Chapter 4
- Irish's POV -
"Dito na kayo kumain. Ako na tatawag kay Ate Cha. Magagalit nyon, panigurado." Saad ko habang ginagamot ang sugat ni Kiya Ivan.
"Bakit ka ba kasi nanununtok?" Tanong ni Kuya Ian.
"Sinabihan nya kasi akong Lesbiana, ehh. Alam nya namang ayaw ko non." Saad ko habang nakanguso.
"Tsk. Bakit puro lalaki nga pala ang kasama mo dito? May boyfriend ka na ba sa kanila?" Tanong ni Kuya Ian habang iniisa-isa ng tingin ang mga bakla.
"Duhhh, mga bakla kaya ang mga yan." Saad ko.
"Hey!!" Sabay-sabay nilang angal.
"We're mens too, Irish. We can see the difference between gays or not. And I can see that they definitely not." Saad ni Kuya Ivan.
"Ang daldal mo talaga." Saad ko.
"Kaya nga ako minahal ni Charlotte, ehh. Ang daldal ko daw kasi." Saad nito at ngumiti na parang asong ulol.
"Tsk. Kuya, diba, sinabi ko na sayong tigilan mo na pag-da-drugs? Hindi maganda yan, ehh." Saad ko at umiling-iling.
"Aba't--- Aray!" Saad nya at akmang gagalaw ng bigla kong idiin ang bulak sa sugat nya.
"Ang harsh mo talaga, baby. Manang-mana ka kay Mommy." Saad ni Kuya Ian.
"Whatever." Saad ko at umirap lang.
"Bakit ba kasing ayaw mong umuwi?" Tanong ni Kuya Ian.
"Bawal." Saad ko. At tinapon na ang bulak saka naupo ng maayos.
"At bakit?" Tanong ni Kuya Ivan.
"Dahil manggugulo lang sya." Saad ko.
"Alam mo, for sure, pinapasundan ka na ngayon non. Kaya wala ka ding takas. Umuwi ka na. Alam mo namang obsessed sayo ang lalaking yon diba?"
"Paki alam ko naman. Tyaka, anong obsessed sa akin? Nambabae nga, ehh. Tapos, obsessed sakin? Ang kapal naman ng face nya." Saad ko.
"Tsk. Baka nga bukas nandito na yon, nanghihingi ng second chance."
"Pwede ba? Tumigil na kayo." Saad ko at tumayo na saka ako pumunta ng kusina. Pagdating ko doon ay naghanda na ako ng hapunan namin. Nasa kalagitnaan ako ng paghihiwa ng biglang may humawak sa kamay ko.
"Ako na dyan." Saad ni Theo at kinuha ang kutsilyo sa kamay ko. "Wag kang mag-alala. Marunong akong maghiwa, ito lang ang silbi ko dati sa kusina, ehh. Taga-hiwa." Saad nito. Natawa naman ako ng bahagya.
"Kawawa ka naman." Saad ko.
"Ano namang nakakatawa doon?" Saad nito na parang napipikon dahil nakakunot ang noo nito.
"Hahaha! Wala lang, ang pangit mo." Natatawang saad ko.
"Ito, pangit?" Saad nito habang nakaturo sa muhka nya.
"Tsk. Ang hangin dito, ahh? Ang lakas ng aircon nyo." Saad ko.
"Alam mo, ang sama talaga ng ugali mo. Pwede ko ba putulin dila mo? Ang sakit mo magsalita, ehh." Saad nito habang naghihiwa ng baboy.
"Manahimik ka nalang. Hindi tayo matatapos agad dito kasi puro ka daldal." Saad ko at inirapan sya. Hindi na sya nagsalita kaya mabilis akong nakakilis at nanahimik sya hanggang sa matapos kami. "Tawagin mo na ang mga kaibigan mo. Pati mga kuya ko. Dito na natin pakainin mga yon." Saad ko. Tumango lang sya at agad na tumalima.
Pagkatapos ay isa-isa na silang nagsipasok sa kusina ay agad na tumabi sa akin ng upo ang dalawa kong kuya.
"That's my spot!" Parang batang saad ni Senji.
"No! My sister is here so you better get away from her." Saad ni Kuya na parang bata din.
"So? I'm courting her." Saad ni Senji at tumingin sa akin. Napailing naman ako.
"Tumigil na nga kayo! Para kayong mga batang hindi pinakain buong araw!" Sigaw ko at naupo na sa upuan.
"So, what? We missed your cooks so, don't judge us." Saad ni Kuya Ian at inirapan ako.
"Alam nyo, buti di kayo pinagsasawaan ng asawa at fiancee nyo. Mga patay-gutom kayo pero hindi kayo marunong mangluto, ehh." Saad ko at umirap.
"Alam mo, ang maldita mo talaga. Purket inispoiled ka dahil babae ka, maldita ka na." Saad ni Kuya Ivan.
"Pwede ba? Wag kang pakialamero. Masyado kang paepal, ehh." Saad ko at inirapan sya. Napatigil kami ng may narinig na parang may sumisigaw. "Senji, gusto mo nito diba?" Tanong ko at inabot sa kanya ang adobong niluto ko. Agad namang syang naglagay at maganang kumain.
- Theo's POV -
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may ingay na parang nambubulabog sa labas. Lahat kami ay napatahimik at naguguluhan.
"Ano yon?" Tanong ni Irish. Nagkibit-balikat lang kami.
"Irish!!! Come out!!! I'm here!!!" Sigaw ng isang lalaki sa labas. "Irish, I miss you!!! Please, give me a second chance!!" Sigaw pa nito habang patuloy parin sa pagkatok sa pinto. Tumayo si Irish at biglang nagsalita ang Kuya Ivan nya.
"I didn't know that he will find you this early. His moves are faster that before." Saad ng Kuya Ivan nya. Lahat naman kami ay sumunod kay Irish.
"Anong ginagawa mo dito." Walang emosyong tanong ni Irish sa lalaki. Nagalit na namin si Irish pero mas nakakatakot pala sya pag walang emosyon ang muhka nya. "What the f*ck are you doing here?!" Sigaw nya.
"I'm here for you, baby. Please, come back to me." Saad nito na nagmamakaawa.
"Ayoko. Get out." Saad ni Irish.
"Please, baby. I really really miss you. Baby, come back to me, please. Give me one more chance." Saad nito.
"One more chance?! T*ngina naman, Ace! One more chance nanaman?! Pang-ilan na yan, ah?! Pang-ilang na nga ba?! Diba, lima?! Tapos sasabihin mo second chance?! Kelan pa naging second ang lima?!! Gago ka ba?!! Niloko mo ko!! Niloko nyo ako!! Parehas lang kayo ng best friend ko!! Doon ka na kay Sophie. Bagay naman kayo! Isang manloloko! At isang manggagamit! Isang enggetera!!"
"Baby, ikaw ang mahal ko---"
"Hindi na kita mahal!!!" Sigaw ni Irish na umalingawngaw sa buong bahay.
"Irish, please. Mahal na ma---"
"Fuck you, Ace! Fuck you! Hindi na nga kita mahal! Tyaka mahiya ka naman. Tigilan mo na ako. May boyfriend na ako!" Sigaw ni Irish na ikinagulat namin.
"Huh!! Humanda ka sa Mommy mo!! Sisiguraduhin kong sa akin ka parin mapupunta!" Sigaw ni Ace daw na ang sama-sama na ng tingin kay Irish. Tapos umalis na ito. Bigla namang naupo si Irish na parang hinang-hinang. Nilapitan ko sya.
"Ayos ka lang?" Tanong ko habang nakahawak sa balikat nya.
"Ayos lang. Sorry, nakita nyo pa." Saad ni Irish tapos pilit na ngumiti.
"Hindi mo kailangang pilitin ngumiti. I know you're not ok." Saad ko at ngumiti sa kanya.
"Sige na. Bumalik na tayo sa kusina, nabitin pa tuloy pagkain natin." Saad ni Irish tapos tumayo sa kinauupuan nya. Pagdating namin doon ay bigla nalang akong napasinghal.
"P*nyeta, Senji? Kahit ano talaga di ka mapipigilan umalis sa harap ng pagkain, ano?" Saad ko at naupo habang umiiling-iling. Sila namang ay natatawang umupo.
"Grabe ka naman kumain, parang bata." Saad ni Irish habang tumatawa-tawa at pinunasan ang natirang pagkain sa labi ni Irish.
"Tigilan mo nga yan." Saad ko at inilayo ang kamay ni Irish kay Senji. "Baby namin, to, ehh. Wag mo syang hawakan." Saad ako at hinawakan ang pisnge ni Senji.
"Nantekotta?!"
(What the fuck?!)
"Ano daw?" Saad ni Irish.
"WTF daw." Saad ko. Naikinagulat ni Irish pero kalaunan ay natawa din sya.
"Palamura pala tong japanese na to? Hahaha." Natatawang saad ni Irish habang tumatawa.
"Sinabi mo pa. Hahaha." Saad ko at nakitawa na din sa kanya habang nakamasid lang sa amin ang lahat.
"Tsk. Seloso." Bulong nito. Naikinakunot ng noo ko.
Ano? Ako seloso? Kailan pa?
- To Be Continued -