アプリをダウンロード
37.5% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 30: ♥ CHAPTER 77 ♥

章 30: ♥ CHAPTER 77 ♥

✿ Dean Carson's POV ✿

.................Flashback................

(Saturday morning)

Maaga akong gumising ngayong araw na 'to para maayos ko na lahat ng kailangan kong ayusin. It's already 6 am. Pumunta ako sa banyo para maligo at pagkatapos ko doon, agad akong lumabas para pumunta sa kusina at kumain. Karating ko doon, nakita ko rin sina Dave na halos kakagising pa lang at halatang inaantok pa. But I told them yesterday na bawal ma-late sa paggising dahil marami kaming gagawin.

Naging rule na rin sa Black house na kanya-kanya kami ng luto para sa pagkain namin. Kaya may sara-sarili kaming gawain para lang makapag-almusal. Ako ang nauna natapos sa pag-aalmusal kaya hinintay ko sila.

While waiting for them. I started my first plan for this day. Tinanong ko si Sean kahapon kung anong paboritong almusal ni Syden at sinabi nito na pancake daw na punung-puno ng caramel syrup and hot chocolate kaya 'yun ang inihanda ko. Nagluto ako ng maraming pancake at pinuno ko 'yon ng caramel syrup at gumawa ako ng hot chocolate. When I'm finally done, iniabot ko 'yon kay Sean para dalhin niya sa Rebels' House dahil gusto ko, doon mag-aalmusal si Syden.

Pagkatapos mag-almusal ng mga kasama ko, sabay-sabay kaming tumayo para makaalis na. Ayaw ko naman kasing abutan pa kami ni Syden pagkagising niya.

Bago pa man kami makalabas, sinenyasan ko na lang si Sean na siya na ang bahala dito at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya tuluyan na kaming lumabas. Si Oliver siguradong nagpreprepare na rin para ayusin ang Rebels' house. Sinabi ko na dapat makulay ang lugar para hindi magmukhang nakakatakot. Well yeah, he's officially my member pero ayaw niya pa ring iwanan ang lugar na tinitirhan niya kaya nakiusap ito sa amin na hindi muna siya sasama sa amin sa Black house. Pumayag ako sa gusto niya because I don't force my members when it comes to their decisions. I still respect them even though I am the leader.

Nang makapaglakad na kami sa buong campus, may mga iilan pa rin talagang matigas ang ulo at naglalakad sa campus. Habang naglalakad kami, suddenly may nakabangga akong babae kaya tuluyan itong napaupo sa sahig. Tumingala ito at alam ko kung anong nararamdaman niya. She looks so nervous, afraid, namutla ito at nanginig ang buong katawan. Well, banggain mo na lahat ng tao, but not Vipers, not me.

Sinamaan ko ito ng tingin at kitang-kita ko ang takot sa mga mata nito. Bigla na lang siyang lumuhod sa harap namin at kulang na lang isubsob na nito ang mukha niya sa sahig, "S-s....sorry. P-patawarin niyo ako- hindi ko sinasadya..." kulang na lang hindi ito makapagsalita at nakita ko kung gaano nanginginig ang mga kamay nito pati na rin ang kanyang pananalita, "Hindi ko talaga sinsadya" hindi siya makatingin ng diretso sa amin at nanatili lang itong nakayuko.

Tinignan ko si Dave bago ako nagsalita, "Hindi ba na-inform ang babaeng 'to kung anong bawal ngayon Dave?" tanong ko dito.

"I made sure na kalat sa campus kung anong bawal..." tinignan ni Dave ang babaeng nakaluhod sa harapan namin at nginisian ito, "O baka sadyang hindi talaga siya sumunod sa utos natin" sambit nito kaya muli akong napatingin dito.

"A-actually. I was informed" nanginginig na sambit nito, "You were informed. Pero hindi ka sumunod. Am I right?" tanong ko dito at nginitian ko siya ng masama, "You did not follow a Viper's command" I added.

"I c-couldn't help- wala na kaming makain sa dorm namin...kaya...k-kaya lumabas ako para bumili ng pagkain sa cafeteria. T-that's all, pero babalik din naman ako agad sa dorm namin. S-so please forgive me" sambit nito sa amin. She couldn't even look at me directly.

Lumuhod ako para tapatan siya at nakita kong pinipigilan nitong lumuha, "Viper's command is just simple right? Ngayong araw na 'to, bawal lumabas at magpakalat-kalat sa campus unless you have our permission. Bawal mag-ingay, bawal ang away at ni isang patak ng dugo, wala dapat kaming makikita kahit saang sulok"

I gave command to all students na bawal magkagulo o gumawa ng kahit na anong ingay ngayong araw na 'to or else buhay nila ang guguluhin ko. Gusto ko kapag lumabas si Syden sa Black house, all is clear at hindi siya makakaramdam ng takot. Sticky notes and all, ako ang nagprepare and I know Sean will do the rest for me. Sa kanya ko sinabi ang lahat ng instructions na gagawin niya sa sticky notes na ginawa ko. Sinabi ko rin na kapag pumunta si Syden sa dating lugar ng Blood Rebels, sundan niya ang kakambal niya just to make sure that she is safe. I want this day to be memorable for the both of us, especially for her.

Tinignan ko sina Dave at naghihintay na lang sila ng iuutos ko. Lalapitan sana nila ang babaeng nasa harap ko, pero sinenyasan ko sila kaya hindi nila tinuloy ang balak nila. Just like what I've said, I want this day to be memorable. I want things to go smoothly.

"You're lucky because this day is special for me..." unti-unti itong tumingala at tumingin sa akin, "I don't want to ruin it ng dahil lang sa'yo" tumayo na ako at nanatili pa rin siyang nakatingin siya sa akin, "I'll let you escape. Sa loob ng sampong segundo kailangan wala ka na sa paningin ko or else babawiin ko ang pagkakataon na binigay ko sa'yo para makatakas" pagkatapos kong sabihin 'yon, sinenyasan ko ito para umalis na sa harapan ko at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya nagmadali itong tumakbo papalayo sa amin.

Our plan for this day, is just to prepare. Sa buong araw, preparation lang. I want everything to be perfect.

Naglakad na kami papunta sa rooftop at kagaya ng inaasahan ko, tahimik sa hallway at sa buong building. May mga tao sa ibang classrooms but that's fine as long as they won't make any loud noise at hindi magpapakalat-kalat sa hallway.

Nang makarating kami sa rooftop, we started to prepare, to prepare everything. Kinausap ko na sila kagabi kung anong mga dapat nilang gawin para hindi ko na sila kailangang sabihan pa ngayon.

At this time, hindi muna makakapunta si Oliver just because he still needs to do something. He needs to help Sean aside from preparing the Rebels' house para ikalat ang mga roses which will guide her, to make way for her at sundan ang mga rosas na 'yon papunta sa Blood Rebels' house. Sinigurado ko rin na magiging maganda ang Rebels' house sa paningin niya at magiging masarap ang aalmusalin niya.

Mamayang gabi, gusto ko madilim ang buong campus. No extra lights other than lighted candles na ihahanda ko which will serve as a path at 'yon lang ang susundan niya hanggang sa makarating siya dito sa rooftop and petals of roses na nakakalat pa rin sa daraanan niya. Habang nag-iisip pa ng pwedeng idagdag, we started to prepare everything. And...

We skipped lunch.

May kinuha akong box at binuksan ko ito. It's a black shiny dress and I think magugustuhan niya 'to and one thing, I know it really fits her. I smiled while staring at the beautiful dress at maayos ko rin itong ibinalik sa kahon with accessories that do not match the dress. I'm really sure na magtataka siya kung bakit ganon. I slowly handed it to Dustin kaya napatingin siya sa akin, "Para saan 'to?" tanong nito, "Go down at ihatid mo 'yan sa kwarto niya. Make sure she won't notice you" sambit ko dito kaya ganon rin naman ang ginawa niya.

.......

(4:47pm)

Napadaan dito si Sean kanina pero hindi rin naman siya nagtagal at bumaba rin ito agad dahil baka raw biglang pumunta dito sa rooftop si Syden kaya babantayan na raw ulit niya. Napadaan lang siya just because his sister was busy reading books sa classroom nila Julez.

Pumunta ako sa tapat ng pintuan at tinignan ang buong rooftop.

At ang itsura ng rooftop ngayon, there's a table good for two persons in the middle at nakaayos din 'yon, it looks like we'll have a date. A very memorable date. Other scented candles, nakapalibot sa bawat sulok ng rooftop. I looked at the time at ilang oras na lang ang natitira. Nang matapos na kaming magprepare, I think there's still something missing. Lumapit sila sa akin at kinausap ako ni Dave, "We're done" sambit nito.

Hindi ko siya pinansin at tinignan ko si Nash, "Do we still have roses?" tanong ko dito.

"Oo. That's why we're about to ask you kung anong gagawin natin sa mga natira" pahayag nito.

"Fine. We'll just spread it throughout the whole place" sambit ko kaya kinuha namin lahat 'yon at ikinalat sa buong rooftop. Masyado pang marami 'yon at wala ng paggagamitan that's why the whole place is filled with roses at naaapakan na namin 'yon just because they are many, but there's no problem with that. What's important is, nangingibabaw ang amoy ng mga kandila even the roses.

After that, I started to prepare. May isang bakanteng classroom kaya doon muna kami nag-stay habang hinihintay ang oras.

And It's already 5:57 pm.

I started to prepare myself because I want her to appreciate not just my efforts, but also me.

....

7pm

When I am finally ready, sinamahan nila ako ulit papunta sa rooftop and I feel so nervous. Sinindihan ko na ang mga kandila at alam kong ganon na rin naman ang ginagawa ni Sean sa baba because it's his part. While Nash, is responsible for the red lights na kailangang sindihan. Madilim ang buong building at magliliwanag lang ito when she's already infront of the building and that's the part of Nash, to turn on the red lights na ginawa namin forming many heart shapes.

Kapag umilaw na ang building, the candles will slowly light up hanggang sa rooftop. And I left a note there na sigurado akong mababasa niya saying that I am waiting.

While waiting for her, iniabot sa akin ni Nash ang bouquet na inihanda ko. I smell it and I know she'll love this. Maliwanag ang paligid just because of candles. And no one can overpower the smell of the candles and roses. Just seeing the whole setting, I would love to see her reaction. Sana magustuhan niya ang lahat ng ito.

Knowing that time is running, kinuha ko sa bulsa ko ang isang maliit na jewelry box and I opened it. It's full of silver accessories. This is the reason kung bakit hindi match ang damit at accessories na ipinadala ko sa kanya, just because the accessories and her dress will only be matched kapag nagkita na kami. I plan to give her this kapag nakapunta na siya dito at gusto ko, ako ang magsusuot nito sa kanya. Habang nakatitig ako sa mga ito, I smiled again knowing that the time is becoming near.

"Good Luck" saad nina Dave kaya tumango ako, "Thanks for everything"

"Wala 'yon. We're Vipers right?" pahayag nito at tuluyan na silang umalis para bumaba.

Napatingin ako sa relo ko and it's already 7:58 pm. The time is running fast and so do my heart. I'm starting to get nervous but I will try to stay calm. I need to stay calm.

Napansin ko rin na nagliwanag na ang buong building that's why I knew, she's becoming near. And maybe now, paakyat na siya.

Tumayo ako ng maayos while waiting for the door. Naghihintay na magbukas ang pintuan. I looked at that d*mn door for how many minutes at hindi pa rin ito bumubukas.

I went to the other side of the rooftop.

...

Umupo...

Tumayo....

Nagpalakad-lakad...

Habang hindi ko pa rin iniaalis ang mga mata ko na nakatingin sa pintuan.

Those were the things na ginagawa ko while waiting for her. I slowly put the bouquet on the table na nasa sulok, even the jewelry box. I felt nervous and something's wrong. Lalo na nung mapansin ko kung ano ng oras.

8:32 pm.

Hindi na naging maganda ang pakiramdam ko and something's really wrong. If she's just late then I better go to the Black House para sunduin siya. Agad akong naglakad papunta sa pintuan para bumaba at sunduin siya. But instead na siya ang makasalubong ko, it was Sean, "What are you doing here?"

Halatang nabigla ito kung bakit nandito ako that's why I asked him, "Ugali ba talaga ng kakambal mo na pumunta ng late?"

"What?!" nagsalubong ang kilay nito kaya nagtaka na rin ako, "Bakit? Wala pa ba siya sa rooftop? Hindi pa ba kayo nagkita?" tanong nito na mas lalo ko pang ipinagtaka.

"That's why I left the rooftop dahil wala pa siya doon. And now I'm planning na sunduin na lang siya" pahayag ko dito.

"Sunduin? Kakagaling ko lang sa Black house Dean. Habang sinusundan niya yung mga kandila, nakasunod ako sa kanya and just like what you told me, once na makapasok na siya sa building, pwede na akong bumalik. Pumunta lang ako dito ngayon just to check both of you and others as well" saad nito kaya kinabahan na ako.

"Then where is she?"

"Last time I saw her, paakyat na siya sa rooftop"

"But she's not there. I was waiting!" dahil sa pag-uusap namin, we felt so nervous not knowing where she could be.

F*ck! Sinundo ko na lang sana siya!

Bumaba na kami pareho at nagmadaling pumunta sa classroom kung saan kami nag-stay buong araw. Binuksan ko ng pabagsak ang pintuan kaya nagulat sina Dave na nakaupo lang at nagpapahinga, "We have a problem. Syden's missing" I said na ikinataranta naming lahat.

"What?! Seriously?!" napatayo silang lahat at lumapit sa akin.

"But how?!" tanong ni Oliver.

"Hindi rin namin alam. Mabuti pa hanapin natin siya and it's better kung maghihiwa-hiwalay tayo" pahayag ni Sean.

We were about to leave but Oliver stopped us, "Did you check the Black house, baka naman nandon pa siya?"

"She's not there" sambit ni Sean kaya nagkatinginan kami, that's why we started to search for her. It's already 9 pm at pumunta ako sa rooftop dahil baka nandon

lang siya.

I assumed to see her there pero wala pa rin akong nadatnan. I went down again para hanapin siya. In every classrooms at lahat ng lugar kung saan ko siya makikita at pwedeng makita. Bago pa man ako makalabas ng building, nakasalubong ko si Nash na abala din sa paghahanap.

"Have you seen her?" tanong ko.

Umiling lang ito and there was no other choice but to find her all over the campus. Maybe someone caught her, whoever try to do that, humanda sila sa akin! I won't spare them.

I'm such a fool! I should have said na hintayin niya na lang ako at susunduin ko siya. But why the hell did I let her go alone without my assisstance? Gustung-gusto kong saksakin ang sarili ko because of my foolishness!

If something happens to her, I won't forgive myself!

Sabay namin siyang hinanap ni Nash sa buong campus. I don't know where will I start? I'm becoming crazy. I ran as fast as I can at hinanap ko siya kung saan-saan. Kusa akong napatigil sa kalagitnaan ng campus at tinignan ang buong paligid.

Hindi ko alam kung saan napunta si Nash na kasama ko lang kanina. Pinilit kong tumayo at napansin kong nasa harap ako ng Building 003. Napatingin ako sa mga pulang ilaw na nakapalibot sa buong building.

It's okay if my efforts would be useless, what's important is for her to be safe.

I was about to enter the building when I finally realized one thing, there is still one place na hindi ko napupuntahan. I looked at the time and it's already 11:01 pm. Mahaba-habang oras ang inilaan ko at hindi ko napansin ang oras kakahanap ko sa kanya.

She might be in the club.

So I started to run as fast as I can.

Nagmadali akong pumunta sa club because that's the only place na hindi ko pa napupuntahan. Maybe she's there at naging biktima siya. And they have forced her na sumayaw. I couldn't imagine that scene at hindi ko gugustuhin na makita si Syden sa ganong lagay. I would surely kill all the students in the club if they would do such thing to her.

Nang makarating ako doon, tinignan ko muna ang harapan ng club. Hindi na ganon kaingay dahil napansin kong medyo tahimik na at halos tulog na ang mga tao sa loob. Hindi ko pinlanong pumasok pero sumilip ako sa loob. Walang babaeng sumasayaw sa harapan at napakatahimik ng buong lugar.

I was about to leave pero napatingin ako sa may bandang dulo ng club kaya natigilan ako. Kahit malayo ako sa kanila, I could clearly see it. I saw her. Kissing another guy. I made sure to check it clearly, she won't do something like that.

Kahit paano ko ipasok sa utak ko na hindi siya ang nakikita kong may kahalikan na iba, kitang-kita ng mga mata ko na nasasarapan siya sa kahalikan niyang lalaki. If she wouldn't like it, she would surely resist.

Looks like I am being stabbed with thousands of knife and it's killing me slowly. My hand suddenly formed into fist habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nawala ako sa sarili ko and it's my first time to feel something like this. I wasn't able to move, I couldn't even move.

Ang sakit makita na yung babaeng pinakamamahal ko, may kahalikang iba. I thought si Roxanne lang ang una at huling gagawa ng ganitong klasing sakit. Pero sa kanya, mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

While being stabbed with thousands of knife, biglang dumating si Nash pero hindi ko siya tinignan, "Have you found her?" he asked but I didn't respond while I am still looking at them. Mukhang napansin ako nito kaya tinignan niya rin ang tinitignan ko. And I knew, he didn't expect to see it.

It hurts. Really hurts. I thought this would be a memorable day not just for me, but also for her. But I didn't expect na magiging memorable talaga ang gabing ito. Mas magiging memorable pa kaysa sa inaasahan ko. My body is shaking in anger but I tried so hard na pigilan ang sarili ko dahil baka makagawa ako ng hindi maganda.

"Call them" I said to Nash na nakatingin din sa kanila, "What about the surprises- " hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita, "Wala akong pakielam" sinamaan ko ito ng tingin at umalis na sa lugar na 'yon.

Habang naglalakad ako, I tried so hard to stop myself dahil alam kong once na tumigil ako sa paglalakad, surely babalik ako sa lugar na 'yon at baka mapatay ko ang lalaking kasama niya.

I went straightly at the Black house pero hindi muna ako pumasok. I wish I could tell her how much it hurts. Yes, they can't kill me physically but now emotionally, I am slowly being killed.

Lumapit ako sa may pader at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Sinuntok ko 'yon ng paulit-ulit hanggang sa mamaga at dumugo ang pareho kong kamay. It hurts physically now but still, nothing can overpower how it hurts emotionally. I punched the wall many times hanggang sa tuluyan ng mangitim ang kamay ko sa pamamaga. Even my knife, inihagis ko and I don't care if my members will see me. Lahat ng nakikita kong bagay sa paligid ko, sinisipa ko at hinahagis just to take the pain out.

I was planning to punch the wall again but they came and suddenly stopped me, "Stop it. Ano bang nangyari?" tanong ni Dave at alam kong nagtataka silang lahat.

"Ang ayos lang natin kanina. Ano ba talagang nangyari bakit nagkakaganyan ka?" dagdag pa ni Dustin pero wala akong balak na ulit-ulitin sa utak ko at ulit-ulitin na sabihin kung anong nakita ko, "At saka nasaan si Syden?" dagdag pa nito.

"Don't ever call her name infront of me!" I said na ipinagtaka nilang lahat but I just looked at them dangerously.

"We found her. But unfortunately..." nagsalita si Nash kaya tinignan nila siya, "Nakita namin siyang may kahalikang lalaki" pahayag nito na ikinabigla nilang lahat.

"What?! Sigurado ka ba!?" tanong ni Sean kay Nash.

"Kaming dalawa ni Dean ang nakakita kaya magalit ka man o hindi, 'yun ang totoo" sagot nito at halatang hindi makapaniwala si Sean sa narinig niya.

"Don't call her name infront of me or else I'll show you how mad I am. Ayaw na ayaw ko ng maririnig ang pangalan niya" pagkatapos kong sabihin 'yon, iniwanan ko na silang lahat.

Pumasok ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Naramdaman ko ang sakit na nagawa ko sa mga kamay ko. Nangingitim ang mga ito sa sobrang pamamaga at dumudugo ito. But I don't care.

I can't even explain how much it really hurts. Tatanggapin ko pa kung ang rason niya, ayaw niyang pumunta. But the reason is because she had been flirting with that guy while I was waiting for her at nagmukha akong tanga kakahanap sa kanya sa buong campus at makikita ko siyang may kahalikan na iba.

I did so much efforts just to make her feel special but she just treated me like a trash.

Kahit na hindi ko sabihan ang mga kasama ko, they knew na ayaw ko ng istorbo ni ultimo mga boses nila, ayaw kong marinig. My efforts were just useless, all of it. Pinagmukha niya akong tanga. Pinagmukha niya kaming tanga kakahanap sa kanya.

Bigla na lang may kumatok sa kwarto ko at kahit hindi ko buksan, alam ko kung sino. Ang kapal naman ng mukha niya para kumatok sa kwarto ko at magpakita sa akin.

Ilang beses itong kumatok at sa pangatlong pagkakataon, binuksan ko ang pintuan, "Wala bang nagsabi sa'yo na bawal ang istorbo?" I said coldly.

"Tingin mo ba...istorbo ako?" tanong nito sa akin.

"Bakit hindi ba? Ano bang tingin mo sa sarili mo?" alam kong masasaktan siya. Pero mas nasaktan ako.

"I just want to say sorry- " hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita dahil ayaw ko siyang marinig.

"We let you live here but don't ever think na pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo. Baka nakakalimutan mo, saling pusa ka lang sa grupo. Umalis ka na"

Alam kong masasaktan siya sa mga sasabihin ko, pero siya ba? Alam niya bang nasasaktan ako? Kahit kailan, hindi niya inisip kung nasasaktan ba ako dahil sa ginagawa niya.

"I didn't intend- "

This time, hindi ko na nakontrol ang sarili ko, "Can't you understand a word?! I said leave! I don't need to hear your useless explanation!"

"But- "

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi?! Umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas! I don't want to see you and to hear your voice. You know what...wala kang kwentang kausap!" after I said those, sinara ko ng pabagsak ang pintuan. I gave her the chance para lumayas sa harapan ko pero ayaw niya kaya ako na ang gumawa.

Ang gusto ko lang, huwag siyang magpapakita sa akin at ayaw na ayaw kong maririnig ang boses niya.

I made and prepared everything, ended up with nothing, but pain.

To be continued...

(Next ud: Saturday)


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C30
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン