アプリをダウンロード
36.84% Pagdating Ng Panahon / Chapter 21: Chapter 21: Torete

章 21: Chapter 21: Torete

Eight thirty na ng nakarating kami. Agad kaming sinalubong ng mapanuksong tingin nina Zaldy at Dennis. Saka nakipagkamayan kay Poro na halos isubsob na ang mukha nito sa mga kili-kili nila. Bahagya akong umatras sapagkat baka ako'y matumba, masagi nila. Di naman siguro mangyayari iyon pero dahil sa sobra ang pagiging agresibo nila. Natakot ako. Umatras ako ng kaunti at nilibot ang mata sa cafe.

Tumunog ang tyan ko. Oo pala! Tanga! Talagang gaga dahil nakalimutan kong kumain ng meryenda kanina. Si Papa kasi. Kung bakit kailangan pa akong interbyuhin sa kung anu-ano. May ideya na pala sya sa tinatanong nya. Kaasar naman!. Inikot ko ang sling bag na dala. Maliit lang yun saka sinilip kung dala ko ba yung wallet ko. Lucky me! Meron.

Gusto ko tuloy kumain ng mainit na Mami dahil sa naisip na lucky me. Meron kayang tinda dito?.

Hay naku Ken! Cafe nga yan diba?. Common sense naman dyan!.

Naglakad ako. Not minding kung saan patungo.

"Ken.." sa harap ng estante lang naman ako nakatayo. Nakaharap sa hile-hilerang mga tinapay at cakes. Sabay pa ng naaamoy ko ang masarap na kape.

"Nagugutom talaga ako.." di ko alam na lumabas na pala ito sa bibig ko.

Naramdaman ko na rin ang pagdating ni Poro sa tabi ko. "Okay. what do you want?." he ask while making a bit closer sa estante. Isang hakbang ang agwat namin. Magkatabi pero nasa harap ko sya.

"Anything. Basta food.."

"Oh, okay.. hahaha.." natatawa pa syang nagturo sa mga nasa harap ko. Nagsabi pang with hot chocolate pa raw. Nang nakaorder na sya. Humarap sya sakin. "Duon na tayo maghintay.." hindi ako agad gumalaw. Kulang nalang hawakan nya ako sa balikat para iikot at itulak paalis sa kinatatayuan ko. Buti nalang. Nasa normal pa rin ang isip ko. Agad gumalaw para sa tinuturo nyang upuan. Tabi ito ng entrance door ng cafe. Ang bintana nito'y nakasara kaya di ko makita ang nasa labas. It's already dark all over dahil gabi na pero gustong gusto ko ang spot ng tabing bintana. Wala lang. Gusto ko lang panoorin ang mga taong naglalakad at nilalagpasan ang kinauupuan ko. That feels making me, at peace.

Nakangalumbaba ako habang iniisip kung alin nga ba sa mga tinapay ang inorder nya. Mukhang masasarap. Makarequest nga kay Karen ng cake, o mamaya. Gagawa ako, pag-uwi.

"Is it okay with you na nandito ka?." dito lang din bumalik sa tamang ulirat ang diwa ko. Gumalaw ang kilay ko't nakita kung paano din sya mangalumbaba saka tumitig saking mata.

Sa gulat ko'y. Napaupo ako ng maayos. Inayos ang sarili kahit maayos naman na. "Of course.. sinong nagsabi na hinde?.",

"It's because, sabi mo. Gutom ka. Kung gusto mo. Alis nalang tayo dito. Maghanap tayo ng mamihan.."

Yes. Tara!. Yan ang sigaw ng isip ko pero mabilis ding kinontra ng puso ko.

Umiling ako. "No. It's okay.. dito nalang tayo.. tsaka, hanggang ten lang ako diba?. Masasayang pa oras natin kung maghahanap pa tayo ng mamihan tapos mamaya, wala tayong mahanap.."

"Wala ka bang tiwala sakin?." hayun pa rin ang paninitig nya. Nakakailang na!

"Wag mo nga akong titigan!. Di ako maganda." nguso ko pa na tinawanan nya lang. Umirap ako pero hindi sa kanya. Sa kawalan lang. "I trust you.. okay.. pinagkakatiwalaan ka nga nina Papa e. But, time is running.. tsaka. Sayang yung order mo rito kung aalis na tayo.."

"As you wish then.." mabuti umayos na sya ng upo. Ngayon. Nakahalukipkip naman.

Nakakailang talaga sya tumingin. Para akong isang aklat na paborito nyang binabasa. Hindi nagsasawa kahit paulit-ulit na sya sa isang linya.

Lastly. Dumating na ang order. At HINDI KO TALAGA INEXPECT NA HALOS MAPUNO ANG MESANG NASA GITNA NAMIN.

"Ang dami!." kulang nalang. Maglaway ako. Tinignan ko sya. "Bat ang dami mong order?."

"Nagutom din ako.." tinaasan ko sya ng kilay.

"Mahilig ka sa matatamis?."

"Minsan lang.."

"Paanong minsan?. Tuwing may date ka lang, ganun?." sya naman ang nagtaas ng kilay nya.

"Kinda.. wait.." anya saka sinagot ang tawag sa phone nya. "Yes bro?. Nasa baba kami. Dito na muna tayo."

He explains that, bababa daw yung dalawa para samahan kaming kumain rito. Habang naghihintay. Tumatakbo ang isip ko sa kung sino nang mga na kadate nya?. Maganda ba o mas maganda pa sakin?. May kirot na dumaan sa pride ko. Kingwa! Tama na nga yang overthinking Kendra!. Wala ka sa bahay nyo. Umayos ka!

"Rinig ko. Paborito mo raw ang Mami?."

"Nagsabi?. Si Papa na naman?." hula ko.

"Mga nanligaw sa'yo dati.."

Mga?. Naku naman! Nakakahiya! Wala namang kahiya-hiya sa totoo lang. Ang hindi ko lang matake ay sya na, nagsasabi ng ganun?.

"Dati lang yun. Di na ngayon." kunwaring pinal na sambit ko. Ayokong gawin nya ang bagay na tulad ng ginagawa ng iba. Kung iba ako sa tingin nya. Dapat iba rin sya.

Demanding!

Nope!. Tinataas ko lang standards ko. Masyado na kasing mababa para sa iba.

Erk! Ano ba Kendra!?. Baka langgamin ka bigla Nyan ha?.

"Kanina pa nakahanda yung mic mo dun bro.." ani Dennis na nakapamulsang maglakad. Akbay naman sya ni Zaldy.

"Later.. makakapaghintay yan.. upo na.." anyaya nito sa mga kaibigan. Hindi gumalaw ang dalawa ng huminto sa harapan namin. Nagtaka ako. Magsasalita na sana ng unahan ako ni Poro. "What?." palipat-lipat ang mata ng dalawa sa amin. Ano bang gusto nilang sabihin?. Kalaunan ay nagkamot ng ulo itong si Poro. "Tsk.." mahina nya pang singhal. Tapos tumayo sya't lumipat sa tabi ko. Umupo naman na sa harapan namin yung dalawa.

Ah! Yun ba yun?. Bat di ko nagets agad?. Tsaka. Pwede namang isa na sa kanila ang umupo. Katabi ko. Gusto mo rin ba?. Why not?. Walang malisya. Wala din malisya kay Poro. Baka nga sa akin. Wala. Sa mga kaibigan nya meron. At masyado yung halata sa mga mukha nila.

"Eksaktong. Gutom na din kami bro.. salamat sa imbitasyon.." saad pa nila na nagsisikuhan. Isa ring mga balIw!

Hindi na nagsalita si Poro. Nag-order din ulit sya ng hot chocolate para sa dalawa. I said pati na dapat sya. Ginawa nya naman iyon.

We ate silently. Parang ang katahimikang nangyari ay isang pagkakataon na di ko maintindihan. Kanina lang. Maingay silang tatlo nung magkita. Tas ngayong kaharap na ako. Di makabasag pinggan ang mga mukha.

Hinayaan ko nalang ang pananahimik nila.

"Huh!. Galingan mo, Poro.." pagkatapos kumain. Umakyat na kami sa taas. Oras na raw na umakyat si Poro sa entablado. Hinila ako nung dalawa. Pero hinila lang din ako ni Poro sa kanila. Baka raw ako madapa. Sya ang malalagot. Nagtaka ng husto ang mga kasama namin. Nagtanong kung bakit masyado daw masunurin si Poro sa parents ko.

Oo nga naman!. Bakit kaya?. Ako man. Nagtataka din.

"Mga sira ulo!. Ang dami nyong alam.." anya lang saka hinawakan ang parehong balikat ng dalawa saka inakay na.

Natahimik lang sila ng maupo kami sa pinakaunang mesa, at pinakaharap ng entablado. Kitang kita talaga si Poro. "Galingan mo bro. We support you.." pumito pa ang mg ito.

Sa kabaliwan ko din. Dahil nabusog. Pumalakpak din ako. "We support you. Fighting!." sigaw ko rin sabay taas ng kamay na dapat galingan nya.

Nakangiti lang sya samin. Pero sakin?. Iba ang tingin. Kaya di ko maiwasang kunutan sya ng noo.

"Iba ang titig sa'yo ni Attorney.." dumikit ng bahagya si Zaldy. Habang ang mga kamay ay nasa taas ng mesa. Magkasalikop yun. Tsaka nya sinabi ito.

Napalunok ako. Literal na lunok dahil aminin ko man o hinde. Iba nga talaga!.

Nagstrum sya ng gitara. Nagsimula na ring kumanta.

"Sandali na lang." Yan palang ang unang linyang binigkas nya. Alam ko na ang kantang kakantahin nya. "Maaari bang pagbigyan?." pumikit sya at nagpatuloy. "Aalis na nga. Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay?." dumilat sya't eksaktong sakin ang tingin. Lumingon ako't hinanap kung baka may iba syang tinitignan o wala. "Sana ay maabot ng langit ang 'yong mga ngiti." tuloy nya saka ko din binalik sa kanya ang paningin. Ako nga tinitignan nya! What the heck?. Bakit?. May dumi ba ako sa mukha?.

"Sana ay masilip.W ag kang mag-alala.

Di ko ipipilit sa 'yo. Kahit na lilipad. Ang isip ko'y torete sa 'yo. Ilang gabi pa nga lang.

Nang tayo'y pinagtagpo. Na parang may tumulak. Nanlalamig, nanginginig na ako.

Akala ko no'ng una. May bukas ang ganito.

Mabuti pang umiwas. Pero salamat na rin at nagtagpo. Torete, torete. Torete ako.

Torete, torete. Torete sa 'yo."

"Rinig mo yun?. Torete daw sya sa'yo.." ani Dennis na kinindatan pa ako.

"Oo nga!. Baliw pa yan sa'yo.. hahaha.." dagdag naman ni Zaldy habang patuloy pa rin sa pagkanta si Poro. Ngunit iba na ang titig sa mga kaibigan nya. Titig ng pagbabanta.

"Kingwa bro!. Galit na ang Toro.. hahaha.." ani Dennis kay Zaldy. Tinignan naman ni Zaldy si Poro. At maging ako. Di ko maiwasang tumingin sa kanya. Oo nga. Halatang galit na.

"Toro talaga?. hahaha.." hindi ako makapaniwala. Pati sila, ganun din ang bansag sa kanya?. Seriously?.

"Oo.. palayaw nya samin. Si Eugenio ang nagpalayaw yan sa kanya.. hahaha.." paliwanag ni Dennis.

"Talaga?. e, Toro din bansag ko sa kanya eh.."

"Ahahhahahahahaha..." tumawa silang dalawa. "Sabi na e.. bagay talaga kayo.. hahahaha.." ani Dennis.

Tao po kami. Hindi bagay!

Eh?


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C21
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン