat na lamang ako na nakayuko siya at parang malungkot.
Shenny's POV
"Renestica, ayos ka lang ba?"nag-aalala kong tanong.
"Wala ito Shenny. May naalala lang ako. Hehe."
"Anong inaalala mo?" "Wala wag mo nang isipin pa Shenny. Mamaya ay okay na rin ako."
Marahil ay namimiss na niya ang kan'yang baryo. Medyo napalalalim ang iniisip ko dahil sa pag-aalala sa kaniya kaya hindi ko na namalayang nakaalis na pala siya at nag punta sa batis para labhan na ang mga tela.
Sa isang banda...
Habang papunta si Alexis sa kagubatan ay nakakita siya ng isang batang umiiyak, medyo gusgusin na siya at parang maraming sugat na natamo kaya nilapitan niya ito.
Alexis' POV
"Bata, ayos ka lang ba?" pagkasabi ko no'n ay bigla niya na lamang akong niyakap at...
"Ateee, tulungan niyo po ako, may sumusunod po sa akin at gusto niya akong patayin ateee!" iyak siya nang iyak kaya medyo naawa ako.
"Tahan na. Tara, sumama ka muna sa akin." nakita ko ang pag-aalangan niya sa kanyang mukha.
"Hehe. 'Wag kang mag-alala, hindi kita ibebenta. Mabait akong tao". tao nga ba?
"Ate, tutulungan mo ba ako sa taong gustong pumatay sa akin?" tanong niya sa'kin.
"Oo naman, tutulungan kita, basta 'wag kang lalayo sa akin. Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Ako po si Ambyy. Six na ako." natatawa ako sa kakyutan niya. Medyo matanda lang ako sa kanya ng dalawang taon.
"Kayo po ate, ano pangalan mo?"
"Ako naman si Alexis, mas matanda ako sayo ng dalawang taon". nakangiti kong sabi.
"Talaga ate? Eh bakit ang tangkad niyo? Mukha na po kayong matanda na.
~ Aray naman. Kasama ata 'to sa sumpa. Pero 8 pa lang talaga ako. ~
"Ambyy, sino nga pala ang humahabol sa'yo?"
"Ate ko po siya, pero masama siyang tao." malungkot na saad nito. "Ang totoo niyan Ate, may mga kapatid pa ako pero nagkahiwa-hiwalay kami. Noong una, tatlo kaming magkakasama. Nakulong kami sa bahay ng masama naming Ate. 'Buti, at nakatakas kami. Pero nahiwalay sa amin si ellen no'ng hinahabol kami ng Ate namin. Ako at si Ate Serene na lang ang magkasama, pero pati si Ate Serene ko, nawala rin. Nagkahiwalay kami." iyak niya habang nagku-kuwento. Pero, tama ba ang narinig ko? Ellen daw?
"Ano itsura ng Ellen na tinutukoy mo?"
"Medyo maliit po si Ellen, pero 7 years old na siya. Medyo magkamukha po kami kasi napagkakamalan kaming kambal eh." kuwento niya. Magkamukha nga ba sila? Tiyaka, maliit? Maliit si Ellen, mukhang 4 o 5 lang age niya. Ah, alam ko na. Meron nga pala akong dala na mahiwagang gamot, na kayang magpagaling sa mga sugat.
"Ambyy, marami kang sugat na natamo mula sa humahabol sayo, kaya hindi ko makita kung kamukha mo nga ang sinasabi mong Ellen."
"May kilala po ba kayong Ellen? tanong niya.
"Oo, kaya ito." sabay pakita ng mahiwagang gamot.
"Kaya nitong pagalingin ang mga sugat na natamo mo at ano mang sakit. Ipahid mo lang ito sa katawan mo at..." hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang kinuha ni Ambyy ang gamot na iyon at ibinuhos lahat sa kan'yang katawan.
"Waaahhh! Anong ginawa mo?" gulat kong sabi. Medyo nakita kong lumungkot ang mukha niya.
"Ate sorry, kanina pa kasi masakit ang mga sugat ko kaya 'di ko na rin matiis." paiyak niya nang sabi. Sa mga oras na ring iyon, nakikita ko na gumagaling na ang kan'yang mga sugat at gumaganda na rin siya sa paningin ko. At...
"Ellen?"
"Halaaa! Oo nga, ang cute-cute mo naman. AHAHAHAHAHAH kamukha mo nga si Baby Ellen. Baby ka rin kasi ang cute mo. AHAHAHAHA" di ako makapagpigil, kaya pinisil-pisil ko ang pisngi niya at ginulo-gulo ang buhok niya.
"Ate, masakit." bigla akong napahinto sa pagpisil .
"Kilala ko ang kapatid mong si Ellen. Sa katunayan, kahapon ko lang siya nakita at nakilala. Kamukha mo nga siya at ang cute niyo. AHAHAHAHA" tawa ko sabay pisil ng pisngi nya.
"Ate naman." sabay himas ng pisngi niya.
"Masakit iyon. Pero Ate, talaga? Kilala mo si Ate Ellen? Nasaan siya?"
"Nasa gubat kasama ang Ate ko at si Renestica." Pagkasabi ko no'n ay niyaya ko na rin siya na pumunta kung nasaan nga sila Ellen.
*********
Habang naglalakad sina Alexis at Ambyy, 'di maiwasan ni Alexis na makyutan talaga kay Ambyy kahit na magkamukha sila ni Ellen. Mas nakukyutan pa rin siya rito. Naisip niya na baby niya na lang si Ambyy, tutal naman ay baby na si Ellen ng Ate Shenny niya.
"Anong ikinangingiti mo Ate Alexis?" bigla tanong ni Ambyy.
"Ahh wala, wala. Hehe." napakamot na lamang ng batok si Alexis at parang nahihiya.
**********
Alexis' POV
Nang malapit na kami sa tinitirhan nila Ate Shenny ay...
"Baby Ellen, saan ka ba nagpunta?" niyakap ni Ate Shenny si Ambyy nang sobrang higpit at parang nanay talaga kung mag-alala. Si amby naman ay natulala sa ginawa nito at...
"Mama?" naluluha niyang sambit.
"Andito na si mommy mo. Hmmm, 'wag ka na iyak. Saan ka ba galing at bakit kasama mo si Alexis?"
"Ate, magpapaliwanag ako, siya..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang..
"Ganito ang yakap ng mama ko noon, Mama". Nagtataka man si Ate Shenny ay hinagkan niya pa lalo si Ambyy na akala niyang si Ellen, dahil magkamukha ito.
"MAMA!!!" sigaw mula sa malayo ni Ellen na kasama pala si Renestica. Bigla siyang tumakbo at pinaghiwalay ang yakap nilang dalawa.
"Baby Ellen?" takang tanong niya rito. At humarap din sa taong niyakap niya.
"Dalawa ang Ellen?"
"Mama bakit mo yakap-yakap siya?" medyo malungkot at galit na tanong ni Ellen.
Biglang nalito si shenny sa nangyayari dahil dalawang batang magkamukha ang nasa harap niya.
"Ate Shenny, ako na magpapaliwanag." napatingin naman si Ate Shenny sa akin.
"Ang niyakap mo ay si Ambyy, kapatid siya ni Ellen. At alam mo bang mas matanda ng isang taon si Ellen kay Ambyy? Hindi lang halata, dahil parang kambal na sila." mahabang litanya ko.
"Kung ganoon, mali pala ang nayakap ko?" medyo nahihiyang tanong ni Ate Shenny. Pero...
"Mama, puwede bang ikaw na lang ang mama ko?" cute na sabi ni Ambyy na medyo naluluha pa.
"No! 'Di ba mama, ako lang ang baby mo?" naluluhang sabi ni Ellen.
"Ahhh, ehhh..." hindi makasagot ng maayos si Ate Shennt dahil gusto niya na rin sanang maging baby si Ambyy.
"Mama, magtatampo ako." malungkot na sabi ni Ellen. Kaunti na lang ay iiyak na siya.
"Pero 'di ba, magkapatid naman kayo kaya dapat love niyo ang isa't isa?"
"Mama..." sabi naman ni Ambyy.
"Medyo madalas kasi kami magtalo ni Ellen noon kaya siguro ayaw niya na may kasalo siya sa mama niya." malungkot na sabi nito.
"Baby na rin kita Baby Ambyy. Magkapatid kayo eh, dapat love niyo rin isa't isa. Hmmm." pagkasabi no'n ni Ate Shenny ay yumakap na si Ambyy nang mahigpit sa kaniya, at si Baby Ellen naman ay tumakbo papunta sa tinirhan namin at doon nagkulong.
"Ate Shenny." tawag pansin ko kay Ate.
"Bakit alexis?"
"Pwede rito rin muna ako? Don't worry, pagagandahin ko pa lalo itong tinitirhan natin." nahihiyang sabi ko.
"Anong natin ka riyan. Pero 'di ba, sa kastilyo ka lang dapat?" takang tanong ni Ate Shenny.
"Pinayagan ako ni Ate. Hehe." nagulat siya na pinayagan ako ng kapatid namin na manirahan kasama siya rito, pero hindi niya na lang din masyado pinansin dahil...
"Nasaan si Renestica?" nagpalinga-linga siya sa paligid pero hindi niya ito mahanap. Hinanap niya rin sa tirahan namin, pero wala.
"Renestica!!! Renesticaa!!!"
[A/N: OMG, nasaan nga ba si Renestica? Yown! HAHA So ayon guys, I'm so sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update. Hope you liked our Chapter 4. Hihi! Mwaaaps!]
— 次の章はもうすぐ掲載する — レビューを書く