アプリをダウンロード
100% Supreme Asura / Chapter 721: Chapter 721

章 721: Chapter 721

Mula sa mahabang lamesa ay nagkatipon-tipon ang mga may edad na mga elders kasama na rin ang mga matataas na guro ng Dark Oath Guild.

Ang lokasyon kung saan sila ngayon ay nasa mismong pinakamataas na palapag. Kitang-kita nila ang napakalaking sakayang pandagat at marami pang mga sasakyang maliliit na nakapalibot rito.

Hindi lamang iyon dahil mukhang dadami at dadami pa ito.

"Ano ang gagawin natin ngayon Guild Master Bojing?! Maraming mga manlalakbay ang papunta ngayon sa ating isla. Magiging mahirap sa atin kung sakaling may mang-aklas mula sa taga-labas lalo pa't hindi pa naisasara ang papalaki pang lagusan." Aniya ng isa sa mga Elder.

"Magiging mahirap talaga ito sa atin. Kayang-kaya tayong atakehin mula rito kung walang proteksyon ang ating isla mula sa mga mananakop!"

"Hindi ko gusto ang tila nangyayari at mangyayari pa lamang na sigalot. Hindi maaaring hayaan na lamang na bukas ito habang tumatagal. Manganganib tayong lahat Guild Master!"

Inilibot ni Guild Master Bojing ang kaniyang pares na mga mata kung saan ay nakita niya ang bakas ng pangamba at pag-aalala ng mga elders maging ang mga nagsitahimik na mga guro ng kanilang guild.

Maging siya man ay hindi na mapakali. Ngunit alam niyang nagmamatyag lamang ang mga gustong kumalaban sa kanilang isla.

Hindi pa rin matatalo ang kanilang isla laban sa mga dayuhang mga kapwa martial art experts din katulad nila.

Biglang sumipol ng malakas si Guild Master Bojing at kitang-kita kung paanong mabilis na nagliwanag ang totem mark nito nasa noo nito.

Ngayon lamang rin nasaksihan ng lahat ng mga naririto ang kakaibang simbolong nakaukit sa noo nito.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Isang mental attack ang patungo sa kanilang direksyon na ikinabigla ng lahat.

Sa lakas ng mental attack na ito ay hindi ito mararamdaman ng sinuman ngunit ibahin nila si Guild Master Bojing.

Isang anino ng dragon na gawa sa enerhiya ang lumutang sa ere at nagpakawala ng isang matinis na sigaw.

SHRRRIIIIIEEEEKKKKK!!!

Kitang-kita kung paanong humangin ng malakas.

Hindi maipagkakailang hindi na ito normal na atake.

Konting pagkakamali lamang na tamaan ka nito ay manghihina ka ng ilang segundo o minuto.

Kitang-kita kung paanong biglang nagbago ang pares ng mga mata ni Guild Master Bojing. Nahati sa dalawa ang itim na pupil nito sa mismong mga mata nito.

Mula sa malayo ay nakita nito ang limang nilalang na nakarobang itim suot ang kakaibang jade mask ng mga ito. Nakasakay ito sa mismong malaking barkong papunta rito sa Dark Island.

Isa lamang ang nasisiguro ni Guild Master Bojing, mga malalakas na mga assassin ang mga ito. 

Kung ano man ang layunin ng pagpunta nito ay nasisiguro siyang hindi magdudulot ang mga ito ng anumang kabutihan sa kanila bagkus ay kabaliktaran pa nito mismo.

...

Sa loob ng kakaibang mundo...

Napadpad si Wong Ming sa isang malawak na lawa.

Kitang-kita kung gaano nabighani ang mga mata ni Wong Ming sa ganda at lawak ng lawa na ito.

Kakaiba ang lawa na ito at ang punong nakapaligid rito.

Yin Yang Lake!

Ito agad ang naisip ni Wong Ming. Pamilyar na pamilyar siya sa ganitong klaseng lugar.

Ang mga punong nasa paligid nito ay mga Yin Yang Tree.

Kitang-kita niya ang mga hitik na hitik na bunga ng mga Yin Yang Tree.

Isang bunga lamang ang masasabing bunga ng punong ito at masuwerte siya at nakakita siya ng limang bungang hinog na rin ata.

Walang pag-aalinlangan na kinuha niya ang mga ito ng buong ingat.

Alam niyang siya lamang ang naririto at wala ng iba pa.

Hindi lubos maisip ni Wong Ming na masuwerte siya ngayon.

Malalaki ang bawat bunga ng Yin Yang Trees. Mayaman ang nasabing prutas nito sa natural na enerhiya ng mundong ito.

Kung tama ng pagkakaintindi si Wong Ming ay maituturing na nasa sentrong bahagi ng mundong ito ang lugar kung saan naroroon ang Yin Yang Tree.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paano'ng pagkalapag niya sa lupa ay tila nagbago ang kinaroroonan niya.

GROOOO! GROOOO! GROOO!

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang  nasa harap mismo ng isang mabangis na kulay itim na lobo.

Kaibahan lamang ay mukha itong nakatayo at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Wong Ming.

Sa tingin ni Wong Ming ay ito ang nasabing bantay ng mga punong ito.

Sinubukan ni Wong Ming umatras ngunit ganon na lamang ang kaniyang panlalaki ng mga mata nang mapansing tambak-tambak ng mga buto ng iba't-ibang uri ng tao at mga magical beasts ang nakatambak sa likuran niya.

Napansin ni Wong Ming na kakaiba ang halimaw na nasa harapan niya.

Isa itong uri ng demonic beast.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay isa itong Yin Yang Demon Wolf.

GRRRRR!!!!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang malakas na pag-angil ng tila kakaibang lobong ito.

Sinubukan pa ng Yin Yang Wolf na paganahin ang ilusyon nito ngunit hindi na nito magawa nang bigla na lamang lumitaw ang Water Esk na siyang alaga ni Wong Ming noon pa man.

Mula sa kawalan ay nagpakita muli ang dambuhalang kaanyuan ng Water Esk.

Malaki ang pinagbago nito. Sigurado si Wong Ming na ito palagi ang nang-uubos ng mga cultivation resources na inilalagay nito sa mismong interspatial ring niya.

SHRRRIIIIIEEEEKKKKK!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong matapang na hinarap ng Water Esk niya ang nasabing Yin Yang Wolf.

Naging mabangis ang mukha ng Water Esk at kitang-kita kung paanong lumago ang mga balahibo nito at umalpas ang limang buntot nito.

Hindi makapaniwala si Wong Ming nang mapansing tila umuunlad ang kakayahan at katangian ng Water Esk niya.

Nagliwanag ang mata ng nasabing Yin Yang Wolf at kitang-kita ang pagbabago sa katawan nito na tila nahati sa dalawa.

Nagimbal si Wong Ming sa kaniyang nasaksihan. Kitang-kita niya na naging dalawa ang Yin Yang Wolf.

Isang puting Yin Wolf at isang Yang Wolf.

Hindi na siya magtataka kung bakit ganito ka-misteryoso ang mga halimaw sa loob ng kakaibang mundong kinaroroonan niya.

Ganon pa man ay natitiyak niyang sa pagkakataong ito ay nakaharap niya ang maaaring nilalang na magbibigay sa kaniya ng totem mark.

Hinarap ni Wong Ming ang Yin Wolf  habang ang Yang Wolf naman ay kaharap ng Water Esk niya.

Biglang lumundag ng napakataas ang Yang Wolf sa Water Esk ni Wong Ming.

Hindi niya alam kung bakit nagpakita ang nasabing Water Esk na ito sa kasalukuyan?

Ramdam niyang naagaw ng Yang Wolf ang atensyon ng Water Esk niya.

Mahahabang mga kuko ang paunang atake ng Yang Wolf.

Ngunit maliksing iniwasan ito ng Water Esk. Kasabay nito ay biglang nagliwanag ang bibig ng Water Esk at kitang-kita ni Wong Ming kung paanong umatake ito ng naglalakihang mga Water Balls.


next chapter
Load failed, please RETRY

次の章はもうすぐ掲載する レビューを書く

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C721
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン