アプリをダウンロード
100% Overflow / Chapter 3: Kabanata Tres

章 3: Kabanata Tres

Nakadapa ang isang batang babae sa kaniyang queen size bed, gumagawa ng takdang aralin at ito ay ang gumuhit ng simpleng family picture. Napakalapad ng kanyang mga ngita ngiti habang patuloy siya sa paglagay ng linya sa parel.

Pumasok ang kaniyang magandang ina na may dalang isang basong gatas.

"Ylona, anak uminom ka muna ng gatas" iniabot nito ang baso na kaagad naman niyang ininom

"Kamusta ang pag-aaral anak?" tanong nito sa pinakamamahal na anak.

"Okay po mommy! Lagi po akong nakakakuha ng perfect scores!" masiglang ani ni Ylona

"Napakasipag naman ng baby ko!" Kinurot-kurot nito ang pisngi niya at yinakap siya.

"Mommy tignan niyo po yung drawing  ko! Perfect Family!" iminuwestra ni Ylona ang kaniyang ginuhit.

"Talented pala itong anak ko!" Lalong humigpit ang mga yakap nito at hinalik-halikan ang buhok niya.

"Sino ang talented?" may naulinigan silang tinig na nanggagaling sa labas ng kwarto. Kahit hindi nakikita ni Ylona ang nagmamay-ari ng boses na iyon, ay batid na niya kung sino ito.

"Daddy! Daddy!" at tuluyan nang nabuksan ang pintuan at  tumambad sa kanila ang kaniyang amang nakangiting naghihintay ng yakap.

Kaagad yumakap si Ylona sa kaniyang ama dahil namimiss niya ito. Isang buwan na kasi itong babad daw sa trabaho.

"Daddy, I miss you! Ang tagal mong umuwi daddy! Nagtatampo na ako!" namimiss niya talaga ito, hinahalikan kasi siya nito bago matulog, napakalambing at mahal na mahal siya nito.

"Sorry Prinsesa ko, sa ngayon pwede ba akong nakatanggap ng kiss sa pis--" hindi na siya pinatapos ni Ylona kung ano ang hinihingi niya dahil inunahan na siya nito.

"How's your school, princess?" ani ng kaniyang ama habang sinusuklay ang mahabang buhok niya.

"Okay lang po! Lagi akong perfet sa quizzes Daddy!" pagmamalaki ni Ylona pagkatapos ay bigla nal ang niyang  niyakap ang kaniyang ama ng napakahigpit.

"I miss you daddy!" humihikbi siya at ang kaniyang ama naman ay pinapatahan siya.

"Shh. Tama na princess Ylona nandito na yung Knight in Shining Armor mo!" ipinakita pa nito sa kaniya ang malulusog na braso ng kaniyang ama dahilan para tumawa siya.

"Magandang Gabi Kapatid!" masiglang bati nito na sinamahan pa ng nakakaloko nitong pagngiti

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong saad ni Helios.

"Nangangamusta lang ako sayo mahal kong kapatid." Sagot nito

"Umalis kana! Hindi ko kailangan pangungumusta mo!" pagtataboy nito sa kapatid

Ngumiti lang ang kapatid ito

"Nangungumusta lang e." ani nito na parang nasasaktan. "Well, this is the last question. Come with us or all of you will be six feet below?" naging seryoso na ito at bumalik sa pagiging malamig na tao.

"Kahit kailan 'di ako sasama sa inyo!" sigaw niya sa kaniyang kapatid, nanggagaliti na siya sa galit.

"Well" pumitik ito at lumabas sa iba't ibang sulok ang mga kasamahan ng kaniyang kapatid na may dalang AK-47 na diretsong nakatutok sa kaniya.

Bago pa man magputukan  ay gumulong na siya, sinusundan ang kaniyang galaw ng mga rumaragasang bala mabuti na lamang at nakapagtago na siya sa pader.  Muli niyang ikinasa niya ang kaniyang Pistol, ngunit ng nakita niya ay may dalawang bala nalang ito. "Bahala na" . He thought.

"Brother just surrender!" sigaw ng kapatid niya, hindi siya sumagot at nanalangin na lang siya. "Fire and kill him." mando ng kapatid niya ng lalabas na sana siya para harapin ang mga balang gutom ngunit may bumaril sa kaniyang likod.

Nanghina, napa-upo at pilit nilalabanan ang dilim.

"Ba-bakit?" tanong niya sa sarili at napatanga siya nang nakita kung sino ang bumaril sa kaniya.

"Se-Selene?" hindi siya makapaniwala! Ang babaeng nagturo sa kaniya paano magmahal ay pu-pumatay sa kaniya?

"Yes brother, come here Selene." kaagad nagtungo kay Phaenton si Selene at hinalikan pa nito si Phaenton.

"Selene, di-diba sabi mo mahal mo-mo ko?..." nanghihina man ay nagkaroon siya ng lakas tanungin ang kaniyang unang mahal. Hindi sumagot si Selene at hinalikan si Phaenton sa harap niya. Nasaktan siya sa nakita, pilit niyang pinapaniwala ang sarili na isang masamang bangungot lamamg ang lahat.

"I chose him over you, hindi mo naman ako minahal at hindi mo ako pinakasalan, why woud I choose you?" tanong sa kaniya ni Selene, gustuhin man niyang sumagot ay hindi na niya magawa. Ang dilim na umaagaw sa liwanag ay unti-unti ng lumalakas. Umaagos ang luha at tila  maraming punyal ang sumasaksak sa kaniyang lalamunan at puso.

Sa huling hininga ay kanyang inalala ang pagmamahalan nila ni Selene, ang pagsasakripisyo, si Artemis, ang pagmamahal ng kaniyang anak at ngayon ang sakit na nararamdaman.

"Paalam Kapatid." ang huling boses na narinig niya at ang nag-iisang balang rumaragasa sa kaniyang bungo, tuluyan ng kinain ng dilim ang liwanag.

"Mahusay Selene! Napakasarap ng iyong halik." sabi ni Phaenton at nalalasap pa nito ang labi niya. Pinandidilatan niya lang ito, kung hindi lang kapakanan ni Fiona ang iniisip niya ay hindi niya ito gagawin.

"Now, papatayin na natin ang asawa." nagtungo na sila Phaenton sa taas ngunit ayaw niyang makita, ang makitang patayin ang best friend niya.

"Hindi ka sasama, mahal kong Selene?" tanong sa kaniya ni Phaenton.

"Huwag mong isali ang bata, tuparin mo ang pinag-uusapan natin." 'yan lang sinabi niya at lumabas na sa bahay.

Tayo'y dumako sa silid ni Ylona

Dinig na dinig nila ang mga yapak at pagbukas ng pintuan kahit nasa kabinet lang sila.

"Artemis, alam mong ayaw na ayaw kong maglaro." may nadinig silang boses. Aam ni Artremis ito. Hindi niya gustong masali pa si Ylona.

"Baby, huwag kang lalabas dito kahit anong  mangyari ha?" tumango lang si Ylona sa kaniyang utos. Lumabas na siya sa kaniyang kabinet at hinarap si Phaenton.

"Kumusta mahal ko?" bungad sa kaniya ni Phaenton at ngumiti ito ng malademonyo.

"Kill me." utos ni Artemis, si Ylona na nanonood ay napasinghap  sa sinabi ng kaniyang ina.

"Don't rush mi amore!  But if you insist, that's much better!  You will experience the pain that I felt when you chose that bastard! I gave you everything yet, he won your heart? Be prepared because there's no mercy left for you!"

"I don't give a damn!" sabi ni Artemis sa malamig na tono.

"Okay, ibibigay ko sayo ang gusto mo."  Inilapat nito ang baril sa dibdib saka ipinutok sanhi ng kanyang pagkamatay

Nasaksihan ito ng munting bata na  kasalukuyang nagtatago. Gustuhin man niyang humagolgol ng iyak ay hindi na magawa dahil alam niyang sa oras na siya'y matunton ng taong ito ay parehas sila ng sasapitin ng kanyang ina. Bumagsak ang kanyang ina sa sahig na dilat ang mata.  Pilit niyang sinilip kung sinuman ang demonyong pumatay sa kanyang ina ngunit ang kanyang kamay lamang ang kanyang nakita. Napansin niyang ang lalaki ay may marka sa malapit sa kanyang hinlalaki. Hindi man niya alam na ito ay simbolo ng cactus ngunit tinandaan niya itong maigi.

"Mommy... Ma...Daddy...help us, please!" gusto niyang sumigaw ng tulong alam niyang walang tutulong sa kanila.

"Kunin niyo ang bata at ipadala sa Country N, Heaven Orphanage." ang huling salitang narinig niya na may tatung cactus at nabuksan ang kabinet. Kinuha siya ng mga armadong lalaki, hinawakan ang dalawang kamay. Hindi na siya pumalag dahil alam niyang wala na siyang magagawa.

Nakita niya ang nakahandusay na ina na halos maligo na sa sariling dugo.

"Mommy! My!" gusto niyang aluin, hagkan at yakapin ang kaniyang ina ngunit alam niyang mas malakas ang nakahawak sa kaniya.

Nang bumaba na sila ay nakita niya ang ama niyang nakahandusay at may baril sa ulo. Hindi niya mapigilan ang mga luha.

"Anong ginawa niyo sa Mommy ay Daddy ko?" tanong niya sa mga armadong lalaking nakahawak sa kaniya ngunit hindi man lang ito sumagot o tumingin man lang.

"Isinusumpa ko paglaki ko, ganun 'din gagawin ko sa inyo!" sigaw niya at tumawa lang ang mga lalaking nakahawak sa kaniya.

"Bakit? Bakit niyo pinatay sila? My! Dy!" sigaw niya at hindi na niya nakayanan ay napaluhod siya sa lupa. Wala na, wala na akong ama't ina. Walang wala na.

Hinawakan siya sa kamay at pilit ipinatayo at pinasakay  sa isang  itim na van.  Lumipas ang ilang oras at nakarating rin sila sa paliparan.  Gustuhin man niyang tumakas ay alam niyang hindi ito maari dahil siya'y guwardiyado ng 10 lalaki. Magbubukang liwayway na nang marating nila ang isang simbahan na may karatula  na Heaven Orphanage.  Tanging ang ingay lamang ng mga hayop ang maririnig sapagkat natutulog pa ang karamihan sa mga tao. nagdoor bell ang mga lalaking armado. May lumabas na isang madre sa pintuan.

"Magandang Gabi sa inyo, ito ba yung bata?" tanong ng madre ngunit hindi sumagot ang mga armadong lalaki bagkus ay naglabas ito ng pera. Naintindihan ito ng madre at kinuha siya sa mga armadong lalaking tumalikod na. Habang siya ay tulala pilit bumabalik ang mukha ng kaniyang ina at amang namatay at ang tatung cactus.

"Hali ka pumasok kana para makapagpahinga kana." hindi siya sumagot at tulala parin.

Umabot ang mga taon ang nagpapa-aral sa kaniya ang mga madre sa Heaven Orphanage, hindi parin siya nakikipag-usap kanino man. Pagmerong nakiki-usap ay tinitigan niya lang ito ng tumuntung siya sa edad na labing walong taon ay pinaalis na siya sa Heaven Orphanage at siya ay 1st year college na siya. Humanap siya ng trabaho at nagtake ng kung ano-anong scholar exam. Sa kabutihang palad ay natanggap siya sa isang restaurant at nakakuha rin siya ng dalawang scholar. Pero hindi sapat iyon para sa mga miscellaneous fee at mga pangangailangan niya lalo't kinukuha niya ay nursing para sa pagdodoktor niya.


next chapter
Load failed, please RETRY

次の章はもうすぐ掲載する レビューを書く

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C3
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン