"Uwi na ba tayo?." he asked ng medyo may isang oras na rin kaming nakatambay sa ilalim ng street light. Umupo kami sa may damuhan kung saan may nakahigang puno ng niyog duon.
"Bibili muna akong ballpen.."
"Wag na. Bibigyan nalang kita.."
"Thanks pero I need to buy one. Magtataka si Mama kapag wala akong inuwing kahit ano.." paliwanag ko. Iba kasi si Mama kapag nalamang nagsinungaling ka. Kumbaga. Grounded ka for a month. Ganun.
Tumayo na kami't naglakad para bumili. Mabilis din naman kaming binigyan ni Aling Mer ng ballpen. Nakakatawa pa nga dahil wala akong dalang pera. Buti nalang boys scout tong kasama ko. Sya na muna nagbayad dito. "Thanks superman.."
Tinaasan nya ako ng kilay. "Nagbago na ba isip mo sa Toro?. hahaha.."
Natawa talaga ako. "Hoy.. it's not my intention to annoy you for calling you that.. sadyang nainis lang ako sa'yo nun dahil tinawag mo akong Manang.. pero about your name Toro. Parang.. ganun na nga. Hahaha.."
"Ahahaha..ikaw talaga.." ginulo nya ang buhok ko saka inalalayan bigla dahil bahagya akong natalisod. "Tsaka.. ang ganda mo lalo kapag nakangiti ka."
Umirap naman ako. "Nainlove ka na ngayon?." biro ko.
Ginaya nya rin ang pag-irap ko. "Sasaluhin mo ba ako kung oo ang sagot ko?."
Nabitin sa ere ang tawa ko. Nakaawang nalang ang labi ko. Hindi maintindihan ang kabog bigla ng dibdib ko. Para akong nakalutang kahit hindi naman. Bigla ding nakaramdam ng init at lamig ang katawan ko. Pakiramdam ko. Parang may gustong sumapi sakin kahit tirik na tirik ang buwan.
Alam kong biro nya lang iyon. Biro nga ba?. Alam ko ding sinasakyan nya lang yung sinabi ko. Pero bakit may parte sakin na bumubulong. Sinasabing, totoo ang sinabi nya't hindi na biro.
At may pagkakataon ding, ang biro ay kalahating totoo at may halong biro.
Ngunit itong instinct ko talaga. Hindi nito ako maloloko. Alam ko ang kilos ng mga lalaki sa tuwing may gusto sa babae.
"Bat ka tulala?. Naniniwala ka ba?. Hahaha.."
Tumawa sya.
Isa. Isang sign na kabado sya. Meaning, he's telling his true feelings. Na pilit tinatago.
"Tsk.. biro lang. Ikaw naman Manang. Tara na. Baka hinahanap na tayo ni Tito.." mabilis syang tumalikod sakin.
Umiiwas sya.
Ikalawa. Bakit sya mabilis tumalikod?. Is he hiding his nervousness?. O takot syang baka di ko sya saluhin gaya ng ginawa ko sa iba?. Takot syang marinig ang rejection?. Or worst. Ayaw aminin na nahuhulog na nga sya sakin. Ayaw ipakita ang itsura nya kapag nagsasabi ng totoo.
Either dun sa mga nasambit ko. Maaaring isa dun ang dahilan nya kung bakit sya umiiwas.
Hindi sya umalis.
Ikatlo. Bakit hindi sya naglakad at umalis nalang?. Anong ibig sabihin nun?.
Ken naman! Malamang, hinihintay ka nya. Dahil kung mauuna syang uuwi sa inyo at hindi ka kasama. Magtataka ang parents mo. Lalo na ang Papa mo. Kaya tama na yang pag-assume mong yan. Masasaktan ka lang!.
Kumurap ako. "Let's go." anya. Nilingon pa ako. Confirmed. Hinihintay talaga ako!.
Kumurap ako't muli atsaka naitikom na rin ang bibig. "Paano din kung hinde ang sabihin ko't ako naman ang saluhin mo?."
Natigilan din sya. Tuluyan na ring humarap muli sakin. Tinitigan nya ako ng mabuti. Para bang, inaalam kung nagsasabi din ba ako ng totoo o tulad lang din nyang nagbibiro?.
Tumawa ako. Plastik!. Syempre kabado ako! Kingwa!. Ganito siguro pakiramdam nya noh?. Kinakabahan. Na kung nakakamatay lang siguro ito. Kanina pa ako nakahandusay sa semento.
"Biro lang superman.." humakbang ako't tinapik ang balikat nya. "Tara na nga. Baka magpatawag na ng pulis si Papa dahil di pa tayo umuuwi. Haha.."
Kingwang haha na yan! Salamat sa'yo. Lagi mo akong nililigtas sa mga ganitong sitwasyon na nakakailang!.
Nakauwi kaming bahay. Nasa gate na sila Karen. Mukhang paalis na si Kian. "Bro, dito ka talaga matutulog?." ani Kian sa kaibigan.
Gwapo naman itong tumango sa kanya. "Sa bahay nyo ba?. Pwede ako?." tanong din ni Poro.
Natatawang tumingala si Kian. Umikot pa dahil parang hindi nya inexpect yung naging sagot ni Poro sa kanya. "Grabe!. Oo naman. Basta hanggang sala ka lang.."
"Hahahahaha.." tawa ngayon ni Karen. Inirapan ko sya. Pinalakihan nya din ako ng mata.
"Asshole.. umuwi ka na nga. Hindi ka pa pwede dito.. Magwawala daw Mommy mo.. Mama's boy ka pala?."
Ako naman ngayon ang natawa. "Hahahahahaha.."
Sinamaan na ako ngayon ni Karen ng tingin. Tumalim pa iyon ng mas lalo pang lumakas ang tawa ko.
"You crazy punk!. Tawagin ko kaya si Mark para umuwi na.." nakita ko kung paanong nawala ang ngisi ni Poro ng marinig ang pangalang Mark.
Who's Mark?. Wag nyang sabihin na si Eugenio yun?. Bakit?. Takot ba sya dito?.
"Psh!. Wag pikon bata..para ibiro lang.." kalmado pang ani Poro. Habang nakapamulsa. Hindi mababakas dito ang kaba.
"Tama na yan guys.." sumingit na din si Karen. Thanks to her. Naputol ang biglang inis ng dalawa. "Gabi na babe." hinawakan ni Karen ang braso nito upang alalayan sa loob ng sasakyan. Sumunod naman ito ng walang kahirap-hirap.
"Uuwi sila sa kasal bro.." pinaandar na nya ang sasakyan ng magsalita ulit ito. Sinarado na ang pinto at binaba nalang ang bintana. "At naisip kong i-shuffle ang magpartners."
Hindi umimik si Poro. Kami ni Poro ang magpartner dun. Anong ibig nyang sabihin dito?.
"Get lost bruh.."
Tumawa lang si Kian.
"Yeah. I know.. but, Ate Kendra is not your partner anymore.."
"Anak ng—!.." halos madapa si Poro ng subukang batuhin ito. Wala namang bato na hawak nya.
"Have a good night, bruh.."
"Get lost Mama's boy!." hiyaw pa nya rito at isang pagtaas nalang sa kamay ang ginawa ni Kian bilang sagot sa kanya dahil pinaharurot na nito ang sasakyan paalis.
Alam kong. Nagbibiro lang din si Kian. Alam ko ding gusto nya lang itong asarin. Pero bakit pikon sya?. Ayaw nya bang magpalit kami ng partners?. Bakit naman?.
Nadatnan pa namin sila Papa sa sala. Nanonod ng TV. Sabay na kaming nagpaalam ni Karen para umakyat sa ikalawang palapag. Eksaktong meron na rin si Ate Kiona. Alas otso na din kasi. May rason na para di ako gisahin nila Mama ngayon. Si Ate naman ang uupo sa hot seat na inuupuan ko kanina.
Teka. Si Poro pala!.
Naisip ko lang to ng nasa tapat na ako ng silid namin ni Ate. "Bakit Ate?." nagtaka si Karen sa pagkatigil ko.
"Si Poro.. naiwan sa baba.." parang tanga lang!. Syempre, sa sala ang tulugan nya. Hindi sya pwede dito sa taas.
"Bakit?. Diba dun daw sya matutulog?."
"Alam ko. Baka kasi pagalitan e. Nakakahiya.."
"Nandun naman si Papa.. bat ka nag-aalala.." oo nga!. Andun si Papa. Pero iba kapag nandyan na si Mama. Hindi ako mapapakali rito. At wala akong matatapos rito kapag nagkataon. "O, san ka punta?. Bababa ka?."
"Babalik din ako agad.." ngunit di nya ako hinayaan na bumaba pa. Hinila nya ako pabalik sa kinatatayuan ko.
"Wag na Ate.. mapapasama pa lalo si Poro kapag bumaba ka pa. Kilala mo naman si Mama diba?. Iba yun mag-isip. Alam mo yan."
"Pero paano nga si Poro?. Kinakabahan ako Kaka.." totoo ito. Sana lang. Di na ako pumayag at nanalangin na dito sya kakain ng hapunan at matutulog. Di ko naman din kasi alam. Malay ko ba na ganito ang mangyayari?.
"Kaya na nya yun.. Mabait si Kuya Poro Ate.. Alam nya ang ginagawa nya."
Sana nga. Ganun nga. Umaasa rin akong magiging marahan sila Papa sa kanya.
Kaya gaya nga ng sabi ng kapatid ko. Di na ako bumaba. I just texted him a good night kahit na hindi good ang night ko dahil sa kaba.