Makikita ang nagtataasang mga bulubundukin sa lupain habang makikita sa ibabaw ng mga bundok ang isang napakalaking space whirlpool. Isang tao na nakasuot ng silver na pakpak at silver na armor ang naglakad palabas ng whirlpool. Tumayo ito sa kalangitan at nagtigin tingin sa kaniyang paligid. Naging tahimik ang lahat sa lugar an ito.
"Ayon sa impormasyong nakalap ko." sabi ni Luo Feng "Noong unang isang daang taon mual noong magbukas ang mga original star, mas malaki ang tiyansa ng mga itong maglabas ng mga kayamanan, at maging ang mga hindi mapapantayang nilalang na nagpigil sa kanilang sarili ng matagal na panahon ay nakaramdam sa panahong ito ng matinding pagkasabik. Nagresulta ito sa mas maraming pagpatay. Pero pagkatapos ng panahong iyon, halos lahat ng mga hindi mapapantayang nilalang dito ay nagsimula nang magsitago."