Sakay ng British Airways, lumipad pabalik ng India si Raj.
Nasa business class siya at wala siyang paki alam sa paligid. Malakas ang music sa kanyang suot na headphones.
Naulinigan niya ang announcement ng piloto na i-turn off ang mga electronic devices kaya naman umayos na siya ng upo at inalis ang headphones sa kanyang tainga at pinatay ang kanyang cellphone.
Nagsimula ang safety demo ng mga flight attendant.
Nagtaas siya ng tingin sa flight attendant na halos nasa kanyang harapan,
"Abby?" nagulat siya. Aba, at sumasideline rin pala ito sa pagiging flight attendant.
Bahagyang napatingin ito sa kanya, sigurado siya ng ito ang kanyang nurse!
Nang matapos ang demo ay inaabangan niya itong lumapit sa kanya, ngunit tila hindi siya nito nakikilala.
Huh! ganoon lang ba kadaling kalimutan ang ginawa niya rito?
Sa sulok ng kayang mata ay nakita niyang palapit ito, o dadaan ito sa tabi niya.
Nang bahagya itong lumagpas ay walang sabi-sabing dinakot niya ang maumbok nitong likuran at saka bahagyang pinisil, "Hi baby!" aniyang kumindat pa nang halos mapatalong humarap ito sa kanya.
Kita niya ang gigil sa mukha nito na tila gustong manapak.
"Yes sir? any problem?" sabi nitong pigil ang galit.
Nagulat naman siya sa ibang boses nito.
Hindi ito si Abby, noon niya napansin ang name tag nito 'Ally'.
"Sorry, I thought you were Abby," aniyang ngumisi.
Mapakla itong ngumiti, "small world, she is my sister," anito.
" If you'll excuse me sir," paalam nito.
Tumango na lamang siya.
INDIA
Pagdating sa bansa ay inasikaso agad niya ang kanyang maayos na pag alis sa militar.
Pagkatapos ay ang IRC naman ang unti-unti niyang pinag-aralang patakbuhin.
Hindi rin naman siya hinahayaan ni Sandeep dahil aminado naman siya na sa kaguwapuhan 'lang siya lumamang dito pero pagdating sa business ay talong-talo siya nito. Palagi lamang ito sa kanyang likuran, kahit mayroon din itong sariling mga negosyo. Maging ng desisyong pumunta ng Pilipinas para hanapin ang ina ay suportado nito. Mas excited pa nga ito.
"When you found your mom, let's have a luxury holiday bro. Gather all beautiful ladies in that country," sabi pa nito.
Natawa na lamang siya. Alam na niya ang tumatakbo sa isip ng kaibigan.
"Good luck son!" ang kanyang ama. Himala at nag laan ito ng oras para ihatid siya sa Airport.
Niyakap ay tinapik niya ito sa balikat.
"Thanks dad! I'll keep in touch, "
Matapos ibaba ng driver ang kanyang bagahe ay umalis na ang mga ito dahil may dadaluhang press conference ang kanyang ama.
"God, bless me," sambit niya sa sarili bago tuluyang pumasok sa cabin ng eroplano na maghahatid sa kanya sa Pilipinas.
Ito ang unang beses niyang pupunta sa bansang ito.
PHILIPPINES
'RAJ, move your ASS! I'm in hurry' namataan niya ang malalaking letra sa malapad na papel na hawak ni Andrew. Halos matakpan ang mukha nito.
Pigil ang tawang lumpit siya rito.
"Hey bro!" aniyang inabot ang kamay nito at malakas na tinapik sa balikat.
"Welcome to my country, man!" tuwang tuwa ito.
Naging kaibigan at nakilala niya ito sa Chicago, mayroon itong maliit na negosyo roon. Naka base sa Chicago ang pamilya nito, siya na lamang ang natira rito sa Pilipinas dahil hindi maiwan ang mga negosyo nito.
Dumiretso sila sa mansion-house ng pamilya nito na nasa Green Hills.
Napaka laki at napaka ganda niyon. May malaking swimming pool at malawak na hardin. Naalala tuloy niya ang bahay ng lola sa England.
Sinalubong sila ng mga nag seseksihang kasambahay. Kasambahay, dahil naka uniporme ang mga ito katulad ng mga chambermaid sa hotel.
"Welcome to the Philippines sir Raj!" malakas at sabay-sabay na wika ng mga ito.
"Oh wow! thank you!" naka-ngising tugon niya sa mga ito.
"Enjoy your stay bro!" makahulugang pahayag ni Andrew.
Tumawa lamang siya.
"I'll give you access to my connections for your faster search," anito.
"I'll be busy the coming days, my place will hosting a big event in week end," dagdag nito.
"Thank you bro! Don't worry about me," aniya.
Mayroon itong exclusive gay bar sa Maynila at ayon dito, ito ang pinaka malaking magpasok ng yaman sa kanyang kaban.
Inanyayahan pa siya nitong lumahok sa event, ayon dito ay dadalo ang mga pinaka magagandang socialite ng bansa.
Na-excite naman siya.
Sinimulan niya ang paghahanap sa kanyang ina.
"Marietta Guazon, is not on the list," anang mga modeling company na napuntahan na niya.
Marami ring Marietta Guazon sa mga office of registrar. Hindi bale, sukdulang isa-isahin niya ang mahigit dalawan' daang Marieta Guazon ay gagawin niya mahanap lamang ang ina.
Malapit na ang event exclusive bar ni Andrew, tinawagan siya nito at sinigurong sasali siya sa event, bihira kasi silang magpang-abot sa bahay. Kung anong event ito ay hindi pa niya alam.
Sinuyod naman niya ang mga kumpanyang nagbebenta ng mga properties. Nagbabakasakaling maka hanap ng matitipuhang tahanan habang naroon siya. Ayaw naman kasi niyang maki tuloy na lamang kay Andrew. Ngunit hindi siya residente at hindi siya maaaring mag may-ari ng anumang property sa bansa. Maging ang balak na pag-expand ng kanyang negosyo ay tila mahihirapan siya. Ipinangako naman ni Andrew na tutulungan niya ito.
Sa gabi ng event sa pag-aaring bar ni Andrew ay maaga silang pumunta sa lugar. Dumiretso sila sa opisina ni Andrew. Malawak ang lugar, at sa estilo ng disenyo nito ay halatang mamahalin. Siguradong hindi basta bastang mga tao ang pumupunta rito. Kumpleto rin sa security. Hindi pa kasali rito ang mga de-uniporme at armadong mga guwardiya sa labas.
XIANNA
"Girl, huwag kang mag-muk mok d'yan tara let's, it's sabado night's!" ang kaibingan niyang si Jam.
"May yummy event ngayon sa bar ni papa Andrew!" pangungulit pa nito sa kanya.
"beshy, please wala ako sa mood ngayon. Baka magkalat 'lang ako roon," walang ganang sagot niya.
"Halika na, bibihisan na kita, eto isuot mo, pinaka sexy mong dress," malanding wika nito at hinila siya sa loob ng kanyang walk-in closet.
"Jaime..." malumanay ngunit mariin niyang babala sa kaibigan.
"Ouch!" sapo nito ang dibdib at tila ba masakit na masakit iyon, "grabe ka naman sa Jaime beshy," irap nito. Ayaw na ayaw nitong tinatawag sa tunay na pangalan.
"Oh, siya... sasamahan na lang kitang mag-mukmok, what's our friends for?" anitong pina lungkot ang mukha at naghahaba ang ngusong tumabi sa kanya sa kama. Hindi pa rin kasi siya naka move-on sa pagkawala ni Mark, ng kanyang nobyo.
"Basta sabihin mo lang kung kailan tayo iiyak ha? para naman sabay tayo," sabi nitong mas pinalungkot ang tinig.
Natawa naman siya rito, "sira ka talaga!" sabi niyang binato ang unan dito.
Naulinigan niyang dumating ang kanyang ina. Marami na naman itong mga kasamang kaibigan. siguradong mag-mamajong na naman ito buong week-end. Mabilis siyang lumundag mula sa kama at hinila ang kaibigan papunta sa closet.
"Dali mag bihis ka na at pupunta tayo sa event!" aniyang hinablot ang ilang bestida at ilang underwear saka inilagay sa maliit na tote bag.
"Bilis na!" ulit niya nang hindi pa ito gumagalaw para gumayak.
"Wait, akala ko ba mag-mumok mok tayo?" ngisi nito kay Xianna habang abala ito sa pag gayak na tila hinahabol ng sampung maligno.
"Naalala ko, best friend pala kita at tao ka 'lang kaya kailangan mong pumunta sa bar, kaya sasamahan kita, bilis na!" paliwanag niya sa kaibigan habang pinupusod ng ponytail ang buhok.
Isang kulay maroon above the knee cocktail dress ang nahablot niya mula sa linya ng mga dresses niya. Mabuti na lamang at kahit anong suotin niya ay bagay sa kanya.
Mabilis na ring naka bihis ang kaibigan. Naka floral long sleeved polo ito na naka tupi hanggang siko na tinernuhan ng pantalong kulay beige. Marami itong damit sa closet niya dahil palagi ito sa kanila. Close ito sa kanyang mommy, parang kapatid na niya ito. Anak ito ng isa sa mga amiga ng mommy niya.
Bitbit ang tote bag at hinablot ang shoulder bag sa sabitan ay mabilis na hinila si Jam palabas ng pinto.
Dahan dahan silang naglakad ng halos patingkayad para hindi mapansin ng mga jutanders na busy na sa pag-mamajong sa maluwag na den sa kanilang bahay. Naka sara ang pinto kaya't hindi sila napansin ng mga ito.
Sa kotse na lamang siya nag-ayos ng mukha. Powder lamang at lipstick ay napaka ganda na niya.
"Maganda ka na girl," si Jam habang nagmamaneho.
"Doon tayo uuwi sa bahay mo ha?" malayong sagot niya sa sinabi nito.
"Ayokong makita si mommy na halos hindi na tumayo sa pagsusugal," bahagyang lungkot sa kanyang tinig.
"As you wish," sabi nito saka itinuon na lamang angatensyon sa pagmamaneho.
Lately kasi ay halos hindi na umuuwi ang kanyang ina dahil sa pakikipaglaro nito sa mga kaibigan. At palagiang nagtatanong ng pera sa kanya.
Simula kaasi nang tumuntong siya ng 18 ay sa account na niya dumideretso ang pera sustento mula sa ama.
Isang British ang kanyang ama. Isa siyang elligitimate child. May asawa na ang kanyang ama nang makilala ang ina. Dahil likas na ambisyosa ang ina ay nagpabuntis ito sa mayamang Briton. Akala ng ina ay siya ang pipiliin ng ama. Ngunit hindi iyon nangyari. Bagkus iniwan siya nito at bumalik sa sariling bansa, sa pamilya nito. Tanging supota lamang sa kanya ang ipinapadala nito.
Minsan, kapag walang pera ang ina ay patuloy siyang sinisisi nito sa pagka letse letse ng buhay nito. Inuunawa na lamang niya ang ina. Dahil kasi sa kumplikasyon sa panganganak nito sa kanya ay nawalan ito ng kakayahang mag-buntis muli. Mula noon ay hindi na ninais ng ina na makipag-relasyon pa.
Malaki ang natatanggap nitong pera mula sa daddy niya, napakayaman nito, kaya ayaw nitong masira ang reputasyon ng kanilang pamilya. Pero dahil ambisyosa nga ang ina ay isinunod nito ang apilyedo niya sa amang Briton. Tila may halong pamba-blackmail ang ginawa nito sa kanyang daddy.
Kaya naman nang may sarili na siyang pag-iisip ay sa kanya mismo nakiusap ang ama na huwag na lamang isapubliko ang kanyang totoong pagkatao dahil marami ang maapektuhan. Pumayag naman siya, hindi naman niya kailangan ng atensyon ng ibang tao. Gusto niya ay simpleng buhay lamang.
Kaya naman kahit napakalaki ng kanyang yaman na idineposito ng kanyang ama sa iba't ibang bangko ay hindi niya iyon ginagalaw. Nagtatrabaho pa rin siya bilang manager ng isang bangko. Ang kinikita ay siyang ginagasta niya sa kanyang mga luho.
"Besh narito na tayooo..." excited na tinig ng kaibigan ang nagpabalik sa kanyang diwa sa kasalukuyan.
Matapos ihagis sa isang lalaking naka abang sa driveway ang susi ng sasakyan ay dumiretso na sila sa loob.
Marami na rin ang tao nang dumating sila. Pinili niyang umupo sa bandang sulok medyo malayo sa karamihan para maikta niya ang buong entablado.
"Tingnan natin ang ipinagmamalaki mong event!" aniya sa kaibigan.
Wala na sa kanya ang atensyon nito, naghahanap na ng guwapo.
Um-order na lamang siya ng drinks.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang event.
Nagsimulang rumampa ang nagma-machohang kalalakihan sa stage.
Napailing na lamang si Xianna, "eto 'lang pala," aniya at bahagyang sumimsim ng alak sa kanyang baso.
Muntik na siyang masamid nang mahagip ng mata niya ang isang partikular na mukha.
"Mark!" usal niya.