Isang malakas na tunog ng pagkabasag ng baso ang biglang nagpahinto sa banayad na musika at nakakarelaks na atmospera ng bulwagan.
Dalawang dilag naman ang nagsilabasan mula sa likod ng tanghalan. Nakita nila ang isang binata na nakasuot ng black suit katulad ng sa mga guwardiya, habang sa kanyang harapan ay may pitong kabataan. Sa kaliwang bahagi naman ng binatang nakasuot ng black suit ay makikita ang basag na baso sa sahig.
Kasalukuyang nag-uusap si Princess Liya at Rea nang biglang nakarinig sila ng tunog ng pagkabasag.
"Eh!? A-Ano yun?" Nababahalang tanong ni Rea sabay lingon sa direksyon ng bulwagan kahit naharangan ng dingding. Nasa isang silid sa likod ng tanghalan ang kanilang kinaroroonan.
"Sally, Hannah, pwede pakitingnan kung anong nangyari?" Pakiusap ni Princess Liya sa mga kaibigan.
""Yes Princess"" sabay na sagot ng dalawa. Diretso silang lumabas sa silid at tiningnan ang pinagmulan ng malakas na tunog. Sa isip nila ay siguro may nabitawan lang na baso at hindi sinadya. Kahit mga menor de edad pa ang karamihan sa mga bisita ay may mga iilan sa kanila na umiinom ng inumin na nakakalasing. Siguro nasobrahan sa pag-inom kaya nalasing at dahilan kaya nabitawan ang baso.
*****
Napatingin naman sila Maen at Mina sa pinagmulan ng ingay. Pero dahil naharangan ang binatang nakatapon ng baso ay hindi nila makita kung sino ito. Napalingon lang sila dahil sa malakas na tunog ng pagkabasag na umagaw ng halos lahat ng atensyon sa mga bisita na nasa loob ng bulwagan.
Pero bakit kaya hindi mapakali si Mina? Kakaiba ang kanyang naramdaman mula pa kanina. Kahit may kausap siya ay puro oo at hindi lang sagot niya. Sa kanyang isip ay hindi mawala ang imahe ni Yman na kanilang nakita kanina sa panahian. Magkahalong tuwa at lungkot ang kanyang naramdaman. Tuwa dahil nasabi narin niya ang matagal na niyang gustong sabihin at sa wakas nabawasan na ang distansya nilang dalawa. At lungkot dahil may kasa-kasama itong magandang engkantada at nandito pa si Maen na mukhang mas close sa kanya. Kaya kahit nakipag usap siya ay nasa iba naman nakapokus ang kanyang isipan.
"""Ano kayang nangyari?""" Tangi nilang katanungan habang nakatingin sa pinagmulan ng tunog ng pagkabasag.
*****
Hindi alam ni Yman anong problema ng mga taong ito na nasa harapan niya. Gusto ba nila ng away? Pwes sorry sila dahil hindi siya lalaban. Ayaw niya ipahiya si Rea at Headmaster Laura. Nakakasakit na sila ng damdamin ni Yman. Paulit-ulit nalang siyang napagkamalan na guard at ngayon itinulak pa siya. Ang masaklap pa ay nabitawan at nabasag yung mukhang mamahalin na baso. Hindi pa nga siya nakakabayad ng isang milyon na utang, mukhang madagdagan pa. Kung mamalasin ka nga naman oh. Kaya ayaw na ayaw niya sana pumunta sa pagdiriwang. Kung hindi lang sana dahil kay Rea ay hindi na sana siya pumunta.
Pagkatapos sulyapan ang basag na baso na nasa makintab na sahig sa kanyang kalewa ay tiningnan ni Yman ang mga lalaki sa harap at dahan dahang ibinuka ang bibig. "Teka, anong ibig sabihin nito?" Tanong niya sa lalaking nagtulak na si Elvis.
"May gana kapa talagang magtanong huh!" Galit na tugon ni Jura sa kanya. Habang nagsalubong naman ang mga kilay ni Elvis at Nicholas.
Pinailing nalang ni Yman ang ulo ng bahagya dahil mukhang tumaas na ang presyon ng mga ito. Anumang sandali ay siguradong susugurin ulit siya. Gusto sana niyang matawa sa kababawan nila. Pero baka lalo lang magalit. Bilin pa naman ni Laura sa kanila na umiwas sa gulo.
Kinamot nalang ni Yman ang ulo at tumawa ng bahagya. "Ah-haha, kunting bagay kung ikompara sa masayang pagdiriwang at isa pa..."
"Tahimik!" Hindi natapos ang sasabihin ni Yman dahil biglang sumigaw at humakbang si Nicholas para itulak ulit ang inakalang guwardiya na si Yman. Ngunit bago pa lumapat ang palad ni Nicholas ay sinabayan niya ito ng paghakbang paatras. Dahil sa pwersang dala ng kanyang pagtulak nang hindi tumama ay kailangan niya ibalanse ang katawan, dahilan kaya napa-squat at naging katawa tawa ang porma ni Nicholas.
"Heeh, pufffffffftttt!!" Pigil na pagngisi ni Yman sa hitsura ni Nicholas. Rason kaya lalong nagalit ang mga humarang sa kanya. Sino ba naman kasing hindi matawa kung biglang may nag-squat sa iyong harapan. Nakaunat sa unahan ang mga kamay at naka-bend ang mga tuhod. Bigla tuloy namiss ni Yman ang mundong ibabaw nang pumasok sa kanyang isip na parang rider ng motorsiklo ang lalaking nasa harap.
Kumunot ang mga mukha at nagdilim ang paningin ng tatlong lalaki sa harap ni Yman nang makita siyang ngumisi. Inisip nila na pangahas ang guwardiyang nasa harap. Kailangan turuan ng leksyon. Pero bago pa makakilos ang dalawa.
Wooooosssshhhh!!
Biglang naglabas ng kulay asul na enerhiya si Nicholas. Siguro dahil sa kahiya-hiyang dinanat ay hindi niya napigilan na sumabog ang galit. Hindi lang yun, nilabas pa nito ang mga kumikinang na mga baluting kulay white at green. Sa kanyang kamay humulma ang limang metro na halberd na may kulay puti at berde rin kapares ng kanyang baluti. Gaya ng kanyang baluti ay kumikinang din ito. Hindi lang yun. Meron pang hangin na bumabalot sa kanyang halberd! Isang high grade elemental weapon ang kanyang sandata!!
(Isip bata ba ang isang ito? Hindi manlang kayang kontrolin ang sarili. Hindi ba niya naisip kung nasaan siya ngayon?) hindi na alam ni Yman kung anong gagawin at bumuntong hininga nalang.
"Guys, guys! May nag-aaway dun." Turo ng isa sa mga bisita sa kanyang mga kasama. Pero kahit hindi na ituro ay alam na ng lahat na may kakaibang nangyari. Nakaramdam ng biglang pagtaas ng enerhiya ang bawat isang magician na nasa bulwagan. Parehong mga malalakas na mga estudyante ang kasalukuyang nandito kaya mabilis nilang nasagap ang pagbabago ng pressure sa paligid. Yung iba ay nagsilapit para matingnan kung sino sino ang naglalaban. Excited din na lumapit si Yusan para makita ang lakas ng iba pang magician sa ibang akademya. Lumapit din sila Maen at Mina pati ang mga kasama nila para makita ang mga naglalaban.
Nanlaki naman ang mga mata ni Sally at Hannah nang makita ang posibleng rason ng malakas na tunog kanina. Mukhang hindi lang ito simpleng pagkahulog ng baso.
Kilala ng dalawa ang mga lalaking nasa harapan ng lalaking nakasuot ng black suit.
Naningkit ang mga mata ni Yman nang makita ang full gear ng kalaban. Mukhang sa kangkungan siya pupulutin kung tatamaan ng atake nito. Kitang kita na mas mataas ang mga stats ng kalaban keysa sa kanya. Ang pwede lang niyang gawin ay iwasan lahat ng atake nito. Ayaw niyang basta bastang gamitin ang talent para lang sa maliit na bagay gaya ng mga gunggong na ito. Mahal kaya ang talent fee niya. Pasalamat nga siya at may black market na nagbibinta ng murang RB. Pero hindi parin masasabing mura talaga, dahil 100,000 pesos ang presyo nito. Sabagay mas mainam narin kaysa brand new na isang milyon.
Gusto tuloy isumpa ni Yman ang kababawan ng mga taong ito. (So hindi pala lahat ng mabuting engkantado ay mabuti talaga huh!)
"Isa ka lang hamak na guwardiya. Ang lakas ng loob mong pagtawanan ako huh!" Galit na sabi ni Nicholas.
Ngumisi naman ang kanyang mga kasama na sina Elvis at Jura. Sa isip nila ay katapusan na ng guwardiya. Dapat kasi hindi na siya sumagot pa. At tama lang na turuan ng leksyon ang isang ito para magtanda at hindi pagala-gala kung saan bawal ang katulad niyang hampaslupa. Nagtaas ng kilay ang mga babae nilang kasama. Sa isip naman nila ay bakit pa kasi tumawa pa ang taong ito.
"Tanggapin mo ang iyong kaparusahan hangal!!!"
Ziiiiiinnnnnggg!!
Isang mabilis na stab ang parating kay Yman. Isa lang itong normal stab at hindi skill. Pero kitang kita ang lakas nito. Siguradong bawas ng malaki ang HP niya kung tatama ito sa kanya. Bigla namang napaatras ang mga tao sa paligid nang makitang nagsimula na ang laban. Pinag-alala lang ni Yman na baka masira ang bulwagan at pagbayarin siya. Pero bago pa mag-isip ng kung ano-ano ay mabilis siyang nagdive sa kaliwa habang itinukod ang mga palad sa sahig. Rason kaya natinik siya at dumikit ang matutulis na bubug sa kanyang palad. Pero balewala ito kay Yman. Hindi takot sa kunting sugat ang mga magician. Lalo na ang kagaya niyang healer. kahit nga hindi na siya gumamit pa ng skill. Kayang kaya ito pagalingin ng kanyang killer jacket.
Pero iba naman ang nakikita ng kanyang kalaban nang makita na natinik si Yman ng mga bubug. Sa isip nila ay tanga ata ang guwardiyang ito. Hindi ba niya napansin na may bubug? Nag-aaksaya lang siya ng HP niya.
Lingid sa kaalaman ni Yman ang pinag-isip ng mga ito. Ang importante sa kanyan ay tamang tama ang pag-ilag niya. Kung nahuli pa siya ng kalahating sigundo ay siguradong nagmukha siyang barbecue o letchon na nakalambitin sa halberd ng kalaban.
Dahil sa mga dagdag mula sa kanyang mga items at bagong title pati narin sa pag-ehersisyo, ang kasulukuyang stats ni Yman ay,
———————
PHANTOM KILLER
GHOUL SLAYER
———————
Yman Talisman
———————
HP: 5850/5850
MP: 2100/2100
Stamina:134%/134%
———————
Atk:
462+100
Matk:
251
Def:
200
Mdef:
181
Eva:
413
Acc:
85
———————
Napakataas ng kanyang atake at evation. Kaya madali lang sa kanya ang pag-iwas sa mga atake ng kalaban na nagpokus sa pagpapataas ng atake at vitality lalo na sa mga walang experience sa pakikipaglaban. Dahil nakadepende parin sa husay sa pakikipaglaban ang pagtama sa kalaban. Hindi binabasehan sa laki ng agility ang bilis ng attack speed. Para lang ito sa evation at moving speed. Kailangan mo parin matuto ng pakikipaglaban kung gusto mo matalo ang kalaban na may mataas na agility. Ito ang natutunan ni Yman habang nagsasanay. Akala niya dati pag mataas ang kanyang agility ay mabilis din ang kanyang pagpalo sa kalaban. Pero mukhang hindi naman pala ganun. Nakadepende parin sa iyong galing kung paano mo patamaan ang kalaban. Kaya nga gusto matuto sana ni Yman makikipaglaban. Lalo na't wala siyang maaasahang attack skill. Ayaw din niyang umasa lagi sa talent. Baka lalo lang siyang mamulubi.
Kayo na bahala umitindi sa mga typos. Tamad ang author magdouble check. Hehe✌?✌?✌??