アプリをダウンロード
25.13% The Actor that I Hate to Love / Chapter 48: There's Only Me and You part 2

章 48: There's Only Me and You part 2

Shanaia Aira's Point of View

De javu.. nangyari na ito noon years ago, kumakain din kami ni Gelo, nga lang sa Pilipinas.

" Oh hi Keithlin! What are you doing here?" pagbibigay pansin ni Gelo sa dumating.

" I have work here. And by the way, these are my friends Trini, Mariz and Nica. Girls this is Gelo Montero and his best friend Aira." pakilala nya sa mga kasama nya. Ngumiti lang ako at tumango pero si Gelo ay nakipag shake hands sa kanila.

" My gosh, hindi ko ine-expect na makikita kita Gelo. Nakipagsiksikan kami sa movie theatre nung first day ng showing nung movie ninyo. Grabe ang galing mo, mas magaling ka pa dun sa kay Enrique. Grabe ang gwapo mo pala talaga sa personal." kinikilig pa habang nagk-kwento yung Nica.

" Hindi naman pero thank you. " tipid na sagot ni Gelo.

" Alam mo bang ipinagmamalaki ko sa company namin na naging classmate kita nung college Gelo. " sabi naman ni Keithlin.

" Really? Thank you Keithlin. Nag dinner na ba kayo? Come, join us here." alok ni Gelo.

" No we're done.Pabalik na rin kami sa hotel room namin nung makita namin kayo. Maybe next time? Or magtatagal ba kayo dito? " tanong ni Keithlin.

" Medyo, mga two weeks. Bakasyon ako ng ilang weeks bago ko umpisahan yung bago kong movie."

" Talaga? Naku aabangan namin yan. Si Charmaine Gonzalo ba ulit ang ka-partner mo? " tanong naman nung Mariz.

" No. Sa conference ko pa malalaman. Its a surprise but definitely not her. " sagot ni Gelo.

" Hay mabuti naman. Okay sana yung chemistry nyo kaya lang ang maldita naman daw nung Charmaine na yon. Anyway, aabangan talaga namin yung susunod na movie mo. Fans mo kami Gelo. " yung Trini naman ang nagsalita.

" Oh well thank you." tipid na sagot muli ni Gelo.

" O sige akyat na kami. Nasaan nga pala ang mga kasama nyo?Kayo lang ba ni Aira? " tanong ni Keithlin.

" Yeah kami lang. Treat ko sa kanya itong vacation namin na to." sagot ni Gelo.

" Oh ang tatag nyo talagang mag best friend. Buti hindi napagkakamalang girlfriend mo yang si Aira? "si Keithlin muli.

" Hindi naman. Noon pa naman alam na ng mga tao na mag best friend kami. Wala naman kaming ginagawa kaya wala silang dapat itsismis sa amin. " turan ni Gelo.

" Tama! " halos sabay pang bulalas ni Keithlin at Nica.

" O paano akyat na kami. See you!" paalam ni Keithlin. Kumaway naman yung tatlo nyang kaibigan bilang pamamaalam.

Magana naming ipinagpatuloy ni Gelo ang naudlot naming pagkain. Manaka-nakang nag-uusap kami ng mga random things sa pagitan ng pagsubo.

Nang matapos kami ay naglakad-lakad kami ng ilang minuto sa paligid lang ng hotel tapos umakyat na kami sa aming hotel room.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising ni Gelo dahil mahaba ang list ng itinerary namin sa buong maghapon. Nag-almusal muna kami sa resto pagkatapos ay nag rent na kami ng cab para sa first destination namin.

Plano talaga naming libutin ni Gelo ang buong Japan sa loob ng dalawang linggo namin dito. And our first destination since we arrived yesterday is Osaka Japan. Buong maghapon ay dito kami maglilibot.

Hinatid kami ng cab sa train station. We will ride in Shinkansen bullet train from Tokyo to Osaka. Dalawa at kalahating oras ang byahe bago kami makarating ng Osaka.

During the ride ay nakayakap lang sa akin si Gelo dahil sobrang bilis nung train. Pero nag-enjoy naman kami dahil sa bagong experience na ito. The last time we were in Tokyo ay hindi kasi kami gaanong nakapamasyal sa ibang part ng bansa.

Pagbaba namin ng bullet train, ang unang pinuntahan namin ni Gelo ay ang Osaka Castle. It is a renowned historic castle with museum. One of the most famous landmark in Japan and one of the oldest, it was built in 1583.May museum ito at ang ganda ng garden. Panay nga ang selfie namin ni Gelo dun sa garden.

Ang sumunod naman naming pinuntahan ay yung Osaka Aquarium. A huge landmark for marine exhibits. Mga 30 minutes lang kami dun, nag-selfie lang kami tapos tumuloy na kami sa Universal Studios movie themed and amusement park. Dito kami nag-enjoy ng husto ni Gelo. Para kaming bumalik sa pagkabata. Lahat halos ng rides sinakyan namin. Marami rin kaming pictures sa mga favorite naming characters pati dun sa Harry Potter Hogwarts Castle at sa Minion park. Dito halos naubos ang oras namin sa buong umaga. Then duon na kami sa Dotonbori kumain ng lunch.

Yung buong hapon naman ay sa shopping area kami naglagi, sa Shinsaibashi. Para itong Divisoria pero mas sosyal. Marami akong pinamiling mga damit at gamit namin ni Gelo, may mga high end stores din naman dito kaya lang medyo may kamahalan. Namili na rin ako ng ilang pasalubong, yung iba plano ko na sa ibang lugar na lang na pupuntahan namin bilhin para may souvenir kami sa bawat lugar.

Palubog na ang araw ng makabalik kami sa Tokyo. Sobrang pagod namin pero worth it. Nag-enjoy kami ng sobra.

" Are you happy baby?" tanong ni Gelo. Pareho kaming nakahiga sa kama at nakatingala sa ceiling. Hawak nya ang isang kamay ko. Hindi pa nga namin naayos yung pinamili namin sa sobrang pagod basta ibinagsak na lang namin sa lapag.

" Oo naman bhi. Sobra! Thank you ha?" nakangiting sagot ko sa kanya. Kinabig nya ako palapit sa kanya at hinalikan sa pisngi.

" Basta ikaw baby, lahat ibibigay ko."

" Aw you're so sweet bhi. Kaya mahal na mahal kita eh."

" Mas mahal kita baby. Ikaw ang buhay ko at lahat ng akin ay sayo. Ikaw ang kaligayahan ko kaya lahat ng magpapasaya sayo ay ibibigay ko. Kapag nakikita kitang nakangiti buo na ang araw ko. Ikaw ang kumukumpleto sa akin kaya ayokong mawala ka sa akin kasi madudurog ako. " yumakap ako ng mahigpit sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya. Napaka-swerte ko at minahal ako ng katulad ni Gelo. Iniisip ko kung ano ba ang mabuting nagawa ko kung bakit binigyan ako ni Lord ng isang Gelo.

" Bhi kung madudurog ka, ako naman masisira. Kasi ikaw yung nagbalik ng confidence ko. Pinaramdam mo sa akin yung worth ko kaya masisira ako kung mawawala ka."

" Baby let's not talk about it, okay? Walang madudurog at masisira dahil hindi tayo maghihiwalay. Tayong dalawa baby hanggang huli. There's only me and you. Remember that! "

I just nodded. Then we kissed like theres no tomorrow.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C48
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン