アプリをダウンロード
97.77% One Night Stand - Season 1 / Chapter 44: (Just Fight!)

章 44: (Just Fight!)

Makalipas ang isang linggo. Buo na ang desesyon ni Jen na umuwu sa Isla at doon palakihin ang triplets nitong mga anak.

Samantalang binigyan naman sila ni Jen ng permiso para dalawin ang mga apo nila para hindu magkagulo.

Ang señora Rygoza ay naglaan na ng mahabang oras ng pagdalaw para sa apo niya at sa mga apo niya sa tuhod.

" oh Jen, magpapadala kami ng tulong saka sa makalawa susunod ako sayo. " tugon ni ma'am Jerimy sa asawa ng anak niyang agad na nabyuda.

" sige ho mama Jerimy saka hindi ko naman inilalayo sa inyo ang mga apo ninyo. Gusto ko lang makapag isip at palakihin sila roon. Nag iisa kasi si papa sa bahay kaya sasamahan ko. " paliwanag ni Jen sa kanila.

Pinabaunan na lamang ng payo at yakap si Jen. Kasama niyang umuwi ang papa niya. Ang tatlong cute na mga baby naman ay behave sa kuna nila. Tulog ang dalawang poging baby na hindi na nagkaiba ang mukha na parang si Carllex.

" pa, tingnan mo oh. Si Mia naman ayan dilat na dilat ang mga mata. " puna ni Jen sa cute little princess niya.

" nagpapacute at magmamana sayo. Ay, mukhang gusto niyang maglaro. " karga sa kaniya sa apo nitong babae.

" pa, gusto kong makilala kung saan kayo nagmula. Tungkol sa pamilya niyo. " ani Jen na ikinalungkot ni Mang Jeno.

" Jen, kalimutan muna iyon. Masyado nang matagal para kalkalin ang nakaraan. Sa ngayon ay maging matapang ka at mama kana ngayon. Ay, ang cute ng apo ko. Mana sa mama. " panggigil nito.

Mangingiti na lamang ang cute na baby girl na tila nang aaliw sa cute niyang ngiti. Matutunaw na lamang ang puso ni Jen sa pang aaliw ng munti niyang anghel na ayaw pang matulog.

Jen Pov's

I'm so happy kasi nasilang ko sila ng malusog.

Kung narito lang si Carllex ay masayang masaya siya dahil may babae na kaming anak.

At dalawang poging lalaki na kamukhang kamukha niya.

Ayan, kahit tulog ay nakataas pa rin ang mga kilay niya.

Matatawa na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga ito.

" hala, ang susungit ng mga ito. Mukhang nagmana sa katarayan ng papa nila. Hay, Carllex para kang ano. Mukhang challenging ang mga sumusunod na araw.

Napahiga na lamang ako sa kama. At pang VIP talaga ang kinuha sa aming ticket. Si lola kasi napaka ano niya. Ayaw daw niyang magambala ang pahihinga ng mga apo niya sa tuhod. Nag aalala siya baka daw mawala ang mga baby ko. Pinasamahan pa niya kami sa mga bodyguards niya.

Hay, akala ko magiging masaya na ang buhay ko kapag ikinasal na ako. Iyon pala ay mas lalong malungkot. Nawala na ang husband ko at kailangan kong maging matatag dahil may mga anak na kami. Wag kang mag alala Carllex at aalagaan ko silang mabuti. Na mimis na kita, sir Carllex.

Lumapit si papa sa akin at iaabot ang tubig.

" inom ka muna, anak. Wag kang magpapagutom at darating na iyong food. " sabi ni papa saka tinapik ako sa balikat.

" pa, maraming salamat ho sa lahat dahil lagi kayong andiyan sa tabi ko. " yakap ko kay papa.

" ikaw talaga manang mana ka sa mama mo. " kurot ni papa sa pisngi ko.

" I love you, papa. " lambing ko sa kaniya.

Napahinto na lamang ako ng marinig ang iyak ng mga baby ko.

" shhhh, tahan na po. Tatlo pa naman kayo. " sabi ko sa kanila. Sabay pa naman silang umiyak mukha kasing nagugutom na sila.

" mga apo, wag kayong magpakulit sa mama niyo ha. Magbehave lang kayo kasi nahihirapan ang mama niyo. " sabi ni papa na hindi naman mailigaw ang paningin sa mga baby ko na nag iiyakan.

Mukhang nagugutom na talaga sila at kailangan ko silang padedein sa sarili kong gatas. Isa kasi sa payo ni Carllex kailangan kong bigyan sila ng sarili kong gatas para malayo sa sakit. Mas nutritous kasi ang gatas ng ina kaysa sa powdered milk.

" ito na po, my baby Llex wag ka nang umiyak. " hay, ito talagang baby Llex ko napaka demanding niya. Naku Carllex, nawala ka nga pero may dalawang nagmana sayo. Ayan, ang mga kilay nila na hindi magkasundo.

" mukhang pahihirapan ka ng mga baby mo, Jen. " sabi ni papa habang inaaliw ang isang baby boy. Si baby Carll lang talaga ang nagbehave at itong baby girl ko ay panay kulit niya para isturbuhin itong demanding si Llex. Mukhang nakikita ko ang paglaki nila. I'm so happy for them.

Kung saan ka man ngayon Carllex. Sana gabayan mo ako kasi natatakot akong magkamali na baka may masamang mangyari. I'm so afraid na hindi ko sila mapalaki ng maayos.

Pagkatapos dumede ni Llex ay si Carll naman. Naghihintay naman ang baby girl ko at trip niyang humalakhak ngayon. Ayan oh, daig pa ang komedyante. Hm, may dalawang dimple. Hala, kanino kaya nagmana ito?

Napalingon na lamang ako ng mayroong kumatok sa pintuan. Nasa VIP cabin kasi kami at baka iyong order na food na iyan. Binuksan na lamang ni papa ang pintuan.

" balae, " bati nong boses na tila pamilyar. Paglingon ko ay si lola Rygoza pala. May dala siyang bagahe? Hala, sasamahan niya ba ako? Si lola talaga, hindi mo mahulaan ang takbo ng isip niya.

Umupo si lola sa tabi ko, " apo, samahan na kita sa pag uwi niyo ng papa mo. At doon muna ako hanggang sa hindi ko nahuhuli ang walang hiyang pumatay sa asawa mo. " wika ni lola sa akin sabay karga ng isa kong baby. Napangiti na lamang ako ng bahagya kay lola. Napakasaya ko kasi makakasama ko si lola sa pag aalaga sa mga anak ko. Ma, kung saan ka man ngayon ay sana nakikita mo. Masaya ako ma kahit na kinuha nila sa akin ang asawa ko. Magiging matatag ako mama at lalaban ako.

Sir Carllex, hintayin mo ako diyan. Alam kong magkikita tayo. Magsasama din tayo. Alam kong nakikita mo ako ngayon. Mahal na mahal kita sir Carllex. At babaunin ko ang bawat pangungulit mo sa akin. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang lalaking mag mamay ari ng puso. Alam kong pangit ako pero pinakita mo sa akin na hindi basehan ang mukha para sa depenesyon ng kagandahan.

Napalingon na lamang ako kay papa habang inaaliw ang baby girl ko.

" Señora, kamusta ka naman? " usisa ni papa ng ganun na ikinangiti ni lola sa kaniya. Basta may gustong malaman si papa.

" señorito Jennovanni, hindi ka pa rin nagbabago. Oo nga pala, pinakain ko na sa mga buwaya ang nagsunog sa hacienda niyo. " tugon ni lola sa kaniya na ikinagulat namin ni papa. Napatingin kami kay lola na tila maling akala na naman.

Sa kwento ni papa ay si lola ang nagpasunog sa hacienda nila pero ano iyong...? Nakakapagtaka si lola. " just forget it kasi matagal na iyon. Ang mahalaga ay maging maayos ang pagpapalaki sa mga apo ko sa tuhod. Alam mo Jen, hangang hanga ako sayo. You're just not mother dahil may mabuti kang puso. I'm sure Mr. De la Vega is very very proud of you. " sabi ni lola sa akin.

" thank you po lola saka I'm so happy kasi makakasama ko na kayo. " yakap ko sa kaniya. Kasabay ng hagikhik ng mga munti kong anghel na tila nakiki ayon sa amin. Ang mga ngiti nilang nakakatanggal ng pagod. Mas lalo na ang baby girl ko.

" kain kana Jen at kailangan mo ng maraming nutrisyon para sa mga baby mo. " sabi ni papa sa akin. Ito na kakain na nga para maging malusog itong mga makukulit kong baby.

Hay, fight lang Jen at malalampasan mo yan. Go lang go at wag kang susuko dahil may mga anak sayong naiwan. Just stand and fight gaya noong una kayong nagkakilala. I miss you Carllex and I'll love you.


next chapter
Load failed, please RETRY

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C44
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン