Walang masabi si Koji, at hindi siya makagalaw o makasalita. Ang bilis mangyari ng lahat at gulong gulo ang kanyang isip.
"Anong gagawin ko? Kailangan ko siyang pagsabihan tungkol sa ahas na babaeng ito. Siya ay nakakalason," binulong niya sa sarili niya habang natataranta.
Nang napansin ng mga bodyguard ang nagyari, alam nila kung ano ang kinailangan nilang gawin, kaya umatras sila. Tumabi sila at tumingin sa dance floor at nagkunwaring wala silang nakita.
Gulat parin si Koji sa ginawa ni Ohani, pero alam niya na wala siyang magawa kung di panoorin kung ano ang reaksyon ni Tanaka. Maraming bagay ang nasa isip niya, at dahil dito hindi siya sigurado kung ano ang gagawin.
Nabigla si Tanaka sa biglaang halik sa kanyang labi, at napa-atras siya habang tinutulak si Ohani palayo sa kanya. Sa halip ng lumayo, ay kumapit pa ng todo si Ohani sa kanya, at yinakap ang kanyang leeg.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up!