アプリをダウンロード
75% Stay [Filipino] / Chapter 3: 3

章 3: 3

"Matulog na tayo?" Sabi niya sa akin saka umupo na ito sa kama.

"Hmm. Hindi mo pa binibigay ang regalo mo sa akin." Nag-aalinlangan itong ngumiti saka napakamot sa ulo.

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo eh." Alam kong hindi ito mahilig bumili ng regalo para sa akin kasi baka raw hindi ko magustuhan pero nakasimangot pa rin ako upang tuksuhin siya.

"Ganito na lang..." Tumayo siya saka hinawakan ang magkabila kong kamay at tinignan ako sa mata.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mo at ibibili kita pag balik natin sa city. Huwag ka na sad, love." Kinurot niya pa ako sa pisngi pero hindi ako nagreact at nananatiling nakatingin lang sa kaniya.

"Isa lang naman ang gusto ko eh." Tahimik lang siya at hinihintay na dugtungan ko ang sasabihin ko.

"Ikaw." Pagkasabi ko no'n ay biglang nag-init ang buo kong katawan. It's true. I really want her. Minsan lang kami nagkakasama pero matagal na akong nananabik sa kaniya.

Nagtitigan lang kami ng ilang segundo saka sinapak niya ako sa braso at tumawa.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan, love." Tumigil siya sa kakatawa nang makitang hindi pa rin napapalitan ang ekspresyon ng mukha ko. Akala niya siguro nagbibiro ako sa sinabi ko kanina.

Tumalikod siya saglit at nakita kong napakamot siya sa kaniyang ulo. "Ano ba naman 'to. Kinakabahan na 'ko." Narinig kong bulong niya bago siya dahan-dahang humarap ulit sa akin.

"Iyan ba talaga ang gusto mo?" Marahan akong tumango bilang sagot.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na hindi kumakalas sa mga titig ko. Napatitig ako sa mga labi niya. Those lips that I wanted to kiss... That person that I want to embrace and spend the night with...

I really want to pero alam kong hindi pa siya handa sa mga bagay na ganito, ganoon din naman ako. I love her and I respect her as a woman. Besides, mga bata pa naman kami. We don't need to rush things just because we want to. Sometimes, we need to make a wise decision if we don't want to regret it in the end.

Ipinulupot niya ang magkabilang kamay sa leeg ko kaya napahawak ako sa beywang nito. Papalapit na nang papalapit ang mukha nito sa mukha ko. Shit! I can't resist her. Lalong nag-init ang buo kong katawan. Gustong-gusto ko na siyang halikan pero kailangan kong pigilan. What to do?

Halos dalawang sentimetro na lang ang layo ng mga labi namin nang biglang nagvibrate ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong umiwas sa sitwasyon namin ngayon.

- Maknae Calling -

"Hyung!" Bungad nito sa kabilang linya.

"Oh? Napatawag ka? Miss mo na talaga ako noh?" Tumawa ako saka saglit na sinulyapan si Angel na nakatingin sa akin.

Nilapitan ko siya saka hinalikan sa noo. "Good night." Bulong ko sa kaniya saka hinalikan siya sa leeg. Agad din naman akong lumabas sa kwarto niya baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko.

"Hyung, matutulog ka na ba?" Walang kabuhay-buhay na tanong nito sa akin. Paniguradong inaantok na ito. At nagawa pa talaga niyang tumawag sa akin sa lagay na 'yan.

"Oo. Ba't ka nga pala napatawag?" Pagkapasok ko sa kwarto ko ay dumeretso ako sa C.R. upang maghilamos ng mukha. Ini-loudspeak ko nalang ang cellphone ko.

"Wala lang. Hindi lang ako sanay na matulog na hindi ko kayo nakikita lahat kaso wala ka kaya tumawag na lang ako." Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Kaya pala chinecheck niya kami sa dorm parati bago ito matulog.

"Oh sya. Matulog ka na. Gusto mo, kantahan pa kita?" Sabi ko habang nilalagyan ng facial scrub ang mukha.

"Good night, hyung!" Pagkasabi niya no'n ay agad niyang binaba ang tawag. Ano'ng problema no'n? Ang ganda kaya ng boses ko. Lalo na kapag kumanta na ako ng lullaby. Tsk.

Pagkatapos ay agad na akong humiga sa kama para magpahinga. Napangiti ako nang biglang naalala ang nakangiting mukha ni Angel. Ito na yata ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.

Sana ganito na lang palagi... At sana walang magbago...

*****

Maaga akong nagising kinabukasan. Nasanay na kasi ako sa dorm namin na maaga ang gising. Agad din naman akong naligo para maipaghanda ng almusal si Angel.

Pagkalabas ko sa banyo ay napansin ko agad ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng side table na nagva-vibrate, palantandaan na may tumatawag.

- MJ hyung Calling -

"Good morn-" hindi ko na natapos ang pagbati ko nang agad na bumungad sa akin ang matinis na boses nito.

"Jinwoo-ya! Uwi ka na dito, bilis! May good news kami!" Inilayo ko pa ng konti ang cellphone ko sa teynga.

"Mamaya pang tanghali ang uwi ko diyan. Ang aga pa oh." Dumungaw ako sa terrace ng kwarto ko kung saan kita ko ang dalampasigan. Napapikit pa ako nang humampas sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.

"Itetext ko si Jinwoo hyung sa good news." Narinig ko sa di kalayuan ang boses ni Sanha.

"Ya! Kausap ko siya ngayon. Huwag kang epal, ako ang magbabalita sa kaniya unggoy ka!" Narinig ko namang sigaw naman ni MJ hyung.

"Kaya naman pala hindi ko siya ma-contact eh! Naunahan mo pa ako hyung!" Ano ba'ng pinagsasabi nila? Ano kaya ang good news na tinutukoy ng mga ito?

"Pinagsasabi niyo diyan? Kanina pa siya tinext ni Mr. Noh tungkol sa balitang 'yon kaya tumahimik na kayo diyan." Narinig kong sabi ni Minhyuk sa kanila.

Umingay sila sa kabilang linya dahilan para hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi nila kaya pinatay ko na lang ang tawag at tinignan ang text ni Mr. Noh sa akin.

From: Mr. Noh

Jinwoo, you have to come back here as soon as you read this message. The management already set a date for your debut and they want to meet you this afternoon.

Napasigaw ako sa sobrang saya. Matagal na naming hinintay ang pagkakataong ito at sa wakas! All the hardships during our training are all worth it.

Kailangang malaman ni Angel ang tungkol sa magandang balitang 'to. Sigurado akong matutuwa siya.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kabilang kwarto. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa kwarto niya.

Nakailang katok na ako pero hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. Tulog pa kaya ito? Sa bagay, alas sais y media pa ng umaga. Mamaya ko na lang ito ibabalita sa kaniya.

Naghanda muna ako ng almusal namin at nilagay doon sa terrace ng kwarto ko. May mesa doon na kung saan pwede ninyong istambayan. Bukod kasi sa mahangin ay maganda rin ang view mula rito.

Nakangiti akong pinagmasdan ang inihanda ko. Sigurado akong matutuwa sa Angel dito sa inihanda ko, lalo na kapag binalita ko sa kaniya na magde-debut na kami.

Sobrang saya ko ngayon araw. Umaga pa lang ay maganda na agad ang balitang narinig ko. Sana tuloy-tuloy na ito hanggang mamaya.

Pinuntahan ko na naman si Angel sa kwarto niya. Gising na siguro siya ngayon.

"Love?" Kinatok ko ng tatlong beses ang pinto ng kwarto niya ngunit wala pa ring sumasagot. Tulog pa kaya siya hanggang ngayon? Sa pagkakaalam ko ay mas maaga pa itong nagigising kaysa sa akin. Nagtetext kasi ito sa akin pagkagising niya, araw-araw.

"Love?" Kinatok ko ulit ito pero ganoon pa rin, walang sumasagot.

"Angel?" This time, napagdesisyunan kong buksan na ang pinto. Nagtaka pa ako kung bakit hindi ito naka-lock. Ni-lock ko naman ito kagabi pagkalabas ko sa kwarto niya.

Tinignan ko ang kama niya. She's not there and the pillow and blanket are already well-arranged. Saan naman kaya siya nagpunta ng ganito kaaga? Ba't hindi niya ako tinawagan o tinext man lang?

Tumungo ako sa banyo ngunit wala rin akong nadatnan doon. Nagsimula na akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan na ako ngayon!

Tinignan ko ang cabinet na pinaglagyan niya ng mga gamit niya. Biglang nanghina ang tuhod ko at halos mawalan ako ng balanse nang makitang wala na itong laman. Wala na ang mga gamit ni Angel!

Naglakad ako papalapit sa kama at umupo roon. Hindi ako ganoon katanga para hindi isiping iniwan ako ni Angel dito. Pero bakit? Bakit kailangan niyang umalis ng walang paalam? Ni tawag o text ay wala akong natanggap.

To: Angel 👼

Love, nasaan ka? Bakit hindi mo ako tinawagan o tinext na maaga kang aalis? 😔

Naghintay ako ng ilang minuto ngunit wala akong natanggap na reply. Ano'ng nangyayari? Hindi ko maintindihan ang sitwasyon. Ang saya-saya pa nga namin kagabi eh.

Napahilamos ako sa mukha sa sobrang lito. Aalis na sana ako nang may mapansin akong papel na kulay pink na inipit sa flowervase na nakalagay sa side table.

Bakit mas lalo akong kinabahan nang makita ito? Bakit iba ang naiisip ko kapag papel na ang iniwan? Kung may emergency, pwede namang tawag o text para mas mabilis pero bakit papel? Hindi kaya...

No. This can't be.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン