Isang buwan na ang nakalipas mula nang makauwi kami galing sa misyon_marami ang nagbago.
Ang una ay nalaman na lang namin na nililigawan na ni Layne si Mandy, pero syempre hindi naging madali sakanya ang lahat dahil meron si Mardy.
Pangalawa ay mas lalo kaming pinag-usapan sa buong Winterhold.
At ang higit sa lahat ay may nadagdagan nanaman sa grupo namin, sino pa ba? Edi si Juvia at si Blake. Ang hindi lang naman nagbago pagkabalik namin ay ang pagdikit ni Juvia kay Tober na akala mo'y hindi nagsama noong nasa misyon pa kami.
"Besty, ano tingin mo kay Layne?" biglang tanong sakin ni Mandy.
"He's nice, gentleman and handsome." sagot ko.
"Sasagutin ko na ba siya?" hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at tinignan ako sa mga mata.
Agad kong tinanggal ang mga kamay niya at umiwas ng tingin. "It's up to you, but you must think about it carefully." sagot ko.
"Sabagay besty tama ka." she said while holding her chin.
Nagulat kami ng biglang hinampas ni Mardy ang lamesa kaya lahat kami ay napatingin sakanya. "Guys miss ko ng maligo sa lake, tara punta tayo mamaya. Who's with me?" sabi niya habang nakataas ang kamay.
Matagal tagal na rin mula nung naligo kami dun ah.
Itinaas ko ang kamay ko as a sign na gusto kong sumama.
Napalingon ako kay Richard sa tabi ko ng bigla niya akong kalabitin. "What lake is he talking about?" bulong niya sakin.
"The lake behind this castle." sagot ko.
"I thought it's forbidden." gulat na sabi niya.
"Yes it is, but no one will caught us unless there's a traitor here who will tell the professors about this." sagot ko.
"Then count me in." itinaas rin ni Richard ang kamay niya, isa isang nagsitaasan ng kamay ang mga kasama namin pwera kay Juvia at Blake na walang alam sa binabalak namin kaya pinaliwanag ito sakanila ni Layne.
Agad nagtaas ng kamay si Juvia dahil sasama si Tober, samantalang si Blake naman ay nagalangan muna pero sa huli ay nagtaas rin ito.
"So it's settled then. 7:00 in the evening, let's meet at Mandy's room." sabi niya samin ng nakangiti.
***
Pagkadating ng 7 ay nagkita-kita kami sa room ni Mandy gaya ng napag-usapan at dumiretso na sa lake.
Pagkarating namin ay walang sabi-sabing nagtanggalan ng damit ang lahat ng mga kasama ko at lumusong kaagad sa lawa, sumunod rin ako sakanila at lumangoy papunta sa pinakadulo nito.
Napangiti na lang ako ng biglang lumiwanag ang paligid ko dahil sa mga winter fairies na nagsilapitan sakin.
Pumatong sila sa ulo ko at ang iba naman ay sa balikat ko, bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan dahil dito.
"They really like you." nagulat ako dahil sa biglang pagsalita ni Tober sa harap ko.
"Y-yeah." sabi ko at umiwas ng tingin sakanya.
"I still wonder why they're always following you." seryosong sabi niya.
Well pati rin ako nagtataka kung bakit.
"I also don't know." I shrugged, inilubog ko ng kaunti ang mukha ko sa tubig.
Nagulat ako ng biglang umalis sa ulo at balikat ko ang mga winter fairies at pumunta sa harap ko.
"Miracle are you alright?" nag-aalang tanong ni Tober na may halong pagkagulat.
"Yes why?" nagtatakang tanong ko, maski sa mga winter fairies ay nagtataka na rin ako.
"Your eyes_"
"Tell me what's happening?!" nag umpisa na kong mataranta dahil sa nangyayari.
"Your eyes Miracle, they're glowing again." lumapit siya sakin at hinawakan ang ibaba ng mata ko pero agad niya rin itong binawi. "Miracle, y-you're cold." gulat na sabi niya at unti unting lumayo pati na rin ang mga winter fairies.
Napahawak na lang sa sarili ko nang unti-unting magyelo ang tubig sa paligid ko.
"Get out of the water now!" sigaw ni Tober sa mga kasama namin at lumangoy papunta sa gilid.
"W-what's happening to me?" hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko ang nakikita ko na lang ay ang pagkalat ng yelo sa paligid ko.
THIRD PERSON'S POV
Nagtataka ang mga kaibigan ni Josephine dahil sa biglaang pag sigaw ni Tober sakanila, nagtataka man ay sinunod nila ang sinabi nito.
Hinanap ng mga mata ni Richard si Josephine kung nasaan ito at bigla siyang nagulat nang makita kung ano ang nangyayari sakanya.
Nakapalibot sakanya ang mga winter fairies na hindi mapakali at si Tober na pinipilit ang sariling lumapit dito. Kitang kita niya ang pagliwanag ng mga mata ni Josephine gaya ng nakita niya noon nang isinugod ito ni Tober sa clinic. Ang mas ikinagulat pa niya ay ang pagkalat ng yelo sa paligid nito.
Wait, why does the water around Josephine freezing?
Lahat ay napatingin kay Josephine nang biglang nagliwanag ang buong katawan niya. Lingid sa kaalaman nila na kasabay ng pagliwanag ng katawan niya ay ang muling pagkabuhay ng infinity stone sa Anathom.
Nang unti unti ng nawala ang liwanag sa katawan ni Josephine ay agad na lumapit sakanya si Tober.
Nang makalapit sakanya ito ay agad siyang nawalan ng malay.
"What happened to her?" tanong ni Richard kay Tober nang makalapit sila sakanya.
"I don't know either." sagot niya sakanya habang buhat buhat si Josephine.
"Besty! Besty!" sabi ni Mandy habang umiiyak at tinatapik tapik ang mukha ng kaibigan. "Is she alright?" nag aalalang tanong niya.
"I don't know, I hope so." sagot sakanya ni Tober.
"Isuot mo ito sakanya." sabi ni Blake kay Mandy at inabot ang mga damit sakanya, kinuha naman niya ito. Ibinaba muna ni Tober si Josephine para maisuot ang damit sakanya.
"She's so cold." sabi ni Mandy sa mga kasama habang hawak hawak ang braso ni Josephine. "What happened to her earlier?" tanong niya kay Tober na nasa tabi lang niya.
"Her eyes glowed while we're talking to each other and after that the water around her was froze." paliwanag ni Tober habang nakatingin parin kay Josephine.
"What was that mean then?" tanong ni Juvia at umupo sa tabi ni Tober.
Nagawa pa talagang manlandi ng babaeng ito sa ganitong sitwasyon!
Sabi ni Mandy sa isipan niya.
Nang matapos nang maisuot ni Mandy kay Josephine ang damit ay binuhat ulit ito ni Tober at bumalik na sa loob para makapag pahinga na ito.
SA KABILANG BANDA:
Morstove
Sa loob ng Morstove castle ay nagtipon tipon ang sampung mahahalagang tao sa Atlanta_ang Noble Council.
Ang Noble council ay binubuo ng sampung myembro.
First is Zeus that represents the thunder, second is Hera that represents the marriage, third is Poseidon that represents the water, fourth is Demeter that represents the plants, fifth is Ares that represents the war, sixth is Athena that represents the wisdom, seventh is Apollo that represents music, eighth is Artemis that represents the hunters, ninth is Hephaestus that represents the fire, tenth is Aphrodite that represents the beauty.
"Zeus we have a problem." hingal na sabi ni Iris, ang taga bigay ng mensahe ng Noble Council.
"What is it?" tanong ni Zeus na kasalukuyang kaharap ang iba pang myembro ng Noble Council.
"The Infinity stone has awakened." sagot nito.
Ang lahat ay nagulat at nag umpisa ng umingay sa loob ng silid dahil sa balita.
Lahat ay napatingin kay Zeus dahil sa paghampas nito sa lamesa. "Silence!" isa isa niyang tinignan ang mga kasama niya. "If the infinity stone has awakened it means there is still a Khiodis living here in Atlanta, we need to find her." ma-awtoridad nitong sabi.
JOSEPHINE'S POV
"We don't know what happened to her, Tober just saw her eyes glowed."
"It's true Principal Varlisle, she also froze the lake."
Nagising ako dahil sa pag-uusap ng mga tao sa paligid ko. Pag dilat ko ng mata ko ay una kong nakita si Tober na nakahawak sa kamay ko at hinahaplos ito.
"Thank goodness you're awake, are you ok?" hinaplos ni Tober ang pisngi ko at kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
"Besty you're awake!" nagulat ako ng bigla akong dambahin ng yakap ni Mandy.
"Y-you're so heavy Mandy." nahihirapan kong sabi dahil sa bigat niya.
"Oh I'm sorry." sabi niya at agad na tumayo. "I'm so relieved that you're ok."
Isa-isa ko silang tinignan, lahat ay nandito maliban lang kay Juvia.
"What happened to me a while ago?" tanong ko sakanila.
Nagulat ako ng biglang lumabas sa likuran nila Mardy at Richard si Tito Varlisle. "You fainted Josephine *sigh* eto na nga talaga ang kinakatakutan ko. You froze the lake_"
"What does that mean?" naguguluhang tanong ko sakanya. Pano ko nagawa yun eh hindi ko naman ability yun.
"You're a Khiodis Josephine, the only living Khiodis." mahinahong sagot nito.
"What? No it can't be, I'm not a Khiodis tito." di makapaniwalang sabi ko.
"Yes you are, I don't how did this happen but when you're mother gave birth to you, you were already a Khiodis."
Isa isa kong pinagmasdan ang mga kasama ko at lahat rin sila ay nagulat tulad ko.
No this can't be happening.
"No one should know about this matter, are we clear?" ma-awtoridad na sabi ni Tito Varlisle.
"Yes Principal Varlisle." they answered in chorus.
Di nagtagal ay nagpaalam na rin sa amin si tito Varlisle at umalis. Hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala sa nangyari, sino ba naman ang hindi magugulat? Ako na isang prinsesa ay isa rin pa lang Khiodis. Pero pano nangyari yun? Hindi naman Khiodis si Mommy, lalong lalo na si Daddy.
"Kailangan rin ba nating sabihin kay Juvia yung tungkol dito?" tanong ni Blake sa amin.
"No, I know that she doesn't like Josephine and she might spread this matter if we told her about this." hindi pagsang ayon ni Richard.
"But_"
"No more buts Blake." seryosong sabi ni Tober.
"Oh sige, as long na safe si Josephine." Blake surrendered.
Maya maya rin ay isa isang nagpaalam sakin ang mga kasama ko dahil may klase pa daw sila maliban na lang kay Tober.
Tatayo na sana ako ng pigilan niya ko. "No, stay here and rest." seryosong sabi niya.
"But we have classes to attend." pinilit kong bumangon pero pinigilan parin niya ako.
"I said no." he glared at me pero hindi ako nagpatinag at pilit paring bumangon.
Sa sobrang pagpupumiglas ko ay nanghina ako at nahila siya pahiga. Nakapatong siya ngayon sakin at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Hindi ako makagalaw, he is too close to me.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni walang nagsasalita, ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
What is happening to me?
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganitong posisyon pero hindi ko magawang gumalaw dahil sa sobrang lapit niya sakin.
Awkward.
"Josephine_" mahinang sabi niya. "You're making me crazy." seryosong sabi niya sakin na para bang nang aakit habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Bakit ang sexy ng boses niya ngayon.
"Your eyes, they really are beautiful and unique." hinaplos niya ang gilid ng mata ko pababa sa labi ko. "Your lips, they are tempting me." halos hindi ako makahinga nang unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sakin. "Can I kiss you?" mahinang sabi niya.
Hindi na ko nakapalag nang maramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko.
He's kissing me. My first kiss, he stole my first kiss!
Hindi ko alam pero para akong nahihypnotize sa mga halik niya at napapikit na lang ako nang hindi ko namamalayan. Hinawakan niya ang batok ko upang mas lalong magdikit ang mga labi namin. His kiss is gentle and passionate and the taste of his lips are sweet.
Di rin nagtagal ay bumitaw na siya sa halik. Nang matauhan ako sa nangyari ay automatic na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.
"How dare you! What was that for?" galit na sabi ko sakanya. Yung first kiss ko 😭
"The kiss means I'm yours_" seryosong sabi niya sakin. "_and that lips of yours is only for me."
"You fool!" sigaw ko sakanya habang pinagbabato siya ng mga unan. "You stole my first kiss! How dare you!"
Napatigil ako sa pagbabato dahil sa pagtawa niya habang iniiwasan yung mga unan na binabato ko sakanya.
"Hey, why did you stop?" nag aalalang tanong niya sakin at umupo sa tabi ko.
"You laughed." mahinang sagot ko.
"That laugh is only for you princess." he gave me a genuine smile and kissed my forehead. "I love you." mahinang sabi niya na naging dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
What's happening to me? Am I sick?
***
Pilit kong iniwasan si Tober pagkatapos ng nangyari sa room ko, dahil sa tuwing nakikita ko siya ay pumapasok sa isip ko yung ginawa niya kanina.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway papuntang classroom nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Miracle!" rinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko.
Wait, isa lang ang tumatawag sakin ng Miracle.
Binilisan ako ang lakad ko at hindi pinansin kung sino ang tumatawag sakin. Pero napahinto ako nang bigla niyang hablutin ang braso ko.
"Miracle, why are you avoiding me? Is it because of the kiss?" pang aasar niya sakin.
"Stop it Tober! You're so annoying!" sigaw ko sakanya. Sino pa nga ba? Edi si Tober, siya lang naman ang humalik sakin kanina.
"Oh, my princess is mad. It seems like you want me to kiss you again." he grinned and walked towards me.
"I-i_don't!" tinulak ko siya at tatakbo na sana ng hablutin niya ang braso ko at ikinulong sa mga bisig niya.
"I'm just kidding princess, please don't run away and avoid me." malambing na sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Why are you like this Tober?
"Oh mukhang may hindi kayo sinasabi samin ah." napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ng hallway at nakitang si Mardy ito na abot hanggang tenga ang ngiti.
Itinulak ko si Tober nang marealize na nakayakap siya sa akin.
"Uhh, it's not what you think." pagdedepensa ko.
"Don't be too defensive Josephine." sabi niya habang tumatawa.
Tinignan ko si Tober sa tabi ko at palihim itong tumatawa.
Argh! This two is really annoying!
Nagwalk-out ako at dumiretso na sa classroom, umupo ako sa pinakadulong upuan at nagbasa ng libro.
Nasa kalagitnaan na ko ng binabasa ko nang dumating si professor Morgan kasama ang dalawang asungot na si Tober at Mardy.
"Ok class before we could start, let me introduce myself first, I'm Professor Morgan, your professor in Ability class." pagpapakilala niya.
Second sem na pala, ang bilis ng panahon.
"Write your name on this mystic paper then drop your blood on it and pass it in front." pagpapaliwanag niya habang isa isang ibinigay samin ang kulay dilaw na papel at maliit na kutsilyo. Pagkabigay niya ay agad kong sinulat ang pangalan ko at hiniwa ang palad ko saka pinatuluan ng dugo ang papel. Nang matapos na ko ay ipinasa ko na ito sa harap.
Ano kayang gagawin niya diyan?
"Since this is our first meeting, I want to know your abilities." seryosong sabi niya. "Throughout the day of our meetings you will be having a battle, this paper will choose who will be your opponent and also your current rank will be written on this paper."
Rank? Bakit may ganun pa?
"Now let's start with the boys, tell me your name and your ability." isa isang tinawag ng professor namin ang mga kaklase naming lalaki.
Gaya ng sinabi ni professor Morgan ay nagpakilala sila at sinabi ang ability nila. Taimtim lang na nakikinig ang professor namin hanggang sa kaming mga babae naman ang sumunod.
"Besty, may hindi ka sinasabi sakin ah." sabi ni Mandy sakin at binigyan ako ng nakalolokong ngiti.
"What are you talking about?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Aminin mo na kasi besty na may something na sainyo ni Tober. Ok lang naman samin eh." pang aasar niya sakin habang tumataas baba ang kilay niya.
"Stop it Mandy. There's nothing special going on between us." sagot ko.
Napabaling ang atensyon ko sa harap nang tawagin na ako ni professor Morgan.
"Ms. Beaufort you're next."
Pumunta na ko sa harap at nagsimulang magpakilala.
"Good day professor, I'm Miracle Josephine Beaufort and I have a water ability." pagpapakilala ko.
"You are one of the students who was chosen in the mission? The girl with water ability, I just want to ask, can you also manipulate the blood inside our body since it also contains 92% of water." tanong niya, dahil dun ay nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko.
"Yes professor." sagot ko habang nakayuko.
"Then your ability is really powerful. Aasahan ko ang pagpasok mo sa top 10." seryosong sabi niya.
"Y-yes professor." nauutal kong sagot.
"Ok you may sit now Ms. Beaufort, next!"
Bumalik na ko sa upuan ko nagpatuloy na lang sa pagbabasa ng libro hanggang sa matapos ang klase namin.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!