アプリをダウンロード
82.65% Self Healing Magic / Chapter 81: Tyrant

章 81: Tyrant

Para maiwasan na maraming mga kabataan ang masawi ng mas maaga ay kailangan ipamulat ng mas maaga sa mga kabataang ito na hindi ganun kadali ang pagiging adventurers.

Ganito ang kalakaran sa branch ng adventurers na ito.

"Bata, kung ayaw mong masaktan, ako sayo ay uuwi na ako sa amin, hahaha," sabi ng lalaking may balbas at may gupit na mohawk hairstyle na kulay pula.

"Kaya lang pag-uuwi ka, hindi mo kasama ang mga babae, buwhahaha!" Sarkastikong dagdag naman ng isa pa habang ginagaya ang bosses ng bata.

HAHAHAHA!

Agad na nagtatawanan ang mga tao sa paligid.

"Fufu, pasinsya na pero ayaw namin sa mga pangit," sabi naman ni Maena habang nakataas ang isang kilay.

"Wow, miss, kesa naman diyan sa totoy mong kasama, mas okay na, na sa amin kayo sumama siguradong mapapasaya pa namin kayo, hahaha," sagot naman ng lalaking may hawak na makurbang dagger at nakabandana ang ulo hanggang kilay.

"Yan ang gusto ko sa babae, mataray, pero kapag nakatikim na ng aray, ay mapapa—"

Pak!

Bam!

Hindi na naituloy ng lalaki kanina na unang nagsalita ang sasabihin dahil tumilapon na ito at bumangga sa mesang nasa likod niya.

Biglang natahimik ang lahat. Hindi nila napansin kung paano nangyaring tumilapon ng biglaan ang kanilang kasama.

Napanganga nalang sila habang pinagmamasdan na hirap sa pagbangon ang lalaking may mohawk na buhok.

"Ay pasinsya na, may nakita lang akong lamok, hehe, hindi ko naman akalain na ganun ka lampa pala mga tao dito," sabi ni Yman habang nakangiti at dahan dahan binabawi ang naka-stretch na paa.

Isang sipa sa sikmura ang nagpatalsik sa lalaking may mohawk na gupit na may malaking katawan.

Natahimik ang lahat at hindi nakaimik. Pati ang mga kasama niyang mga babae ay napanganga.

Nanlaki rin ang mga mata ng dilag na nagbabantay sa counter. Dahil isang sipa lang sa sikmura ay nahihirapan na tumayo ang lalaking may malaking katawan?

Pero sa totoo lang ay marami pang natirang health points ang mamang ito.

Napansin din ni Yman na nasa 250 lang ang damage ng sipa niya. Pero dahil bumangga pa sa mesa ang lalaki ay nadagdagan pa ng 150 na bawas bali naging 400 lahat ang total na bawas sa HP ng lalaki.

Dahil mayroon siyang 7,000 total na health points, ngayon may natira pang 6,600HP sa kanya.

Dahan dahan na bumangon ang lalaki. At nang makabangon ay pinagpag ang damit na basang basa ng alak na nasa mesang binagsakan niya.

Ilang sandali ay tinitigan niya si Yman habang nakangisi. Pinatunog din niya ang mga buto sa kamay at leeg.

"Mukhang sawa na mabuhay ang batang ito," sabi ng isa sa mga adventurers sa paligid.

"Lagot na siya, ginalit niya si Tyrant," Bulong naman ng isa pa.

"Tsk, tsk, wala na tayong magagawa pa para pigilan si Tyrant, mukhang dito na nga masasawi ang binatilyong to," pinailing naman ng isang lalaking may katandaan ang kanyang ulo habang binabanggit ito.

"Hindi ata inalam ng binatilyong ito kung sino kinalaban niya," dugtong naman ng isang babaeng adventurers.

"Naku, diba matagal na na level 6 si Tyrant?" Tanong ng isang lalaki.

"Ano kaba, isang taon na siyang level 6, kaya beterano na siya sa laban," sagot naman ng isa pa habang tinutungga ang bitbit na alak.

"Bwahahahaha, abay, naghahanap na ata ng katapusan ang bata!" Malakas na tawa naman ng kaninang lalaking kasama ng tinatawag na Tyrant na sinipa ni Yman.

"Oohh, okay lang yan para masolo na natin ang mga sariwang dilag na ito," dugtong naman ng pangatlo nilang kasama.

"Y-Yman ako na ang bahala diyan," sabi ni Maena.

Napansin din ni Yman na balak kunin ni Mina sa kanyang storage ang kakaibang sandata.

"Ako na," malamig na sabi niya sabay hakbang palapit sa lalaking tinatawag na Tyrant.

Nagulat si Kesha sa biglang pagsipa ng lalaking nagustuhan ng bestfriend niya. Mukhang hindi naman pala ito duwag, kaya lang, mukhang balak nito magpakahero.

Naisip ni Kesha kung gusto ba ng lalaking ito magpasikat sa bestfriend niya at kay Miss Ella.

Biglang napukaw ang atensyon ng lahat ng biglang nagpakawala ng kulay asul na enerhiya ang lalaking tinatawag nilang tyrant.

At gumamit ito ng mga buff.

Tyrant Warrior!

<+15% attack and defense for 30 seconds>

Life Pity!

<+1,000 HP for 1 minute>

Sunod-sunod na sigaw niya sa pangalan ng mga buff.

Nagpakawala rin ng enerhiya sa katawan si Yman. Ngunit ang enerhiyang kanyang pinakawalan ay kulay berde. Dahil nasa level 4 pa lamang siya.

Agad naman nagbubulungan ang mga tao sa paligid. Dahil ramdam na ramdam nila ang hina ng enerhiyang taglay ng binata.

Pati sila Maena ay nag-aalala. Sumimangot din ang mukha ni Kesha. Dahil tama ang hinala niya na mahina nga ang lalaking ito. Lalo lang tuloy siyang nagduda na inuto ng lalaking to ang headmaster ng adventurers guild at si Miss Ella.

Agad na kinuha ni Tyrant ang kanyang paboritong sandata na isang high grade equipment na espadang tinatawag na Falchion. Kahugis ng itak. O pwede ring sabihin na isang itak.

Nang makita ito ni Yman ay agad rin niyang kinuha sa inventory ang dalawang dagger na high grade equipments. Inagaw niya lang ito mula sa mga bandido.

Biglang kuminang ng bahagya ang kanyang mga mata nang masulyapan ang sandata ng kalaban. Kumurba paitaas din ang kanyang labi.

Ilang sandali ay sumugod agad si Tyrant sa kanya ng walang pag-alinlangan lalo na't isang bubwit lamang ang kanyang kalaban.

Akala ni Yman ay susugod rin ang dalawa pa niyang kasamahan pero mukhang mataas ang kompiyansa nila sa lalaking tinatawag nilang Tyrant.

Isang malakas na hampas pababa ang mabilis na patungo kay Yman. Dahil sa bilis nito ay nag-iwan pa ng marka sa ere.

Napansin ni Tyrant na hindi gumalaw ang binatilyo at mukhang naghihintay lamang ng kanyang katapusan.

Napa "0" naman ang mga bibig ng mga tao sa paligid habang nanonood ng laban.

Si Mina naman ay gustong tumulong kay Yman. Nakabuka rin ang kanyang bibig at nakadilat ng malaki ang mga mata. Kinakabahan sa maaring hindi magandang mangyari kay Yman.

Nakakunot din ang mukha ni Maena at ready na sumaklolo anumang mangyari. Hindi niya hahayaan na mapaslang ang kaibigan.

Pati si Kesha ay nakakunot din ang mukha. Sa isip niya ay ano bang ginagawa ng lalaking ito! Bakit ayaw niya ng tulong. Feeling ba niya malakas siya?! Eh level 4 lang naman siya. Hindi lang yun nabalitaan pa niyang isang healer ito.

Pahamak talaga ang lalaking to! Hindi talaga ma gets ni Kesha kung paano nagkagusto ang bestfriend niya sa lalaking to. Eh marami namang mas pogi na mas malakas pa sa kanya.

Ting!

Isang kakaibang tunog ang narinig ng lahat.

Nang sanggain ng isang dagger ang inihampas na Falchion sword.

Hindi nakapagsalita ang lahat sa nasaksihan. Paanong ang isang level 4 ay nakayang sanggain ang atake ng level 6?????!!!!!

Gulat silang lahat. Pati ang mga babaeng kasama ni Yman ay nagulat. Ngunit sa kanilang lahat, may isang dalaga na walang kaba o kahit anong pagkagulat ang makikita sa kanyang mukha.

Nang mapasulyap si Kesha kay Rea ay lalo lang siyang nagtaka. Dahil parang walang pag-alala sa mukha ni Miss Ella. Na para bang sa kanya ay wala lang ang nangyari.

Napakisapmata nalang si Kesha nang masulyapan si Miss Ella.

Ilang sandali ay...

Ting! Ting! Ting!

Nagbabanggaan ng paulit-ulit ang Falchion sword at dagger.

Ngunit kahit sino sa dalawa ay walang umaatras.

"Magkasinglakas silang dalawa?" Isang manonood ang hindi sinadyang napabulong.

Kumunot ang noo ni Tyrant. Hindi siya makakapayag na magkasinglakas sila ng batang ito. Level 6 na siya habang level 4 pa lamang ang batang kalaban.

"Haha, ano ba kayo! Syempre pinaglalaruan lang ni Tyrant ang batang yan! Haha!" Sigaw naman ng isa sa kasamahan ni Tyran.

Ting! Ting! Ting!

Nagpatuloy parin ang kanilang sanggaan ng mga sandata.

Lalong kumunot ang noo ni Tyrant dahil kahit anong gawin niya nasasangga lang ng level 4 na kalaban ang atake niyang may lakas na pang level 6.

Napansin ni Tyrant ang pagkurba ng labi ng kanyang kalaban.

'Hayop may gana pa talagang ngumiti ang batang to ah,' lalong nagalit si Tyrant sa pangmamaliit nito sa kanya.

"Masyadong lumalaki ang ulo mo bataaaa!" Sigaw niya sabay pakawala ng malakas na sipa sa sikmura ni Yman.

Ngunit bago pa ito tumama ay mabilis na iginiwang ni Yman ang kanyang katawan sa kalewa para makailag.

Dahil dito ay lumagpas lang ang sipa ni Tyrant.

Mabilis na iwinasiwas ng pahalang ni Yman ang kanyang dagger diretso sa babang bahagi ng dibdib ni Tyrant.

Ngunit, bago pa tumama ay napansin ni Yman na bumalik yung sipa ng kalaban. Agad niyang iniharang ang braso sa kanyang tagiliran.

Bang!

Tumilapon si Yman sa may mesa at direkta itong nabiak pati narin ang mga boteng nakapatong rito.

""Yman!""

Napasigaw naman si Mina at Maena nang makitang tumilapon ang binata.

"Hahaha, kita niyo na! Ha!" Sigaw ng kasama ni Tyrant.

"Syempre hindi pa nga nagseseryoso si Tyrant kayo naman, masyado kayong mainipin, ano bang laban ng batang yan? Kitang kita na pinaglalaruan lang siya ni Tyrant," Dagdag naman ng isa pa.

Klang! Klang! Klang!

Nagsihulog ang mga bote at baso sa mesang nabagsakan ni Yman.

"Ahahaha, ano kana ngayon bata? Ha?" Sabi ni Tyrant ng may halong pangungutya.

"Isang sipa kalang pala, haha, tingnan niyo nahirapan na siyang bumangon. Baka natuluyan na ata, hahaha!" Dugtong naman ng kaibigan ni Tyrant.

Sinulyapan ulit ni Kesha si Miss Ella, pero, ganun parin?! Ganun parin walang takot na makikita sa kanyang mukha. Naisip tuloy ni Kesha kung may gusto ba talaga si Miss Ella sa lalaking to o wala.

Pero bago ang lahat, hindi paba nila tutulungan ang lalaki? Baka matuluyan na nga ito. Nag-alalang napalingon si Kesha sa bestfriend niya. Napansin niya ang mangiyak-ngiyak nitong mga mata.

Hindi naman siguro magwawala si bestfriend dito noh? Napatanong nalang siya sa sarili. Napansin din niya na parang ready na sumaklolo si Miss Maen.

"Tsk! Kala ko pa naman mali ang hinala ko, yun pala ay naglalaro lang ang mokong na Tyrant nato," sabi naman ng dilag na nagbabantay sa counter.

Pero bago paman sila makagalaw.

"Hehe, hindi ko akalain napaka-flexible mo pala manong na lampa," isang bosses ang narinig ng lahat.

Dahan dahan na bumangon at naglakad palapit kay Tyrant ang batang kalaban. At walang bakas ng sugat o galus sa buo nitong katawan.

Na para bang walang nangyari. Napansin din ni Tyrant na full pa ang health points ng kalaban.

"Impossible," napasambit nalang siya.

Kitang kita ng dalawa niyang mga mata nang bawasan ito ng 190hp at nadagdagan pa ng 150 nang tumilapon.

'Wait 190 lang bawas ng sipa ko?!' Napagtanto niya ang hindi maipaliwanag na katotohanan. Na mas mataas pa ang damage ng level 4 na bata kaysa sa kanyang level 6.

At hindi lang yun, full pa ulit ang hp ng batang kalaban.


クリエイターの想い
Fhrutz_D_Hollow Fhrutz_D_Hollow

Sa novel na “Learning magic in another world’s academy” niyo nalang e send ang powerstone niyo mga lods. Promise susundan ko agad upload ng next chapter nito. Salamat sa mga nagbabasa parin nito!

next chapter
Load failed, please RETRY

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C81
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン