Limang metrong taas na halimaw ang malakas na binangga ang dalawang metal shield na hinarang nila Raymond at Bob.
[550 Damage]
[550 Damage]
[550 Damage]....
Sunod-sunod na damage mula sa fireball na itinira ni Chloe.
45000/77000 ang natitirang HP ng Giant Evil Bunny.
"Raaaawr"
*Bang*
!!Arrgh!!
Binangga ulit ng halimaw ang dalawang shield na nakaharang sa unahan.
[-600 HP]
1700/3500 Bob remaining HP.
[-600 HP]
1700/3500 Raymon remaining HP.
!!Healer! ! Sigaw ng dalawang tank.
Heal! Heal! Malakas na sunod sunod na sigaw ni Sahya.
Buff! Sigaw naman ni Steph!
Growth! Sigaw ni Tomas habang nagpapaulan ng mga palaso sa Giant Evil Bunny. Pinapalakas ng Growth na buff ang atake at depensa pati narin hp ng party at nagtatagal ang effect nito ng 30seconds.
Brave Force! Sigaw naman ni Chloe. Pinapalaki nito ang attack at magic attack ng party sa loob ng 25seconds.
Multiply! Bigla ay may isang Steph sa tabi ni Steph ang lumitaw. Isa itong doppelganger na skill.
Tumakbo ang dalawa at nagpaulan ng atake sa higanteng halimaw.
Multi Stab! Isinigaw ni Steph ang pangalan ng skill.
Gwaaaar!!
[5000 Damage]
[5000 Damage]
[5000 Damage]....
Sunod-sunod na pagbawas ng hp ng halimaw.
24000/77000 nalang natirang Hp ng halimaw. At wala na sa kalahati ang red na kulay sa kanyang redbar na nasa taas ng kanyang ulo.
Hard Hit!
Sonic Blade!
Gwaaa!!!
Sunod-sunod din nagpakawala ng mga atake ang kanilang dalawang vanguard na parehong swordsman.
Ilang sandali lang paubos na HP ng Giant Evil Bunny. Halos hindi maka porma ang mini boss.
200/77000 nalang natirang Hp ng Giant Evil Bunny at naghihingalo na ito habang nakadapa sa lupa. Humihinga narin ito ng malalim. Nasiyahan ang lahat dahil sa wakas mapapatay na nila ang mini boss. At siguradong magle-level up ang karamihan sa kanila. Bawat isa ay nagdasal na makakuha ng super rare drops. Kahit bakas sa kanilang mga mukha ang pagod dahil sa laban.
!!Steph tapusin mo naaaa!!!
!!Leader tapusin mo!!!
Excited na sigaw ng mga kakampi habang itinaas nila ang mga kamao sa eri.
Tumalon ng mataas sa eri si Steph habang mabilis na ibinato ang dalang dagger sa ulo ng naghihingalong halimaw. Isang metro nalang at tatama na ito sa noo ng Giant Evil Bunny. Ngunit..
*Peng*
Wha—t?! Nagulat ang miyembro ng alliance party nila Bob at Steph. Hinarangan ng malapad na espada ang dagger na ibinato ni Steph bago tumama sa noo ng halimaw.
"Si-sino kayo?!" Gulat na tanong ni Steph sa mga dumating.
"Hehe hindi mo ba nakita ang badge na ito?" Sabi ng lalaking may hawak na malaking espada. Habang pinapakita ang badge sa grupo nila steph.
Makikita sa badge na pormang bungo ang malaking YSIM na initials sa noo ng bungo na badge.
"YourSoulIsMine guild ni Necromancer?!" Gulat na tanong ni Steph.
"Hehe mabuti naman at alam n'yo!!!" Sabi ng lalaki habang nakangisi sa harap ng alliance party.
"Pero bakit kayo narito?!" Kunot noong tanong naman ni Bob.
"Ano paba sa tingin ninyo? Edi para patayin ang halimaw na hindi n'yo nagawang patayin hahahaha!" Malakas na tawa ng lalaki.
HAHAHAHAHA
Nagtawanan din ang siyam na kasama nito. Sampu lahat ang mga lalaking dumating. At may bitbit ang mga itong mukhang mamahaling mga armas. Pati mga breast-plate na suot nila ay uniporme ang kulay. Parehong kulay dark blue na may design na bungo ng tao. At sa dibdib nila nakasabit ang kanilang badge.
"Tsk! Anong hindi napatay? Kita n'yo naman na naghihingalo na yang halimaw!" Naiiritang sabi ni Raymond.
"Ows?! Pero hindi n'yo parin nagawang patayin hahaha!!!" Sabi naman ng lalaking may hawak na halberd na nasa kaliwa ng lalaking may malaking espada.
"Kung ganon umalis kayo diyan para matapos na namin amg halimaw!" Medyo inis na sigaw ni Raymond.
"Umalis daw tayo Kiko dude! Hahahaha" Sagot naman ng lalaking nasa kanan ng lalaking may bibit na malaking espada na tinatawag na Kiko.
"Oi Oi Oi! Kilalanin mo muna kung sino pinapaalis mo. Ha?!" Taas kilay namang sagot ni Kiko kay Raymond.
"Tsk! Ano bang gusto niyo?!" Galit na tanong ni Raymond sa grupo ni Kiko.
"Wala kaming gusto sa inyo ang papangit n'yo eh! Bwahahaha!"
!!HAHAHAHA!!
Nagatawanan ang mga kasamahan ni Kiko.
"Tara Kiko bro tapusin mo na ang halimaw." Sabi ng kaibigan ni Kiko na si Marco habang nakangisi sa direksyon ng alliace party. At agad tumalikod si Kiko para wakasan ang paghihirap ng Giant Evil Bunny.
"Hindi! Aagawin amg last hit!" Napasigaw si Chloe ng makitang balak e last hit ng mga taga YSIM guild ang kanilang pinaghirapan.
"Hey! Hindi n'yo ba alam kung gaano kami naghirap talunin yan?!" Sigaw ni Bob habang malakas na kinuyom ang mga palad.
Nilingon ni Kiko si Bob at ngumisi.
"Anong paki namin sa paghihirap niyo? Gusto mo ba ng pera? Palimos ka!" Pagkatapos sabihin to ay malakas na hinampas ni Kiko ang ulo ng Halimaw na sinundan ng mga notif.
[You killed rank C+ Mini Boss Giant Evil Bunny]
[You've got evil bunny horn]
[Exp gained 25000]
[Level Up]
Ito ang lumabas sa mga notif ni Kiko at kasama niya. Silang lahat ay sabay nag level up.
"Hahaha sarap nito goodjob Kiko!" Sabi ng isa pang kaibigan ni Kiko na nag ngangalang Bruno.
Namutla naman ang mga mukha ng tga alliance party. Ninakaw sa kanilang harapan ang kanilang pinaghirapan.
"Hayoooooop!" Sigaw ni Raymond habang nagpakawala ng enerhiya sa buong katawan at mabilis na sumugod sa direksyon nila Kiko.
*Bang!*
Bago pa makalapit si Raymond ay tinamaan na siya ng fireball. Na itinira ni Marco.
Tumilapon si Raymond ng sampung metro. Dahil sa lakas ng fireball na itinira sa kanya ay hindi agad siya nakatayo at nagtamo ng mga paso sa katawan. Gusto sana umatake rin ni Bob at ng iba pa pero bago sila makagalawa ay naglabas ng dark green na enerhiya ang mga kasamahan ni Kiko.
Nagulat si Steph at hindi na nakagalaw pa. Pati narin sila Bob. Dahil puro level 4 na ang nasa harap nila.
Nang matapos sumawsaw ang grupo ni Kiko ay naghanap pa ito ng ibang magician na nag-hunt ng mga mini boss para agawin ang last hit. Bagsak balikat naman na umuwi ang alliance party nila Steph at Bob. Kahit hindi katanggap tanggap ang nangyari ay wala rin silang magawa sa lakas ng mga taga YSIM guild.
Kinagabihan maraming reklamo tungkol sa pagnanakaw ng last hit sa mga mini boss. At hindi lang mula sa YSIM pati narin sa PKM guild. Tanging mga estudyanteng walang guild lang ang kanilang pinunterya lalo na yung mas mahina sa kanila.
*****
Sa loob ng laboratory ay hindi mapakali si Ms. Pai, dahil ilang araw na, na hindi makontak niya si Yman. At bukas ay lunes may mahalagang iaannounce para sa mga estudyante. Kinakabahan si Ms. Pai sa maaring may nangyari na hindi maganda kay Yman.
"Pwede ba wag kang pabalik-balik sa paglalakad! Hindi ako maka concentrate sa ginagawa ko!" Naiinis na sigaw ni Lolla sa atras abante na si Ms. Pai.
"Pa-pasinsya na!" Biglang paghingi ng tawad ni Ms. Pai sabay upo sa tabi ni Lolla.
"Hah! Kung hindi ka mapakali dahil hindi mo makontak ang young sweetheart mo sa main branch ng adventurers guild ka magtanong dahil dun naman siya pumunta! Hmph!"
"Ta-tama! Fufu salamat Lolla!" Malakas na sabi ni Ms. Pai sabay yakap kay Lolla.
"Bi-bitawan mo a-ako hindi ako makahinga! Hah! Hah!" Sigaw ni Lolla habang nagpupumiglas sa pagyakap ni Ms. Pai.
"So-sorry!"
"Lumaki na naman yan!" Sigaw sabay turo sa dibdib ni Ms. Pai.
"Eh?! Hi-hindi!"
"Hah! Ewan ko sayo! Pabalikin mo na agad dito si Yman kung makontak mo at may ipapagawa ako!"
"O-ok!"
Ilang sandali ay tinawagan ni Ms. Pai ang main branch ng adventurers guild. Agad naman itong sinagot ni Liela.
"Hello? Sino to? Ms. Pai ng EMRMHS? Ano po kailangan nila? Ha? Isang estudyante na nag ngangalang Yman Talisman?
Tumigil sa pagsasalita si Liela at tinignan ang mga record mula noong mga nakaraang araw.
Wala po! Walang naka record dito na may nag rehistro na ganoong pangalan. Pasinsya na."
"Wha—t?" Hindi makapaniwala si Ms. Pai sa nalaman. Bigla ay bumilis ang tibok ng dibdib niya dahil sa kaba sa maaring nangyari kay Yman. Sa isip niya ay sana hindi niya pinayagan si Yman na pumunta ng Engkantasya.
*****
(The id you have dialled cannot be reached)...
Tooot tooot tooot!
"Hmn! Halos mag dalawang araw na ako dito pero hindi ko parin makontak si Yman." Pagtataka sa isip ni Maen. "Wala pa naman akong kakilala dito na pwede ko tanungin." "Hayys! Saan kana ba Yman?" "Sabagay lunes na bukas baka makita ko siya sa classroom." Mga laman ng isip ni Maen.
Kasalukuyang nakaupo sa kanyang kama si Maen habang nakasuot ng manipis na pajama. Halos kitang-kita ang magandang kurba ng kanyang maputing katawan. Kinalaunan ay tumayo siya para buksan ang bintana. Pagbukas niya ng bintana ay binati siya ng iba ibang kulay na kumikislap na mga bituin.
"Kuku kakaiba talaga ang mundong to." "Mundo sa ilalim ng lupa." Lumipas ang isang oras ay dinalaw na rin siya ng antok at dahan dahan humiga sa malambot na kama.
Sa sikat na pagamutan naman ng Engkantasya ay kasalukuyan paring walang malay si Yman. Isang magandang engkantada na may shoulder lenght na buhok ang nasa tabi niya. Habang busy sa kanyang Interface.
"Wow mahigit 20million views na. At andami pang komento. Pati subscriber ko tumaas din." Hindi makapaniwala na sabi ni Rea. "Hmn samantala yung ginagawa kong vlog na music video hanggang 5million views lang."
KreEak! Ennnng!
Biglang bumukas ang pinto ng silid.
"Rea hindi kapa inaantok?" Biglang tanong ni Jesa pag pasok sa silid. "Hmn, hi-hindi pa." Sabi ni Rea habang naka ngiti. "Kumusta na siya? Wala pa bang sign na magigising?" Pag-iibang tanong ni Jesa. "Hindi ko alam." Pagkatapos sabihin ito ni Rea ay biglang gumalaw ang mga kamay ni Yman.