アプリをダウンロード
45.57% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 335: Nightmare Crystal

章 335: Nightmare Crystal

編集者: LiberReverieGroup

Isang madilim na pasilyo ang bumungad kay Marvin pagliko niya.

Pero agad siyang tumakbo nang mabilis!

Napakatahimik ng kanyang kilos, at mabilis niyang naabot ang sukdulan ng kanyang bilis!

Saglit na nabigla si Gwyn, pero hindi na ito gaanong nag-isip at sinundan agad si Marvin.

"Anong ginagawa mo?" mahinang sabi nito.

At sa katunayan, kung hindi lang kampante si Gwyn sa kakayahan ni Marvin, dahil sa mga naipamalas nito, hindi niya ito susundan basta-basta si Marvin nang ganito.

Lalo pa at ang nasa Saruha sila at nakita naman nila kung gaano kadali namatay ng mga scout kanina.

Kung ang unang bugso ng panganib ay ang pagtambang sa kanila ng Tentacle Horror, ibig-sabihin ay mayroon mas malalakas na halimaw sa loob.

Ayaw na itong isipin ni Gwyn. Kaya lang naman siya sumama dito ay dahil hindi na niya nasundan ang pinaroroonan ng Holy Blood at dahil doon wala na siyang gagawin. NAbalitaan rin niya na ang Saruha ay mayroong makapangyarihang halamang gamot na makakapawi ng Bloodthirst. Tila makakatulong daw ito sa tranpormasyon ng Vampire mula sa Dark Side.

Pero hindi siya nagpunta dito para magpakamatay.

Mabilis ang pagtakbo ni Marvin. Kahit pa tahimiksiyang gumalaw, paano kung may matabig siyang patibong?

Bahagyang nag-alinlangan ang Vampire.

Pero hindi siya pinansin ni Marvin.

Ginamit niya ang kanyang Godly Speed para magpatuloy na tumakbo nang napakabilis sa madilim na pasilyo!

Nagngalit ang ngipin ni Gwyn at nagdesisyon na lang itong sundan si Marvin.

Hindi kasing taas ng kay Marvin ang kanyang Dexteriry, pero dahil sa ilang natural na Vampire skill, nagawa pa rin niyang makasabay kahit papaano.

Pero nakakapagod ito!

Paglipas ng dalawang minuto, biglang tumigil si Marvin. Nagulat ang Vampire at agad rin itong tumigil.

"Ano bang ginagawa mo?" Bahagyang nagalit si Gwyn.

Tinitigan siya ni Marvin. "Nililigtas ang buhay mo."

Natigilan si Gwyn.

"Taanggalin mo ang balabal mo, akala mo ba maayos ang pagtatago mo? Sa katunayan, bistado ka na." May paghamak na sabi ni Marvin.

"Isa pa, wala bang nagsasabi sayo na ang glat na reaksyon mo ay parang pambabae?"

Pagkatapos nito, hindi na niya pinansin ang tulirong Vampire at humarap sa tatlong pintong bato sa kanyang harapan!

….

Ang likod na daanan ng Saruha ay patungo sa [Crystal Hall].

Walang kahit anong panganib sa Crystal Hall, kapag madilim. Para makabawas sa oras mabilis na tinakbo ito ni Marvin.

Pero kung may liwanag, mahihirapan ang mga adventurer na tawirin ito.

Simple lang ang dahilan. Mayroong [Nightmare Crystal] sa lugar na ito. Kapag tinatamaan ito ng ilaw, ipakikita nito ang pinaka-inaasam ng sino mang makakita nito.

Sa madaling salita, isang mahirap na pagsubok ang Nightmare Crystal. Ang mga adventurer na hindi makakapasa sa willpower test nito ay habang-buhay nang makukulong sa Nightmare Crystal.

Para kay Marvin, ang relasyon niya sa mga Wolf Spider mercenary ay para lang makakuha siya ng benepisyo. Hindi niya obligasyon na ipaalala sa mga gahaman na adventurer na ito, na takot mamatay, ang tungkol sa Nightmare Crystal. Dahil sa pagtakbo niya sa dilim, nilaktawan ni Marvin ang pagsubok na ito.

Sa katunayan, nang lumitaw si Pale Hand, nawalan na ng interes si Marvin na libutin ang Saruha kasama ang Wolf Spider.

Masama ang kutob niya sa taong ito na isang taon walang kasiguruhang, kaya mas mabuti nang malayo sila dito.

Mas gugustuhin pa ni Marvin na mag-isang pasukin ang Saruha kesa magkaroon ng kasama na tila bomba na maaaring sumabog ano mang oras.

Hindi naman alam ng Vampire kung ano ang iniisip ni Marvin.

"Anong ibig mong sabihin? Anong nililigtas mo ang buhay ko?" Naguguluhang tanong ni Gwyn.

Nakatingin pa rin si Marvin sa tatlong pinto. At para naman sa tanong ni Gwyn, napa-iling na lang siya sa kanyang isipan.

Kaya naman pala hindi niya pa naririnig dati ang pangalan nito. Kung hindi dahil sa kanyan, patay n asana ngayon si Gwyn!

Dahil nararamdaman niya ang masamang intensyon ni Pale Hand kay Gwyn.

Siguradong nagpunta ito dito para patayin si Gwyn!

Madali lang para sa isang Legend Advanced Assassin class na patayin ang isang Marquis ng Bright Side, at kung gagawin niya ito sa selyadong Saruha, siguradong hindi kakalat ang tungkol dito.

Hindi naman nagpaligoy-ligoy at ipinaliwanag ni Marvin ang kanyang hinuha. "Kahit na mahusay niyang naitatago ang kanyang Bloodthirst, hindi niya maitatago sa akin kung sino talaga siya."

"Kung hindi ako nagkakamali, si Pale Hand Sky ay isang miyembro ng Dark Side na ipinadala dito para patayin ka!"

"Naghihntay lang ito ng malawak na lugar at isang magulong laban, At sigurado akong sa oras na iyon, saka ka niya susubukang patayin. Dahil matalino ka at nagdesisyon ka na sumunod sa akin, masasabi kong sinwerte ka."

"Sa ngayon, hindi ka pa niya hinahabol. Sa tingin ko, siya ang tipo na mahilig paglaruan ang kanyang pagkain. Wag kang mahihiyang huminga."

Habang nagpapaliwanag siya, malumanay niyang hinawakana ang mga nakasulat sa tatlong pinto.

Kahit na hindi gaanong binigyang diin ni Marvin ang kanyang mga sinabi, nakaramdam pa rin ng takot ang Vampire na si Gwyn!

Isang Pale Hand na pinadala ng Dark Side para patayin siya!

Kahit na laging mahinahon si Gwyn, hindi maiwasang makita ang kaba sa kanyang mukha.

"Teka… imposible."

"May mga batas kami. Hindi maaaring umatake nang walang dahilan ang mga Vampire Duke."

Nag-aalinlangan si Gwyn. Ang isang Legend Vampire ay tinuturing na isang Duke.

Humarap si Marvin at seryosong sinabi, "Paano kung naghanda na ang Dark Side para sa isang malawakang digmaan laban sa Bright Side?"

Natigilan si Gwyn.

Pero biglang masayang sinabi ni Marvin, "Ito, ang pintong 'to!"

"Swerte ka, hahaba pa ang buhay mo."

Agad siyang lumapit sa ikatlong pinto at malumanay na pinindot ang isang pindutan.

"Tut! Tut! Tut! Tut!"

Isang tunog ang maririnig habang dahan-dahang tumataas ang pinto, makikita ang liwanag mula sa loob.

Hindi na naghintay si Marvin at agad na pumasok sa oob. Nagngalit ang ngipin ni Gwyn at tinanggal ang kanyang balabal at itinapon ito papunta sa isa pang pinto.

Kahit na hindi siya kkumbinsido sa mga sinabi ni Marvin, naramdaman din niyang mapanganib ang Pale Hand na iyon.

Pumasok ang dalawa sa pinto, saka sinipa ni Marvin ang pindutan sa gilid.

Nabasag ito at nasira, at pagkatapos isang pagsabog ang maririnig at bumagsak sa lupa ang daan papasok!

Umalingawngaw sa lagusan ang ingay na iyon at nagulat ang lahat.

"Anong nangyari?"

"Anong nagyari kay Mister Kerry at Mister Gwyn?"

Umalis na sila sa lagusan at nakarating sa Crystal Hall.

Tumingin sa malayo si Pale Hand bago biglang nawala.

Samantala, nabigla ang lahat nang may isang malaking kristal ang lumitaw sa kanilang harapan.

Makikita ang kasakiman sa mukha ng ma adventurer!

Purong kristal ito. At kahit na hati-hatiin nila ito, mamahalin pa rin ito!

Marami sa mga ito ang tahimik na pinalibutan ito.

Pero biglang nagsimulang lumabas ang mga ilusyon mula sa kristal.

Nagsimula silang mawala sa kanilang mga sarili.

Sa likod ng pintong bato, tinitingnan ni Marvin ang tatlong baul ng kayamanan na nasa kanyang harap at masayang iniisip, 'Tama ang pagkaka-alala ko. May kayamanan sa liko ng pintong may marka ng Sun God.'

'At ang ibang pinto ay siguradong puro patibon!'

Hindi siya nagpapigil at agad na nilapitan ang unang baul, naglabas siya ng Lockpick scroll at pinunit ito.

Dahil dito bumukas naman ang baul.


next chapter
Load failed, please RETRY

ギフト

ギフト -- 贈り物 が届きました

    週次パワーステータス

    Rank -- 推薦 ランキング
    Stone -- 推薦 チケット

    バッチアンロック

    目次

    表示オプション

    バックグラウンド

    フォント

    大きさ

    章のコメント

    レビューを書く 読み取りステータス: C335
    投稿に失敗します。もう一度やり直してください
    • 翻訳品質
    • アップデートの安定性
    • ストーリー展開
    • キャラクターデザイン
    • 世界の背景

    合計スコア 0.0

    レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
    パワーストーンで投票する
    Rank NO.-- パワーランキング
    Stone -- 推薦チケット
    不適切なコンテンツを報告する
    error ヒント

    不正使用を報告

    段落のコメント

    ログイン