Sa Ulap
By Cerene Writes
Aking tanong sa ulap kung ika'y naroroon at nakatanaw?
Ako ba'y iyong pinagmamasdan o nginingitian?
Ang ulap ay walang bibig, ngunit sa pamamagitan ng ulan, kaniyang sinagot ang aking katanungan,
Nang bumuhos ang malamig na ulan na kasing lamig ng iyong kamay nang aking huling nahawakan, ito'y nagsasabi na ako'y hindi mo iniwan kailanman...
#TatakPL
#TanggolWikaSaEskwela