アプリをダウンロード
18.32% The Actor that I Hate to Love / Chapter 35: Worried

章 35: Worried

Shanaia Aira's Point of View

IT'S BEEN three days since Gelo left at feeling ko tatlong buwan na syang wala. Kapag nasanay kana na nasa tabi mo lang ang mahal mo bawat minuto na wala sya ay katumbas na ng ilang araw.

I sigh..Hindi pa kami nakakapag-Skype man lang dahil simula nung dumating sila dun sa U.S. yung pagpapagamot kay tita Sylvia ang inasikaso nila at naintindihan ko naman yun, nag-aalala lang ako sa kanila.Tumawag naman sya sa akin nung pagdating nila dun at nung ikalawang araw tapos yun na yon, wala na ulit kasunod. Hindi ko alam kung ano na ang balita sa kanila dun dahil hindi ko na ma-contact si Gelo sa cellphone nya.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aasikaso kay Dindin at sa pag-aaral ko para hindi ko masyadong maalala si Gelo. Sumasama rin ako sa mga lakad nila Venice para hindi ako mainip.

Ilang araw pa ang lumipas and still,no sign from Gelo. Aminin ko man o hindi talagang nag-aalala na ako ng husto sa kanya.Ano na kaya ang nangyari sa kanila dun? Si tita Sylvia kaya,okay na ba sya? Ang dami kong tanong pero wala akong makuhang sagot dahil kapag sinusubukan kong tawagan si Gelo,hindi ko talaga sya ma-contact.

Days turned into weeks and at exactly one month mula nung umalis sya,nakatanggap ako ng tawag mula kay ate Arienne. Sinabi nya na okay na si tita Sylvia, naoperahan na ang mga paa nya at iuuwi na nila sa susunod na linggo.Kailangan na lang ng theraphy na naumpisahan na doon at itutuloy na lang dito. Tinanong ko kung bakit hindi nagpaparamdam si Gelo sa akin,at sobrang nag-aalala na ako sa kanya. Ang tanging sagot lang ni ate Arianne sa akin ay busy si Gelo at sya na lang ang pinatawag para kumustahin ako.

Nang matapos kaming mag-usap ni ate Arienne ay parang mas lalo akong nag-alala. Parang may mali sa nangyayari. Knowing Gelo,kahit busy sya hindi nya nakakalimutan ang tawagan ako at ngayon lang nangyari na si ate Arienne ang inutusan nya para kumustahin ako.Bakit natiis nya na hindi ako makausap ng isang buwan? Hindi ba nya ako nami-miss? Kasi ako sobrang miss ko na sya pati rin si Dindin.

Parang naninikip ang dibdib ko sa nangyayari. Maayos naman kami nung umalis sya at nung huling tumawag sya. Halos hindi na nga nya gustong bitawan ang phone nung magpaalaman kami. Ngunit ngayon, bakit ganon?

Napaiyak na lang ako sa sobrang frustration. Hindi ko alam kung anong oras ba ako nakatulog. Ang alam ko lang nakatulugan ko na ang pag-iyak.

Pagpasok ko sa Med school kinabukasan ay agad na napansin ng dalawang kaibigan ko ang pumumugto ng mga mata ko.

" Besh ano nangyari sayo,mukhang wala ka yatang tulog at namamaga yang eye bags mo?" tanong ni Charlotte.

" Hindi puyat yan Lot, mukhang umiyak yang besh natin magdamag kaya ganyan. Hindi pa ba nagpaparamdam si Montero?" tanong ni Venice.

Hindi ako makasagot sa kanila. Basta na lang ako bumira ng iyak sa harapan nila. Nataranta naman sila,hindi nila malaman kung paano nila ako patatahanin, mabuti na lang walang gaanong dumadaan dun sa tambayan namin.

Nang kumalma na ako, I told them the reason why I cried the whole night.

" Besh baka naman talagang busy lang si Gelo kaya hindi nagpaparamdam sayo." turan ni Charlotte.

" Besh one month syang busy kaya hindi makatawag sa akin? Gaano ba ang kakaining oras para ma-contact ako? And knowing him,isang araw lang nya akong hindi makausap hindi na yun mapapakali. Parang may mali eh at nag-aalala ako ng husto." sagot ko na medyo may konting hikbi pa na kasama.

" Besh baka naman may nakilala syang magandang nurse dun kaya hindi kana nya naalala." asar ni Venice.

" Heh! Hindi ka nakakatulong Venice. Kita mo na ngang umaatungal tong si Aira eh kung ano-ano pa ang sinasabi mo!" singhal ni Charlotte sa kanya.

" I'm just trying to make her smile a bit. Peace besh. I'm just kidding." sambit nya na naka peace sign pa.

" Hay nako talagang ikaw Venice Anne mababaliw ako sa kalokohan mo. Seryosong usapan eh hinahaluan mo ng kabaliwan mo." naiiling na saad ni Charlotte.

" Sorry na besh. Alam ko namang hindi magagawa ni Gelo yon dito kay besh. Yun pa eh baliw na baliw yun dito kay Aira."

" Yun na nga eh. Pero bakit natiis nyang hindi ako makausap man lang ng isang buwan?  Naguguluhan ako. Parang may mali talaga. May mali!" saad ko at binirahan na naman ng iyak.

" Huy! Shh..shh..besh tama na, baka may malaking rason naman si Gelo. Malalaman mo rin yun pag-uwi nila next week. Tahan na." pag-aalo nilang dalawa sa akin.

Niyakap nila ako at pinakalma. Hindi sila tumigil para i-comfort ako. I'm so lucky na may mga kaibigan akong katulad nila.

Maghapon akong wala sa mood at hindi ako gaanong nag-participate sa klase. Nung uwian na ay dumaan muli ako sa unit ni Gelo na nakagawian ko ng gawin mula nung umalis sya. Naglinis ako ng kaunti kahit na sa totoo lang ay wala namang lilinisin dahil wala naman yung nagkakalat. Nag stay lang ako sandali at umuwi na rin agad. Maaalala ko lang lalo si Gelo pag nagtagal pa ako.

AFTER a week ay nabalitaan kong umuwi na sila tita Sylvia mula kay ate Arienne. Excited akong pumunta sa kanila para bisitahin si tita Sylvia at para makita na rin si Gelo.

Bitbit ang mga prutas at bouquet ng flowers, nagmamadali akong nag doorbell sa gate nila. Pinagbuksan ako ng maid nila at sinabing nasa living room sila tita Sylvia.

Pagpasok ko ay naabutan ko si tita Mindy na pinapakain ang naka wheelchair na si tita Sylvia. May awang humaplos sa puso ko nung makita ko ang kanyang kalagayan. Medyo natagalan ako sa pagkakatayo ko sa may pinto bago ako lumapit sa kanila.

Si tita Mindy ang nakapansin sa akin nung malapit na ako sa kanila.

" Oh anak nandyan ka pala. Kanina ka pa ba dyan?" tanong nya kaya napatingin din si tita Sylvia sa akin.

" No tita kadarating ko lang po. Kumusta po kayo?" tanong ko kay tita Sylvia pagkatapos kong magmano sa kanilang dalawa at iabot yung dala ko kay tita Mindy.

" I'm fine darling. I'm so lucky that God gave me another chance to live." nakangiting sagot ni tita Sylvia. Napangiti rin ako,humahanga ako sa tatag ng loob nya. Despite of what she's been through she manage to smile and accept her situation.

" Mabuti naman po tita. Nag-alala din po ako sa inyo ng husto. Thank God you're fine now."

" Salamat anak. Anyway, pagpasensyahan mo na kung hindi ka natatawagan ni Gelo,masyado lang syang naging busy nung nasa U.S. kami. Sorry kung..."

" Ate!" biglang saway ni tita Mindy kaya hindi natuloy ni tita Sylvia yung sinasabi nya. Nagtataka naman ako kung bakit pinigilan sya ni tita Mindy. Mayroon ba akong hindi dapat malaman?

" Sorry anak hindi pa kasi pwedeng magsalita ng magsalita si ate Sylvia, bawal pa sa kanya." pagdadahilan ni tita Mindy.

" Ah ganon po ba? Sige tita ituloy nyo na po ang pagkain nyo." sabi ko na lang kahit na alam ko namang nagdadahilan lang si tita Mindy. Alam kong may hindi sya gustong ipasabi kay tita Sylvia sa akin. At posibleng tungkol ito kay Gelo. Kaya kahit nagdududa ako nagtanong na rin ako tungkol kay Gelo.

" Ah tita Mindy si Gelo nga po pala bakit parang wala sya? Isang buwan ko na rin po syang hindi nakakausap."

" Ah eh naiwan pa kasi si Gelo dun may inaasikaso pa sya baka sa isang araw na ang uwi nya. Huwag kang mag-alala anak pagdating nya siguradong sayo agad ang punta nun. Miss na miss kana nun kaya lang hindi nakakatawag dahil naging busy sya masyado."

I just nodded. Naguguluhan talaga ako sa nangyayari. Ano naman ang inaasikaso ni Gelo dun bakit naiwan pa sya? May kinalaman ba ito sa sinasabi ni tita Sylvia na pinigilan lang ni tita Mindy na sabihin sa akin?  Bakit naging busy sya samantalang apat naman silang nag-aasikaso kay tita Sylvia? Hindi naman siguro sa kanya lahat ang oras ng pagbabantay para hindi nya ako matawagan. Imagine isang buwan syang hindi nagparamdam, nakakapagtaka lang talaga.

After an hour ay nagpaalam na rin ako kila tita Mindy. Pagdating sa bahay ay pahilata akong humiga sa kama ko. Iniisip ko pa rin si Gelo. Hindi ko alam kung bakit nagawa nya akong ignorahin sa loob ng isang buwan. Kahit naman nag-aaway kami noon,pinaka matagal na yung dalawang araw na hindi kami nag-uusap. But this,one month is too long. Ni hindi nga kami nag-away man lang, sobrang sweet pa nga nya nung huling tumawag sya.

Ano ba talaga ang nangyayari? Nasasaktan ako sa pambabalewalang ito ni Gelo sa akin. Hindi sapat na rason yung busy sya kaya hindi nya ako natatawagan.

Nasagot ang tanong ko nung ikalawang araw na buhat nung pumunta ako kila tita Sylvia. Kagagaling lang namin ni Dindin sa church para sa worship service namin. Malungkot kaming umuwi dahil usually after ng worship service, tumutuloy kaming tatlo nila Gelo sa mall para kumain at mamasyal.

Pagdating namin ni Dindin sa bahay nasalubong namin si yaya at maggo-grocery daw sya kasama ang driver. Sumasama si Dindin kay yaya dahil wala nga ang daddy bhi nya at naiinip daw sya kaya pinasama ko na lang.

Pagkaalis nila yaya,nagbihis na ako ng pambahay, tapos tumambay na ako sa couch sa living room at nanood ng tv habang busy naman sa pagta-trabaho ang mga kasambahay namin.

Narinig kong bumukas ang front door at napatda ako ng makita ko ang taong pumasok. Awtomatikong tumulo ang luha ko kaya patakbo syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

" God, I miss you so much baby." wika nya habang pinupunasan ang luha ko ng mga kamay nya.

" Nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang? Bakit isang buwan mo akong binalewala at hindi ka nagparamdam? Nakakainis ka!" panay ang hampas ko sa dibdib nya habang umiiyak pa rin ako.

" I'm sorry baby, I'm so sorry." malungkot na sambit nya saka umiiyak na lumuhod sa harapan ko.

Nagulat ako sa ginawa nya. Pakiramdam ko may mabigat na dahilan ang inihihingi nya ng tawad.

At aaminin ko,natatakot ako.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C35
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン