アプリをダウンロード
63.04% Salamin [BL] / Chapter 29: Salamin - Chapter 29

章 29: Salamin - Chapter 29

Lumipas ang gabi at nagsimula ang mga tulog kong mahihimbing. Hindi pala mahirap sumiksik sa buhay na mayroon sila. Mga bagay na hindi ko dinanas, mga bagay na dumating sa aking buhay na hindi ko inaakalang magiging kapalit ng lahat ng kamalasang aking inakala.

Hindi na ako nag-iisa, may matatawag na akong pamilya, mayroon na akong kuya. Maliban sa halik niya noong gabing iyon na hindi na naulit, ang aming pagsasama'y lalong naging maganda. Masyadong malambing si Simon sa kahit sino niyang katauhan. Isang bagay na nagpalagay sa akin sa pagiging kapatid niya. Naglayo sa aking takot para sa kanyang lumulubhang karamdaman.

Naging magaang ang mga bagay sa bahay nila Simon. Ang mga katulong nila'y tila nadala ko na ng aking pakikisama. Hindi na sila takot makipag-usap sa akin kahit sa harap ni Simon ngunit may mga bagay talaga silang hindi masabi sa akin. Tuwing napag-uusapan namin ang tungkol sa kuya ni Simon at sa kanya, agad nilang iniiba ang daloy ng aming usapan.

Patuloy ang obserbasyon ni Brian sa kanya at ganun din ang minsanan naming pagkikitang tatlo nila Alice upang pag-usapan ang aming puna sa kanya.

Dumating ang araw na naayos ang katapat na silid ni Simon na dating pagmamay-ari ng yumao niyang kuya na kahit kailan ay di ko nagawang silipin dahil sa ipinagbawal sa akin ni Simon. Bilang isang sorpresa sa akin na akin namang nagustuhan, sinunod ko ang utos niya.

Umaga nang ako'y magising.

"Good morning, Jasper!" ang dinig kong bati sa akin ni Simon habang iminumulat ko ang mga tamad na talukap ng aking mga mata. Tinignan ko muna siya maigi sinusuri maigi ang kanyang kabuuhan habang siya'y nakatayo sa aking harapan sa gilid ng kama.

"Randy. Good morning." ang sagot ko sa kanya sabay unat ng aking mga hita't kamay. Kabisado ko na ang mga galaw at pananalita ng bawat katauhan ni Simon kaya't hindi na ako nabibigla o nalilito kung sino sa kanila ang aking mga kaharap sa bawat pagkakataon.

"Breakfast?" ang presko niyang tanong sa akin habang nakataas ang dalawa niyang kilay.

"Hindi ka ba nabusog kay Alice kagabi? Napuyat na ako. Kung di lang kay Alice nagpasundo na ako sa driver natin. Kahit boyfriend ka nun parang di ako kampante sa mga gagawin mo sa kanya." ang biro kong sagot habang ako'y bumabangon sa higaan.

"I just can't get enough of him bro." ang wika niya habang nakatingala't inaalala kung ano man ang ginawa nila sa madilim na sulok ng balkonahe ng Glorietta na bahagi ng Starbucks.

Umikot ang aking mga mata paitaas at nangulot ang aking mga labi sa kutob kong may maririnig nanaman akong kwento mula kay Simon na wala akong balak pakinggan.

"Kain na tayo." ang yaya ko sa kanya sabay lakad tungo palabas ng silid. Sa harap ng pinto ay bumungad sa akin ang pintuan ng aking magiging silid. Nakasarado ang puting pintuan nito. "Hindi pa yata ito tapos. Gusto ko na bumukod." ang sabi ko sa akin sarili.

Hindi ko na hinintay si Simon. Mabagal akong tumungo sa hapagkainan dahil parang tulog pa rin ang aking mga hitang parang ayaw na lumikha pa ng isa pang hakbang.

Sa hapag, agad akong kumain at masayang kinausap ang aming katulong na kahawig ni Eugene Domingo. Lupe pala ang pangalan niya. Tungkol sa showbiz ang aming laging topic dahil iyon lang ang kinahihiligan niyang usapin. Bagaman wala akong hilig sa mga ganoon ay napilit ko ang aking sarili matapos pakinggan ang ilang tsismis mula kay Lupe nung mga unang araw na dito na ako nakatira bilang isa sa kanyang pinaglilingkuran.

Dumating si Simon sa kalagitnaan ng aming usapan at ng aking pagkain. Umupo siya sa aking harapan, tulad ng laging puwesto ni Randy sa hapagkainan. Tahimik siyang kumain at habang nag-uusap kami ni Lupe at paminsanan ko lang siyang pinagmamasdan.

"I'll be leaving for the day boys. Shopping lang ako." ang pasigaw na paalam sa amin ni Brian na sa mga oras na iyon ay nasa sala.

"Ingat!" aking sagot naman na ganoon din habang si Simon ay parang walang narinig.

"Jasper, punta tayo mamaya ni Alice sa ATC. Bilisan mo kumain." ang utos niya sa akin. Nilingon ko siya't nabigla dahil mabilis niyang naubos ang kanyang kinakain at ako naman ay parang hindi gaano nabawasan.

"Randy, kayo na lang ni Alice. Tinatamad akong gumala. Masakit na pa mga paa ko sa gala natin kagabi." tumayo siya sa upuan at naglakad paalis. Bago pa siya makalayo ay agad niyang sinabi "Bilisan mo na lang. Magyayaya umuwi agad iyon pag di ka kasama eh. Parang iisa lang bituka niyong dalawa eh. Dun ka na lang sa kotse kung ayaw mo o gumala ka muna kung naaalibadbaran ka sa mga straight na naglalampungan."

Nainis ako sa kanyang sinabi at napatingin kay Lupe. Umiling lang itong nalulungkot para sa akin.

"Hayaan mo na kuya mo. May mga oras talagang ganyan yan."

"Nang, alam ko na may sakit si Simon kaya sa bagay na ito hinanda ko na rin sarili ko pero nakakainis na talaga."

"Sumunod ka na lang, sir. Baka pagbuhatan ka ng kamay..." at napigil bigla si Lupe sa kanyang sasabihin. Agad siyang napayuko at nagpaalam.

"Manang Lupe, sandali lang." nang mapansin ko na siyang palayo.

"Senyorito niyo na rin ako. Huwag kang matakot, ako ang bahala. Para din kay kuya ito. Siya ba yung sumuntok sa iyo nung unang araw kitang makita dito?" at agad bumakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Lupe.

"Opo, sir. Huwag niyo na lang po sasabihin kay sir Simon. Mabait naman po siya na bata, hindi lang namin maunawaan kung bakit siya nagkakaganyan."

"Okay na manang. Huwag po kayo mag-alala. Atin lang ito." ang sagot ko sabay alis sa hapagkainan. Iniisip na hindi ko pa pala nabanggit kay Brian ang paminsanang pagbubuhat kamay ni Simon.

Nang makaakyat ako sa silid ni Simon at umupo muna ako sa ibabaw ng kama. Dinig ko mula roon ang daloy ng tubig mula sa loob ng palikuran sa kwarto ni Simon. Marahil ay naligo na siya agad nang tumungo siya dito. Ilang oras na lang ay magbubukas na rin ang Alabang Town Center.

Nang ibaling ko ang aking tingin mula sa pintuan ng shower sa ibabaw ng kama ay napansin ko ang maliit na punit ng papel na minsa'y iniiwan ni Andrew para sa akin. Agad ko itong kinuha at binasa.

Bunso, naka-bingo ka na ba? huwag mo ipapakita sa akin ang mga ito ha?

N58 U46 K32 S34 M15 N13 A42 S52 o10

Love,

Kuya

Natawa ako matapos kong basahin ang sulat ng isang katauhan ni Simon.

"Bingo ka jan, kuya. Galante ka ngayon ah." ang sabi ko sa aking sarili. Kinuha ko ang aking telepono na aking binili kahapon. Doon ko itinago ang mga nauna nang mga naibigay sa akin ni Simon.

Sa pagkakataong ito ay nahulaan ko na ang ibig niyang sabihin sa mga titik na iyon. Lalo akong napaisip kung bakit niya sasabihin ang mga iyon.

"May tinatago o tinataguan ba siya?" ang sabi ko sa aking sarili. Wala si Brian kaya't binalak ko na lang itong sabihin sa kanya mamayang gabi.

"Sino katext mo? Si Alice ko? Sabihin mo ikaw na lang hinihintay susunduin na natin siya sa kanila." ang maangas na utos sa akin Simon habang nakahubad at nagkukuskos ng kanyang tuwalya sa kanyang ulo.

Hindi ako sa kanya makatingin sa kanyang lagay, tumitig na lang ako sa sahig kunwari wala lang ang lahat. Hindi talaga ako masanay na ganun siya kahit si Andrew ang gising na katauhan niya.

"Wala, operator lang nagtext." sagot ko sa kanya habang siya nama'y dumadaan sa aking harapan upang pumunta sa closet.

Nang makalagpas ay tumungo na ako sa palikuran at naligo. Matapos ang lahat ay agad kaming tumungo kila Alice. Hindi kami nakakapasok sa kanilang tahanan dahil sa utos ng kanyang ina. Ilang saglit kaming naghintay bago siya sumakay ng kotse.

"Good morning my boo!!" ang maharot at malambing niyang bati kay Simon sabay halik sa pisngi. Agad niya akong nilingon sa likuran at binati ng isang matamis na ngiti. Umikot lang paitaas ang aking mga mata sa inip sa paghihinay sa kanya.

"Lahat na iyan inabot kami ng isang oras nanaman sa paghihintay sa iyo?" ang sarkastikong tanong sa kanya habang tinitignan siya sa kanyang suot na maikling shorts at may kaunting kasikipang t-shirt.

"Ang hirap kaya magterno ng pambahay. Palibhasa kayo ni kuya mo madali lang magbihis. Wala kayo kasing sense of style." ang sagot niya sa akin.

"Ahem." ang sagot ko habang tinuturo ng aking tingin si Simon na nakatingin na sa akin ng masama mula sa kanyang rear mirror. Lumingon si Alice sa kanya at agad nilambing si Simon.

Malapit lang ang Alabang Town Center, sa katunayan, sa labas lang ito mismo ng village ng Ayala Alabang. Tulad ng kinagawian, tahimik lang akong sumusunod sa kanilang dalawa habang sila'y naglalampungan. Noong una ay di ako masanay dahil naaalala ko si Rodel madalas ngunit ngayon ay nililibang ko na lang ang aking sarili sa pagmamasid sa aming mga dinadaanan o pinupuntahan. Matapos ang ilang ikot sa buong mall ay napadaan kami sa stall ng Dippin' Dots, hindi ko magawang ilayo ang aking tingin sa mga paninda. Nagbalik sa aking ala-ala ang pagkakataong kumain kaming nakatayo sa harap ng mismong stall na iyon. Paran kahapon lang ang lahat, nakatayo kaming dalawa ni Rodel at masayang kumakain ng ice cream na paninda nila.

Natigil ako sa paglalakad na napansin ng dalawang magnobyo.

"Hmm... I think I want Dippin' Dots too." ang sabi ni Alice kay Simon. Ako naman'y parang walang narinig lamang at nanatiling pinagmamasdan ang tindahan. Nagtataka na ang tindera sa akin dahil kanina pa ako inaalok ngunit hindi ako sumasagot.

Lumapit ako at pinagmasdan ang kanilang paninda. Naririnig ko sa aking isipan si Rodel na namimili ng ice cream para sa akin habang noo'y walang humpay akong tumatangi sa hiya sa kanya.

"Gusto mo ng ice cream ulit? Yung favorite mong bubble gum?" ang tanong ng isang pamilyar na boses na nagmumula sa aking likuran. Matinding pagtatampo ang agad na naghari sa aking damdamin bago ko lingunin ang kumakausap sa akin.

Agad kong pinagmasdan ang medyo pumuti niyang kutis sa pamilyar niyang mukha na kay tagal ko nang pinagmamasdan sa aking ala-ala lamang.

"Bakit ngayon ka lang dumating?! Ano nangyari sa iyo?! Nag-alala ako!" ang naiinis kong sinabi sa kanya ng mahina. Yumuko ako upang itago sa lahat ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.

"Sorry, nagkaproblem yung number ko dito sa pilipinas hindi na kita macontact. Nag-email ako sa iyo ah? Wala kasi akong email address nitong dalawang ito. Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga Friendster at ma ganyan ganyan. Hindi ka sumasagot. Kahapon galing ako sa Putatan hindi na kita mahanap. Mukhang maraming nangyari mula nung umalis ako, mahal ko. Buti na lang napadaan ako dito." ang wika niya sa akin sabay hawak sa aking baba upang itaas ang aking mukhang inaagusan nanaman ng aking mga luha.

Gulat na nanahimik at nanood lamang sa amin si Alice at Simon. Hindi mapigilan ni Alice na maging masaya para sa akin. Nakangiti siya ngunit halata sa kanyang mga mata ang pigil nitong mga luha.

"Rodel, kala ko kinalumutan mo na ako. Ayoko na umalis ka pa ulit sa tabi ko. Halos dalawang taon na ang lumilipas." at tumabi ako sa kanyang gilid upang magpaakbay sa kanya habang nakayuko para itago ang aking mukha sa tindera. Sa aking paanabik, ibinalot ko sa aking balikat ang bisig ni Rodel. Agad niya itong hinigpitan upang ipadama sa akin ang yakap na gusto niya nang gawin ngunit maraming tao sa paligid.

"Gusto ko ng ice cream. Yung tulad ng dati nating kinain dito." ang nagmamaktol kong hiling kay Rodel habang nakaturo sa mga nakadisplay na ice cream n Dippin' Dots. Napuna niya ang daliri sa aking kanang kamay at agad niyang hinawakan ito.

"Bad ang misis ko. Nasaan na yung wedding ring natin?" ang nagtatampong tanong niya.

"Ahihihi... " napakamot ako sa aking ulo. "Ikaw kasi eh." sagot ko sa kanya.

"Ipinagpalit mo na ako siguro sa iba." ang pagtatampo pa niya.

"Hindi ah! Ikaw lang ang mahal ko kung alam mo lang. Nawalan lang ako ng pag-asa. Akala ko ako na kinalimutan mo. " ang sagot ko.

"Eh nasaan na yung singsing mo?"

"Nakatago sa bahay. Iniingatan ko."

"Saan ka na nga pala naninirahan ngayon? Mukhang maganda ang trato sa iyo ah. Gumwapo lalo ang asawa ko." ang tanong niya.

"Inampon na ako ng ma Tiongco." ang nahihiya kong sagot. Nagulat si Rodel sa narinig at napatingin kay Alice at Simon sa pagkabigla.

"Tiongco na last name ko." ang dagdag ko pa.

Hindi mainpinta ang mukha ni Rodel. Magkahalong saya at pagtataka ang bumalot sa kanyang mukha.

"Randy, utol mo na asawa ko?!" ang hindi makapaniwala niyang tanong kay Simon.

"Oo. Brothers na sila. Aren't you happy for him?" ang nakangiting sagot ni Alice sa kanya. Napangiti na rin na tinanggap ni Rodel ang kanyang nalaman.

Namili siya ng aming ice cream at sumunod na rin ang natakam na dalawa. Masaya kaming naggala sa buong mall ng ilang ulit. Nanood ng sine, namili, at naglaro a Timezone habang ibinabahagi kay Rodel ang mga bagay na hindi niya naabutan matapos niya umalis ng bansa.

Kumpleto na ako sa mga oras na iyon, may matatawag na pamilya at kasama ko na muli ang lalaking iniibig ko.

"Nako! Maria Clara yang si Jasper! Mas mahinhin pa sa akin yan!" ang wika ni Alice kay Rodel habang pumipili ng damit sa Mango.

"Kaya nga misis ko na siya eh. Mahal na mahal ko ito. Kaya ikaw Randy, aalagaan mo mabuti at babantayan yang bunso mong kapatid ha?" ang pakiusap naman niya kay Simon.

"Bakit? Aalis ka ulit?" ang tanong ni Simon sa kanya. Nagulat din akong napatingin sa kanya.

"Oo. May inaasikaso lang ako kaya ako umuwi. Umuupa lang ako sa Las Pinas, isang buwan lang ako dito babalik na rin ako doon." ang nakapnghihinayang na malungkot niyang sagot kay Simon. Nalungkot akong lubos sa kanyang sinabi. Gusto kong magtampo. Gusto kong umalis. Gusto kong magalit sa sobrang inis. Hindi ko alam, naging makasarili na yata ako sa tagal ng hindi namin pagkikita.

"Iiwan mo ulit ako?" ang tanong ko sa kanya.

"Babalikan din kita, mahal ko. Huwag kang mag-alala. Since kapatid mo na si Randy, hingi ka ng plane ticket sa mga parents mo at dun ka muna magstay." an tukso sa akin Rodel.

"Hindi papayag sila mommy at daddy." ang seryosong sagot ni Simon sa kanya.

"Ayaw pala ni kuya mo. Hintay ka lang mahal ko."

"Kukulitin ko sila mommy at daddy." ang nagbabakasakali kong sagot sa kanya kahit alam kong masyadong malaki ang aking hihingiin sa kanila.

"Why don't you buy your computer, Jasper. You're rich now." ang suggestion ni Alice sa akin. Kahit may sarili na akong debit card ay hindi ko ito basta ginagamit. May kalakihan ang perang nakalagay dito ngunit dahil na rin siguro sa aking kinalakihan ay masyado kong pinahalagahan ang bawat kusing na napupunta sa akin.

"That's a good idea but... well, anyways, let's buy one." ang sagot ni Simon. Mukhang may sasabihin siya sana ngunit hindi na niya ito itinuloy.

"Magkakausap na ulit tayo, mahal ko. Bakit ka naman kasi hindi pala bumili ng sarili mong computer?" ang tanong niya.

"Eh... nahihiya kasi ako. Alam mo naman mahal ko kung gaano ko pinahahalagahan ang bawat barya." ang nahihiya kong sagot sa kanya. Tama nga naman sila, bakit nga ba hindi pa ako bumili.

Matapos makabili ng ilang pirasong mamahaling damit si Alice ay naghiwalay na kami ng landas. Nilasap namin ni Rodel ang bawat oras na sandali na kami ay magkasama. Dahil sa matagal na rin naming kinasabikan ang bawat isa, sa kanyang tinutuluyan kami tumungo. Ipinagpaalam niya ako sa aking kapatid na sa lugar niya muna ako mananandalian habang nasa bansa siya. Dahil bakasyon at walang magawa si Simon, hindi siya nakahindi.

Maliit ang inuupahan ni Rodel. Isang condo unit na ilang hakbang lang ay mararating mo na ang palikuran. Pagpasok mo sa loob nito ay higit sa tatlong metro lang ang layo ng pintuan sa kama. May kasikipan dahil sa aparador na nakakabit mismo sa pader nito na may kalakihan.

Isang linggo ang lumipas. Walang araw na ipinadama namin sa isa't-isa ang pagmamahal. Nahirapan ako nung una nang ako'y kanyang angkinin. Matagal nang panahon na hindi niya nalilibot ang aking lungga. Ang aming mga yakap ay parang wala nang bukas.

Umaga nang kami'y bumangon. Masakit ang aking ulo dahil sa inuman namin kagabi.

"Bee, aalis muna ako. May lalakarin lang ako. Babalik din ako agad." ang paalam niya.

"Iiwan mo nanaman ako. huhuhuh" ang aking kunwaring pagtatampo sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan. Nang kami'y magwalay ay naisip kong ibahagi sa kanya sana ang tngkol sa karamdaman ni Simon ngunit halata sa kanya ang pagmamadali. Agad na tumunog ang kanyang telepono dahil sa pumasok na mensahe. Tahimik niyang sinagot ito habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Sige na Bee, punta ka na para makauwi ka. Nood lang ako ng TV." ang sabi ko sa kanya.

"Dadalan kita ng dinner okay? Luto ka na lang ng kahit anong meron diyan sa ref para sa lunch mo." ang wika niya.

"Mamaya na. Tulog muna ulit ako. Masakit pa ulo ko eh." ang wika ko sa kanya sabay ayos ng sarili sa higaan at pinilit matulog muli. Bumangon na si Rodel at naligo upang makapaghanda na rin para makaalis.

Gumising na lang ako na tanghali na. Hindi ako ginising marahil ni Rodel dala na rin ng kanyang pagmamadali. Naiwan sa silid ang amo'y ng kanyang pabango. Napangiti na lang ako nang maisip kong ito na ang araw na hinihintay ko. Ang makasama kong muli si Rodel. Parang ngayon lang sa akin pumasok ang katotohanang noong una'y hindi ako makapaniwala.

Umupo ako sa kama at inabot ang nakapatong na remote sa bandang paanan ng kama. Bubuksan ko na sana ang telebisyon nang biglang tumunog ang aking telepono na nakapatong sa ibabaw ng patungan ng telebisyon. Nagmadali kong sinagot ang tumatawag at sa kabilang linya ay bumungad sa akin ang malambing na boses ni Simon.

"Good morning bunso!" ang agad niyang sabi sa akin. Natawa ako sa kanya.

"Kuya, ikaw pala iyan."

"I love you! Ingat ka ha? Huwag kang uuwi na nagdadalang tao. Magagalit ako."

"Si kuya naman eh. Huwag kang mag-alala, may permanent birth control na ito since birth." ang natatawang biro ko sa kanya. Humalakhak naman si Simon sa kabilang linya. Alam kong si Andrew ang gising na katauhan niya dahil si Randy ay hindi tumatawag sa akin nang hindi nagsisimula ng may inuutos o kahit anong tanong tungkol kay Alice.

"Miss na kita. Uwi ka na dito may surprise ako sa iyo."


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C29
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン