アプリをダウンロード
2.09% The Actor that I Hate to Love / Chapter 4: Crush Kita

章 4: Crush Kita

Shanaia Aira's Point of View

DUMIRETSO na ako sa location ng shooting nila ate, nasa kabilang bahay lang naman yun.Sakto naman na eksena nya ang kinukunan kaya pumwesto nako ng upo sa may unahan para manood.

Nakatuon kay ate ang buong atensyon ko kaya hindi ko pinansin ang kung sino man na umupo sa tabi ko.Nakadalawang take lang si ate bago sumigaw ng cut ang director.Ang galing pala talaga ni ate,ang haba nung linya nya pero nagawa nya ng mahusay.No wonder siya ang naging teen best actress nitong nakaraang film festival.

Nung matapos ang eksena nya ay umupo na sya sa kanyang pwesto at saka ko lang sya nilapitan.

" Ate may scene ka pa ba na susunod? " tanong ko.

" Bakit bunso? " tanong din nya.

" Pupunta lang sana ako sa likuran nitong bakuran to take pictures.May nakita kasi akong mahabang bench dun sa ilalim ng puno sa likod." saad ko.

" Okay pero huwag kang lalabas ng bakuran ha? Dun ka lang sa natatanaw namin."bilin nya.

" Oo teh, dun lang ako oh." sabi ko sabay turo dun sa puno sa likod na abot tanaw lang.

" Okay, take care bunso." sabi nya sabay halik sa pisngi ko.

I just nodded at lumakad na ako papunta sa likod bahay.

Habang naglalakad ay kinukunan ko ng camera kong dala na nakasukbit sa leeg ko yung mga magagandang view na nadadaanan ko.Buti na lang maganda ang panahon ngayon hindi gaanong malamig,tama lang ang temperature kahit hindi na magsuot ng jacket tsaka katanghaliang tapat din.

Nang mapagod ako ay umupo ako dun sa mahabang bench na gawa sa kahoy na nasa ilalim ng puno. Tahimik kong tinatanaw ang bughaw na langit.Para hindi naman ako mainip,inilagay ko ang dala kong earphones sa tenga ko at pinatugtog yung cellphone ko.Para tuloy akong inaantok nung marinig ko yung mga kanta sa playlist ko kaya naman sinabayan ko na lang para hindi ako makatulog.

Maya~maya may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

Gusto kong manigas ng makita ko kung sino ang tumabi sa akin.Inaasar ba ako nito? Alam na nyang hiyang~hiya ako sa nangyaring pagkatulala ko sa kanya kanina tapos ngayon lumapit pa sa akin.Hindi ba nya yun napansin kanina o talaga lang magti~trip lang to sa akin?

Hindi ako kumikibo. Mga ilang minuto pa kaming nagpapakiramdaman nang siya na ang kusang bumasag ng katahimikan.

" You have a nice voice baby, bakit hindi ka mag~audition sa mga talent search sa tv? " tanong nya.Grabe ang sarap pakinggan ng salitang baby mula sa kanya.Yun naman ang tawag nilang lahat sa akin pero bakit parang kakaiba ngayon ng banggitin nya? Hala malala na talaga yata ako. Kalma lang Aira baka matulala kana naman nakakahiya kana.

Inalis ko ang earphones ko at humarap sa kanya.Tinatagan ko ang boses ko para hindi mahalata na kinakabahan ako.

" Hindi naman,at isa pa alam mo naman na ayoko sa showbiz, hindi ko yun hilig." sagot ko sa kanya.

" Oo nga pero nasa lahi nyo yan bakit hindi mo sundan yung yapak nila? And besides you have talents. I've seen you act in school play, I've heard you sing and play musical instruments. Sayang kung hindi mo gagamitin yang mga yan. "

" Well thanks to you for teaching me play musical instruments, yes maybe I have talents pero hindi yun dahilan para pasukin ko ang showbiz. Hindi naman lahat ng tao pare~pareho ang gusto.Ikaw bakit nagustuhan mo ang pag~aartista? "

" Uhm, wala akong choice kundi ang sundan ang yapak nila. At first I don't like it pero nasanay na rin ako at isa pa puro maiksing role lang naman ang tinatanggap ko ngayon dahil ayokong maapektuhan ang studies ko.Priority ko pa rin naman ang pag-aaral." wika nya at napatango na lang ako. Hindi ko alam yun ah. Akala ko gusto talaga nya ang pag-arte.

" I see. Pero bakit ang tagal kitang hindi nakita, may ginawa ka bang movie?

" Oo kailan lang natapos. Tapos yung commercial pa nga, kaya hindi ako nagagawi dun sa inyo. Napilitan nga lang akong tanggapin yung role dito ngayon dahil marami akong ginagawa sa school, natambak na dahil dun sa nakaraang movie ko. Kaya lang kinulit ako ng tita ko na tanggapin na tutal maiksi lang naman yung role ko." paliwanag nya.

Hindi na lang ako kumibo,wala na akong makapang sabihin.Parang pakiramdam ko naging awkward ang moment dahil dun sa nangyari kanina. Hindi ko rin alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko ngayong kaharap ko sya. Dati naman kaming nag-uusap na ganito pero hindi naman katulad nito ang pakiramdam ko.

" Anyway,bakit ka nandito,hindi mo ba papanoorin ang ate mo? I know this is your first time,so why is that? tanong nyang muli at ngumiti pa ng pagka~cute cute na ngiti.Jusme,baka maihi na ako sa kilig sa taong to. Anong nangyari sa akin? Bakit sa simpleng ngiti lang nya para na akong hihimatayin?

" Mamaya pa uli kasi yung susunod na eksena ni ate. Alam mo naman na hindi ko hilig ang mga ganyan,it's not my thing." sabi ko sabay kibit balikat.

" So kapag ako na ang kukunan ng scene hindi ka rin manonood?" tanong nya with matching taas pa ng kilay.

" Eh di papanoorin kita. Baka sabihin mo naman wala akong kwentang kaibigan. " sabay irap ko sa kanya.

Natawa na lang sya sa akin. Alam naman kasi nya ang disgusto ko sa propesyong kinabibilangan nila ni ate. Pero ngayon naisip ko na baka dahil sa nararamdaman ko sa kanya magkaroon ng kaguluhan sa perspective ko. Ang hirap naman kasi, gusto kong sikilin kung anuman itong nararamdaman ko sa kanya na hindi ko mapangalanan habang nag-uumpisa pa lang kasi alam kong mahirap.

Yun nga eh, artista sya.

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti,yung tipo ba na pumapayag na ako sa gusto nyang panoorin ko sya sa shooting.

" So, manonood ka ng shooting ko mamaya?" pangungulit pa nya.

" Yeah, oo na nga! "

Kinuha naman nya ang kamay ko at pinisil ng bahagya.Nagulat naman ako ng hindi nya iyon binitawan bagkus ay hinila pa nya ako paalis sa lugar na yon.

" Where are we going? baka hanapin ako ni ate." tumatawang saad ko.

" Don't worry nagpaalam na ako sa kanya na susundan kita." kampanteng sabi nya.

" What? you did that? Buti pumayag sya? sunod~sunod na tanong ko.

" Why not? Dati naman tayong nagkakasama ng tayo lang ah. Kaya pumayag sya,she knows that you're in good hands." nakangiting sabi nya at nag wink pa sa akin ang damuho.

" Alright,basta balik din tayo agad ha?" sabi ko na lang at naglibot kami sa likod ng malawak na bakuran.

Naglalakad~lakad kami tapos pini~picturan namin yung mga magagandang view.May malawak na bukirin pala dun sa hangganan ng bakuran at may mga alaga ring mga hayop na nanginginain ng mga damo.

Niyaya ko na si Gelo na bumalik na dun sa ilalim ng puno na may bench ng mapagod ako.

Nagulat ako nung pumunta sya sa harapan ko at tumalungko.

" Come on Aira,sakay na sa likod ko,I know you're tired already." untag nya sa akin.

Nag~aalanganin ako kasi baka mabigatan sya sa akin.Nakakahiya din syempre ,artista pa naman sya, kaya lang masakit na rin yung paa ko.

Lumingon sya uli sa akin.

" Sige na,nangangalay na ako." sabi uli nya.

Kaya nag~aalangan man,napilitan na rin akong pumasan sa likod nya.Dyahe naman ang awkward nito.

Nang makarating na kami,dahan~dahan nya akong ibinaba dun mismo sa bench.Nung matiyak nyang maayos na ako,tumabi na rin sya sa akin sa upuan. Medyo hinihingal pa nga sya.Kawawa naman.

Tumingin ako sa kanya at nahihiyang ngumiti.

" Ikaw naman kasi,ang bigat ko kaya." nakalabi ko pa na saad.

" Hindi ka naman mabigat,medyo malayo lang talaga yung nilakad natin." sagot nya at nagulat uli ako ng alisin nya ang ilang hibla ng buhok ko na tumabing sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.

Aatakihin naman ako sa sobrang sweet ng lalaking ito.Lalo yata akong nagkaka~crush sa kanya.

Hala! crush ko na nga ba sya? Hayan napangalanan ko na yung nararamdaman ko sa kanya.Siya na nga siguro ang first crush ko.

Tama crush ko nga siguro sya.

Eh bakit kumakalabog yang puso mo sa simpleng gesture nyang yan?

Bakit pwede naman yun pag crush mo lang ang isang tao di ba?

Duh! bata pa kami noh!

Napatingin ako sa kanya nung kunin nya ang isang kamay ko at laru~laruin ang mga daliri ko.

" You know what Aira..."

" What is that Gelo? " kinakabahang tanong ko sa kanya.

" Shanaia Aira Gallardo. I think crush kita." seryosong sabi nya.

Ano raw?!!!

Oh men!


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C4
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン