アプリをダウンロード
7.56% The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog] / Chapter 31: Chapter 31

章 31: Chapter 31

Laking tuwa at pasasalamat ng dalawang Immigration officers ng imbitahan sila ni Tanaga sa after wedding dinner party. Gusto rin nilang makita kung ano ang itsura ng buhay ng isa sa pinakamayaman sa bansa nila.

Kaya naman hanggang tenga ang ngiti at labas lahat ang mga ngipin ng dalawang immigration officers habang panay ang sulyap kay Ashley na tahimik lang sa tabi. Na hindi naman lingid sa kaalaman sa mga matang-lawin ni Tanaga.

"Sige, mauna na kami. Aantayin namin kayo!" Sabi ni Tanaga sa mga officers na napaka seryoso ang mukha at parang iritado na naman. Sabay kuha ng kamay ni Ashley at nagsimulang lumakad palabas ng pintuan ng walang lingun-lingon.

"Sige po, Sir Jones! Maraming salamat po uli sa imbitasyon." Nakangiting pagpapaalam ng officer habang sinusundan ng tingin ang papaalis na bagong kasal.

"Sir! Pupunta po ba tayo talaga? Parang alangan naman po ang itsura natin?" Tanong ng nakakababang officer sa leader nya.

"Inimbita tayo, kaya't pupunta tayo. Sigurado ako na ang handa ay masasarap, isa yan sa pinakamayaman sa bansa no?!" Proud na sagot ng leader.

"Ganun po ba? Di sige po! Sinabi nyo eh!" Sang-ayon ng nakabababa na immigration officer.

===

Tahimik lang si Ashley habang tumatakbo ang sasakyan. Sinigurado nyang nakaupo sya na malayo ang pagitan nilang dalawa. Dahil hindi nya alam ang kanilang destinasyon, minabuti na lang na magkunwaring tulog upang hindi sila mag-usap.

Ipinikit ni Ashley ang kanyang mga mata at isinandal ang kanyang ulo sa upuan na napansin naman ni Tanaga pero hindi ito kumibo habang pinagmamasdan nyang maigi at malalim ang iniisip.

Si Ashley naman ay nag-iisip din ng napakalalim habag kunwari ay natutulog sya. Hindi pa rin sya makapaniwala na sa loob lamang ng ilang araw ay napakadali ng pinagbago ng kanyang buhay. Mula sa isang simpleng pagkatao at pamumuhay, sa isang iglap ay biglang nagbago at sya ngayon ay asawa na ng isang bilyonaryo. Kahit ba sa pangalan lang...

Maya-maya ay biglang naalala ni Ashley ang telepono nya. Kaya naman bigla nyang iminulat ang mga mata at tumingin kay Tanaga at tatanungin nya sana... Ang kaso ay biglang ng bzzz ang cellphone ni Tanaga. Kaya naman napilitan si Ashley na bumalik sa kanyang pag-arte at sumandal uli habang nakapikit ang mga mata.

Dahil na rin siguro sa sobrang pagod, si Ashley ay tuluyan ng nakatulog ng mahimbing. Napansin ni Tanaga na nagsisimula ng lumalalim ang paghinga ni Ashley, kaya naman...

"Hold your thoughts!" Sabi nya sa kausap sa kabilang linya, sabay lumapit sya kay Ashley at dahan-dahan nyang isinandal ang ulo sa balikat nya, para mas maging komportable ang misis nya. Nang sigurado na syang hindi magising si Ashley, bumalik sya sa telepono at nagpatuloy sa business na pinag-uusapan...

"So, ang ibig mong sabihin ay meron kang nakilala sa America na isang pinay din, at kayo ngayon ay kasal na? Teka, teka paano nangyari na kayo ay nagpakasal? Never mind, we'll talk later... Why don't you come over for dinner at my yacht tonight, it's only a couple of hours flight with your private Jet." Imbita ni Tanaga sa bestfriend nyang si Jeff.

"I can't, I have to go see my grandfather at the hospital. That's why I had to come back urgently. Maybe next time na lang." Tanggi ni Jeff sa paanyaya ni Tanaga.

Nagpatuloy ang pag-uusap ni Tanaga at Jeff tungkol sa business hanggang maya-maya lang ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Sa isang pantalan kung saan ay nakadaong ang yacht ni Tanaga na napakalaki. Isa ito sa pinaka-malaki sa Asia, ang pangalawa ay pag-aari ng kanyang kaibigan at business partner na nasa Pilipinas na kasalukuyan nyang kausap sa telepono.

Nang hindi pa rin nagising si Ashley, kahit na tumigil na ang pag-andar ng sasakyan, minabuti ni Tanaga na buhatin na lamang sya paakyat sa ibabaw ng yacht. Dahan-dahan nyang kinarga si Ashley habang ang driver naman ay handang tumulong kung kinakailangan habang nakatayo sa bukas na pintuan ng sasakyan.

Paglabas ni Tanaga ng sasakyan na karga si Ashley, nabigla syang bumungad ang mayordomo na may napakalaking ngiti sa mukha.

"Congratulation, Sir! May both of you be blessed with many children to come!" Sabay yuko at sign ng pag respekto sa amo. Ganoon din ang ginawa ng lahat ng mga empleyado at crew ng yacth. Nakayuko silang lahat hanggang makalampas si Tanaga na proud na proud na karga-karga ang kanyang asawa.

Ang mayordomo naman ay nakangisi at palihim na tumatawa dahil sa kanyang inihanda para sa bagong kasal...

"Hmmmm? Ano kaya ang hinanda ng pakialamerong mayordomo?" Kayo? Alam nyo? Hahaha! Sa susunod uli...


next chapter
Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C31
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • テキストの品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン