アプリをダウンロード
14.94% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 58: Excuse Me

章 58: Excuse Me

"Binigay sa akin ni Sir Dariel yung Palawan project!"

"Ha?" Agad akong nagulat pano ba naman matagal ko ng inaawitan yung project na yun kasi nga di pa ko nakakarating ng Palawan kaya gusto ko talagang sakin yun mapunta. Kaya bigla akong napahinto sa gitna ng hallway at napatingin sa muka ni Alvin. Gusto ko kasing masiguro na nagsasabi siya ng totoo.

"Pero bibigay ko sayo yung project sa isang kondisyun?" Mapupungay na mata na sabi sa akin ni Avin.

"Ano nanaman yun?" Seryoso ko ding sabi. Last time kasi na humingi ng pabor sa akin si Alvin nung pilitin niya kong maging kunwaring GF niya sa harap nung EX niya na patuloy na naghahabol sa kanya. Ang kapalit nilibre lang naman niya ko ng eat all you can sa Viking sulit din naman kaya pinagbigyan ko na.

"Sagutin mo na kasi ako!" Pagmamakaawa niya sa akin.

"Bwisit ka!" Sabay batok sa kanya kasi walang wala nanamang kwenta yung lumabas sa bunganga niya.

"EXCUSE ME!"

Narinig kong sabi ni Martin sa likod namin kaya bigla akong huminto sa pananakit kay Alvin. Nakaharang kasi kaming dalawa kaya agad akong tumabi at binigyan ko siya ng way sabay sabi ng "Sorry!" na parang nahihiya ako sa inasal ko kanina. Agad naman siyang lumakad paabante at dumiretso sa receptionist naming si Dina at di na kami pinansin.

Narinig kong nagpakilala siya at nagsabing may appointment siya kay Boss Helen. Ng matapos siyang magsalita muli siyang lumingon sa akin na agad ko namang iniwasan ang tingin niya.

"Tara na! Late na tayo!" Pagyaya ni Alvin sa akin sabay hila sa kamay ko. Bago kami tuluyang makapasok sa office muli kong tininganan si Martin kausap niya na uli si Dina at dinala siya sa conference room namin.

Napaka guapong tingnan ni Martin sa suot niyang long sleeve na kulay white habang naka tuck-in sa suot niyang itim na slacks. Saka itim din siyang leather shoes kitang kita mo yung kakisigan. Samantalang ako naka pantalon lang ng maong at naka polo shirt na may logo ng company namin. Habang naka sukbit ang back pack ko sa kanang balikat ko.

Kung magtatabi kaming dalawa muka niya kong utusan.

"Hays!" Butong hininga ko. Bigla nanaman akong nalungkot.

"Hoy! Kanina ka pa tulala!" Saway sakin ni Alvin nung nasa pintuan na kami ng cubicle namin.

"Siguro crush mo yung lalaki kanina noh! Nakita ko yung mga tingin mo, Kulang nalang tumulo ang laway mo sa pagkakatitig sa kanya."

"Ewan ko sayo Alvin! Lumayas ka nga sa harap ko bago kita sipain!" Pagtataboy ko sakanya. Agad akong umupo sa upuan ko at inilabas ang laptop. Ayaw ko ng isipin si Martin lalo pa nga nakikita ko na mismo yung difference naming dalawa. Minabuti ko nalang gawin yung report ko at ng maipasa na.

Pero bago ko pa tuluyang maumpisahan ang paggawa ko ng report narinig kong pumasok yung Secretary ni Boss Helen at tinatawag ako.

"Bakit?" Agad ko namang sagot.

"Pinapatawag ka po ni Boss Helen, Punta ka daw po sa conference room." Magalang na sagot sakin ng Secretary.

"Sige... Salamat!" Sagot ko naman.

"Labas po muna ako!" Sigaw ko naman sa mga kasama ko. Narinig naman nila yung sinabi ng Secretary ni Boss Helen kaya alam naman nila kung saan ako pupunta. Sinabi ko nalang na aalis ako para alam nila na wala ako sa table ko.

Agad akong lumabas at dumiretso sa conference room kung saan ako pinapapunta.

"Bakit kaya ako pinapatawag?" Di ko maiwasang itanong sa sarili ko habang naglalakad ako.

"Thump... Thump...!" Muling kaba ng dibdib ko pano ba naman magkakaharap kami muli ni Martin. Sabagay pagkakataon ko na pala ito para makuha yung bank account niya para maibalik yung pera niya sa akin. Kaya nagmadali akong lumakad para makarating ako kaagad dun sa meeting place.

"Hays!" Muli akong bumuntong hininga para mawala yung kaba ko bago ako tuluyang kumatok.

"Knock...Knock...!" Mahina kong katok.

"Come in!" Narinig kong sagot ni Boss Helen kaya agad akong pumasok.

"Good Morning Ma'am and Sir!" Bati ko sa kanilang dalawa na parehas naka upo sa isang mahabang lamesa. Nakita ko yung mga plano na nakalatag sa ibabaw nun. Mukang may dini discuss silang project.

"Tawag niyo daw po ako Boss?"

Mahina kong tanong kay Boss Helen. Paano ba naman pagpasok ko palang nakatingin na sa akin si Martin at mukang mainit ang ulo niya. Kaya agad akong nagbaba ng tingin na parang isang timid girl na takot pagalitan.

"Help mo on this Michelle! Di satisfied si Mr. Martin sa ginawang proposal ni Anthony." Sabay abot sakin ng isang papel na agad ko namang tinanggap habang nakatayo.

"Please seat!" Sabay hila ni Martin ng isang upuan malapit sa kanya. Dahil nga nag offer na siya wala na kong nagawa kundi umupo doon. Kung tutuusin naman okey lang naman ang pwesto na binigay niya sa akin nasa pagitan kasi ako nila ni Boss Helen pero sadyang malapit lang ako ng sa kanya. Pero kung ako lang sana uupo ako mas malayo sa kanya at mas malapt kay Boss Helen.

Agad kong binasa yung proposal. Ito pala yung project sa Pagudpod na tinangihan ko last time. Agad kong chineck yung mga items and labor sa tingin ko naman tama naman siya.

"Anong problema Boss?" Tanong ko kay Boss Helen ng matapos ko basahin yung proposal.

"Ask Mr. Martin?" Sabay turo kay Martin na nakaupo sa tapat niya. Kaya muli kong inulit yung tanong kay Sir Martin.

"Ano pong problema Sir?" Magalang kong sabi habang nakatingin ako sa muka niya at ganun din siya sa akin.

Pero bago pa siya sumagot biglang tumunog yung cellphone ni Boss Helen kaya nabaling yung tingin namin sa kanya.

"Sorry! Excuse me, Sagutin ko lang ito!" Agad na tumayo si Boss Helen at tuluyang lumabas ng conference room.

Nung makalabas si Boss Helen muli akong tumingin kay Sir Martin. Para hingin yung sagot niya na agad naman niyang binigay.

"Actually walang problema sa proposal!"

"Wala pong problema?" Naguguluhan ko ding sagot.

"So ano pong concern?" Magalang ko ulit na tanong.

"Ayaw ko ng taong may handle nung project!" Diretso niyang sagot sa akin.

"Ha?" Di ko maiwasang magulat sa sagot niya.


next chapter
Load failed, please RETRY

週次パワーステータス

Rank -- 推薦 ランキング
Stone -- 推薦 チケット

バッチアンロック

目次

表示オプション

バックグラウンド

フォント

大きさ

章のコメント

レビューを書く 読み取りステータス: C58
投稿に失敗します。もう一度やり直してください
  • テキストの品質
  • アップデートの安定性
  • ストーリー展開
  • キャラクターデザイン
  • 世界の背景

合計スコア 0.0

レビューが正常に投稿されました! レビューをもっと読む
パワーストーンで投票する
Rank NO.-- パワーランキング
Stone -- 推薦チケット
不適切なコンテンツを報告する
error ヒント

不正使用を報告

段落のコメント

ログイン