アプリをダウンロード
92.78% Supreme Asura / Chapter 669: Chapter 669

章 669: Chapter 669

Sa paglakad-lakad ni Wong Ming ay masasabi niyang maraming mga magical herbs nga ang naririto hanggang sa nakita na lamang nito ang sarili niyang tinungo ang Hilagang bahagi ng Smew Valley.

May maraming mga x na mga guhit sa mapa. Nasa bahagi siya ng silangang parte ng Smew Village kaya natitiyak niyang dito niya makikita ang mga bagay na maaari niyang kunin bago lumabas sa lugar na ito.

Isang kopya lamang ito ng mapa dahil malabo ito sa orihinal na kopya ng mapa. Madali lamang itong kopyahin. Mabuti na rin ito para di na siya mahihirapan kung sakaling mamili siya ng

Hindi naman nagtagal at nakita ni Wong Ming ang sarili niyang nakaratign sa bungad ng papasukan niyang lugar.

Hindi aakalain ni Wong Ming na nasa bungad na siya malapit ng isang malaking yungib.

Sa hindi kalayuan pa lamang ay batid niyang hindi na maganda ang kutob niya rito lalo na sa gagawin niya. Alam niya kasing ang nasabing bagay na gagawin niya ay maaaring ikapahamak niya.

Batid nkyang wala ring silbi kung hindi niya susubukan. Isa siyang ganap na Golden Vein Realm Expert na nagkukubli sa katauhan ng isang Purple Realm Experts.

Kayang-kaya niyang labanan ang mga malalakas na nilalang. Ayaw niyang mauwi lamang sa wala ang ganitong klaseng oportunidad na ibinigay sa kaniya ng Punong Maestro Duyi.

Upang makasiguro si Wong Ming sa gagawin niya ay sinuri niyang maigi ang itim na batong hawak-hawak niya.

Wala naman siyang nakitang kahina-hinala rito. Upang makasiguro si Wong Ming ay nilagyan niya ng binding seal ito upang hindi makasagap ng anumang kahina-hinalang bagay na maaaring gawin niya. Isa siyang craftsman kaya't hindi siya maaaring makampante sa gawang ito ni Punong Maestro Duyi.

Hindi pa siya isang inner disciple kung kaya't dobleng pag-iingat ang gagawin kung ayaw niyang pumalpak.

Walang pag-aalinlangan na pinasok Wong Ming ang nasabing malaking yungib.

Napakadilim sa loob nito at tila lahat ng mga bagay rito ay walang kabuhay-buhay.

May napakasangsang din na amoy na umaalingasaw sa buong yungib na ito.

Hindi namalayan ni Wong Ming ba sobrang haba pala ng malaking yungib na ito na nagmistulang minahan para kay Wong Ming.

Hindi alam ni Wong Ming kung ano'ng klaseng nilalang ba ang nakatira rito.

Maraming mga kalmot sa mga dingding at nakakalat na mga masasangsang na dugo sa kapaligiran. Kapansin-pansin na dumadami ang mga dugong tila naging mantsa na kakaibang lawak ng yungib na ito.

Doon na napansin ni Wong Ming na tila malapit na siya sa dulong bahagi ng mahabang parte ng yungib na ito nang makita niya ang isang napakalaking nilalang na pulang-pula ang mga mata nito habang ang katawan nito at tila sobrang payat.

Nakakatakot ang kabuuang kaanyuan nito lalong-lalo na kung paanong paanong sumasayad ang napakatalim na mga kamay nito.

Dito na napagtanto ni Wong Ming na hindi isang magical beast ang isang ito kundi isang uri ng demonyong nilalang.

Demon Orc!

Ito ang nasisiguro ni Wong Ming na katawagan. Mayroong iba't-ibang klase ng demon orc at ang isang ito na kaharap ang sa tingin niya ay hindi masyadong mahina ngunit hindi din sobrang taas.

Ngunit sa palagay ni Wong Ming ay isa lamang mutation ang isang nilalang na ito na sobrang taas.

Paano ba naman ay kitang-kita niya na tao talaga ito ngunit sa tingin ni Wong Ming ay nakaencounter ito ng kung anumang bagay na may kinalaman sa Demon Orc.

Paano ba naman kasi ay nakasuot ito ng kasuotan ng isang inner disciple ngunit sa tingin niya ay sobrang luma na ito at kupasin pa.

Mukhang matagal na ang pangyayaring ito at gusto lamang na makasurvive ang nilalang na ito at nakakain ng isang totoong Demon Orc.

Hindi nga nagkakamali si Wong Ming nang inaakala dahil nakita niya ang isang bronze coffin sa hindi kalayuan matapos niyang gamitin ang kaniyang Demon Eyes.

Parang wala sa sarili ang nasabing Demon Orc na ito habang may nginangatngat pa ito na parang asong ulol.

Ssst!

Natabig ni Wong Ming ang isang bato sa kaniyang sariling pwesto at huli na upang agapan ito.

Isang Burial Cave pala ang lugar na ito kung hindi nagkakamali si Wong Ming.

Ngunit ang maisip na mayroong Inner Disciple na nabiktima ang lugar na ito ay ibig sabihin lamang nito ay hindi pala simpleng lugar ang Smew Valley kundi nakakatakot din.

Ang dugo ng Demon Orc ay naglalaman ng kakaibang properties na siyang nakakaapekto sa utak ng isang tao sa pamamagitan ng pambihirang dugo nito sa katawan.

Hindi imposibleng hindi mangyari ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Naglakad paunti-unti ang masabing Mutated Demon Orc at doon ay tila bumilis ng bumilis pa ang galaw nito hanggang sa patakbo na ito kung kumilos patungo kay Wong Ming.

Crack! Crack! Crack!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang tunog ng mga butong nagmumula sa maliliksing pangangatawan ng Mutated Demon Orc.

Nagulat si Wong Ming sa sobrang bilis nito dahil parang kasing bilis nito ang isang Middle Purple Blood Realm Expert.

Iwinasiwas nito ang nakakatakot na kamay bitong may mahahabang daliri dahil maging ito ay tuluyan ng nagmutate.

Parang ang mga kamay nito ay nagmistulang kamay ng isang demon orc. Mahahaba at parang hindi sa tao at tila nakalaylay pa sa lupa ang braso't kamay nito.

Ngunit agad namang binago ni Wong Ming ang taktika niyam

Mabilis na lumabas sa harapan ni Wong Ming ang isang mahabang sword needle.

TAH! TAH! TAH!

Dito napagtanto ni Wong Ming ang kakaibang uri ng kaganapang ngayon niya lamang nalaman.

Nasasangga naman ni Wong Ming ang atakeng ito ng mutated demon orc ngunit nang subukan niyang pinsalain ang parte ng kamay nito ay ganoon na lamang ang labis na pagtataka nito.

Paano ba naman kasi ay hindi naaapektuhan ang anumang parte ng kamay nito.

Napatampal na lamang si Wong Ming sa noo nang pansamantala muna siyang nag-isip.

Ang kamay ng isang demon orc ay isang rin invincible kung maituturing kaya sa tingin niya ay naapektuhan nitong lubos ang mutated demon orc sa pisikal nitong kaanyuan.

Nagmutate na rin ng tuluyan ang mabangis na nilalang na nasa harapan nito at hindi na ito kinokontrol ang sariling pangangatawan. Nagtaka nga siya kung bakit nangyari ito.

Sa demon world kasi nakatira ang nilalang na ito ngunit tila mayroon talagang exemption.

Hindi naman nagpapigil si Wong Ming habang kinakalaban ang mutated demon orc na nasa harapan nito.

Isa sa pinakamabangis na uri ng demonyo ang Demon Orc ngunit kumpara sa mga Elemental Demons ay walang panama ang mga ito rito. Ngunit sa tingin niya ay may kinalaman ito sa unti-unting pagdecline ng mga Elemental Demons.

Masasabi ni Wong Ming na gustuhin man niyang mangialam at pumunta sa Demon World ay tiyak siyang mapapaslang lamang siya kung sakaling mapadpad siya roon dahil ang cultivation level niya ay masyadong mababa.

Kailangan niya pang lumakas at sa ngayon ay kailangan niyang magpalakas.

Sigurado siyang hindi basta-basta ang bronze coffin ng isang Demon Orc na naririto. Para kasing sinadya ito rito.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C669
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン