アプリをダウンロード
65.44% The Actor that I Hate to Love / Chapter 125: Secrets Revealed

章 125: Secrets Revealed

Shanaia Aira's Point of View

MAAGA si Gelo sa set nang sumunod na araw. Medyo nahirapan pa nga akong gisingin sya dahil napasarap ang tulog nya. In fairness kahit walang aircon, masarap matulog dahil presko ang simoy ng hangin probinsya. Yun nga lang medyo bitin si Gelo dahil naka isang beses lang kami nakapag-exercise, medyo pigil na pigil pa dahil baka kami marinig sa kabilang bahay. Kaya dinaan na lang sa tulog ang frustration nya.

Haha. Kawawang Gelo.

Ngayon ang unang araw ng shooting nila at doon sa may lighthouse kukunan ang ilang mga eksena tapos kinabukasan sa iba naman.

Sumama si Oliba sa akin sa panonood ng shooting. Marami ng tao nung dumating kami. Nakisiksik kami para makita namin si Gelo.

Bago umalis ng bahay ay sinabihan ko na si Oliba na huwag kakausapin si Gelo kapag nakita namin. Ipinaliwanag ko na sa kanya ang tungkol sa amin ni Gelo at ipinakita ko na rin sa kanya ang tunay kong itsura na natatago lang ng disguise ko.

Manghang-mangha nga siya sa nalaman pero nangako naman na ititikom nya ang bibig nya gaya ng pagtatago nila sa sikreto ni ate Shane at kuya Gerald nung magtanan sila.Hanggang ngayon nga daw wala pang nakakaalam sa mga kapitbahay na doon nagtago ang dalawang sikat na artista years ago.

" Manang yun ba yung dating beauty queen, yung kapartner ni manong? Gwenyth nga ba yun?" pabulong nyang tanong sa akin. Nakasuot kami ng vakul kaya hindi pansin na nagbubulungan kami.

" Siya nga Oliba pero Gwyneth hindi Gwenyth ang name nya." pagtatama ko.

" Ah. Maganda sya pero mas maganda ka sa kanya manang. At mas bagay kayo ni manong."

" Sus manood ka nga lang dyan, baka may makarinig pa sayo."

Ganoon ang ginagawa namin ni Oliba araw-araw. Ngunit bago naman kami umalis ng bahay ay tinutulungan ko sya sa mga gawain nya sa bahay para hindi naman siya mapagalitan ni manang Oying.

Hindi kami umuuwi hanggat hindi pa tapos si Gelo. Matiyaga namin syang hinihintay. Pero hindi kami sumasabay sa kanya sa paglalakad pauwi, ayaw namin na may makahalata. Humahalo kami sa mga taong galing din sa panonood ng shooting.

Sa ilang araw na panonood namin ni Oliba, napansin ko na hindi masyadong nagdididikit si Gwyneth kay Gelo. Kahit kapag pack up na sila, hindi na niya niyayaya si Gelo sa kung saan, hindi katulad noon.

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong ikatuwa o ikatakot. Kasabihan nga, ang dagat kapag tahimik, malalim. Baka kaya tahimik si Gwyneth ay may binabalak sya?

Nasabi ko nga yun kay Gelo nung isang gabi at yun nga rin daw ang napansin nya, parang nag lie low daw si Gwyneth.

" Baka kaya ganun sya ay dahil dun sa pagkakahuli ninyo ni Shane sa kanya. Nahihiya siguro sa akin dahil nabuko yung plano nya." sabi ni Gelo.

Maaaring ganun nga pero hindi pa rin dapat maging kampante. Walang aksidenteng magaganap kung ang tao ay nag-iingat. Maliban na lang kung ito ay itutulot talaga ng Diyos.

Natapos ang isang linggong shooting nila dito sa Batanes. Gustuhin ko man na mag-extend ay hindi na maaari dahil ilang araw na lang ang natitira sa bakasyon at pasukan na naman.

Naunang umalis ang buong team nila Gelo nung maka-pananghali. Mga bandang alas tres ng hapon naman ang byahe ko. Usapan namin na hihintayin na lang nya ako sa condo dahil bibiyahe pa kami papuntang Tagaytay sa gabi.

Nag-iwan si Gelo ng medyo may kalakihang halaga kila manang Oying. Tulong para sa kabuhayan nila. Ayaw ngang tanggapin ni manang Oying pero pinagpilitan ko. Naging mabuti sila sa amin at inasikaso nila kami ng sobra. Kaya gusto namin ni Gelo na matulungan namin sila kahit man lang maliit lang na negosyo ang umpisahan nila.

Kararating lang ni Gelo nung nakauwi ako sa condo. Nag-meeting pa raw kasi sila at may dalawang araw silang pahinga bago ituloy ulit yung shooting dito sa Metro.

Nagpahinga lang kami saglit tapos nagluto na ako ng dinner. Plano namin na after ng dinner na tumulak papunta ng Tagaytay para medyo maluwag na ang traffic.

It's almost 8pm when we decided to leave for Tagaytay. We spent almost two hours in Edsa before we finally reached Coastal road. Traffic in this country is really exhausting, ganito ba ang naghihirap na bansa? Napakaraming sasakyan.

" When will your classes in med school starts?" basag ni Gelo sa katahimikan. Ngayon lang kami nag-usap ulit, nakatulog kasi ako nung nasa Edsa pa kami.

" Uhm. next week, why?"

" Wala naman baby. Nasanay lang ako na araw-araw tayong magkasama, syempre kapag may pasok ka na, sa gabi na lang tayo magkikita."

" Will you miss me?" tanong ko.

" Of course! Do you have to ask that?" parang naiirita pa sya ng sumagot. Haha. Ang kulit ko naman kasi.

" Haha. Just kidding. You don't need to be pissed. " sabi ko. He arched his brow and his lips protruded.

" Tss. Don't ask the obvious. " supladong turan nya

" Oo na. Suplado mo ngayon. May problema ka? " tanong ko.

He released a deep sigh before he speak.

" Nag-aalala ako baby sa pananahimik ni Gwyneth. Mukhang mayroon syang matinding balak."

" Yun nga rin ang iniisip ko bhi. I'm scared of what could possibly happen to us once she executed her plans. "

" What do you want us to do?" tanong nya.

" Stick together no matter what. "

" That's the best answer I want to hear. " he smiled and pinched my cheek. He's back in his good mood.

It was past midnight when we arrived in our house. Nagulat pa si mang Turing sa biglaan naming pag-uwi.

" Kumain na po ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng makakain. " sabi nya.

" Huwag na po mang Turing, kumain na po kami. Salamat . Bumalik na kayo sa pagtulog, aakyat na po kami." sabi ni Gelo. Tumango si mang Turing at kumilos na para bumalik sa kanyang higaan. Nung akmang aakyat na kami ay bigla syang humarap ulit at tinawag si Gelo.

" Sir Gelo! "

" Po? "

" Noong nakaraang linggo, may nagpunta po dito, kaibigan mo daw. " sabi ni mang Turing. Nagkatinginan kami ni Gelo. Nangunot bigla pareho ang noo namin.

Kaibigan? Wala kaming kaibigan na nakakaalam ng bahay na ito. Tanging pamilya lang namin.

" Ano pong sinabi? "

" Ah eh nagtanong kung umuuwi ka raw ba dito at si ma'am Aira?"

" Anong sagot nyo?" tila kinakabahan na rin kami ni Gelo sa isasagot ni mang Turing.

Medyo nag-aalanganin pa si mang Turing na magsalita. Halos matuod na kami sa pagkakatayo sa may hagdan hindi pa rin sya sumasagot.

" Mang Turing, may problema po ba?" tanong muli ni Gelo.

" Eh kasi di ba sir sabi ninyo wag akong magsasalita kung hindi ninyo kakilala yung nagtatanong?"

" Opo. Ano ba sinagot nyo sa kanya?"

" Eh sir sinabi ko na madalang kayong umuwi ni ma'am Aira. "

" O tapos ano pa po ang tinanong?" si Gelo ulit.

" Kung kailan nyo nabili itong bahay. Sagot ko magta-tatlong taon na. Binili mo ito nung arkitekto ka pa sa dati kong boss na ninong mo. "

" Ah ganon po ba. O sige Mang Turing, salamat. Akala ko kung ano na. " tila nabunutan ng tinik sa narinig.

"Eh ser hindi pa po yun."

" Meron pa po?"

" Opo ser. Tinanong nya kung nag-pakasal na kayo ni ma'am Aira."

" Anong sinabi nyo mang Turing?" tila problemado na si Gelo.

" Kaibigan nyo sya ser kaya sinabi ko na lang na hindi pa."

" Jusko mang Turing parang kinumpirma nyo na rin sa kanya na may relasyon nga kami ni Aira. Ilan lang sa mga kaibigan namin ang nakakaalam sa tunay na relasyon namin. " mahinahon lang si Gelo sa pagsasalita pero sapat na para kabahan ng husto si Mang Turing.

" Sino po ba sa mga kaibigan namin mang Turing yung pumunta dito? hindi na ako nakatiis na nagtanong. Parang may nahihimigan na ako kung sino.

" Babae. Kampante ako nung nag-uusap kami dahil madalas syang kasama ni ser Gelo sa pelikula. Si Gwyneth. "

" Oh my G. " napatakip ako ng bibig.

" Our secret's revealed. Kaya pala tahimik sya dahil may pinanghahawakan na sya tungkol sa atin."


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C125
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン