Siniko ako ni Jane. "Kailan pa nanligaw si Poro sa'yo?." anya nang palabas na kami ng Library. Naiwan pa ang tatlo duon na bumubulong pa na parang mga bubuyog. Pasalamat sila. Medyo malayo ang gawi ng librarian. Pero kung hinde?. Naku! Kanina pa sila pinalabas.
"Hindi ko sya manliligaw." paliwanag ko.
"Weh?. Di nga?."
"Kung ayaw mong maniwala. Ask yourself.."
"Psh.. bat sya pa lalapitan ko.. ikaw na nga nandito.."
"E sa ayaw mong maniwala sakin e.. e di sya nalang kausapin mo.." mataman nya akong tinitigan. "What?." pagtataray ko. Nginisihan nya lang ako. Lumapit pa sya't dinunggol ako.
"Di kaya.. boyfriend mo na?." isang matinding irap ang pinakawalan ko.
"Kakanood mo ng kdrama yan.."
"Anong konek ng kdrama sa'yo ha?. Oo o hinde lang naman isasagot mo eh. O kung di mo kayang umoo.. tumango ka nalang.. mas the best pa iyon.."
"Tsk.. hindi nga.. bat ang kulit mo.." naglakad kami patungong canteen. Nagutom kami pareho. Sya na tawang tawa sa mga isinasagot ko tas ako na seryoso. Magandang combination hindi ba?.
Ngunit kahit nakapila na kami't lahat para umorder ng pagkain. Heto pa rin ang pangungulit nya. "Alam mo bang, bukambibig lagi sa Department nila yang si Poro?."
"Wala akong pake?." tinawanan nya lang ang sinabi ko.
"Matalino na nga daw. Gwapo pa. At guess what?."
What?. Hindi ko ito ibinulalas pa. Sa isip nalang dahil alam mo naman na ang pagkakaroon nya ng interes samin ngayon. Lahat gagawin nya yan para lang mapaamin ako kahit wala namang dapat aminin sa una palang.
"Talagang wala kang pake ha?. Hahaha.. well.. you can't fool me Kendra mylabs... your silence is as loud as your voice when you're having a crush on someone.. hahaha.. nuh ah!.." napapikit nalang ako sa likod ng isip ko. "And guess what?. Wala syang girlfriend ngayon.."
Pumikit ako. Kunwaring nauubusan ng pasensya sa mga walang kwentang lintanya nya. "Wala akong oras sa mga ganyang bagay ngayon Jane.."
"Hahaha.. talaga?. E bakit ang kumakalat ngayon, nililigawan ka ulit ni Troy mo ha?. What that means then?." napakislot ang noo ko. Naging isang linya na rin ang mga kilay ko.
"Walang katotohanan ang mga yun.."
"Tsk.. kung ganun, saan galing ang balitang yun?." nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng canteen. Open canteen ito kaya presko. Medyo may kamahalan nga lang ang presyo rito hindi gaya sa labas. Double o triple pa rito.
Pumila kami hanggang sa nakaorder ng pagkain. Tig-isang palabok at juice lang ang inorder namin. Wala. Ito ang pinakamura dito.
"Hindi ko alam.. basta.. hindi totoo yun okay.. tapos.."
"But, wait.." anya na mukhang may nakikitang kumikinang na paparating. "He's coming.."
"Sino?.." itatanong ko palang sana ito ng sumalubong na sa paningin ko si Troy. He's with his friends. Hawak ni Julian ang isang bola. Pinapaikot ito sa ibabaw ng kanyang hintuturo. Nakasuot din silang lahat ng University jersey. Pang basketball.
"Hi, Ken.." bati ni Troy. Tinignan ko lang sya. "Can we talk?." dagdag nya. Sabay upo sa tabi ko kahit di ko pa sya pinaunlakan.
Kapal ng mukha!
"Kung may sasabihin ka. Dito nalang. Kumakain pa ako.."
Tumigil ang paglinga nya. Para bang may hinahanap syang tao na hindi mapirmi kung hindi ito makita. "Can I count you again?." halos ibulong nya ito.
"Isn't it, we're done?." asik ko. Natahimik ang grupo ng kaibigan nya. "Tapos na tayo.. at ayokong balikan pa ang natapos na.." mahinahon kong paliwanag. Bahala na sya kung hindi nya pa maintindihan ang sinabi ko.
"Ganun nalang ba para sa'yo ang sa atin?."
"Don't get mad." I said calmly. Nangalumbaba pa nga habang nakatitig sa mata nya. "Ikaw ang tumapos sa atin hindi ba?. Not me.. kaya panindigan mo nalang yung ginawa mo Troy.. don't regret it. learn from it.."
"Pero.. Ken.. nagkamali ako.. ngayon ko lang napagtanto na, hindi ko pala kaya kung wala ka.." pagmamakaawa pa nya. Sinubukan pa nyang hawakan ang kamay ko kaya napatayo ako't pilit iniwasan ang kamay nya.
"Troy stop it. Ayaw ka na nga diba?."
"Wag kang makialam dito Jane.." pigil pa nya dito. Natulala lang si Jane. Napalitan ng galit ang nasa kanyang mata. Imbes na gutom iyon kanina.
"Ken, please. Promise..di kita lolokohin.. just give me another chance.."
"I'm sorry Troy.. what's done was done.. sorry.." nahawakan na nya ako sa braso ko kung kaya't nagpumiglas ako para makawala. Sinubukan syang pigilan ng mga kaibigan nya pero di sya nagpatinag.
Ano ba itong pinasok ko?. Sinabi ko noon na I'll try my best to work on it. To enjoy it and to experience the feeling of having a lover. Pero mali nga yata ito. Noong una. Ang buong akala ko. Magwowork ang samahan naming dalawa. But in a span of week. Yes. Halos wala pang isang linggo. Nakipag-hiwalay na sya sakin dahil hindi nya raw ako gusto at pustahan lang daw iyon. And lastly. Takot raw sya kung iiwan ko sya. How coward he is. Tapos kingwa! Bigla syang lalapit sakin ngayon. Hahawakan ako sa braso tapos ipagpipilitan ang gusto?. Aba! Sino naman sya?.
Until.
"Kendra, nasa labas ang Papa mo!.." sa entrada palang ng canteen. Natanaw ko na si Poro. Preskong naglakad. Kahit pinagtitinginan at nagbubulungan ang mga babaeng nilalagpasan nya. Wala pa rin syang pake. "May sasabihin daw sya sa'yo.." anya lang. Hindi na sya humakbang pa para lapitan ako o kami. Tumayo nalang sya't ibinulsa ang mga kamay. Sa amin ang titig. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa canteen. It's like. We're in a movie. Pero hindi naman. Basta na ring binitawan ni Troy ang kamay ko. Kay Poro na sya tumingin. Nanlilisik ang mata.
"You can go now Ken.. antayin nalang kita rito.." ani Jane sakin. Nilingon ko lang sya bago tanguan. Iniwan ko na rin ang palabok na di pa nagagalaw. Sayang! Kainis!. Di ako patay gutom! Gutom lang talaga ako!
Naglakad ako. Nilagpasan ang grupo ni Troy. "Kendra, mahal kita.." di pa man ako nakakalayo. Sinigaw na nya ito. Nagsitahimik tuloy ang mga tao. Eksakto ring huminto na ako sa harapan ni Poro.
"Bakit daw?.". tanong ko patungkol kay Papa.
Kinuha nya ang hawak kong libro saka nya ako inakay palayo sa maraming tao. "Honestly.. wala si Tito sa labas.." di ko alam kung paanong di ako nagulat pa rito. Parang natuwa pa nga ako sa ginawa nya. He saved me from that crazy asshole!.
Mariin kong kinagat ang labi sabay ng tango. "Alam ko.." kumpyansa kong sambit.
Tumaas ng bahagya ang kilay nya. "Paano mo alam?."
"On duty sya ngayon at hindi nya ugaling pumunta dito ng di nagpapaalam sa akin.."
"Ganun ba?. Hehe.." kinamot nito ang noo.
"But, thanks to your white lies.. nakatakas ako sa isang yun.."
"Ano ba kasing gusto nya sa'yo?." kinuha nya na rin pati hawak ko na bag. May inabot rin syang sandwich. "Alam kong gutom ka." paliwanag nya sa binigay. Kinuha ko naman iyon at agad na nilantakan.
"Sa totoo lang. Ex ko sya.."
"Everybody knows about that.." he stated.
Nagpatuloy lang ako. "At gusto nyang magkabalikan kami.. duh?."
"Ayaw mo na sa kanya?."
"Yup.. sinong gustong balikan ang ex diba?. If you do?. Don't me. Di ko malunok ang ganun.." di na sya nagtanong pa about the reason why I hate that person. He dumped me. He just disregarded my feelings na nagdedevelop na sana sa kanya tapos iiwan nya lang pala ako for what?. Para sa walang kwentang rason?. Gosh!. I can't even believe na basta akong nahulog sa isang tulad nya.
I can say now that. I learned something from him. Na hindi basta maniwala sa matatamis na salita. Dapat kilatisin pa. O mas maganda pa sa lahat. Makilala muna ng parents ang pagkatao nila bago ibigay ang matamis na oo sa kanila.