アプリをダウンロード
20% Naked Scar (Tag-Lish) / Chapter 14: History

章 14: History

BUONG pananabik na tinakbo ni Jyra ang mahabang pasilyo para hanapin si Malik. Binigyan kasi siya ni Alice ng sobrerong itim. Nagustuhan niya iyon dahil bumagay sa suot niyang puting sweatshirt, slacks na itim at boots. Ngayon ang pinakaaabangan niyang araw dahil uuwi si Malik galing ng Manila. Kaya excited siyang ipakita rito ang suot niya para sa pangangabayo.

Hinihingal siyang huminto sa bulwagan ng mansion para ayusin ang nagulong buhok at ang ipinagmamalaking sombrero.

Narinig niya na ang paghinto ng sasakyan. Buong pananabik siyang sumilip sa nakabukas na pinto, sinisilip kung nasaan si Malik.

Bumukas ang likurang pinto at bumaba roon ang seryosong si Malik. He was in his gray t-shirt and stripe denim pants that lazily hangs on his waist. Not seeing him for a month was like a decade of suffering for her. Her eyes twinkle in excitement and were about to run to him but she stopped right away because of a call.

"Malik!" A woman shouted from nowhere when Malik ignored the first call.

Sa kaparehas na pinto ay bumaba ang babaeng tumawag kay Malik. Ang kulay mais nitong buhok ay umalon dahil sa pagmamadaling maabutan ang tinatawag. She immediately curled her hands in his arms smiling like a winner on a lottery when they passed through her.

Halatang hindi siya nakita ng binata dahil dire-diretso lang ito sa pag-akyat ng hagdan. He looks usual dangerous on his dark expression but now was mix with exhaustion. Her excitements fade away. She even bit her lower lip to control her tears to fall. She's expecting him to be surprised, but she's the one who got surprised.

Kaya pala ito nawala ay dahil pinuntahan nito ang kanyang girlfriend. Marahil miss niya na ito kaya talagang dinala niya rito.

Gumawi ang atensyon niya sa babae. She looks sophisticated even if she was just wearing a casual spaghetti sando and fitted jeans. Looks sexy cowgirl more than her. Her expose big boobs and curvaceous body makes her more attractive. Lahat nga ng kasambahay na lalaki ay dito nakatingin noong sila'y paakyat ng hagdan. Wala itong kolorete sa mukha bukod sa pulang kulay sa labi, pero ang ganda-ganda na. Walang duda. Siya ang tipo ni Malik.

Papihit na siya sa pag-alis ng tawagin siya ni Malik.

"Hermosa is that you?"

"Siya ba ang sinasabi ni Tita Alice?" The woman asked.

Nahihiya siyang tumingin sa itaas. Doon niya lang itinoon ang atensyon sa suot na boots dahil pakiwari niya ang pangit niya. Huminga siya ng malalim at nagpasyang dumiretso sa kamalig para kuhanin si Patillon. Halos takbuhin niya iyon sa sobrang hiya. Malapit na siya sa kubong pinaglalagyan nito ng may humila sa braso niya.

Kumalabog ang dibdib niya sa sobrang bilis ng pangyayari. Nanatili siyang nakayuko at hindi makatingin dito.

He slightly crouched to lift her hat. And there she saw the concern and worried eyes boring on her whereabouts soul.

"Hey? I'm calling you." His soft voice tickling her heart.

Hindi niya na napigilang sunggaban ito ng yakap habang humihikbi. A month of waiting for him was a hell of loneliness and darkness. Every day she wishes the time run fast but hell... wishes are for fairy tales. Tiniis niya iyon at tinuon ang pansin kay Patillon. Ang kabayong ibinigay din ni Alice sa kanya.

"Hush. I'm sorry to have y kept you waiting." He whispered in her ears.

That fed her hungry emotion to flow more. Humigpit ang yakap niya rito at lalong isinubsob sa dibdib ni Malik ang sarili. His familiar scent freshens her nose. His warmth body was really comforting. This is more than enough. The price of waiting. Nang kumalma ay hinarap niya ito.

He wiped her tears while staring at her. "Did you missed me?"

Tumango siya habang sumisinghot. She even removed her uncontrollable tears using her arms.

"I missed you too." He pinched her chin.

The horse neighed the reason why Malik's eyes drifted to the barn house. He even scanned her outfit.

Pumikit siya sa sobrang hiya. Pinaghandaan niya pa naman ang araw na ito. At dahil sa pagtakbo at pag-iyak ay pakiwari niya nabalewala ang lahat. Ang pangit niya na nga, namukha pa siyang madungis.

Nang idilat niya ang mga mata, umuwang ang kanyang mga labi nang makitang titig na titig sa kanya si Malik. It was like he's memorizing each detail on her face. Napansin niya ang hawak nitong maliit na kahon. Para saan iyon? Anong laman ng kahon?

"I brought you a gift," he seriously said. Binuksan nito ang kahon at agad kinuha ang lamang sing-sing. It was a white gold with a four heart design. Each hearts consist of diamonds or gemstone she's not familiar with, but the color caught her attention.

She felt butterfly on her stomach when he reached for her ring finger to insert it. Sakto iyon na para bang sinukat talaga sa kamay niya.

"Do you like it?" He asked curiously, his eyes look impatient at her response.

She became speechless and doesn't know what to say. She just looked at the ring with surprise in her eyes. "Gusto ko siya." Bulong niya bago tumingin dito. "Sobra."

"Great! Do you want us to go around?" A playful smile drew on his face.

She joyously nodded her head, curving her lips into a genuine smile.

Patillon was a huge white horse. She looks tiny little girl riding on it during her practice but now being with Malik, they look fit. Namasyal sila sa likurang bahagi ng mansion. It took them two hours to enjoy the vegetable field. They even saw the ranch of goats, cows, and pigs. Malawak ang nasasakupang lupain ng pamilyang Hetch, kung hindi lang sa babala ng panahon ay dapat pupuntahan din nila ang kilalang puting puno na matatagpuan sa dulo ng kakahuyan.

"Pupuntahan natin 'yon sa susunod."

Iyon ang ipinangako sa kanya ni Malik nang sila'y pabalik. Habang binabalik si Patillon sa kamalig ay narinig niya na ang boses noong babaeng tinatawag si Malik. Buong pagtataka niyang pinanood ang kalmadong kasama.

At some point, she's curious to the woman. "Sino siya?" she asked bravely.

Sinulyapan siya ni Malik mula sa pagpapakain ng damo sa kabayo niya. "Who?"

"There you are." Ang babae may kulay mais na buhok. Nilagpasan lang siya nito at agad lumapit kay Malik. The woman even glanced at her, "Uno, called. They want the sample. Hindi ko maibigay dahil gusto kong malaman ang opinion mo. What is your name little girl?"

Nanatili siyang tahimik at nakatingin sa bukas na butones ng suot ng babae. "Jy—"

"Hermosa, go inside. Susunod ako." Putol sa kanya ni Malik kaya agad siyang sumulyap sa babaeng nakatingin lang sa kanya. Tumango siya at bago makalabas ay narinig niya ang boses ni Malik, "Bitawan mo ako, Cielo."

Nagtago siya sa gilid para pakinggang ang ilang pag-uusap ng mga ito.

"Why do we have to come here?"

"It's none of your business, Cielo."

"Oh, really. Everything about you was my business now since we're engaged just so you know."

Bumaba ang tingin niya sa kanyang boots nang makaramdam ng kaba sa dibdib. Engaged?

Paulit-ulit ang salitang iyon na bumabalahaw sa utak niya. Ano ba ang ibig sabihin ng engaged?

Kahit noong sila'y kumakain sa hapag kainan, ilang beses niyang tinatapunan ng tingin ang eleganteng babae. She's so sophisticated even in the middle of the dinner. Kung paano nito damputin ang baso, pagnguya ng marahan at pagpunas ng labi. Everything about her was perfect, that's why Malik let her in to his life.

Isang linggo ang nakalipas. Umalis si Cielo para magpunta sa munisipyo. Sinundo ito gamit ng mamahaling sasakyan sa pamumuno ng Mayor at Vice Mayor ng lalawigan. Tunay na napaka-espesyal niya talaga babae para itrato ng ganoon.

Tulala siya sa papalayong magarbong sasakyan hanggang sa mapansin si Malik na hinihila si Patillon.

"Why you're there? Come with me. Let's go to the Valley."

Masigla siyang lumapit dito. She's like that until they reach the feet of the valley. The weather was very great. Ilang araw na nag-uulan kaya naman ang mga nadiligang halaman ay ubod ng yayabong. Nagdiriwang dahil nanatili silang buhay matapos ng unos. The flowers bloom beautifully. All the trees where proudly tall and green. The fields were carpeted by green grass. Hindi niya maiwasang mamangha mula sa marahang pagtakbo ni Patillon.

"Ayon. Ayon ang puting puno." Turo niya sa 'di kalayuan.

Malik chuckled because of the amusement in her excited voice. "Do you want to fly?" He whispered in her ears.

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi dahil sa kiliting dulot noon. "Kaya mo?" she dares.

Gumapang ang braso ni Malik sa gawing tiyan niya para hilain siya palapit dito. Mula sa kanyang tainga ay ramdam niya ang mainit nitong hininga. "Hold on tight!" Babala nito kaya't agad siyang nangapa kung saan hahawak.

Tinawanan siya ni Malik, hindi inaalis ang kamay sa tiyan niya. Kinabig nito si Patillon senyales na bibilisan na ang takbo. She hold and gripped tight on his arms. Kulang nalang ay lumagpas sa langit ang kalabog ng puso niya sa sobrang kaba dahil sa bilis nila. But fear doesn't showed on her face, instead she's boost with happiness. "Woah!" She screams.

Bumitaw siya sa braso ni Malik at idinipa ang parehas na kamay sa ere. "Lipad, Patillon! Lipad!" She shouted while Malik was just laughing at her. Their bouncing bodies were thumping to each other as the horse run faster.

As soon as they reached the peak, Malik pulled the leash to stop the horse. Patillon was struggling with his speed, kaya umangat ang unahang bahagi nito sa malakas na pagkabig ni Malik. The horse was breathing harshly the same with her and Malik. They were gasping as they stood there, adoring the beautiful scenery of the Village.

Tinulungan siyang makababa ni Malik. Dumiretso agad siya sa puno para mas matanaw ang nasa ibaba. "Napakaganda," Aniya habang lumilinga.

"Yes, indeed."

Wala sa sarili niyang nilingon si Malik. Natigilan siya ng makitang sa kanya ito nakatingin. The blaze of fire on his eyes we're boldly visible. She can't understand why? Why was he looking at her like that?

They stayed there for another minutes with silent and full of question on her head. Magdadalawang taon na siya sa puder nila. At sa tagal na iyon ay alam niya na ang lebel niya kay Malik. She's a sister for him. But, when he gave the ring on her, gusto niyang itanong kung para saan iyon. Iyon na sana ang tamang oras kung hindi lang tumawag si Cielo. May kung ano sa babae ang nagpapasunod kay Malik. Naguguluhan siya at gusto niyang malaman kung anong ugnayan ng dalawa. At kung para saan ang sing-sing na ibinigay nito?

Malik's menacing aura comes back. Tahimik silang bumalik. Hindi na niya nagawang magtanong dito dahil pagkarating nila'y sumama agad ito kay Uno. She decided to stay on the barn for a couple of minutes. Nang mapansing busog na ang kabayo saka siya nagpasyang pumasok para maglinis ng katawan.

"Hermosa."

Natigil siya sa pagpasok sa kanyang kuwarto ng tawagin siya ni Cielo. Lumapit ito sa kanya ng hindi ngumingiti. Dalawang linggo na ang lumipas kaya maging ito'y iyon na rin ang tawag sa kanya. They we're not talking unless she will asked something from her.

"Why are you still here?"

"Po?" Naguguluhan siya. At saan naman siya pupunta? Sa pagkakatanda niya ay gabi na at wala naman siyang alam na may lakad sila ng ganitong oras.

"Hindi mo alam?"

"Pasensiya na po. Hindi ko po kayo maintindihan." Nagulat siya nang biglang ayusin nito ang buhok niya.

"Maganda kang bata... at tingin ko hindi ka rin tanga para maramdamang hindi na rito umuuwi si Tita Alice."

Napatingin siya sa kuwarto ni Alice. Ilang araw na ngang hindi umuuwi ito. Dalawang araw bago umuwi si Malik ay umalis ito. Sinabi nito kung saan pupunta at kung bakit. Nothings to worry as her comprehension understand the situation. But, why Cielo's tone was sending her a scary news?

"She's sick. Oh, I'm sorry. Tatagalugin ko para maunawaan mo. May sakit si Tita. Kaya hindi siya gaanong nagkikikilos ay dahil baka ikamatay niya kapag nasobrahan siya sa pagod. Ilang taon na siyang ganoon kaya mag-isang tinataguyod ni Malik ang pamilyang ito. Hanggang sa mangailangan na sila ng pera. Lumapit si Malik sa pamilya namin at ang kabayaran ay ang buong lupaing ito hanggang sa pinakamaliit na detalye. Pero kulang pa rin... kaya't nagpasya ang pamilyang kong sasaluhin ang lahat ng pangangailangan ni Tita basta't magpapakasal si Malik sa akin."

"Hindi ko po kayo maintindihan." She lied, but all was clear for her. Wala na siyang karapatang manatili pa rito dahil hindi na si Malik ang may-ari ng palasyong kinilala niyang tahanan. Maging si Malik ay tinataboy na siya.

"Bata ka pa kasi kaya hindi mo maintindihan. Alright, ipapaliwanag ko sa'yo sa mas madaling paraan. Hindi ka kailangan ni Malik kaya hindi mo na kailangang manatili pa rito." She mockingly smiled at her. Tumalikod sa kanya pero hindi umaalis sa puwesto. "Bukas pupunta rito ang pamilya ko at ilang matataas at kilalang tao. Ipapahayag ang engagement namin. Marami akong guest at iyang kuwarto mo ay kakailanganin ko. Pack your things, little girl. Pagbibigyan kita hanggang ngayong gabi at bukas gusto kong umalis ka na." Bigla itong humarap sa kanya na ikinagulat niya. "Huwag mong sasabihin ito kay Malik. Dahil kapag nalaman niya tiyak magagalit sa akin 'yon. At kapag nagalit siya hindi matutuloy ang kasal. Kapag hindi natuloy ang kasal, paano na si Tita Alice?"

Marahan siyang tumango.

Ngumiti si Cielo. "Very good. Okay, good night."

Walang patid ang luha sa kanyang mata habang nakaupo sa gilid. Hindi manlang niya alam ang tungkol sa sakit ni Alice. Inilihim nito iyon sa kanya kahit ni Malik. All this time, they were very good at her. Kung sasabihin niya kay Malik ang pag-alis niya malamang ay mangyayari ang sinabi ni Cielo. Ayaw niyang mamatay si Alice. Itinuring niya na itong pangalawang ina kaya kahit mabigat nagpanggap siyang masaya kinabukasan.

Abala ang lahat. Tama si Cielo, darating nga ang pamilya nito. Inalis niya na agad ang mga gamit niya sa kuwarto at inilagay sa kamalig. Kahit napakasakit ay kinimkim niya iyon lalo noong ayain siya ni Malik sa hapagkainan. Okupado ang mahabang lamesa ng pamilyang Twinny kasama ang Mayor at ilang opisyales ng lugar.

Hindi nga siya nililingon ng mga ito dahil ang buong atensyon ay kay Malik at sa katabi nitong si Cielo. Kahit ang pinag-uusapan ay hindi niya maintindihan dahil pure English at malalim.

Nang tumayo ang pinakamatandang lalaki ng Twinny, sumabay siya sa pag-alis sa hapagkainan. Dumiretso agad siya sa kamalig at doon nanatili buong maghapon. Walang laman ang isip niya kung hindi ang imahe ng may sakit na si Alice. Kaya pala habang tumatagal ay pumuputla ito. Palagi rin itong may lipstick kahit pa sana bahay lang naman.

"Why you're here? Bakit hindi ka pa naliligo?"

"Pinapakain ko lang si Patillon. Maliligo rin ako." Huminga siya ng malalim para pigilan ang nagbabadyang luha.

"Halika. Ihahatid kita sa kuwarto mo."

"Malik, you heard her, right? Hayaan mo muna si Hermosa rito, 'yung tinutukoy ko sa'yong sikat na Engineer dumating na raw." Hinila ni Cielo ito sa braso, pero nanatiling nakatingin sa kanya si Malik.

Ngumiti siya rito para ipakitang okay lang siya. "Susunod ako sa loob. Ubusin ko lang 'tong pagkain ni Patillon."

Tumango ito sa kanya. "Hihintayin kita sa loob."

Nanatili siyang nakangiti hanggang sa mawala sa paningin niya si Malik. Nagdilim na lahat-lahat ay naroon pa rin siya sa kamalig walang patid sa pagluha.

A silhouette of a woman appeared in front of her. Cielo on her beautiful red dress. Hindi gaya ng dati, nanghahamak ang nakataas na kilay nito. Nakahalukipkip at nandidiri sa kanyang prisensya. "You're still here."

Agad siyang napatayo sa takot. Lalo noong may dalawang lalaki ang pumasok at agad siyang hinawakan sa magkabilang braso.

"You seem frightened. Sige bibigyan kita ng rason para umalis. Nalaman kong mula noong dumating ka rito ay lumala ang sakit ni Tita Alice. Nagkaroon ng sakit ang mga alagang manok at ilan sa punong niyog na pinagmumulan ng kabuhayan ng ilang tao rito ay nangamatay. Tell me, did you cursed this place?"

"Hindi po iyan totoo," dipensa niya.

Cielo mockingly hissed, "Mukha ba akong nagbibiro? You bring bad luck to this family. Tanungin mo 'yang dalawang lalaki. Sila ang magpapatunay." Pumitik ito sa kawalan ng may naaalala. "I heard from the maids, tinatago ka sa kuwarto dahil baka saktan ka ng mga tiga-rito. Hindi ka ba nagtataka?"

Muling dumaloy ang luha sa kanyang pisngi habang inaalala ang mga araw na nagpupumilit siyang lumabas. Malik was really angry each time she tried to escape.

"And now, Tita Alice life is in danger. Lumalala ang sakit niya pero ikaw pa rin ang inaalala niya. Bakit? Kinulam mo siya? May nakapagsabi rin sa akin na dinala ka ni Malik dito na ang suot mong damit ay puro dugo. Oh my god. Are you some kind of satanic creature?"

Umiling siya na inirapan lang ni Cielo. She looks doubted and nasty at her. "Ilabas niyo 'yan at siguraduhing hindi na makakabalik dito!" Utos nito sa dalawang lalaki bago umalis.

Nagmakaawa siyang huwag gawin iyon pero marahas siyang hinila ng dalawang lalaki patungong kagubatan. Tinulak siya ng mga ito papasok kahit pa pilit siyang gustong sumama pabalik.

"Parang-awa niyo na. Hayaan niyong magpaliwanag ako kay Malik. Pakiusap!" Nasindak siya noong tutukan ng kutsilyo ng lalaki.

"Kapag nagpumilit ka miss mapipilitan akong gawin ito. Huwag ka ng bumalik. Sumpa ka sa nayon na ito!"

Lalong nanikip ang kanyang dibdib sa naalala. Marahas niyang binalya ang shower para buksan iyon. She will punish herself by taking a cold shower. Her heart we're beating wildly as her body numbing down. The sudden diversion of feeling caused by the icy water makes her body chilly. She might be going to catch a cold but she doesn't care.

Her tears were pooled on her cheek. Malik's accusing expression was her weakness. Kung siguro'y hindi siya umalis doon, baka bumigay siya. Nakakapanghina ang prisensiya nito. He almost crashed her tall and great walls only by asking who she is. His soft and husky voice was pulling her old self to almost throw herself at him and gave in.

She harshly washed her face using her bare and shaking hands. Bakit mo tinatanong kung sino ako Malik? Bakit? Dahil ba gusto mong ipamukha sa aking isinumpa ko ang pamilya mo?


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C14
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン