アプリをダウンロード
8.18% Supreme Asura / Chapter 59: Chapter 59

章 59: Chapter 59

"Bata, napakadilim at nakakatakot naman dito. Sigurado kang safe dito?!" Sambit ng nangangambang si Fai habang makikitang hindi siya sang-ayon sa pagpunta rito.

"Oo naman, ano ka ba naman Fai, wag mong sabihing takot ka dilim at sa mga kagaya mong mga halimaw hahaha!!!" Natatawang sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi niya aakalaing may pagka-duwag pala itong nagsasalitang Quoll na ito.

"Hindi ako takot sa dilim noh. Mukha ba kong takot ha?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Medyo nainis siya sa binata at medyo kumalma siya ng konti.

"Sige tawanan mo ko bata, kapag may nangangaing nilalang dito ay ikaw naman ang unang sasagpangin nito. Ako?! Baka di ako nito babalaking kainin sa liit kong to." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai sa kaniyang isipan lamang habang natatawa ito. Nangangamba lang siya sa kaligtasan nila noh.

Sa paglalakad nila ay bigla na lamang silang nakita ang nasabing exit ng nasabing mumunting kweba na ito kung saan ay bigla na lamang sinundan ito ng lakad ng batang si Li Xiaolong.

Tulad ng inaasahan ay mabilis na narating nila ang dulo ng parte ng nasabing entrance na sinusundan nila kanina pa.

Nang makita ito ni Fai ay bigla na lamang nanlaki ang pares ng mga mata nito.

"Woaahhh! Totoo ba ang nakikita kong ito batang Xiaolong?! Isang Blood Gem Crystal Mine?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang bakas ang pagkamangha sa boses nito. Hindi niya aakalaing mayroong ganitong klaseng lugar dito sa maliit at tagong lugar sa loob ng kwebang ito. Nakakamanghang isipin na talagang masasabing tagong yaman ang minahang ito.

"Hahahaha... Tama ka sa minahan ngunit ako lang naman ang nagmimina dito eh wala ng iba pa. Aksidente ko lang natagpuan ang minahang ito pero naging bahagi ito ng aking pagpapalakas sa tatlong taong aking pagcucultivate at pag-eensayo sa loob ng Li Clan." Madamdaming saad ng batang si Li Xiaolong. Bakas ang sa kaniyang mukha ang labis na swerteng ito na aksidenteng natagpuan niya lamang.

Kung gayon ay malamant sa malamang ay mayroong Blood Gem Crystal Source dito hindi ba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikita ang labis na pagtataka.

Medyo nagulat naman ang batang si Li Xiaolong sa sinabi ng nagsasalitang Quoll na si Fai dulot ng tanong nito.

"Hindi ko alam eh. Ang alam ko lang ay marami akong nakukuhang mga Blood Gem Crystal dito na may iba't ibang kalidad lalo na sa karamihan ng mga ito ay Low Grade Blood Gem Crystal, medyo marami-rami din ang Middle Grade Blood Gem Crystal habang konti lamang ang High Grade Blood Gem Crystal habang napakabihira lamang ng Top Grade Blood Gem Crystal na matatagpuan dito." Sambit naman ng batang si Li Xiaolong habang bakas dito ang labis na pagsasabi ng totoo.

"Hmmm... Not bad, ang Blood Gem Crystal Mine kasi ay isa sa masasabing in-demand at napakapambihirang bagay na natural na makikita sa espesyal na lugar. Napakaswerte ng sinumang magkakaroon ng ganitong klaseng minahan. Hindi lamang nito maaaring suplayan ang iyong mismong Cultivation kundi mapapabilis din nito ang iyong pagpapataas ng iyong lebel maging ng iyong boundary. Napakaswerte ng sinumang nagpakasasa sa natural na Cultivation resources na ito lalo na kung mayroong mga High Grade Blood Gem Crystal at lalong lalo na ang Top Grade Blood Gem Crystal ay siguradong marami kang makukuhang mga benepisyo rito." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang bakas ang mangha at kasiyahan nito sa kaniyang boses. Hindi niya aakalaing kahit ngayon na nagmamay-ari ng ganito kalaking kayamanan ang batang si Li Xiaolong.

"In-demand?! So kung ganon ay maraming mga Blood Gem Crystal mine sa ibang mga lugar?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagtataka sa kaniyang tono ng pananalita.

"In-demand siya bata ngunit hindi ko masasabing hindi ganon karami ang Blood Gem Crystal Mine dahil ang nagmamay-ari nito ay hindi nito ibinibenta o ipinapaalam sa iba. Malaki ang tulong ng ganitong klaseng mga crystal na bato lalo na sa kanilang Cultivation Level, iisipin pa ba nilang ibenta ang mga namimina na?! Ang sagot ay hindi dahil napakadelikado. Kahit pa masasabi mong matalik mong kaibigan ang sabihan mo ito ay siguradong manganganib ang buhay mo. Madaling masilaw ang mga nilalang maging ang itinuturing mong kaibigan ay baka traydurin ka rin bandang huli." Seryosong sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Alam niya ang mga ganitong klaseng mga istilo ng mga nilalang na nabubuhay. Mas gugustuhin ng mga ito ang mga pambihirang mga kayamanan kaysa sa tunay na pagkakaibigan. Hindi kasi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng ating mga itinuturing na kaibigan o mga pinagkakatiwalaang mga tao dahil baka masilaw sila sa yaman at hahamakin ang lahat at kahit patayin ka ay hindi sila magdadalawang-isip na gawin ito.

"Ah ganon pala, napakadelikado pala ito kung malaman ng iba. Tunay nga palang napakaswerte ko dahil natagpuan ko ang ganitong klaseng lugar. Ang tanging gagawin ko lamang ay magmina ng mga Blood Gem Crystal ngunit ang iba pala ay kahit anong klaseng pagbubungkal ng lupa ay wlaa silang mahanap na kahit na ano." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang bakas ang tuwa sa mukha nito ngunit mabilisdin itong nalungkot dahil tila ba napakakawawa naman ng mga taong umasa sa swerte sa pamamagitan ng kanilang masipag na pagbubungkal.

Natameme naman ang ang nagsasalitang Quoll na si Fai. Hindi nito alam ang maaari niyang sabihin lalo pa't hindi niya malaman kung ano ang sasabihin nito ngunit mabilis siyang nakaisip ng sasabihin niya.

"Ganon naman talaga batang Xiaolong. Hindi lahat nadadala sa kasipagan minsan ay kailang ng iba ang mgalucky chances o yung mga swerteng hindi nakakapit sa kanila kundi sa iba. Para mahanap ang ganitong klaseng lugar ay iyong lucky chances. Sabihin na lamang nating malas lamang sila. Ngunit kung magiging malakas ka pa lalo ay maaari mong maging pagmamay-ari ito o ang buong Li Clan. Sa kasalukuyan mong lakas ay maaari kang mamuno ngunit napakadelikado pa nito. Ang maaari mo lamang gawin ay palakasin ang mga magulang mo at ang kapatid mo. Hindi mo naman siguro maaatim na mamamatay lamang sila ng maaaga at mapasailalim sa natural na takbo ng buhay hindi ba? Pati na rin ang ibang mga mamamayan ng Li Clan ay bakas sa kanila ang kabutihan. Wala kang mahahanap na ganitong klaseng mga nilalang kundi ang sariling angkan na iyong kinabibilangan." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tial ba pinapaintindi nito ang mga bagay na di nito naiisip.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C59
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン