''You're late.'' Nakasimangot na bungad sa akin ni Kim. Kanina pa niya ako hinihintay na pumunta sa bahay nila. I chatted her two hours ago na maliligo but since it's Saturday tinamad ako at muling natulog sa bahay.
It's now 10PM at ngayon pa ako dumating sa bahay nila.
''You should have seen my kuya's disappointed face, best.'' She teased. ''I told him na papunta ka na kanina, so he went all the way to the kitchen, preparing and even cooking your favorite food pero di ka naman namin nakasama sa dinner. Mom and dad were also looking for you.'' Ramdam ko ang tampo sa boses ng aking cute na kaibigan.
''Well, that's life mahfriend.'' I teased her back.
Lalong sumimangot ang cute niyang mukha. She literally looks like Crystal Liu. Parang ang sarap tingnan kapag ganitong mukha ang nagtatampo sayo.
''Uhm. you've mention that he cooked something for me, correct?'' pag-iiba ko ng usapan.
''Yes. He did and just got disappointed when you did not come on time.'' aniya.
''I am actually hungry.'' I said with my best puppy eyes. ''Pwede pa namang kumain, diba?'' Lambing ko pa sa kaibigan kong unti-unting nawawala ang tampo sa mukha.
''Of course!'' She excitedly exclaimed. Ang dali niya talagang kausap.
''Hold on. I'll wake kuya up.''
''Oops! Huwag na. Ano ka ba? Ikaw ang pinunta ko dito at hindi siya. Crazy.'' sita ko at pinandilatan pa siya ng mga mata. Loka talaga. Pinanindigan na niya yata ang deal namin ng kuya niya. Lol!
''Okay.'' She answered. ''Dito ka muna sa room, ipaghahanda kita bestie.'' Tumango na lamang ako at agad na siyang lumabas ng kanyang kwarto.
I wandered my eyes inside my bestfriend's bedroom and saw how she creatively designed her room. It's beautiful! Very girly ang room niya which suits her sweet and cheerful attitude. I love the interior design of her room which has the taste of all pink colors in it.
Nakasabit din sa dingding ang aming mga pictures together. Napangiti ako. Ang mga memories namin mula noon hanggang ngayon ay nandito pa rin talaga sa room niya. Pinasadahan ko naman ng tingin ang isang picture frame sa mini table niya. I smiled bitterly. Picture namin iyon noong mga bata pa kami nina Crayon, Kim at Kisha.
Napakunot ang aking noo sa aking napansin. Si Crayon nakayakap sa aming likuran ni Kim at sa tabi ko naman si Kisha na hindi kasali sa yakap ni Crayon. Nakatingin siya sa huli at tila mapait na nakangiti.
Oh my gosh! Posible kayang one-sided love lamang ang nararamdaman ng aking kapatid para kay Crayon? Totoo nga ba talagang hindi alam ni Crayon na siya ang kikitain ni Kisha noong araw na iyon? Lastly, hindi si Crayon ang dahilan ng pagkamatay niya?
Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa niyon si Crayon. What is he doing in here? Ngunit bago pa ako nakahanap ng sagot ay inisang hakbang lamang niya ang aming pagitan at mahigpit akong niyakap.
''I thought you wouldn't come.'' Patampong bulong niya sa akin.
Gulat pa talaga ako sa biglaang pagsulpot niya sa kwarto ni Kim. I tried pushing him away pero mas lalong humihigpit ang pagyakap niya sa akin. I sighed and let him hugged me.
''Para kang bata.''
''I don't care. You're mine.'' Shit! Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko sa sinabi niya. I stepped back and try to look at his face. Ngunit hindi pa ako nakaangat ng tingin ay walang babalang sinakop na niya ang aking mga labi!
This time it's very passionate and it's making me feel so seduced. I can feel his tongue roaming inside my mouth. I do not want to respond but I can't help it.
''Ehem!''
Sabay kaming napalingon sa pintuan ng tumikhim si Kim.
''Sorry to disturb my dear big brother but my bestfriend needs to eat it, first. '' Nakapamewang na sita niya sa kapatid. Tila balewala lamang sa kanya ang nakita.
Atubili akong binitiwan ni Crayon at napakamot-noo.
''I'll join her.'' Aniya at nagpatiunang lumabas.
Hindi ko alam kung paano haharapin ang aking kaibigan sa kanyang nasaksihan. Pambihira Trisha Kate! Akala ko ba ayaw mo sa kanya?
What's wrong with me now?
Naramdaman ko ang mahinang paghila sa akin ni Kim papunta sa dining area nila. ''It's okay.'' bulong niya. I looked at her. She just smiled reassuringly to me before whispering something to my ear.
''Thank you for making my brother 'this' happy.'' aniya.
Wala akong maisagot. Ni hindi ko alam kung paano natapos ang gabi na iyon ng hindi ako naiilang kay Crayon. Nakikita ko kasi ang sobrang saya sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin at pinaghahandaan pa ako ng mga pagkain sa mesa.
I closed my eyes and sighed. Just let it be, Trisha Kate Ferrer. Go with the flow.
Like it ? Add to library!