Nang bumalik si Ashley at Tanaga sa Club/Bar ang lugar ay tahimik na at wala ng mga tao kundi ang pamilya na lang ni Ashley at si Sophia. Nanlaki ang mata ni Ashley ng makita niya na nakaupo si Sophia at nakikipag-inuman sa mga kapatid niya at magulang.
"Hahaha!"
"Hahaha!"
"Hahaha!"
Malakas na tawanan ang inabutan nila Ashley at Tanaga.
"Wow! Ang saya ninyo ah! Ma'am Sophia, maraming salamat po! Nakakahiya naman po sa inyo at hindi ka na pinakawalan ng pamilya ko." Sabi ni Ashley habang paupo sa tabi ni Sophia.
Si Tanaga naman ay kinalabit si Arman para kausapin sa labas sandali. "Arman, pwede ba kitang makausap sandali? Meron lang akong kailangan na ibigay sa iyo. Surpresa ni Ashley sa magulang mo at sa inyo."
Eto na po ang pangalawa. Kung hindi ko lang kayo mahal, ewan ko lang.
Kawawa na nga ang mga readers ko sa One night with the Prince since ng magsulat ako ng tagalog eh.
Mas marami ang update ko dito , kesa doon. hahaha!
Mas mahirap kasing mag-sulat ng English, dumudugo ang ilong ko.
Wag kalimutan na bumoto, motivation ng author nyo... pang 5th week na tayong #1
Salamat sa lahat!