アプリをダウンロード
5.3% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 39: Traps

章 39: Traps

編集者: LiberReverieGroup

"Masama 'to!"

"Sabay-sabay sumunod anim na aardwolf!"

Nabigla ang mga grupong nagtatago sa kagubatan.

Ang plano'y dapat isa-isa lang ang pasusunurin nilang mutated aardwolf saka nila ito papatayin.

Humirap lalo ang sitwasyon dahil sabay-sabay na parating ang anim na mutated aardwolf.

Pero hindi natinag ang parehong garrison ng Wite River Valley at Bramble dahil alam nilang kasama nila ang mala-halimaw sa lakas na si Masked Twon Blades.

Patuloy lang na binaybay ng sika deer ang kagubatan tulad ng napagplanuhan.

Naghanda na ang lahat.

Nakatayo lang si Marvin sa sanga ng isang malaking puno at tutok ang atensyon sa operasyon.

Talagang hindi pinapansin ng mga mutated aardwolf ang ano mang sabihin ng mga ordinaryong gnoll.

Tangin sa gnoll Sorcerer lang sila nakikinig at sumusunod.

Pero kahit na ganoon, hindi pa rin mababago nito ang likas na pag-iisip ng mga aardwolf.

Eto lang ang ikinaganda ng sitwasyon nila ngayon.

Mabilig ang takbo ng sika deer. Kaya niyang iwanan ang mga aardwolf kung gagamit lang ito ng lakas. Pero para sa plano, kailangan niyang bagalan ng kaunti.

Sa katunayan, napakalalakas ng mga mutate aardwolf. Pero tila may kulang sila sa ipinapakitang lakas ng mga ito. Marahil, 'yon ang kapalit ng pagpapa-amo sa kanila.

Di nagtagal nakarating na ang sika deer sa itinakdang lugar.

Halos kasunod lang nito ang anim na aardwolf.

"Anim na aardwolf, kulang ang mga patibong.."

Tiningngan ni Marvin si Gr una nagtatago sa likod ng isang malaking puno. Bahagyang tumango si Gru.

Nagkaintindihan kaagad ang dalawang lalaki. Ibang klase kapag dalawang magaling na adventurer ang nagtutulungan. Madalas, sapat na ang isang tingin para magkaintindihan ang mga'to.

Tig-isa.

Hindi man kasing lakas ng burst power ni Marvin ang kay Gru pero sapat na ito para mapigilan ang isang mutated aardwolf.

Ang garrison at ang iba pang mga Bramble na ang bahala sa apat pang natira. Naipaliwanag n ani Marvin ang gagawin nila. Magiging maayos ang lahat basta masunod ang kanilang plano.

Tumalon si Marvin at agad na sinugod ang isang mutated aardwolf. Bigla nitong sinipa ang aardwolf at nagpaikot-ikot sa likod nito.

Para siyang nag-aakrobatiks para lang hindi mitumba sa likod ng aardwolf.

Sa kabilang banda, ginamit ni Gru ang malaki at mabigat na espada ito para puntiryahin ang ulo ng aardwolf.

"Clang!"

Agad namang nasalag ito ng matatalim na kuko ng aardwolf.

Nagtutunggalian ng lakas ang dalawa.

Para namang nagpapasikat si Marvin sa galing nitong kumilos.

Marami ng napagdaanan at naranasan si Marvin kaya madali na lang para sa kanya ang pagpatay sa isang mutated aardwolf.

Sapat na ang 20 na dexterity para malaman niyang kung kailan aatake ang aardwolf.

Lumukso ito paharap at biglang may binunot na manipis na silver wire gamit ang kanang kamay.

Isa 'tong [Tough Silver Wire], isang sandatang binili nita sa ranger guild at isang hindi pangkaraniwang sandatang pangpatay.

Kahit na hindi ito isang uncommon item, tinuturing pa rin itong isang malakas na sandata.

Nagwala ang mutated aardwolf para lang maalis nito si Marvin sa kanyang likod.

Pero matindi ang kapit ng mga paa ni Marvin sa likuran ng aardwolf. Sinamantala nito ang pang ungol ng aardwolf para tumayo at ipulupot ang wire na hawak niya sa leeg nito.

"Shua!"

Humigpit lalo ang pagkapulupot ng manipis na silver wire sa leeg ng aardwolf. Pilit itong umaaluong pero naiipit ng wire ang lalamunan nito.

Tumalon ng napakataas si Marvin para itali ang magkabilang dulo ng silver wire sa isang matigas na sanga.

Tumayo lang siya at pinanuod ang aardwolf habang namimilipit ito dahil sa sakit.

Lalong bumabaon ang silver wire sa leeg nito habang lalo itong nagpupumiglas.

Di nagtagal kumakalat na ang dugo sa mga balahibo nito pero hindi pa rin ito tumigil sa pagpupumiglas.

Hindi marunong mag-isip ang hayop na 'to!

Kung nag-iisip ito, malalaman niyang mas makakabuti kung hindi ito gagalaw.

Pero sadyang walang talinong taglay ang hayop na 'to. Sinubukan nitong tumakbo papalayo. Papalayo kay Marvin.

Sa kasamaang palad…

Tuluyan 'tong nasakal at namatay.

[Target has died… 98 battle exp received!]

Wala namang kapakipakinaban ng mga gamit ang mga mutated aardwolf kaya hindi na nag-abalang tingnan 'to ni Marvin. Tiningnan niya si Gru at nakitang ginamitan na nito ng lakas ang mutated aardwolf para matalo.

'Hindi talaga pwedeng maliitin ang lakas ng taong 'to. Ganoon pala talaga siya kalakas. O pwede ring hindi pa 'yon ang buong lakas nito.'

Tinago na niya agad ang silver wire at agad na pumunta sa susunod na lugar na kanilang napag-usapan.

Ang hindi niya alam, mas namangha si Grus a kanya nang makita nitong walang kahirap-hirap niyang pinatay ang mutated aardwolf!

Kahit saan ay makakabili ka ng Tough Silver Wire pero kakaunti lang ang may kakayahang gamitin ito.

Sa panaginip lang posibleng magamit ito para pumatay.

Isa pa, paano niya natyempuhan ang isang nakakatakot na hayop gaya nito!?

Pero si Marvin, nagawa 'to.

'Umabot na sa limit threshold ang dexterity ng lalaking 'to? Kakaiba ang kilos niya, maabot mol ang ang ganoong kilos sa pamamagitan ng ilang taong pagsasanay.'

'Sino ba talaga ang taong 'to? Bigla na lang siyang sumulpot sa katimugan. Isa kaya siyang ranger na mula sa north?

Gulong-gulo ang isip ng kapitan ng mga Bramble, pero hindi pa rin tumigil ang mga kamay nito.

WAH!

Pagkatapos nito mag-ipon ng lakas, sumigaw ito ng napakalakas at nagpakawala ng isang makapangyarihang [Bloodthirsty Cleave] sa ulo ng mutated aardwolf.

"Wu…"

Nahati sa dalawa ang ulo ng aardwolf!

Nagkalat sa paligid ang mga piraso ng utak nito.

Pangit din ang kinahantungan ng apat na aardwolf na sumusunod sa sika deer.

Pumunta sa itinakdang lugar and sika deer at binagalan ang pagtakbo. Dahan-dahan nitong tinawid ang kanyang dinaraanan.

Kahit na nagpalit-anyo ito at naging sika deer, di hamak na mas magaan pa rin ito kumpara sa mga aardwolf!

Dahil dito, nahulog sa patibong na hinukay ng grupo ang apat na aardwolf.

Isa itong malaking butas na tinakpan ng marurupok na kahoy at, nilagyan ng kaunting mga damo at dahon.

Hindi gaanong malalim ang butas. Nagpupumilit makalabas ang mga aardwolf.

Pero walang magawa ang mga 'to.

Nababalot ng pine resin at rapeseed oil ang butas!

Ipinaubaya ni Marvin kay Anna lahat ng paghahanda at binili talaga ni Anna ang dalawang 'yon.

Ang low rank na pine resin at rapeseed oil lang ang naging katapat ng mga mutated aardwolf!

Nagtulakan ang mga ito, at paulit-ulit na nadudulas habang sinusubukang maka-ahon mula sa butas.

"Sunugin niyo na sila!"

Isang sulo ang ibinato ng miyembro ng garrison.

"Woosh!"

Agad na kumalat ang apoy sa buong butas.

Walang tigil ang pag-alulong ng mga mutated aardwolf.

'Takot sila sa apoy! Ito ang kahinaan ng mga mutated aardwolf' Kuntentong pinanuod ni Marvin habang nilalamon ng apoy ang mga aardwolf.

Napansin niyang nababalit na ng sebo ang balahibo ng mga mutated aardwolf, samahan pa ng naglalagablab na pine resin.

"Tssk." Nakakamangha ring panuorin ang kaganapang 'to.

Maririnig sa kagubatan ang kaawa-awang alulong ng mga aardwolf.

Hindi pa rin nagpaka-kampante ang mga gwardya ng garrison na hawak pa rin ang mga sandata nila. Habang nagsama-sama naman ang mga Bramble kasama ang kapitan nilang kakatapos lang patayin ang isa aardwolf na kalaban nito.

Masaya ang lahat sa kinalabasan ng kanilang unang laban.

Walang namatay sa kanila. At para sa isang adventurer, ito ang pinakamahalaga.

Kaya naman makikita ang paggalang at pasasalamat nila kay Anna, sa kanilang mga mata.

Dahil si Anna ang bumuo ng planong 'to.

Ang hindi lang nila alam, si Marvin ang tunay na may pakana ng lahat ng ito.

"Nadispatya naman na siguro ng mga Lynx ang mga gnoll hindi ba?"

Nagbalik na sa dating anyo ang babaeng naging sika deer. Wala siyang ibang suot kundi ang isang balabal.

Nakakayamot ang pagpapalit anyo, dahil nasisira ang damit ng gumagawa sa tuwing magpapalit ito.

"Sus! Siyam na tao para sa apat na gnool… kung hindi nila kaya 'yon, di na natin kailangan ang tulong nla," sabi ng isang miyembro.

Mahinahon na ang lahat.

Tangin si Marvin lang ang nanatiling alisto.

Dahil alam niyang marami pang maaring mangyari.

"Roar!" Kasabay ng pag-alulong ay may malaking bagay ang tumalon palabas sa butas!

Nagulat ang lahat!

Inapakan ng mutated aardwolf na 'to ang kanyang mga kasama para lang makalabas sa butas.

Higit pa sa inaasahang jumping ability nito ang taas ng tinalon nito. Dahil na rin ito sa tindi ng sitwasyon.

Sinugod nito ang mga tao habang nagliliyab pa.

Nabigla si Gru. Walang ano-ano'y hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang espada.

Ngunit mayroong mas mabilis kanya!

Hawak ang kanyang twin daggers, sumugod si Marvin. Sa isang iglap nasa harap na siya ng nagliliyab na aardwolf.


next chapter
Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C39
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン