"Ren! Ren! Ren! Gising!!!"
Splasssshhhh
"Ay anak ng tokwa!" napabalikwas ako sa kama ng may bumuhos sa akin ng malamig na tubig.
"OMG! I'm wet!" malanding sabi ni Cheska at agad akong napalingon sa kanya at ibinalik muli ang paningin kay kuya.
"Panong? Anong?" tuloy-tuloy kong sabi
"Kanina ko pa kayo ginigising. Malelate na tayo. Maligo na kayo pa makakain na tayo, at sabay-sabay na tayong pumasok." Lumabas na siya sa kwarto at sumigaw ulit
"Bilisan niyo kung ayaw nyung mabuhusan ulit!!!"
"Anong nangyari? Bakit?" pagtatanong ko sa sarili. Panaginip lang ba yun? Para kasing totoo, bumangon ako para makaligo na ng mahagip ng paningin ko ang isang libro.
"Naman eh! This is my worst umaga ever!" Pagmamaktol ni Cheska at agad nagtungo sa C.R.
"NEO VERONA" pagbasa ko sa title ng libro. Naalala ko ang panaginip ko, ibig sabihin hindi yun panaginip.