アプリをダウンロード
9.37% Red Thread / Chapter 3: Thread II

章 3: Thread II

Ni minsan ay hindi ko naisip na magkakaroon ako ng kaaway sa loob ng club. Maayos naman ang naging pagsasama namin, naging mabuti kami sa isa't isa.

Pero, lahat ng iyon ay parang nagbago, ang mga magagandang kaisipan sa kanila ay nadungisan ng salita ng isang tao.

Tama nga siguro ang sinabi ni Oliver, paano ako makakasigurado sa lahat kung nawalan ako ng alaala. Ipinapahiwatig niya lang marahil na ang mga kilos o gawa na inilalahad ng mga taong nakakasalamuha ko— mabuti man o hindi, ay posibleng hindi totoo. Na hindi dapat ako agad mag-tiwala. Maging sa aking sarili.

Pagkatapos ng nangyari sa loob ng restroom ay hindi na ako bumalik sa club. Pakiramdam ko naman ay ganoon din ang ginawa ng iba. Nagsisimula na silang humanap, magsaliksik at gumawa ng mga artikulong makakatulong upang sila ay mapasama sa Board.

Katulad ko, ngunit imbis na ako ang magpapakapagod, magsasayang ng oras, magpapatalsik ng pawis— pupuntahan ko na lang ang direktor. Ang opisina niya ay hindi nalalayo sa aking kinalalagyan. Ikatlong palapag, sa mismong puso ng Leon Building, pagitan ng Conference Hall at Teacher's Faculty.

Tatlong katok at bumukas nang kusa ang unang pinto. Sinalubong ako ng pangunahing silid, may tatlong sofa at sa gitna nito ay bilog na coffee table, sa tigkabilang sulok naman ay may malaking paso at halaman. Sa ding-ding nakalatag ang mga litrato ng direktor, mga naging tagumpay ng paaralan.

Ngunit sa kabila ng pag-o-okupo ng mga gamit ay nanatili itong maluwag. Naging malawak dahil sa walang tao ang silid, maliban sa akin na nakatayo sa harap ng kahoy na pintuan.

Kung kaya't tinahak ng mga paa ang katapat na pinto na magbubukas sa akin sa panibagong silid. Pinilit kong pihitin ang busol ngunit hindi nagbubukas. Minabuti ko na lamang na kumatok. Hindi pa man nagtatagal ay nakita ko ang direktor, nakaupo sa kaniyang lamesa, tutok sa computer.

Suot niya ang madalas niyang purong-puting Wrap Dress na pinaparesan ng itim na Gladiator Sandals, meron din siyang beret hat sa tuktok ng kaniyang kulot na buhok. Ang damit 'man niya ay mukhang bata, sa likod nito ay kaniyang katawan na matagal ng nabubuhay.

"What do you need, Mr. Stanford?" Tutok pa rin ang mata sa kaniyang ginagawa. Ako— na nakatayo sa labas ay pumasok at umupo sa harap na silya ng kaniyang lamesa.

"Kailangan ko po ng tulong," dahan-dahan kong sambit habang inilalapag ang kwaderno sa'king hita.

Nagbigay siya nang mabilis na sulyap at nagsalita, "You're studying here to learn. Why would you need my help?" Natahimik ako sandali.

Pero hindi niya natiis ang katahimikan. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at itinuon ang atensyon sa binatang nasa harap. Ipinatong ang parehas niyang kamay sa lamesa at saka ipinag-ugnay. "Hindi mo ako kinakausap sa bahay, hindi nga kita nakikita sa loob. How do you expect that I will help you? If you— yourself is holding a grudge against me?" Tumingin siya sa'king mata, ngunit nag-iwas ako. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kwaderno. Naghintay ng ilang saglit. Naghanap ng tamang salitang ipapan-depensa. Pero wala akong nagawa.

Mabilis at marahas akong tumayo habang inililiko ang ulo palabas. Tama siya, hindi ko siya magawang kausapin at kitain sa loob ng bahay, pero ngayon ay nagagawa kong humingi ng tulong. Ang kapal ng mukha ko.

"Maupo ka, hindi karapat-dapat ang pagtalikod kapag nagsasalita ang matanda." Napalingon ako sa kaniya ngunit hindi ako umupo. "Akala ko ba ay kailangan mo ng tulong? Inabala mo ako sa aking ginagawa. Let's talk about this."

"I don't want to force you. And pardon me if I wasted your time," mabilis kong sagot.

Kinunutan niya ako ng noo at nagwika, "Stop giving me that attitude." Mababa ang boses niya, ngunit ang bawat salita ay binigkas nang purong diin.

"Now, take your seat." May pagka-awtoridad niyang sinabi. Labag 'man sa loob ay ako na lang ang nagpakumbaba. Naghintay siya ng ilang sandali. "Kalmado ka na ba? Makapag-uusap na ba tayo?"

Inilayo ko na lang ang tingin sa kaniya at bumulong sa sarili, "Kalmado naman akong pumunta." Mabuti na lamang at hindi niya narinig kahit na napansin ang pagbukas ng aking bibig.

"Magsimula tayo kung bakit hindi mo ako kinakausap sa loob ng bahay."

Umawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. "I don't have to tell you," aking wika, "para saan at bakit kailangan mong malaman?"

Siya ay nagbuntong-hininga at saka inayos ang suot na beret hat na animo'y nagulo.

"Alam kong tungkol ito sa kaso mo," panimula niya, "Logan, ayaw kong mapahamak ka. Naipasa na natin sa mga pulis ang nangyari. At narinig mo kung ano ang sinabi nila. Na ang lahat ay aksidente— na nadulas ka lang sa hagdan dahil sa okupado ang pag-iisip mo sa eleksyon."

Kumuyom ang parehas kong kamao.

Nagpatuloy siya, "Bakit ba kailangan mong pahirapan pa ang sarili. Tapos at sarado na ang kaso—"

"Hindi pa siya tapos sa akin! Bawat gabi ay dinadalaw ako ng bangungot. Tungkol sa nangyari, malabo man ang lahat ng nakita ko, may nagsasabi sa akin na hindi aksidente ang lahat," gigil kong sinabi. Parte na ng aking pagkatao ang pagiging magagalitin. Pero hindi naman ako magagalit sa wala lang.

"Son!" hiyaw niya nang magsimula akong tumayo muli. "It's Mr. Logan Stanford. Wala tayo sa bahay, direktor."

Naging mas malinaw pa ang kaniyang kunot na noo.

"Then, pay some respect. Ikaw nang nagsabi, nasa harap mo ang direktor." Sa pagkakataong ito ay nakatayo na rin siya. "Kung iyan ang makakapanatag ng loob mo, gawin mo. But I am telling you, wala kang mapupuntahan."

Tumalikod ako at lumabas ng pinto. Nagsasayang lang ako ng panahon dito. Wala akong mapapala kahit na abutin pa kami nang gabi.

"Ang by the way." Dinig kong sabi niya, "I knew that your club adviser is conducting an activity. What was that again… search and investigation of the darkest and hidden secret of this school? If you were here to ask me about that, try looking for the teacher who harassed, raped, ruined the school's system and reputation, and was behind numerous serial killings. I bet you wouldn't find anyone. Kasi wala namang sikreto ang Stanford."

Naramdaman ko ang pag-ngiti niya. Hindi ko ito pinansin bagkus nagpatuloy na lang sa pag-lisan ng silid.

***

"Bakit ka naka-simangot?" usisa ni Shion. Nakaupo ako sa harap ng stage ng theater club, kung saan nagkakaroon ng ensayo ang miyembro nito.

Inabot ko kay Shion ang biniling tubig. "Wala, nagugutom lang siguro ako." Pagsisinungaling ko sa kabila ng bumabagabag sa aking isip at damdamin.

"Seems not, parang may iba pa," wika niya. Umupo siya sa aking kanan.

"Na-reveal na ba role mo?" Paglalayo ko sa usapan. Umiling lang siya habang nakangiti.

"Pero ramdam ko naman na ako ang bida." Lumawak ang ngiting ito.

"Claim it. You also deserve that, you've been a role-model student. Ilang taon ka na nga rito?" tanong ko para hindi siya mabahala sa aking kalagayan.

"Mag-a-apat na taon? Lima? Hindi ko sigurado, bakit?" Tumawa siya. Dahil sa kaniyang sinabi, may biglang pumasok sa aking isip.

Tumango-tango ako at nag-wika, "Magkasabay nga lang pala tayo. Pero… may tanong ako."

"Ano iyon?" kaniyang sagot.

"Sa matagal na panahon na pag-aaral mo rito, may narinig ka bang seryosong isyu? Tulad ng…"

"Tulad ng?" Medyo naningkit ang kaniyang mata hababg naghihintay.

Humigit ako ng hininga at nagpasyang sumagot. "Patayan?" naiilang kong pagpapatuloy.

Kinagat niya ang ibaba niyang labi at nag-iwas tingin. "Actually," sabi niya habang lumilibot ang mata. "Hmm." Nag-buntong hininga siya. "Parang wala."

Napakamot ako sa ulo. Wala naman pala, pinakaba niya lang. Tumango-tango ulit ako at ngumiti nang may pamilyar na babae ang nag-abot kay Shion ng burger. "Angela?" tanong ko sa babaeng nasa harap.

Mula sa pagkakatitig kay Shion ay iginawi naman niya ang tingin sa akin. Nagbigay siya ng ngiti. "Logan, hey. Member ka rin ng Theater?" Maaliwalas ang kaniyang mukha. Nag-abot siya ng burger sa akin ngunit hindi ko ito tinanggap.

"Nope. May binisita lang ako." Napatingin naman ako kay Shion na ngayon ay pinagmamasdan kami. Iyong ngiti niya ay ibang klase, parang nanunuyo. Kaya naman naisipan kong ipakilala ang isa't isa.

"Shion, this is Angela. Angela, this is Shion." Nagbigay sila ng tungo at ngiti. Ipinatong naman ni Shion ang kaniyang kaliwang kamay sa hita ko, dahilan upang makaramdam ng 'di pagka-kumportable. "Magkakilala na kami, bago siya sa club."

"Tama ka diyan, kaya nga utusan palang ako ngayon," dagdag ni Angela.

"Parang masama ata ang loob mo?" tanong ko.

"Ibang klase iyong babae kanina, napaka-arte! Parang ipinamumukha na katulong niya ako!" pagsusumbong ng babae.

"Si Nicole?" pag-klaro ni Shion sa nagmamaktol.

"Iyon ata pangalan niya," ani Angela.

"Hayaan mo na, ganiyan talaga ugali niyan," sagot ko.

"Kilala mo rin?" Bumalik ang mata ni Angela sa akin. Tinanguhan ko ang tanong niya.

"Everyone! Gather around!" hiyaw ng isang lalaki, direktor ata ng set. Nagpaalam sa akin ang dalawa at nag-tungo sa kinapu-pwestuhan ng mga nakararami sa akyat ng stage. Pinalilibutan nila ang lalaking tumawag. Mukhang ngayon na ang pag-a-assign ng mga roles.

Dahil hindi ako kabilang sa pagpupulong, naupo ako sumandali at naghanap na lamang ng mga balita na interesanteng pag-aksayahan ng panahon. Sa gitna ng pagbabasa sa twitter ay nag-vibrate ang aking cellphone.

(News and Report Chatroom)

Angelyka: Guys, hindi ba kayo nagugutom? Ang pangit ng lasa ng pagkain sa cafeteria, labas naman tayo minsan.

Jeff: G ako diyan! Pagod na rin ako kakahanap ng balita. Wala namang nangyayari ngayon.

Trisha: Libre ba?

Sir Willie: Gusto niyo? Okay, see you later sa usual dining place natin, at 6:00 pm. My treat.

Mas lalong dumami ang tunog ng aking cellphone. Hindi na ako nag-reply pa, pupunta na lang ako. Mabuti na rin at makakakain ako nang tama. Pangit naman talaga lasa ng pagkain sa cafeteria.

Sa pagkatingala ko mula sa pagkakatutok sa cellphone ay nakita ko naman ang papalapit na si Shion. "Hey, ano nangyari?" tanong ko nang maramdamang tahimik siya.

"Ha?" wala sa sarili niyang sinabi, animo'y nagulat. Kasabay naman nun ay ang mga yapak na aming narinig, tila papalapit sa aming posisyon. "See you, later, bestie," insulto ni Nicole.

Nakita ko ang pagkagat labi ni Shion.

"What's your problem, Nicole?" tanong ko. Tumawa siya na may halong panlalait.

"Problema ko? Wala naman akong problema sa kaibigan mo." Tumigil siya sa pagitan ng kaniyang mga tawa at nagpatuloy, "baka siya mayroon?"

Tumaas ang kaniyang kaliwang kilay at saka itinaas ang kanang kamay at nagsimula nang maglakad patungo sa labasan ng bulwagan.

"Anong nangyari?" tanong ko sa tahimik na babae.

"E... si Nicole kasi iyong naging bida. Tapos, supporting actress— under cover lang ako," may pagka-dismaya niyang sinabi sa akin. Tumango ako at saka tinapik ang kaniyang balikat.

"There's always a next time. Ang mahalaga ay makikita kitang mag-perform." Pag-aayo ko. Naglabas ako ng simpleng ngiti, ginawa niya rin ito.

"Lalabas kami ng Club. Do you wanna join?" akit ko para siya ay mabuhayan.

Tumunog ang kaniyang dila at nagwika, "I would like to... kaso lalabas din club namin para mag-celebrate ng casting." Tumaas ang parehas niyang balikat at nagpatuloy, "usual dining place." Nilabas niya ang pilit na ngiti.

"That's great, doon din kami!" Maaliwalas ang aking reaksyon, ngunit siya ay hindi. "Bakit?" tanong ko.

"Is it really a good idea to cross paths with your club. Hindi naman ako tutol dito dahil wala akong sama ng loob, ganoon din ikaw. Pero, paano iyong iba nating kasamahan?" Utay-utay ay nawala ang maliwanag kong mukha. Hinawakan ko ang aking batok at nagwika, "Oo nga pala."

Isa ang Theater Club sa mga sinubukan naming gawan ng kuwento. Kung gaano kahirap ang pamamalakad ng dating direktor ng set, mahabang oras para sa rehearsal, at ang paggamit ng pondo na wala sa lagay. Dahil din dito ay napatalsik si Mr. Aquino, dating direktor.

"I have to go, may klase pa ako sa Social Science." Nauna na siyang lumakad.

"Shion," tawag ko, "magka-klase tayo."

Kumunot ang kaniyang ilong at bahagyang tumawa. Sabay na kaming lumakad palabas ng bulwagan, at bago iyon ay sinuot ni Shion ang kaniyang robe.

***

Tipikal sa mga estudyante ng Stanford ang pag-tira sa loob ng campus. Bukod sa hindi maganda sa pakiramdam ang house-to-school travel, libre naman ang dorm, libre ang pagkain, tubig at kuryente. Sa kasamaang palad, naka-depende sa iyong "Student Class" and "Student Points" ang mapakikinabangan. Ang sabi nila, kapag kabilang ka sa Top Five ng Leaderboard, masarap ang pagkain. Ngunit sila ay nagkakamali. Kung totoong masarap ang inihahain sa cafeteria, hindi na namin kakailanganing kumain sa labas ng campus.

"Nasa'n ang iba?" usisa ni Angela habang ako ay nakasandal sa ding-ding, sa labas ng aming usual dining place.

"Nandoon na sa loob." Ginamit ko ang hinliliit sa pagturo. Miyembro nga rin pala siya ng Theater Club.

"Anong ginagawa mo dito?" wika niya, "bakit ka nasa labas?"

Pinamulsa ko ang aking kamay sa loob ng pantalong suot. "Ayaw ko pa lang pumasok," mahina kong wika. Hindi sa iniiwasan ko si Oliver, subalit ay nagsisimula na ang bangayan sa pagitan ng News and Report Club at Theater Club. "Pero pwede ka nang pumasok," dagdag ko habang ngumingiti.

Sa kabaliktaran ng aking inaasahan, si Angela ay tumabi sa aking puwesto. Sumandal din siya sa puting ding-ding at bumuntong-hininga. "Hindi na muna siguro," kaniyang sagot, "I'll be out of place."

Tinignan ko siya sa mata at nagsalita, "Bakit naman? Kaibigan mo sila, 'di ba?"

Binigyan niya ako ng hilaw na ngiti. "Siguro? Hindi ko rin alam... kaibigan ko ba ang mga taong iyon sa loob?"

Nanatili kami sa ganoong posisyon. Hindi ko siya masagot, dahil tulad niya, hindi ko rin alam kung sinong kaibigan ko. Hanggang ngayon ay umaalingawngaw ang salita ni Oliver sa loob ng aking isip. "E, ako?" panimula ko, "kaibigan mo ba ako?"

Wala pang ilang segundo ay nakasagot na siya. "Paano mo ba malalaman kung ang isang tao ay kaibigan mo?" Ngunit ang kaniyang mga winika ay sinsero. "Kapag ginagawa mo lahat ng kaniyang utos? Kapag abot-tenga ang ngiti niyo kapag magka-kasama? O baka naman, kapag ayaw niyo parehas sa isang bagay? How can we know if that's friendship?" dagdag niya.

"Do you really want to know my answer?" May halong tawa kong sinabi. Tumango siya at animo'y naghihintay sa mga salitang wiwikain ko nang kasunod.

Nais ko sanang biruin na lang ang sagot, ngunit ito ay hindi ko nagawa dahil sa titig ni Angela. Nagbuntong-hininga ako bago magpatuloy. "For me, its definition is subjective," aking panimula, "dahil iba-iba ang tao. Dahil doon, magkakaiba rin ang kaibigan natin. So, if we are to gather all the definition of Friendship from all human being— base from their own perspective, it will vary. But life is special, all things have in common. Even though words connected to friendship diverse, we all can agree that it still falls on some common ground: Love, Trust, and Connection."

Ang babae sa harap ay nanatiling tutok sa aking bibig. Siya ay nagwika, "For you, friendship means love, trust, and connection, doesn't it?" Tumango ako bilang tugon. "You're probably right..." Ngumiti ako. "Except for one thing," kaniyang pagpapatuloy.

"Huh?" wika ko, "ano ang ibig mong sabihin?"

Umalis siya mula sa pagkakasandal sa ding-ding. "For me, it is all about equality." At nagpatuloy na lamang sa paglakad tungo sa pintuan ng gusali. Wala akong nagawa maliban sa sundan siya.

***

Ang mga baso sa kabilang lamesa ay nagtunugan, mukhang ang Theater Club ay nagsasaya. Pero, kapansin-pansin din ang pagiging tahimik ni Angela sa kaniyang lagay.

"Huy, lalamig ang pagkain, kanina ka pa nakatitig sa kabilang lamesa," usisa ni Jeff.

"Mukha kasi silang masaya," wala sa sarili kong sabi.

"Huh?" tanong niya.

"Ah, wala," tanging sagot ko nang mahimasmasan. Nagsimula akong kumain. Mayroong iba't ibang putahe, katulad ng: Italian Pasta, Roasted Turkey, Pork Liempo, at ang paborito kong pritong palaka. Marami ring seafood sa gilid, pero sinantabi ko ito dahil sa madalas i-serve ang mga lamang-dagat sa Stanford. Palibhasa nasa kanlurang bahagi ang paaralan ng West Philippines Sea.

"Paano namang hindi maiinggit iyan, pinayagan sila ng direktor ng set na mag-inom," sabat ni Trisha, punong-puno ang kaniyang bibig ng karne ng liempo. Narinig ni sir ang kaniyang sinabi.

"Ey, ey, ey! Mga minor de edad pa kasi kayo. HINDI PA KAYO PWEDENG UMINOM." Intensyonal niyang nilaksan ang kaniyang huling pangungusap. Ito ay nakarating sa kabilang lamesa, at dahil do'n, nagsimulang mag-oooh ang mga mag-aaral. Heto na naman sila.

May bumweltang lalaki sa kabila, "Ayos lang iyan, Theater Club. At least tayo, hindi maalam gumawa ng kuwento, at magpakalat ng MALING IMPORMASYON!" Tumawa ang mga nasa kabilang panig.

Muntik na silang sugudin ni sir, mabuti na lamang at napigilan siya.

"Sino iyong lalaking iyon?" bulong ko kay Trisha.

"Iyong naka-bonet ba?" kaniyang tanong.

Tumango ako.

"From Tiger's House iyan, teacher ng Performance and Arts. Siya iyong pumalit kay Sir Aquino. Kaso kapatid niya rin iyon, kaya siya rin si Sir Aquino, technically."

Tumango ako bilang tugon at nagpatuloy sa pagkain.

Akala ko ay tapos na ang paglalaitan ng dalawang kampo, ngunit may nagsalitang babae mula sa kabila. "Oliver! Dahan-dahan sa pagkain, baka malason ka niyan!" Malakas na tawa ni Nicole.

Si Oliver, mula sa pagkakahawak ng baso na may lamang lemonade, ibinaba ng binata ang iniinom at saka inayos ang kaniyang suot na salamin. Natahimik ang dalawang grupo nang siya ay lumingon habang nagsasara ang parehas na panga. "Ikaw din, Nicole, baka bukas ay patay ka na," seryoso niyang winika. Pantay man ang kaniyang boses, nagbigay ito ng maalon na emosyon.

Isa, dalawa, tatlo. Tatlong segundo kaming nabingi ng katahimikan. Lima, anim, pito. Lahat kami ay nagkatitigan. Ngunit nasa'n ang pang-apat na numero? Ito ay sadyang iniwasan, dahil sa paniniwalang ito ay mas malas na dala. Ngunit ang pang-apat na numero, dala-dala ni Oliver, ang lalaking may matabil na dila.

Tumawa siya na animo'y walang nakatatakot sa kaniyang winika. Nilunok na lang namin ang laway na nagbabara. Walang nagsalita, hinayaan na lang itong kusang mawala. Bakit ba kailangan pang sirain ni Oliver ang magandang hangin!

(More)


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン