アプリをダウンロード
21.91% Supreme Asura / Chapter 158: Chapter 158

章 158: Chapter 158

"Good, mas nakakapanabik ang ganitong klaseng pagpapasubasta ng Blue Crystal Pill na ito. Sa akin pa rin ang huling halakhak hahahaha!!!!" Sambit ng misteryosong nilalang sa loob ng nasabing pribadong silid sa kaniyang sa mahinang tono ng pananalita lamang na may nakatatak na numerong sampo. Masasabi o mahihimigan sa tono ng pananalita nito na hindi ito magpapatalo.

"160,000 gold coins!" Malakas na sambit ng baritonong boses mula sa loob ng ikasampong pribadong silid.

"200,000 gold coins!" Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Yì Hua habang makikitaan ng saya sa tono ng boses nito.

"210,000 gold coins!" Sambit ng baritonong boses muli na nasa ikasampong pribadong silid.

"350,000 gold coins!" Malakas na sambit ng isang boses ng lalaki sa ika-siyam na silid na siyang nasa salungat na direksyon ng kinaroroonang pribadong silid ng magandang dalagang si Yì Hua.

Labis na ikinagulat ito ng lahat lalo na ng magandang dalagang si Yì Hua. It turns out na interesado rin pala ang nilalang na nasa loob ng ika-siyam na pribadong silid.

"360,000 gold coins!" Sambit ng baritonong boses muli upang higitan ang bid ng nasabing lalaki mula sa ika-siyam na pribadong silid.

"400,000 gold coins!" Nakangiting sambit ng magandang dalagang si Yì Hua. Hindi siya magpapatalo sa dalawang ungas na gustong kunin o mapasakamay ang Blue Crystal Pill.

"410,000 gold coins!" Sambit muli ng baritonong boses mula sa ikasampong pribadong silid. Ipinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi siya magpapatalo sa isang babae lamang.

"450,000 gold coins!" Sambit ng lalaki mula sa ika-siyam na pribadong silid. Mahihimigan sa tono ng boses nito na hindi rin ito magpapatalo.

Napangiti na lamang ang magandang dalagang si Yì Hua sa dalawang nilalang na kumakalaban sa kaniya para makamit ang inaasam niyang Blue Crystal Pill.

"Sa akin dapat mapunta ang pambihirang pill item na ito. Pahihirapan ko kayo dahil sa kalabisan niyo at ipaalam sa inyo kung gaano ang agwat ng yaman natin hmmp!" Sambit ng magandang dalagang si Yì Hua sa kaniyang isipan lamang. Halatang hindi nagkakaroon ng konsiderasyon ang dalawang nilalang na kalaban niya na puro lalaki. Kung gayon ay seryoso din ang mga ito na makuha ang pambihirang bagay na ito.

"700,000 gold coins!" Malakas na sambit ng magandang dalagang si Yì Hua. Halatang hindi ito magpapatinag sa kalaban niya. Hindi niya mapapayagan ang sinumang makuha ang gusto niyang pambihirang pill item ba ito.

Tila biglang tumahimik ang buong paligid...

[Sa kabilang banda naman ay lumitaw ang isang kakaibang paper talisman sa loob ng silid ng ika-sampong numero ng silid.]

"Ano ang bagay na ito? Isang Sound Transmitting Talisman?!" Labis na nagtatakang sambit ng lalaking mayroong maramjng mga piercings sa loob ng ika-sampong numero ng silid. Napakalaking tao rin nito at mayroon itong Cultivation Level na Middle Xiantian Realm na isang ganap na Xiantian Realm Expert.

"Hindi ko aakalaing alam mo din pala ang pinanggagamitan ng bagay na ito hehehe..." Sambit ng isang boses na nagmumula sa loob ng paper talisman. Hindi malaman kung nang-iinis ba ito o sadyang ganito lamang ito magsalita.

"Hmmp! Hindi ako tanga sa ganitong bagay. Normal na ang ganitong talisman noh. Tsaka ano'ng ibig sabihin ng pagpapadala no ng Sound Transmitting Talisman na ito?!" Sambit ng lalaking mayroong mga piercings sa mga katawan nito.

"Didiretsuhin na kita. Gusto kong makipagtulungan ka sa akin. Gustong-gusto kong makuha ang Blue Crystal Pill." Seryosong sambit ng boses ng lalaki sa puro piercings na lalaki sa loob ng ikasampong pribadong silid.

"At bakit ko naman gagawin iyon? Ano'ng mapapala ko kung makikipagtulungan ako sa iyo?" Tanong naman pabalik ng puro piercings na lalaking martial artists sa pamamagitan ng Sound Transmitting Talisman.

"Hahaha... Gusto mo bang sa iba mapunta ang pambihirang pill item na Blue Crystal Pill? Pwede nating hatiin ang Pill na iyan o pwede rin na bayaran kita para sa parte mo!" Pangungumbinsing sambit naman ng lalaking martial artists sa puro piercings na lalaking martial artist.

"Hmmm... May punto ka pero ano ang gagawin ko?!" Sambit naman patnalik ng lalaking martial artist na puro hikaw ang katawan nito.

"Pahiramin mo ko ng dala mong kayamanan. Siguradong tayo pa rin ang magwawagi sa huli hehehe...!" Tila natutuwang sambit naman ng lalaking boses sa puro hikaw na martial artists. Talagang ayaw niyang sumukong kumbinsihin ang martial artists na ito.

"At paano naman ako makakasiguro na tutupad ka sa usapan natin?!" Nag-aalinlangang sambit ng puro hikaw na martial artists. Alam niyang hindi ito maaaring magkamali o baliwalain na isang estranghero ang humihingi ng kooperasyon mula sa kaniya at hindi siya yung taong madaling magpapaloko.

"Tutupad ako sa usapan natin as if naman na may nanakawan kita eh sa huli pa naman ang bayad ng mga items noh. Alam ko naman na kahit sino sa ating dalawa ay ayaw magpatalo sa babaeng martial artist na nasa loob ng ikawalong pribadong silid." Sambit ng lalaking boses sa puro hikaw na martial artists. Kahit siya ay ayaw magpatalo sa pipitsuging babaeng martial artists. Malakas sila noh kaysa sa mga babaeng martial artists.

"Tama ka. Hindi lamang isang pipitsuging babae ang magiging katapat natin sa pagkuha ng Blue Crystal Pill. Napakaimportante pa naman ng Pill na ito." Sang-ayon naman ng puro hikaw na martial artists. Halatang ayaw niyang magpatalo o matalo ng babaeng martial artists lalo na pagdating sa pagpapasubasta.

"Ang Pill na ito ay isang Quassi- Late Xiantian Pill ngunit hindi ganoon kataas ang talento nang nasabing Alchemist kaya itinuring na lamang nito na isang Middle Xiantian Pill."pagbibigay impormasyon ng lalaking boses mula sa loob ng Sound Transmitting Talisman. Gusto niyang pagkatiwalaan siya ng nasabing martial Artists na ito dahil wala na silang oras na natitira pa.

"Kung gayon ay tama nga ang hinala ko na mas pambihira itong pill na ito kumpara sa ordinaryong Blue Crystal Pill!" Tila namamanghang sambit naman pabalik ng puro hikaw na martial Artists sa kausap nito.

"Oo nga. Ang Pill na ito ay siguradong magiging worth it ito sa ating dalawa kahit na hatiin natin ito sa dalawa." Sambit ng boses lalaki sa puro piercings na lalaki sa loob ng kaniya-kaniya nilang mga silid. Halatang kinukumbinsi nito uoang magsanib sila ng pwersa uoang makuha nila ang kanilang pangunahing ipinunta rito.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C158
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン