Samantala, sa hospital inantay muna ni Ashley na makatulog ang asawa bago nagpasya siyang puntahan si Harumi at alamin kung ano na ang kalagayan ni grandma Hanada. Nang makasigurado na siya na mahimbing na ang tulog ni Tanaga, dahan dahan siyang lumabas ng kwarto upang tumungo sa VIP waiting room para sa pamilya niya.
Nang makarating siya sa private waiting room kung saan dapat ay nagpapahinga nang si Harumi, wala siyang naabutan na tao sa loob ng silid. "Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Sana naman ay walang masamang nangyari sa matanda, mas mabuti yata na tawagan ko para makasigurado." Bulong ni Ashley sa sarili habang inilalabas niya ang kanyang cellphone galing sa bulsa ng damit.
Nang mag dial na sana siya ng numero ni Harumi. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ito na may dala dalang duffle bag. Mukhang kagagaling lang niya sa ibaba ng hospital at kinuha kung sino man ang nagdala nito sa kanya.
Mga readers, promote ko lang ang isa ko pang Tagalog na sinusulat. Ang title ay "The President Daughter"
Marami na rin siyang chapter at hindi ito naka-lock. Sana ay bigyan nyo rin ng pansin at basahin. Hinding hindi kayo magsisisi.
Maraming salamat po!