アプリをダウンロード
9.94% The Actor that I Hate to Love / Chapter 19: Graduation Day

章 19: Graduation Day

Shanaia Aira's Point of View

" Baby pasensya ka na kung wala ako sa graduation mo.Baka matagalan pa kami ni mommy dito,hindi pa kasi tapos yung transaction sa lupa, gusto nya ayos na talaga para wala ng babalikan pa dito." malungkot na saad ni Gelo nung tawagan nya ako.Nasa Davao kasi sila ngayon ng mommy nya, umalis sila the other day saktong bakasyon na niya sa university kaya sya ang isinama ni tita Mindy.May bumibili kasi sa malawak na lupain nila sa Davao,tatayuan ng mall.

" Okay lang bhi, mas kailangan ka ni tita dyan,nandito naman na sila ate Shane di ba? kumpleto ang pamilya ko.Masaya nga sana kung nandito ka pero magkikita naman tayo pag-uwi mo." pilit kong pinasigla ang boses ko para naman hindi sya masyadong malungkot.Naintindihan ko naman kung wala sya,mas kailangan ng mommy nya ng kasama sa malayong lugar.Umuwi na rin naman sila ate Shane from US nung nakaraang araw pa bago umalis si Gelo kaya kahit paano naman naibsan yung lungkot ko sa absence nya.

" Tss.sayang gusto ko pa naman sanang makita ka sa speech mo.Alam mo na, proud boyfriend dahil valedictorian ang girlfriend ko,tapos wala naman ako." he heaved a deep sigh.

" Pero di bale baby, babawi ako sayo pagdating ko dyan, may big surprise ako sayo." medyo masaya na ang tono nya.

" Talaga bhi! Ano naman yun?" excited kong tanong.

" Tsk.baby talaga oh, surprise nga eh.Hindi na surprise yun pag sinabi ko sayo ngayon." narinig ko pa ang bahagyang pagtawa nya sa kabilang linya.

" Sorry naman excited lang.Anyway, mag-iingat kayo dyan ha bhi?Nami-miss na po kita." malambing kong saad.

" Ako rin naman kahit three days pa lang kami dito feeling ko three years na dahil hindi kita nakikita.Lagi mong bantayan ang cellphone mo dahil tatawagan kita ng madalas."

" Oo naman..di bale ipapa-video ko na lang kay kuya yung graduation ceremony para kahit dun man lang makita mo."

" That's a good idea baby.Sige na baka hinihintay kana dyan sa practice nyo, si mommy din kanina pa ako tinatawag.Take care baby, I love you."

" I love you too bhi.Ingat din." and I ended the call.Bumalik na ako sa practice dahil nag-excused lang ako kanina para sagutin ang tawag ni Gelo.Pumayag naman si teacher dahil patapos naman na kami.

After almost an hour natapos na rin kami sa practice , then kinuha lang namin yung mga toga na isusuot namin sa graduation which is two days from now tapos umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay sinalubong agad ako ng yakap at halik ni Dindin, tuwang-tuwa akong kinarga sya sabay abot sa pasalubong kong chocolates at biscuits.

" Hay nako masyado mong ini-spoil yang pamangkin mo." natatawang turan ni ate Shane pagkakita sa amin ni Dindin.

" Hindi naman ate, nakakatuwa kasi tong anak mo,sobrang lambing nakakawala ng pagod." sabi ko habang walang tigil kong hinahalikan si Dindin.

" Ay sinabi mo pa kaya kami ng kuya Gerald mo lagi kaming nagmamadaling umuwi para makasama namin agad yan, napaka smart din kasi." proud pa na kwento ni ate.

" By the way baby, hindi pa ba nakaka-uwi sila Gelo from Davao?" biglang tanong ni ate.

" Dapat nga mamayang gabi na ang uwi nila ni tita Mindy kaya lang hindi pa raw tapos yung transaction dun sa lupa kaya tumawag sya kanina para sabihing hindi sya makakapunta sa graduation ko." sagot ko kay ate.

" Ay ganon? Sayang hindi nya mapapanood yung speech mo."

" Okay lang yun teh, babawi na lang daw sya pag-uwi nya, may big surprise daw sya sa akin."

" Sus yun pa eh nuknukan ng kuripot yung taong yun."

" Oy hindi kaya.Hindi ako tinipid ni Gelo kahit minsan noh.Sobrang galante nga nya nung first monthsary namin eh."

" Talaga lang ha? Napagbago mo na siguro, sobrang mahal ka kasi nun.Haay nagagawa nga naman ng pag-ibig sa tao." turan pa ni ate na tila kinikilig.

" Sus parang hindi ka dumaan sa ganun ah." tudyo ko naman sa kanya.

" Dumaan syempre kaya nga nasasabi ko yun eh."

" Love, love,love." singit ni Dindin sa usapan.

Nagtawanan kami ni ate dahil naka heart sign pa sya na nakatapat sa dibdib nya.

" Hala saan nya natutunan yun ate?"

" Sa tv saan pa? Nakikita nya kay Krissy Quirino dun sa morning show nya."

Natawa na lang ako, grabe talaga ang impluwensya ng television sa mga bata ngayon.Imagine 3 years old nagagaya na yung ganon?Sabagay maganda naman yung expression nung kilalang host na yun, nakakatuwa lang pag ginagaya na ng mga bata.

" Maiba ko teh, kailan ang balik nyo ni kuya Gerald sa trabaho nyo sa showbiz?" tanong ko kay ate Shane.

" May pinirmahan na kaming contract kahapon sa Vista films, balik tambalan kami,next month pa ang umpisa ng shoot, sa Ilocos ang location namin.Since bakasyon kana sa school,sayo ko iiwan si Dindin."

" Sige teh para hindi naman ako mainip dito sa bahay, lalo na pag wala si Gelo.Tsaka magba-bonding kami ng husto ni Dindin tagal ko kayang hindi nakasama yang cute na batang yan.Di ba baby Din?" sabi ko sabay linga kay Dindin na kumakain na ng pasalubong ko dun sa sofa.

" Opo." sagot ni Dindin, hindi namin maiwasang matawa ni ate Shane dahil puno ng Chocolate ang mukha nya.

_________________

ARAW na ng graduation namin.Masaya akong gumising kahit medyo puyat ako,tumawag kasi si Gelo kagabi at 3am na kami natapos mag-usap.Kung hindi pa na lowbat yung cp ko hindi pa rin siguro kami magbababa ng tawag.Sobrang missed na kasi namin ang isat-isa, nililibang na nga lang daw nya ang sarili nya sa pagkuha ng pictures sa magagandang tanawin dun sa Davao.

" Good morning everyone!" masaya kong bati sa pamilya ko na nasa hapag kainan na para mag breakfast.

" Uy mukhang maganda ang gising ng bunso namin ah.Hulaan ko, may tumawag kagabi kaya ka ganyan noh?" asar ni kuya Andrew sa akin.

" Sus kuya palagi naman akong masaya kapag umaga di ba?Kasi sabi ni mommy kapag maganda daw ang mood mo umaga pa lang, buong maghapon kana daw ganon.Di ba po mom?" saad ko habang pumupwesto na ng upo sa silyang nakalaan sa akin.

" Oo naman madalas ko kayang sabihin yan nun sa inyo." saad ni mommy.

" Oo nga po pero iba ang saya ni bunso nagniningning ang mga mata." tudyo uli sa akin ni kuya Andrew.

" Dad si kuya oh ang aga-aga nang-aasar po." sumbong ko kay dad na busy sa pagbabasa ng newspaper.

" Andrew tigilan mo nga yang kapatid mo, wala tayong magagawa in-love eh." kumindat pa si dad sa akin.Akala ko pa naman papagalitan na si kuya,  sya rin pala.

" Oy,oy,oy..kayo nga tigilan nyo na yang si baby, bilis lang ang kilos at gagayak pa tayo para sa graduation nyan." sita ni mommy sa kanila.

" Oo naman first time ko yatang umakyat sa stage na gold medal ang isasabit, nung si Andrew at Shane parehong honorable mention lang pero ngayon, ang bunso ko valedictorian ang nakuha.Sobrang proud kami sayo baby." masayang sabi ni dad.

" Thanks dad, nagmana lang po kami sa inyo." sambit ko.

" O sya baka magkaiyakan pa tayo,dalian na natin baka ma -late tayo sa graduation ni baby, aayusan pa yan." singit ni ate Shane.Kanina pa sila tahimik na nagbe-breakfast ni kuya Gerald kaya hindi masyadong nakikisali sa usapan.Puyat kasi pareho dahil hindi nakatulog si Dindin ng maaga kagabi.

Umaga ang napagkasunduang oras ng graduation nung magkaroon ng PTA meeting.Mas maganda raw pag umaga dahil hindi masyadong mainit.

Kaya bago mag 9am nasa school na kaming buong pamilya.Dala na ni kuya Andrew ang videocam namin para may mapanood si Gelo pag-uwi nya.

Exactly 9am nang umpisahan ang program, buti na lang maaga kami at nakakuha ng magandang pwesto sila ate Shane, si mom at dad kasi may upuang nakalaan para sa kanila.

The program went on smoothly then nung turn ko na para sa valedictory adress ko, nakita kong umiiyak ang parents ko, tears of joy siguro.Then nung bigayan na ng awards sa mga nagtamo ng karangalan, hindi na halos bumaba sila mom at dad dahil sa dami ng medals na nahakot ko.Ako rin kasi ang pinanglalaban ng school sa mga contest sa ibang school.

Masayang natapos ang ceremony, mas masaya sana kung nandito si Gelo at nasaksihan nya ng personal ang sayang naramdaman ko dahil sa mga achievements na natamo ko sa pagtatapos ko.Isa sya sa mga inspirasyon ko kaya isa rin sya sa pinasalamatan ko kanina sa speech ko.Di bale nakuhanan naman ni kuya ng video yung buong ceremony kaya mapapanood din nya yung pasasalamat ko sa kanya.

Palabas na kami ng auditorium nung may mga bumati sa akin.Binati ako nung principal at mga teachers ko nung mapadaan kami sa faculty room na madadaanan talaga papuntang parking lot.Kaya medyo nauna na ang pamilya ko sa parking lot dahil kinausap pa ako ng mga teachers ko.

Nung makaalis na ako sa faculty room ay mag-isa na lang akong naglakad papuntang parking lot.Namataan ko si Venice at Charlotte na tumatakbo papunta sa akin.

" Friend congrats!" sabay nilang bati sa akin at yumakap din.

" Thank you friends.Yung usapan natin ha next week na yon." paalala ko sa kanila sa lakad namin sa Boracay kasama yung dalawang boyfriend nila.Parang graduation gift na sa amin ng mga parents namin yun.

" Oo naman excited na nga kami ni Venice noh.Teka makakasama ba si Gelo sa atin? Di ba nasa Davao sya ngayon?" si Charlotte.

" Siguro naman, baka makauwi na rin yun bago ang lakad natin." sagot ko.

" Good.O sige mauna na kami may mga bisita rin kami sa bahay eh." paalam nila sa akin then nagmamadali na nila akong tinalikuran.

Tahimik akong naglakad ng may sumalubong na naman sa akin.

" Congrats Aira!" bati nya sa akin sabay abot ng regalo.

" Thank you Jaytee nag-abala ka pa."

" Oo kasi huling gift ko na yan sayo."

" Huh! Why? Aalis ka ba?"

" Actually, aalis na ako sa susunod na araw, sa Canada na ako magka-college."

" Ah ganon ba.Happy trip na lang at mag-iingat ka dun ha?" nakangiti kong turan. Masaya ako para sa kanya.

" Yeah,thanks.Can I hug you for the last time Aira?" he asked pero hindi pa naman ako tumango ay bigla nya akong niyakap at hinalikan sa noo.

Na shocked ako at hindi pa man ako nakapag-protesta sa kanya ay may mga kamay ng humila sa akin palayo kay Jaytee.


クリエイターの想い
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hi dear readers! Thank you sa mga nagbabasa nito. I hope you have time para sa reviews nito. Just comment and rate. Thank you.

next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C19
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン