Pagkatapos mamili ng mga item ay dumiretso muna ang dalawa sa bakanteng lote kung saan nagsanay si Yman ng Earth Pillar. Ngayon ay sinanay niya ang paggamit ng Earth Bind at Earth Spike. Dahil wala siyang ibang magic attack, ay kailangan niya ang skill ng espada.
Kinabukasan, abalang abala ang buong kaharian para sa gaganaping pagdiriwang sa bulwagan ng palasyo.
Mula pa kahapon isa isang nagsidatingan ang mga magic high school na inimbitahan. Hindi lang ang EMRMHS ang nakatanggap ng imbitasyon. Pati narin ang iba pang akademya ay nakatanggap rin ng imbitasyon. Siguro pag-uusapan din nila ang magaganap na kompetisyon. Higit sa lahat, tiyansa ito na makilala ng bawat isa ang kanilang magiging katunggali.
Kasama ng bawat principal/namamahala ng akademya ang kani-kanilang pinakamalakas na estudyante.
Nang masilayan ng mga estudyanteng first time makapunta rito sa kaharian ng Engkantasya, ay hindi maitatago ang pagkakasabik ng bawat isa. Kitang kita sa kani kanilang mga hitsura ang pagkahumaling sa lugar.
"Ito pala ang Engkantasya!"
"Hehe, ano kaya kung mamasyal muna tayo."
"Sama ako!!"
Sabi ng mga estudyanteng nakasuot ng magic high school uniform. Ang kulay ng kanilang uniporme ay red at black. Bawat isa ay my bitbit na samot saring bagahe.
Makikita rin ang iba pa na unang dumating na abalang abala sa pakikipagtawaran sa mga tindera ng pamilihan.
"20k!!"
"50k"
"P-pero hindi naman ito rare. Please ali! Kailangan ko lang i-regalo ang kwintas na ito sa girlfriend ko!!"
"Pasinsya na! Business is business. At halata sa mukha mo na wala kang girlfriend!!"
"Ehhhh!! Hindi lang madamot si Ali, mataray pa." Sabi ng estudyanting lalaki. Sa kanyang bibig sumisilip ang dalawang malalaking ngipin na kahit itikom pa niya ito ay lumalabas parin. May malaki na bilog itong mga mata. Hindi siya mula sa tribu ng mga kuneho. Tanging ganito lang talaga ang hitsura niya.
"Ahaha, tingnan niyo hindi umubra si Mus sa tindera." Sabi naman ng isa pang estudyante. Base sa kasuotan nila ay magkaklase ang mga ito. Pareho silang nakasuot ng kulay itim at dilaw na uniporme.
Wooosh!
Wala manlang kaalam alam ang tindera na habang nakikipag bulyawan siya sa binatang parang daga ang hitsura, ay isa isa na nitong kinukupit ang kanyang paninda. Dahil sa bilis ng kanyang mga kamay ay halos hindi napansin ng tindera na gumalaw ito.
Hindi rin makikitang gumamit ito ng enerhiya kaya siguradong personal niya itong talinto.
"Tsk! Makaalis na nga, ang taray naman ni Ali." Sabi ng binatang tinatawag nilang Mus.
"Sho! sho!" Pagtaboy ng tindera sa binata.
Nang makatalikod na ito ay biglang ibinato ng bahagya sa ere ni Mus ang kwintas na kanina pa niyang tinatawaran. Ngumiti siya ng bahagya, pero sa isip niya ay napakadali naman utuin ng tindera. Halata rin na nakaumbok ng bahagya ang kanyang bulsa. Laman nito ay ang kanyang mga kinupit.
"Tara!"
"Woohoo! Maaasahan ka talaga Mus!" Masigla namang sigaw ng kasama sabay akbay sa balikat ni Mus.
"Haha, tara tara!" Sabi pa ng isa nilang kasama.
Tumawa lang si Mus at nag-umpisang humakbang. Ilang sandaling paglalakad ay bigla siyang natigilan dahil may nakita siyang napaka gandang engkantada sa unahan. Kahit maraming tao sa paligid ay kitang kita ito ng mga mata ni Mus. Biglang naghugis puso ang mga mata niya.
"Ba-bakit ka natigilan Mus?" Tanong ng kasamahan niya sabay lingon sa kanya. Napansin nila na naghugis puso ang mga mata nito. Nilingon nila ang direksyon kung saan nakatutok si Mus. Nakita nila ang dahilan ng paghinto ni Mus.
Isang napaka gandang engkantada na may milky white hair. May maganda itong hubog ng katawan at napaka-cute pa. Maputi ang mga balat na animoy kasing puti ng suot nitong dress.
"Hehe napakaganda niya." sabi ni Mus.
Kaya lang, biglang sumimangot ang kanilang mga mukha dahil napansin nila na may kasabay ang magandang engkantada. Isang tao na binata na parang walang kamuwang muwang. Medyo matangkad ito sa kanila pero kung titingnan mabuti ay parang hindi marunong makikipaglaban. Ito yung mga tipo ng binata na ginagawang tagasunod ng mga malalakas na katulad nila.
Ang tawag sa mga taong ito na hindi kalakihan ang katawan at mukhang mahinhin gumalaw ay lampa. Nakasuot siya ng longsleeve na itim. Mapapansin din na mukhang bago lang siyang gising at hindi pa naka almusal.
Ngunit, nagngitngit ang mga tingin ng tatlo nang makita ang tuwa at pamumula ng engkantada habang nakikipag-usap sa binata. Nakaramdam sila ng matinding selos. Pareho lang naman silang tao pero bakit ang swerte ng isang ito. Kung lakas lang din naman ang pagbabasihan ay siguradong wala to sa kanila na special estudents ng kanilang akademya.
"Tsk! akong bahala sa pasikat na'to." Inis na sabi ni Mus.
Kuku
Tumawa lang ng kunti ang mga kasama niya. Dahil kung si Mus na ang gagalaw ay wala na silang magagawa. Pinagdasal lang nila na hindi sobrahan ni Mus ang binabalak niya. Si Mus ay kilala sa kanilang akademya na may pinakamabilis na mga kamay. Hindi manlang alam ng mga target nito kung ano ang tumama sa kanila. Bigla nalang sila manghihina at mawalan ng malay.
Dahan dahan humakbang palapit si Mus sa dalawa. Habang nasa kanyang mga bulsa ang kanyang mga palad. Wala manlang kaalam alam ang lalaki na magiging biktima. Magugulat nalang ang tanga na unti unting manghihina at mawalan ng malay. Kasalanan niya ito dahil ipinanganak siyang mahina. Sa mundo kung saan ang malakas ay batas walang puwang ang mga katulad niyang lampa.
Makikitang maraming tao sa paligid na paparoon at paparito. Kung saan saan ang mga ito patungo. Sa gilid naman ng maluwag na daang nilalakaran nila ay makikita ang mga nakahilirang tindahan ng sari saring bagay o kagamitan. May makikita rin na mga nagtitinda ng mga prutas at pampalamig.
Tumaas ang kilay ni Mus nang makita na medyo naiilang pero makikita rin ang saya ng dalawa habang nag-uusap. "Ano kayang relasyon ng dalawang ito?" Hindi tuloy maiwasan na mapatanong si Mus.
Pero lalo lang siyang nakadama ng selos habang iniisip ito. Sa tingin niya ay hindi naman sosyal ang binata at lalong hindi mukhang mayaman. Pero bakit parang close na close siya sa magandang engkantada?
Limang hakbang nalang distansya niya sa dalawa.
"Hehe." Hindi mapigilan na mapangiti si Mus habang iniisip ang kaparusahan ng binata. Hindi manlang nito malalaman kung anong nangyari sa kanya at agad mawalan ng malay. Kung mamalasin pa ay baka hindi na siya muling magising pa. "kekeke."
Isa siyang thief class na magician. At kahit hindi siya gagamit ng skills, may natatangi na siyang talinto rito. Tinitigan ni Mus sa mata ang binata. Wala manlang itong kamalay malay sa mangyari sa kanya. Nakikipag usap parin sa katabing magandang engkantada.
Dahil maraming tao sa paligid ay paminsan minsan nagkakadikit ang kanilang balikat.
"Bwesit! Ang swerte ng kumag na ito. Mukhang sinasadya niyang dalhin ang babae rito para makapag-chansing." Hindi mapigil na mapamura sa isip si Mus. Ito ang mga tipo ng taong ayaw na ayaw niya at kinasusuklaman.
Ilang sandali ay nagkahilira ang kanilang katawan at nasa kaliwa nila ang bawat isa. Wala manlang kahit kaunting tunog ang maririnig nang humiwalay sa kanyang mga bulsa ang mga kamay. Nang humakbang pa ng isang beses, mula sa likod ng binatang naka itim mga sunod sunod na atake na parang pinatigas na kamao habang nakaumbok ang gitnang daliri.
Hindi na niya kailangan pa gumamit ng sandata sa lampang ito. At balak lang naman niya ay parusahan ito ng kaunti. Pero ito ang kaunti na pwede niyang ikasawi. Ang target ng mga ataking ito ay ang mga vital parts ng katawan. Mula sa likod ang atake kaya may dagdag itong damage dahil sa class niyang isang thief. Tinatawag itong 'backstab.'
Pa! Pa! Pa...!!
Sunod sunod na napaka bilis na mga atake. Wala manlang ibang nakapansin sa nangyari. Dahil walang malakas na tunog ang maririnig.
"Ano?"
Para lang walang nangyari dahil wala talagang nangyari. Hindi manlang tumama ang mga atake ni Mus. Gulat na gulat siya at nalilito.
Sinulyapan siya ng lalaking mukhang lampa. Hindi manlang gumalaw ang katawan nito at tanging ulo lang gumalaw para siya'y lingunin.
"Nice try!" Malamig na sabi ng lalaking nakaitim na mukhang lampa. Ngumiti pa ito ng may halong pangungutya. Na para bang kinaaawan si Mus.
"Salamat pala dito." Dugtong ng lalaki sabay pakita ng kwintas na kanina lang nasa bulsa ni Mus.
Tumalikod ang lalaki at humakbang papalayo. Wala manlang ideya ang magandang engkantada na katabi sa nangyari. Tanging si Mus at ang lalaki lang ang nakakaalam sa tunay nangyari. Pero kahit si Mus ay naguguluhan din. Hindi niya alam kung anong klaseng kamay meron ang isang iyon. Hindi nga nasundan ng mata ni Mus ang ginawa ng lalaki.
"Tsk!" Kinagat ni Mus ang kanyang labi. Hindi siya makakapayag na basta lang ipahiya. Isa siyang special students at isa sa pinaka magaling at pinakasikat sa kanilang akademya! Dahil sa taglay niyang bilis na hindi mapapantayan!
Hindi lang siya natalo sa bilis kinuha pa sa kanya ang kwintas na kinupit. Hindi ito kayang tanggapin ng kanyang pride! Tapos may halo pang pangungutya ang ngiti ng mukhang lampa!
"Hayop! Kala mo...magaling kana!" Ngayon ay seryosohin niya ng konti.
Woosh!
Nagpalabas ng asul na enerhiya si Mus. Nagulat at nagsitabi ang mga taong pumapalibot.
"A-Anong nangyari?"
"S-sino yan?"
"May away ata!"
Kanya kanyang bulong ng mga tao sa paligid.
"Eh? Anong nangyari?" Gulat na tanong ng mga kasama ni Mus.
"Haaayyoop!! Bumalik ka dito lampaaa!!" Sigaw sabay sugod si Mus sa lalaking nakaitim.
Mabilis siyang sumugod at lumingon naman sa kanya ang binatang nakaitim na nakangiti lang habang tinitingnan siya. Makikita rin na nakahawak sa manggas nito ang magandang engkantada. Pero walang makikitang pag-aalala sa mata o kahit kaba.
Naguguluhan si Mus sa kinikilos nito. "Hindi ba siya natatakot na mapaslang ko ang lalaking kasama niya?" Hindi maiwasan na mapatanong si Mus.
Kalahating sigundo nalang at tatama na ang mga dagger na bitbit ni Mus sa lalaki.
"Mus! Itigil mo yan!!" Tinig ng isang lalaki.
Wooossh!!
8 iches nalang distansya ng mga dagger ni Mus sa leeg ng lalaking nakaitim. Ngunit bigla siyang natigil. Hindi niya itinigil ang atake. Gustong gusto talaga niya lagutan ng hininga ang lalaking ito. Makikita rin sa kanyang mga mata ang matinding kagustuhan na pumatay. Hindi niya itinigil ang atake, sadyang natigil lang dahil sa kanyang likod may malakas na mga kamay ang nakahawak.
"Tigil na Mus!" Malamig na bosses ng lalaki.
"Tsk! Bitawan mo ako Yusan! Mapapatay ko na ang pasikat na ito." Sigaw ni Mus.
"Hah! Kung ako sayo ay hindi ako gagalaw." Tugon ng lalaking tinatawag na Yusan.
"Binabantaan mo ba ako?!"
"Tumingin ka sa baba."
Sinunod ni Mus ang sinabi ni Yusan at nang makita ito ay bigla siyang natigilan. Na para bang nanlamig ang buo niyang katawan. Isang espada ang nakatusok sa kanyang dibdib ng bahagya. At makikita rin na may dugong dumadaloy dito. Hindi manlang niya ito napansin dahil sa galit. Siguro kung hindi siya pinigilan...
"Kung hindi kita naabutan ay siguradong mauna kang paglalamayan." Sabi ni Yusan habang dahan dahang iniatras ang katawan ni Mus.
"Ok lang ba kung itigil nalang natin ang gulong ito?" Mahinahong tanong ni Yusan sa lalaking nakaitim.
"Walang problema sa akin. Kung wala na siyang ganang umatake (itinaas ng lalaki ang mga balikat ng bahagya) ay wala na akong magagawa." malamig na sabi ng lalaking nakaitim na para bang wala lang sa kanya ang nangyari. Ibinalik nito ang kakaibang espada sa kanyang inventory. Napansin ni Yusan na kulay berde lang ang enerhiya nito.
"Level 4?!" Napabulong nalang si Yusan sa gulat.
"Yman tara!" Niyaya ng magandang engkantada ang binatang kasama. At agad naman itong lumakad palayo.
"Yman pala pangalan niya." Ngumiti si Yusan. Ito ang gusto niya. Mga malalakas na mandirigma. Makikita ang naka `X' na piklat sa kanyang noo. Pero hindi parin nito nabawasan ang kanyang kagwapuhan. Bagkus, dumagdag pa ito.
Hula ni Yusan base sa hitsura ng lalaking nagngangalang Yman, ay kaedaran lang nila ito. Siguradong magkikita pa silang muli. Gusto niya itong makilala.
"Okay ka lang Mus?" Tanong ng dalawa niyang kasama kanina. Hindi makapaniwala ang dalawa na may isa pang nakatalo sa atake ni Mus maliban kay Yusan.
"Tsk!"
"Hayaan mo na yun, atleast marami ka namang nakupit." Sabi ng isang kasama ni Mus.
"Hah!" Bumuntong hininga nalang si Yusan nang marinig ang mga sinasabi ng kasama. Hindi talaga niya maintindihan ang gawain ng mga ito.
Dali daling tiningnan ni Mus ang mga kinupit na nasa bulsa. At nang inilabas..
"A-Ano ito?!"
"Hybrid rat tooth?"
Tatlong hybrid rat tooth ang ipinalit sa kanyang mga kinupit. Hindi ito ibininta ni Yman dahil napakamura. Kumunot ang mukha ni Mus sa nakita.
"Bwesit!! Magkikita pa tayooOOOHH!!"
Pinailing nalang ni Yusan ang kanyang ulo at humakbang narin patungo sa kanyang distinasyon.
Sa totoo lang ay dumaan lang sila Yman at Rea dito dahil may punpuntahan sila. Kailangan ni Yman ng masusuot para sa pagdiriwang ngayong gabi, kaya nagpasama siya kay Rea para bumili. At dahil sa pagsasanay ng sword skill ay medyo matagal siya nagising dala ng pagod. Si Rea na mismo ang gumising sa kanya at diretso na sila pumunta rito kahit hindi pa siya nakaalmusal.
Kinahapunan ay dumating narin ang mga taga EMRMHS sa kaharian ng Engkantasya. Kitang kita sa mukha nila Maen at Mina ang pagkasabik.