アプリをダウンロード
10% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 8: ♥ CHAPTER 56 ♥

章 8: ♥ CHAPTER 56 ♥

♡ Syden's POV ♡

Tinanggal niya ang pagkakakulong ko mula sa mga braso niya at sinenyasan niya ako na para bang sinasabing makakaalis na ako. Sa oras na iyon, normal lang akong naglakad palabas ng lugar na iyon pero hindi ko pa rin maikakaila na may konting pagkakaba pa rin sa dibdib ko. Bago ako tuluyang nakalabas sa maliit na daanan na 'yon, huminga muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sa bawat paghakbang ko, sinisigurado kong walang tao sa paligid. Tanging ang malamig na simoy ng hangin lang ang nararamdaman ko. Pero sa patuloy kong paglalakad, nakakarinig ako ng mga hakbang mula sa aking likuran. Bigla ko itong tinignan at muli ko nanamang naramdaman ang muntikang pagsabog ng aking dibdib dahil sa kanya, "S-saan ka pupunta?" sambit ko habang hinahabol ang mabilisang paghinga. Bakit ba siya nandito?!!

"You just made a promise na hindi ka aalis sa poder namin ng ikaw lang mag-isa" kalmadong sabi nito sa akin. Pero ang mga mata niya, iba talaga ang dating. Hindi ko maipaliwanag....

I did not make any promise. He just forced me and I had no choice. Isa pa.....this is the good time to do my job. Perfect timing devil!😎😎😎

"A-ahhh oo nga pala. But do you even know kung saan ako pupunta?" tanong ko naman.

"You just said magpapaantok ka lang at magpapahangin. I'm still thinking kung bakit ang layo ng nilakad mo when in fact, there are many places to stand by near the Viper's house" sagot naman niya. Shit!!!!! Konting-konti na lang at malalaman na niya ang kasinungalingan ko.

Hindi naman kasi talaga ako magpapahangin lang. Plano kong bisitahin ang isang lugar na matagal ko ng gustong balikan. Ang hirap pa naman gumalaw kapag may kasama kang isang nilalang na mahirap basahin ang utak.

"G-gusto ko sa ibang lugar naman. That's it" pagkasabi ko non sa kanya, tinalikuran ko na agad siya dahil wala na akong maisip na ibang rason para sagutin ang tanong niya. Bakit ba kasi takot na takot ako sa kanya?!

Naglakad ako papalayo sa kanya at binilisan ko ang paglalakad, "You're lying" bigla niyang hinawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya na dahilan naman para mabigla ako. Kahit nakalayo na ako sa kanya, I did not expect na mahahabol niya ako ng ganon kabilis. Seriously?!!

Inilapit niya ang mukha niya kaya tinignan ko na lang siya, "Why do you need to lie?" ang kalmado niyang boses, naging seryoso kasama na rin ng kanyang mga mata. This is what I'm talking about! HELL. NO.

Hindi ko na siya matignan ng diretso kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon para iwasan ang nagliliyab niyang mata. Hindi ko na lang binalak na sagutin ang tanong niya. Magsinungaling man ako o hindi, alam kong magagalit siya. Masyado na niya akong na-kontrol at mahirap ng iwasan ang ganitong sitwasyon.

"Next time, don't lie. Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa mga taong sinungaling right?" binitawan na niya ang braso ko at aksidente akong napatingin sa kanya kahit na umiiwas ako sa tingin niya.

"Now go. I will follow you" sambit niya.

Tinignan ko muna siya bago ako humakbang. Pagkahakbang ko ng dalawang beses, nalagpasan ko siya pero tinignan ko ulit siya. Nakatingin pa rin siya sa akin at sinenyasan niya ako para ituloy na ang paglalakad kaya sinunod ko na lang din siya at naglakad ako. Yung takot na nararamdaman ko sa kanya, unti-unting nawawala sa bawat paghakbang niya na naririnig ko at sa pagsunod niya sa likuran ko. Kami lang dalawa ang naglalakad sa madilim na paligid. Kahit na may nararamdaman ako na parang anytime may lulusob sa akin para patayin ako, hindi ko naramdaman ang takot. Bakit kaya? Dahil ba kasama ko siya? This strange feeling is killing me.

Sa mga oras na 'yon, wala akong naramdaman na takot. Feeling ko kahit saan ako pumunta, walang mangyayari masama sa akin dahil sinusundan niya ako. Pero bakit ko ba sinasabi 'to? Siguro hindi ko muna dapat siya pagtuunan ng pansin. Hindi rin naman kami ganon ka-close. Mas okay na rin na hayaan ko siyang sundan ako habang naghahanap ako ng paraan kung paano pasasayahin ang nilalang na ito. TSK!

Bakit ba kasi kailangan pang humantong sa ganito? I don't even know what to do and how to start.

Kahit malalim ang iniisip ko, alam ko kung anong lugar na ang kinatatayuan ko, "This is it" mahina kong sabi habang tinititigan ang kalawakan ng lugar.

Miss ko na sila. Sana, balang araw bumalik ang lahat sa normal.

May ilaw pa sa building na iyon kaya't nasisiguro ko na gising pa ang mga tao sa loob ng dorm. Matagal na rin akong hindi nakadalaw dito para bisitahin sila Icah kaya ngayon, miss na miss ko na sila. Sigurado naman ako na miss na rin nila ako.

Habang tinititigan ko ng maayos ang buong lugar, napansin kong may lumabas na tatlong babae mula sa pintuan. Nanlaki ang mata ko ng matukoy ko kung sino sila. Hindi ko maitago ang sobrang pagkatuwa dahil nakita ko sila ulit, wala pa ring pinagbago.

Oo, matatawag na nga siguro akong baliw dahil abot hanggang tenga ang ngiti ko. Hindi ko lang talaga mapigilan na matuwa ng husto. Nag-uusap silang tatlo at mukhang sobrang saya nila. Humakbang ako ng ilang beses na may kasamang pagtakbo ngunit hindi ko rin naituloy ang balak kong lapitan sila ng may biglang pumasok sa isip ko.

Bakit parang ang saya-saya nila kahit na wala ako?

Sa sandaling iyon, iyon lang ang pumasok sa isip ko na lubusang nagpabigat sa dibdib ko kaya't tuluyang nawala ang ngiti mula sa mga labi ko at napalitan ng mga luha.

Sila yung mga una kong naging kaibigan at itinuring ko na rin sila bilang isang pamilya. Pero bakit parang kumpleto sila kahit na wala ako? Mukhang ayos lang sa kanila kahit wala ako.

Kahit na hindi ko na sila nakasama, hindi ko makakalimutan yung pagkakaibigan namin, pero bakit? Bakit ang saya nila kahit wala ako? Habang tinitignan ko ang masaya nilang pag-uusap, hindi pa rin mawala sa mukha ko ang mga luha na kanina pa tuluyang bumabagsak. Ninais ko na lang na huwag na silang tignan at tumalikod ako.

Dahil alam kong makikita ako ng nilalang na iyon na umiiyak, pagkaharap ko sa kanya tinitignan niya rin ang mga kaibigan ko ngunit tinignan niya ako gamit ang ekspresyon niyang nagtatanong. Naiintindihan ko naman kung anong klasing tanong ang sinasabi ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Alam kong tinatanong niya ako kung bakit ako lumuluha pero sa huli alam kong alam din niya ang dahilan ng mga luha ko kahit hindi ko sabihin.

Pinilit kong ngumiti kasabay ng pagpunas sa luha ko, "This is just tears of joy. Miss ko na kasi sila at sobrang saya ko ngayon na makita sila ulit. Tara na" pagkatapos kong sabihin yon, magalit man siya o hindi, bahala na. Hinila ko siya papalayo sa lugar na iyon dahil gusto ko rin naman na makalayo agad doon para hindi na ulit ako maiyak. Pinilit kong kalimutan muna ang nakita ko para hindi ako malungkot.

Naglalakad lang ako ng mabilis habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi siya umiimik o kumikibo dahil sa panghihila ko sa kanya. Bigla kong napansin ang isang lugar na punung-puno ng ilaw kaya't napatigil ako sa paglalakad ng mabilis at binitawan ko ang kamay niya. Napatingin ako sa lugar na iyon dahil iyon lang naman ang kaisa-isang lugar na maliwanag at higit sa lahat, maingay sa loob.

Club. Street Cheaters' club.

Biglang kong naalala yung sinabi ni Nash sa akin, isa sa mga paboritong lugar ni Carson yung club. Bigla akong napangisi dahil naisip ko na kung paano ko mapapasaya ang nilalang na nasa tabi ko. Sana naman maging successful ako sa misyong ito. Hinarap ko siya at seryoso lang siyang nakatingin.

"I'm gonna kill you soon" sambit niya. What was that for? Kill me daw? Why devil?

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Because you just dragged me here without my permission. So what are we doing here?" tanong niya sa akin.

"Then kill me. I'll wait for that time, Dean" sagot ko naman sarcastically.

"So?" -D

Tinignan ko yung club bago ko siya tinignan ulit at ngumisi ako, "You can't go there. I won't let you" sagot niya sa akin.

Hindi ko pa man nasasabi, may sagot na siya. Tsk!

Pero syempre hindi ako magpapatalo. Kailangan ko siyang pilitin para makapasok kami sa loob. Isa pa, gusto kong makita kung anong meron sa loob ng club na 'yon.

"You said you would follow me. Gusto kong makita kung anong meron sa loob, pero kung ayaw mo akong samahan, ako na lang ang pupunta" pagkasabi ko non sa kanya, tinalikuran ko na siya pero pinigilan niya ako.

"That's just a club. Ano bang meron sa club? Disco lights, alcoholic beverages, strange people and nonsense things. Ngayon alam mo na, so you don't need to go there anymore" pahayag niya.

Of course I know what's inside the club. Pero gusto ko pa rin makita. Curse Academy is full of mystery that's why there must be something mysterious about that club.

"I still want to see it" sagot ko sa kanya at naglakad ako ng mabilis papunta sa entrance ng club na 'yon.

Tinignan ko muna ang medyo malaking pintuan na yon kung saan merong dalawang lalaking malaki ang katawan na nagbabantay sa entrance ng club. Bago pa man ako makapasok hinarangan na nila ako kaya napatingin ako sa kanila, "Sino ka? At anong pakay mo dito?" tanong ng isang lalaki gamit ang nakakatakot niyang boses. Naglabas sila ng  kutsilyo at itinutok nila yon sa akin kaya medyo napaatras ako.

Sa pag-atras ko, biglang may umakbay sa akin kaya napatingin ako dito at nakita ko siya, yung ngisi niya. Isang malademonyong ngisi at ang talim ng kanyang mata.

"She's with me. I guess you don't want to have a taste of your own knife?" sarcastic niyang sabi sa kanila at the same time nakakatakot pakinggan. The devil again.

Nabigla yung dalawang lalaki dahil sa sinabi niya at mukhang natakot sila kaya agad silang tumabi para magbigay-daan. Inalis na niya ang pagkakaakbay sa akin at tinignan niya ako, "Do you really want to get inside?" tanong niya.

Tumango lang ako at kaagad niya akong hinila papunta sa loob ng club na iyon. Pagkapasok namin, pinagtinginan kami pero hindi rin nagtagal iyon at bumalik sila sa mga ginagawa nila. Sobrang ingay at nakakahilo yung mga ilaw pero dahil nakahawak siya sa akin, sinusundan ko lang siya at umupo kami sa may pinakasulok.

Paglipas ng ilang minuto, may nagserve ng limang beer sa kanya at nanlaki ang mata ko. Seriously?! 5 bottles of beer?! Pagkaalis nung nag-serve ng beer, kinuha ni Carson yung isang bote at ininom yon ng diretso. SERYOSO?! Anong klasing nilalang ba siya?!

Pagkalagay  niya sa lamesa ng boteng walang laman, napatingin siya sa akin, "Don't tell me...uubusin mo lahat 'yan?" tanong ko sa kanya habang tumitingin sa mga bote.

"I'm not that weak para sukuan ang limang bote ng beer" pahayag naman niya sabay inom sa pangalawang bote.

Natulala ako habang pinapanood siyang isa-isahing ubusin ang mga beer pero dahil na rin sa ingay, napatingin ako sa buong paligid.  Mukhang normal na club pero ang mga tao, hindi mukhang normal. Totoo nga ang sabi nila, mahahalata mo sa mukha nila na nagdadrugs nga sila. Ang iitim ng labi at mukha silang patay.

Nabaling naman ang atensyon ko sa nag-iisang bote ng beer na nasa harapan ko, never pa akong nakatikim ng beer kaya pwede naman siguro kahit subukan ko ngayon. Hindi ko napansin na may nagserve din pala sa akin ng beer. Kinuha ko ang isang bote para uminom pero bigla niyang inagaw sa akin yon, "That's mine!" sigaw ko sa kanya.

"You're not allowed to drink" sagot niya sa akin.

Sino ba siya para bawalan ako?!

"Pero ilang bote ng beer na ba ang nainom mo? Look you've taken 5 bottles already. Is it not enough kaya inaagawan mo ako?!" sambit ko sa kanya habang nagtataray ako. Unang beses na tumikim tapos aagawapan ka pa. F*ck this devil!

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang nakangisi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa kanya, "From this day, what's yours is also mine. I'll just drink it for you" pagkasabi niya non, diniretso niya ulit na inumin yung beer kaya natulala na lang ako at nanatiling bad trip ang pagmumukha dahil sa ginawa ng nilalang na 'to.

I felt something about that word, "What's yours is also mine" I hate you Dean Carson.

I hate devil.

Dahil sa pagkainis ko sa kanya, tumayo na lang ako para iwanan siya. Nakakainis kasi eh!

Pagkatayo ko, napansin kong may mga grupo ng lalaki na nasa harapan ko kaya hindi rin ako nakaalis at nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanila. Tinitignan ako ng lalaking iyon mula ulo hanggang paa habang nakangisi siya. Pero hindi rin nagtagal iyon dahil tinignan niya si Carson, "It's been a long time Dean. Ang tagal na nating hindi nag-uusap" sambit nito sa kanya.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Carson at nakaupo pa rin ito. Agad din naman siyang tumayo para magsalita, "What do you want?" tanong naman nito sa kanya.

"Ikaw naman, parang hindi tayo naging magkaibigan. Don't you miss me? Gusto lang naman kitang kamustahin" sambit nung lalaki. Hindi pa rin nawawala ang pagngisi niya habang si Carson naman, seryoso ang itsura. Magkaaway ba sila?

"Well, you're just an old friend to me at isa pa, wala tayong dapat pag-usapan. So better leave now" sambit ni Carson habang itinuturo ang pintuan palabas ng club.

"Kakarating lang namin at pinapaalis mo na kami. I'm sorry but we're not going to leave this place" sagot naman nung lalaki sa kanya.

Nag-uumpisa ng magtinginan lahat ng mga tao sa direksyon namin dahil hindi na maganda ang temperature. Mukha kasing nagkakainitan na sila, "Then, kami ang aalis" sagot naman ni Carson.

Nag-umpisa siyang maglakad kaya binalak ko na rin na sumunod sa kanya pero hinarangan nila ako kaya napatingin siya sa direksyon namin.

"Fine, pero ibalato mo na lang sa amin ang magandang binibining ito" sambit ng lalaki sabay tingin kay Carson. Nakita kong nagdidilim na ang paningin niya sa lalaking nasa harapan ko ngayon habang hawak-hawak nito ang braso ko. Lumapit siya sa amin at hinila ako papunta sa likuran niya. Hinarapan niya yung lalaki at tinignan ito ng masama, "Meron naman tayong pinagsamahan right? Siya na lang ang iregalo mo sa akin" sambit ng lalaki sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"NO. ONE. OWNS MY PROPERTY" sambit nito na lubusan ko namang ikinagulat. Hinawakan niya yung kamay ko para dalhin ako palabas pero hinarangan nila siya kaya hindi rin kami nakaalis, "She's pretty, maputi, makinis at higit sa lahat, inosente. If hindi mo siya kayang ipaubaya sa amin. Then, bakit hindi na lang natin siya pagsaluhan ng sabay" sambit ng lalaki sarcastically. F*CK HIM!

Pagkasabing-pagkasabi niya sa mga salitang iyon, binitawan ni Carson ang kamay ko at sinuntok ng malakas yung lalaki dahilan para matumba ito sa sahig. Lulusubin na rin sana siya ng mga lalaking kasama ng sinuntok niya pero bigla siyang naglabas ng kutsilyo na hindi ko alam kung saan nanggaling, "One more step, one last breath" sambit nito gamit ang nakakatakot niyang tingin. Hindi na sila nagtangkang lumapit sa kanya kaya hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila ako palabas ng club. Bago kami tuluyang makalabas, tinignan ko ulit yung lalaking sinuntok niya at dumudugo ang labi nito. Nagkatinginan kami pero hindi rin nagtagal iyon.

Mabilis siyang maglakad at mukhang uminit ang ulo niya kaya ganito siya kumilos ngayon. Hawak niya pa rin ang kamay ko kaya wala akong magawa kundi sumunod sa mabilis niyang paglalakad kahit nakakapagod na.

Bigla ko na lang naalala yung sinabi niya kanina, "I'm not even one of your members nor a friend to you yet you call me your property" sa hindi inaasahang pagkakataon, nabanggit ko ang mga salitang iyon ng hindi inaasahan kaya natigilan kami sa paglalakad. Binitawan niya ang kamay ko at hinarapan ako. Wala na din naman akong magagawa kaya tinignan ko siya ng diretso sa mata. I wanna hear your answer devil.

An angel wanting to hear a devil's answer.

"You're not one of my members but you are one of my group. And the people under my name are my properties. So you're one of my property that's why you can't do anything about it" -C

"S-so what do you want me to do?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya basta ang alam ko lang, hindi ako nakaramdam ng takot.

"Tell me, do you want power? Cauze I can give you as much power as you want" -C

"I don't need power" why would I need power kung kasama ko naman sila?

"'You're my property right? Sa akin ka lang makikinig. You have to accept my greatest gift for you. And this is a command from the Viper's king"

"Kailan mo ba ako titigilan?" tanong ko sa kanya.

Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya nabigla ako sa ginawa niya. Sa ngayon ramdam ko ang paghinga niya, "Titigilan lang kita kapag patay na 'ko. Pero malayong mangyari 'yon. Kaya ngayon pa lang, masanay ka na" kulang na lang malagutan ako ng hininga dahil sa mga sinasabi niya.

"Sinanay mo akong binabantayan ka, kaya huwag ka ng magtaka kung bakit nagkakaganito ako ng dahil lang sa'yo"

In the middle of the night, 

Under the stars,

In hell,

The devil brought me there.

When I suddenly felt his lips just like a fire.

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C8
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン